Share

Chapter 2

"HUWAG mo nang pansinin..."

"Wala akong narinig," she lied. Ang totoo, pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa mga sinabing panghuhusga ng waitress. Tila kilalang-kilala siya nito para maliitin ang kanyang pagkatao. Mahirap man sila, pero alam niya sa sarili niyang mabuti at marangal siyang tao. "Saan nga pala tayo pupunta?"

Sinagot ni Jerry ang tanong ng dalaga nang makapasok na sila ng sasakyan nito na nakahimpil lang sa unahan ng inalisan nilang restaurant. "Let's go to my place."

"Sa condo mo?" mulagat ni Jamilla.

"Girlfriend kita kaya natural lang siguro na alam mo ang tinitirahan ko. And one day, ako naman ang pupunta sa inyo para makita ko rin ang bahay niyo at makilala ko ang pamilya mo."

Napangiti si Jamilla. Sa sinabi ng nobyo, natitiyak na niyang seryoso ito sa kanya. And she will hold that sincerity deep in her heart.

Minsan kasi ay nagdududa siya dahil sa malayong agwat ng estado nila sa buhay. Pero ngayon ay binigyan siya nito ng pag-asa na ang katulad niyang simple at ordinaryong babae ay hindi lang puwedeng mangarap ng mataas. Everything can be possible, as long as there's faith. Tama. Maraming beses siyang nanalig at nagdasal na sana mahalin siya ni Jerry ng tapat.

"Ipagluluto kita ng mga paborito mo."

"Marunong kang magluto?"

"Oo naman."

Lalong humanga si Jamilla sa nobyo. Pogi points din sa mga lalaki ang may alam sa pagluluto. Karamihan kasi sa kanila ay marunong lang kumain. "Mukhang tataba ako kapag lagi na tayong magkasama."

"It's fine with me. Hindi ang hitsura o panlabas mo ang minahal ko."

Lihim uling nakaramdam ng kilig si Jamilla. Unang buwan pa lang nila bilang magkasintahan, pero lumalalim na nang lumalalim ang pagmamahal niya rito dahil sa maraming magagandang katangian nito. "Pero hindi ba nakakahiya?"

"Mag-isa lang ako roon kaya wala kang dapat na ikahiya."

"Baka kasi anong isipin ng mga tao kapag nalaman na magkasama tayong dalawa sa iisang bahay."

"I know what you mean." Humugot ito ng limang libo sa pitaka. "Mauuna ako roon. Go somewhere first bago ka sumunod. Go shopping. Here's my address," sabay abot nito sa nobya ng calling card. "At least three hours, then I'll wait you there. Baka tapos na rin ako niyang magluto."

"Tutulungan kita."

"No, no. Just do what I say, okay? Siguradong mayroong makakapansin sa atin kapag nagsabay tayo."

"Ah, okay."

"And..."

Napansin ni Jamilla ang pag-aalinlangan ng nobyo. "Okay lang. Sabihin mo na. Alam mo namang malawak ang pag-unawa ko."

"Thanks for understanding. Kaya mahal na mahal kita," buong paglalambing nitong pinisil ang tungki ng ilong ng dalaga na muling namula sa kilig na nararamdaman.

"Ano bang sasabihin mo?"

"Siguradong tatanungin ka ng security guard na nakatanod sa lobby ng tinitirahan kong condo. Can you tell him that you're my cleaner?"

Sandaling napatda si Jamilla dahil sa narinig. Iba kasi ang inaasahan niya na sasabihin ng nobyo.

"Wala na akong ibang maisip na idadahilan nang hindi sila magdududa. I have random cleaners almost every day, so they wouldn't think anything in suspicion." Tinitigan nito ang natulalang dalaga. "It seems you don't like the idea. I will think another way."

"H-hindi!" pautal na wika ni Jamilla. "Okay lang sa akin."

"Are you sure?"

Tumango siya. "Bibili na lang ako ng damit na babagay sa isang cleaner."

"No need. Okay na 'yang suot mo. May mga cleaner naman ako na hindi nalalayo ang kasuotan sa 'yo."

Kung maaari lang na ilubog ni Jamilla ang sarili, ginawa na niya iyon sa mismong kinauupuan. Hearing those words of humiliation, dinaig pa niya ang tinanggalan ng dangal.

"Is it fine with you?"

"O-oo naman," pautal uli niyang tugon. "Naiintindihan ko. Sinabi ko naman sa 'yo na malawak ang isip at pag-unawa ko."

"Settled, then. Thanks. Mauna na ako sa bahay."

"Sige."

Lumipas ang ilang segundong pinako sila sa kanilang mga posisyon. Napangiti si Jerry. "Hindi ako makakauwi niyan kung nandito ka pa sa loob ng kotse ko."

"Ah, oo nga pala. Pasensiya na. Bababa na ako. Bye."

"Bye."

She controls herself not to fall as weakness envelopes her body while alighting from the car. Hatid-tanaw ni Jamilla ang papalayong kotse ng nobyo. Matapos niyong mawala sa paningin ay dahan-dahan niyang pinasadahan ng maluha-luhang mga mata ang kasuotan. Mumurahin lang iyon, pero pinag-ipunan niya ang pambili. Gumugol din siya nang halos tatlong oras sa pag-aayos upang maging maganda sa paningin ni Jerry. But all she has done ends in vain. At ilang beses siyang napahiya sa ilang oras pa lang na magkasama sila.

Maganda nga ang ideyang doon na lang sila sa condo. Makakakilos sila nang malaya ng walang mga matang nakatingin sa kanila at hindi rin sila mag-aalala na baka may ibang tao sa kanilang makakita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status