Share

Chapter 3

"CLEANER?"

Tumango si Jamilla na itinaas pa ang biniling mop at toilet bowl brush para mas kapani-paniwala ang kanyang papel na gagampanan sa harap ng security guard na halata sa mukha ang pagiging istrikto. Hindi iyon nasabi ni Jerry. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bumili ng mga props.

"Kumuha na naman siya ng bagong tagapaglinis. Malaki siguro ang ibinabayad ni Sir Jerry."

"Gan'on na nga po," sang-ayon niya sa sinabi ng guwardiya. "Sayang din naman po kasi kung tatanggihan ko. Malaking tulong na po iyon sa pamilya ko."

"Sabagay. Praktikal na nga ngayon ang panahon. Pero magaling siyang pumili. Magaganda at bata ang kanyang mga kinukuha," wika nito habang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang kaharap.

"Ano pong ibig niyong sabihin, manong?"

Hindi na nasagot ng lalaki si Jamilla dahil may dumating na isa ring bisita ng gusaling iyon. "Sige na. Akyat na."

"Salamat po."

Mabilis na niyang tinungo ang isa sa mga hilera ng elevator bago pa magbago ang isip ng guwardiya. Agad niyang pinindot ang button patungong penthouse nang makapasok doon.

Humanga ang dalaga sa ganda ng interior design ng hallway. Pinaghalong modern at gothic ang kabuuan niyon na maaliwas sa mata. The paintings on both sides of the walls look very expensive. And even the lighting surely costs a fortune.

Nakakaliit sa tulad niya ang tumapak sa ganoong klaseng lugar, pero iniisip na lang niyang masuwerte siya dahil kapag nasabi na ni Jerry sa mga magulang ang lihim nilang relasyon, she will live that kind of living, too. Parang isang fairytale. And who would not dream that kind of life? She's just an ordinary commoner who luckily found a prince.

Tumapat si Jamilla sa nag-iisang pinto sa penthouse. Inayos muna niya ang sarili bago pinindot ang doorbell.

Sumalubong sa dalaga ang nakangiting nobyo. At agad siyang ikinulong nito sa mga bisig at tila gutom na sinakop ang kanyang mga labi.

Hindi nagprotesta si Jamilla dahil gusto niya ang init na hatid niyon sa katawan. Nagpaikot-ikot silang dalawa sa loob ng malawak na silid hanggang humantong sila sa tapat ng malapad ng kama.

"I prefer these for you..."

Napatingin naman si Jamilla sa tinukoy ng nobyo. Petals of red roses scattered all over the bed. And candles were lighted on the floor. Ang senaryong iyon ay ilang beses na niyang nakita sa mga pinapanood na mga teleserye. Iba pala ang pakiramdam na maranasan ang ganoong espesyal na pagtrato sa reyalidad.

"Nagustuhan mo ba?"

Maluha-luhang tumango si Jamilla. Walang eksaktong salita ang tatapat sa kaligayahan na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon.

"And here's my gift."

Napatakip sa bibig si Jamilla nang makita ang diyamanteng singsing na inilahad sa kanya ni Jerry. It was really a dream come true.

"You like it?"

Sunud-sunod siyang napatango at tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya habang isinusuot iyon ng nobyo sa kanyang daliri.

"This is my token of love."

"Iingatan ko ito tulad nang pagmamahal ko sa'yo."

"Where's my gift?"

"Ay, oo. Meron din ako. Hindi nga lang mamahalin."

Aktong kukunin ni Jamilla sa bag ang biniling regalo nang pigilan ng binata ang kanyang kamay at dinala iyon sa tapat ng labi nito kasabay nang paggawad doon ng masuyong halik.

"I want you."

"Ha?"

"You're the best gift for me."

Muling naglapat ang labi ng dalawa hanggang natangay na ng kakaibang init si Jamilla.

Nakaramdam siya ng hiya nang paisa- isang hubarin ni Jerry ang kanilang kasuotan lalo na nang titigan nito ang kanyang kahubaran. Gusto sana niyang umatras, pero ayaw niyang magalit ang nobyo. Minsan na kasing ipinaalala sa kanya ng mga magulang na panatilihin niya ang kanyang pagka-birhen dahil iyon ang pinakamagandang maireregalo niya sa mapapangasawa.

Pero naniniwala si Jamilla sa mga oras na iyon na sila nang dalawa ang itinakda ng tadhana na magsasama hanggang sa huli. Kaya walang masama kung isuko na niya ang pagkababae sa nobyo.

Tuluyan na nga siyang nagpaubaya. She's a little scared, but somehow, she likes what Jerry is doing to her body. Pinadaanan halos ng dila nito ang kanyang buong katawan mula leeg paibaba sa talampakan.

Malakas na napaungol si Jamilla nang maramdaman na lamang ang malikot at mainit na dilang nilalaro ang kanyang pagkababae. Nakikiliti siya. Parang gusto niyang maihi sa kilig.

"Do you want me to stop?" tanong ni Jerry nang may kalakip na pang-aakit.

Nahihiya siyang ibuka ang bibig kaya marahan na lang siyang umiling. At lihim na napangisi niyon si Jerry lalo na't unang pagkakataon nito na nakatagpo ng birhen o malinis na babae.

He will savour every detail of it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status