Share

Chapter 4

MASAKIT ang halos buong katawan ni Jamilla. Wala rin siyang lakas para bumangon. Matapos ang namagitan sa kanila ng nobyo kahapon ay hindi na siya makakilos nang maayos.

"Anak?"

"Ma."

"Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Meron po."

"Anong oras na?" Sinulyapan pa ni Marta ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding ng silid ng anak, "Baka ma-late ka na."

"Parang hindi ko po kayang magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko. Tatawag na lang siguro ako sa supervisor ko na hindi ako makakapasok ngayong araw."

Lumapit at naupo ang ginang sa gilid ng higaan. "Mainit ka nga," wika nito nang sinalat ang noo ng anak. "Ibibili kita ng gamot." Tumayo ito, ngunit bigla ring napahinto sa akto sanang pagtalikod. "Wala nga pala akong perang pambili. Baka meron kang naitatabi riyan?"

Naalala ni Jamilla ang inabot sa kanya kahapon ng nobyo. Mahigit limang daan lamang ang nabawas niya roon. Hindi na rin naman iyon tinanggap ni Jerry nang ibinabalik niya rito.

Kinuha ng dalaga sa bag ang buong tatlong libo at ibinigay sa ina. "Itabi niyo po ang iba para sa gamot ni Tatay."

"Salamat, anak. Sa susunod na linggo ay sahod na rin ng kuya mo. Sige na. Bumalik ka uli sa pagtulog. Ibibili kita ng gamot."

Napatitig sa kawalan ang dalaga nang makalabas ng silid ang ina. Malinaw pa rin sa isip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Jerry. At wala siyang pinagsisisihan. Nangako naman ito sa kanya na pakakasalan siya sa lahat nang simbahan.

Napangiti si Jamilla habang nakikita sa balintataw ang sarili na nakasuot ng trahe de boda. Bawat babae naman ay nangangarap niyon. Suwerte lang talaga na nakahanap siya nang tulad ni Jerry na hindi tumitingin sa estado ng buhay.

"Ate?"

Napukaw ang naglalakbay na diwa ng dalaga sa narinig na pagtawag sa kanya. Bumungad sa bukana ng silid niya ang nakababatang kapatid. Walang pinto iyon. Kurtina lang ang nakatabing doon.

"May sakit ka raw sabi ni Mama?"

"Halika, pasok ka."

Naupo sa gilid ng higaan si Lala nang makapasok sa silid. "Anong sakit mo? Siguradong may biscuit at softdrinks ka niyan."

Nagkatawanan ang magkapatid. Ganoon kasi ang kanilang ina kapag may sakit sa pamilya. Sa kapanahunan daw nito, magaling na kombinasyon iyon para mawala ang anumang hindi magandang nararamdaman ng katawan.

"Nanghihina lang ako," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Lala. "Baka trangkasuhin ako. Exam mo na next week kaya hindi ka dapat mahawaan."

"Ikaw lang naman ang sakitin sa pamilya," ismid nito. "Kaya pala taranta na naman si Mama na pumunta ng palengke dahil may sakit ang paborito niyang anak."

"Heh! Mahal tayo lahat ni Mama!"

"Biro lang!" Humilig ito sa tabi ng kapatid. "Malapit na akong maka-graduate. May katulong na kayong dalawa ni Kuya sa mga gastusin dito kapag nakahanap na ako ng trabaho."

Napangiti si Jamilla. Kahit gaano kahirap ang kanilang buhay, gumagaan lagi iyon dahil magkakasama silang nagtutulungan.

Hindi man sila nakatuntong ng kolehiyo ng panganay na kapatid, matutupad naman ang pangarap nila para sa kanilang bunso.

"Kapag stable na ako sa trabaho, puwede na kayong mag-asawa ni Kuya."

Natawa si Jamilla.

"Anong pag-aasawa iyang naririnig ko?"

Nadako ang tingin ng dalawa sa bungad ng pinto. Naroon ang kanilang ama na may hawak na itak.

"Pa, gusto mo bang tumanda kaming tatlo nang wala man lang kasama sa buhay?" asik ni Lala.

Pumasok ang ginoo at naupo sa paanan ng higaan. "Basta ba ang pipiliin niyo ay 'yong taong hindi kayo sasaktan o lolokohin dahil sa oras lang na umiyak kayo..." Itinaas nito ang hawak na patalim, "Iitakin ko sila!"

Muling nagkatawanan sina Jamilla at Lala. Bigla namang naisip ng una si Jerry. Umaasa siya na hindi nito magagawa ang saktan siya't lokohin.

"MUM?"

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon."

"What are you doing here?" Lumapit si Jerry sa ina na komportableng nakaupo sa sopa at humalik sa pisngi nito. "You're supposed to be in Paris, right?"

"Sinong hindi mapapauwi kapag narinig ang balitang ang nag-iisa kong anak ay nakikipagkita nang palihim sa saleslady ng Avalanche Shoe Mart?"

"Wow! May inutusan ka bang tao para matyagan at sundan ako?"

"Then, he's right?"

"Yeah. And there's nothing wrong with it."

"For goodness sake, Jerry! Will you act as an elite once and for all?"

Natawa ang binata. "Mum, relax. Masyado kang high blood. Kilala mo naman ako, 'di ba? May expiration date ang mga babaing dumaraan sa buhay ko. So, forget your worries. Jamilla is nothing to me. Besides, I paid her well. And she even says thank you. I'm so generous, right?"

"Siguraduhin mo lang na hindi magmamantsa ang pagkakalat mo. Sa oras na mabatikan ng dumi ang ating pangalan, tatanggalan ka namin ng mana."

"I know, I know."

Huminahon si Amelita. "Bakit ka nga pala umuwi rito?"

"I'm also a son who longs for a home. And good thing na narito ka." Masuyo niyang inakbayan ang ina, "I missed you."

"Cut that crap!" sabay siko nito sa tagiliran ng binata. "I guess it's about time na para mag-asawa ka. Nang hindi ka na namin pinu-problema ng Daddy mo."

"What?"

"Give us a heir and heiress."

"Am I not enough?"

"Mas mabuti nang sigurado na hindi mapupunta sa iba ang pinaghirapan namin ng daddy mo."

"Don't worry, mum. Hahaba pa ang buhay ko. Iikli lang iyon kapag nag-asawa ako. Sakit sa ulo lang ang mga babae." Napansin niya ang masamang tingin ng ina. "Hindi ka kasama roon."

"You're thirty-one already. Ang edad na iyan ay dapat lumalagay na sa tahimik."

"I'm having a peaceful life, so worry not. And besides, I'm still enjoying being a bachelor."

Naputol ang usapan ng mag-ina nang makarinig sila ng sasakyan sa labas.

"Kasama mo bang umuwi si Daddy?"

"No. I came back from Paris with someone na siguradong magpapabago sa desisyon mo tungkol sa pag-aasawa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status