Anong oras nang natulog si Hannah noon pero maaga pa rin siyang nagising. Hindi nga lang siya bumangon pero rinig niya ang mga taong nagsasalita sa labas ng kanyang kwarto.“Simon, pwede ka bang umuwi nang maaga ngayong gabi? Balak ko kasi sanang yayain mag-dinner ‘yong bagong nakatirang babae dyan sa kabilang kwarto,” natawa na lang si Hannah nang marinig niya ito mula sa matanda.Pero, masaya ang puso ni Hannah dahil ramdam niyang gusto talaga siya noong matanda na mag-stay roon. Para bang welcome na welcome siya.“Hindi ako pwedeng bumalik agad, kung gusto mo ikaw na lang ang sumabay sa kanya,” boring na sabi ni Simon, para siyang isang bato dahil ang tigas niyang sumagot.Sa isip-isip ni Hannah, kung may babaeng gusto ang mga ganitong klase ng lalaki, sigurado siya na isa iyong masokista. Napuna agad ni Hannah ang ugali noong lalaki dahil pagkatapos ng dalawang beses nilang pag-uusap ay inis na inis na siya rito. At syempre, ayaw niya noon.Nang makaalis na ang lalaki ay doon na
Kahit na sinabihan na siya ng matanda na mag-ayos ng kanyang sarili ay hindi pa rin iyon ang ginawa niya. Pumasok siya sa kanyang kwarto nang hindi pa nagsusuklay o di kaya ay naghuhugas ng mukha. Agad siyang humiga sa kanyang kama pagkatapos ay nilabas niya ang kanyang cellphone. Pabalik pa lang si Hannah noon sa bahay ni Mrs. Loreza ay tunog na nang tunog ang cellphone niya. Hindi niya alam kung sino ang nagte-text sa kanya. Pwede naman niyang tingnan kung sino iyon, hindi na lang siya magre-reply.Profile picture pala iyon ni Mary. Nang makita niya iyon ay parang nalungkot ang puso niya. Aminado siya na hinihintay niya pa rin ang text messages ni Jared, hindi naman dahil gusto niyang mag-sorry si Jared sa kanya at makipagbalikan siya rito, pero bigla na lang kasi siyang nawala pero hindi man lang siya nito hinanap. Iyon ang kinasasakit ng puso niya. Pakiramdam niya, isa siyang talunan.Kahit ba sana isipin na lang sana ni jared na isa siyang family member o di kaya kasamahan sa tr
“Eh di, magpakasal tayong dalawa,” dahil sa sinabing ito ni Simon ay nagulat si Hannah. Inulit pa ito ni Simon dahil parang hindi pa nagsi-sink in kay Hannah kung ano ‘yong sinabi niya.“Magpakasal na tayong dalawa.”Hindi lubos akalain ni Hannah na ang isang lalaking kakakilala niya lang at dalawang beses pa lang niyang nakakausap ay yayayain na siyang magpakasal. Samantalang ‘yong lalaking mahal niya ng sampung taon ay nagtatago pa ng kabit.Nang makalma na si Hannah ay agad niyang tinanong si Simon. “Simon, hindi ba sobrang bilis naman yata ng pangyayari?”Kahit sinabi na iyon ni Hannah ay hindi pa rin nagbabago ang mukha ni Simon. Seryoso pa rin ito kaya lalong kinabahan si Hannah.“Hindi ba ganoon din naman iyon? Kapag nakipag-date ka, magpapakasal ka? Eh dahil ayaw mo namang makipag-date, deretso kasal na lang tayo,” sagot ni Simon.Tama naman si Simon sa kanyang sinabi. Pero, pakiramdam ni Hannah ay may mali sa pag-iisip ng kausap niya. Normal ba sa isang tao na bigla na lang i
“Sabi mo soldier siya, ‘di ba? Kung may tiwala ang bansa sa kanya, dapat ikaw din,” sabi ni Liane. Walang sinagot si Hannah doon.“Nag-aalala ako na baka maging malungkot ka sa trip mo na iyan pero may nakilala ka palang lalaki. Naku, naniniwala talaga ako na makakamove-on ka sa sakit na dinulot ni Jared sa iyo,” dagdag pa ni Liane.Pagdating kay Jared, pakiramdam ni Hannah ay naagrabyado pa rin siya. Nakakulong pa ang kanyang puso. Hindi naman ganoon ang feeling niya kahapon. Hindi niya alam pero sa tuwing may nangyayari talagang ayaw niya ay parang sumasakit ang tiyan niya.“Hannah, kung ako sa iyo, tinanggap ko na ang alok ng sundalo na iyan at ihaharap ko kay Jared at sa pamilya niya. Para naman mapamukha mo sa kanila na kaya mo na kahit wala sila. Mawawasak si Jared niyan,” sabi ni Liane, natawa na lang si Hannah dahil sa sinabi ng kaibigan. Anghel naman ito kung minsan pero may pagkademonyo rin.“Tama ka naman sa sinabi mo. Hayaan mo, pag-iisipan ko iyang sinabi mo,” sagot ni Ha
Nakatulog na si Hannah noon. Nagising na lang siya dahil sa isang ingay mula sa labas. Hindi si Simon ang nagsasalita kung hindi isang babae. Hindi rin naman batang babae iyon dahil ang boses ng isang batang babae ay malumanay at malinaw. Ang boses na naririnig ni Hannah sa labas ay mabigat at magaspang.Alam na alam ni Hannah ang mga tono ng boses pero hindi niya nalaman agad na ang lalaking minahal niya ng sampung taon ay loko-loko pala. Paminsan-minsan talaga ay hindi pa rin mawala sa isip ni Hannah si Jared. Kahit ilang beses pa niyang sabihan ang sarili na kalimutan na ang lalaking iyon ay hindi niya talaga magawa.Hindi lumabas noon si Hannah, naupo lang siya sa kama at nakinig sa usapan doon sa labas.“Mrs. Lerazo, nasaan po si Simon?” tanong noong babae.“Umalis, maaga pa lang ay wala na siya rito,” sagot noong matanda, sa hula ni Hannah ay naglalaba ito dahil naririnig niya ang malakas na pagdaloy ng tubig sa labas.“Umalis? Akala ko ay hindi pa siya nabangon,” sagot noong ba
Nag-tooth brush na noon si Hannah pagkatapos ay nakita niyang pumasok na ‘yong babae sa loob ng bahay, kasama si Mrs. Lerazo. Hindi siya tinitingnan ni Hannah pero alam ni Hannah na titig na titig ‘yong babae sa kanya. Mula ulo hanggang paa.“Hannah, ito si Christine,” sabi ni Mrs. Lerazo. Dahil nagto-tooth brush pa nga siya ay tumango at ngumiti lang si Hannah.Masasabi ni Hannah na bilog ang mukha noong Christine pero hindi siya mataba. May mga bulaklak na print ang kanyang damit at may make-up rin siya sa mukha. Masasabi mong pinaghandaan talaga niya ang pagpunta sa bahay ni Mrs. Lerazo.“Christine, ito si Hannah. Gusto mo siyang makita, hindi ba? Tingnan mo kung gaano siya kaputi,” nakangiting sabi ni Mrs. Lerazo.Kitang-kita na guilty si Christine sa pagkukumpara ng kanyang sarili kay Hannah. Sa mga tingin pa lang niya, halata na. Iyon nga lang, hindi niya iyon inamin.“Syempre, bata pa siya. Kaya ang puti at kinis ng balat niya. Ganyan din naman ako noong kaedad niya ako eh.”Na
Nang buksan ni Hannah ang pinto ay nakita niya si Christine, may hawak ito na siyansi. Kung tingnan niya si Hannah ay parang kakainin niya ito nang buo dahil sa galit."O, nandyan pala kayo. Aba, talagang ang bilis ninyong magkaroon ng koneksyon, ano?" panloloko ng matanda kina Hannah at Simon."May sprain siya," sabi ni Simon pagkatapos ay inupo si Hannah sa bench na nasa loob ng bahay ni Mrs. Lerazo. nag-squat siya at tinanggal ang sapatos na suot ni Hannah at hinawakan ang mga paa nito.Malamig ang mga kamay ni Simon kaya nang lumapat iyon sa mga paa ni Hannah ay may kung anong kuryente siyang naramdaman. Naging sensitibo ang mga daliri ni Hannah sa paa noong mga oras na iyon."Huwag kang gumalaw,"sabi ni Simon. Kinurot-kurot ni Simon ang maga at mapulang parte ng paa ni Hannah."Ah, masakit," bulong ni Hannah.Hindi naman inalis ni Simon ang hawak niya sa paa ni Hannah. kinurot-kurot niya ito ulit."Masakit ba rito?" tanong niya kay Hannah.Umiling naman si Hannah. Kinurot-kurot p
Galit na sumagot si Christine. Ramdam na ramdam ni Hannah na guilty si Christine pero pilit nitong hindi pinapakita kay Simon at Mrs. Lerazo ang kanyang totoong nararamdaman. "Bakit mo naman sinasabi na ako ýong nagtapon niyan dyan? Nakita mo ba ako?" "Nagtanong-tanong ako. May nakapagsabi sa akin na ikaw daw ang nagtapon ng langis dyan," sagot ng landlady kày Christine.Tumigil nang pagsasalita si Christine. Tiningnan lang niya si Simon, 'yong tingin niya ay malungkot, pagkatapos ay nagsalita si Christine na ikinagulat ni Hannah."Sino ba ang nag-utos kay Hannah na landiin ka?" Alam ni Hannah na kahit kailan ay hindi niya nilandi si Simon. Inis na inis tuloy siya dahil ang galing ni Christine gumawa ng kwento at pagbintangan siya ng kung anu-ano.Habang nakatingin si Hannah doon sa dalawa ay napangiti siya. Masaya siya dahil pinagtatanggol siya nina Mrs. Lerazo at Simon pero sa kabilang banda ay nahihiya rin siya dahil dapat siya ang nagawa noon para sa sarili niya.Kaya lumabas s
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na