Nasaktan ka? Hay, naku. Alam mo, para gumaling ang sakit na nararamdaman, maghanap ka ng isang taong gagamot dito.”Iba talaga mag-isip si Mrs. Lerazo.“Ayaw kong magmahal ngayon. Ang gusto ko lang, ‘yong ganito. Mag-isa ako at masaya,” sagot naman ni Hannah.“Eh di sige, kaso baka may mapalagpas kang pagkakataon. ‘Yong pagkakataon na pang habambuhay. Ikaw ang bahala,” sagot naman ni Mrs. Lerrazo.Tumayo na ‘yong matanda pagkatapos ay hinugasan na ang kanyang pinagkainan. Iniwan niya si Hannah na nakain pa rin doon. Pagkatapos kumain ay sumakay muna siya sa kanyang bike para magpahangin. Wala na siyang paki noon kung umuwi na ba si Simon noon o hindi pa.Pagbalik niya ay nakita niyang nasa labas si Mrs. Lerazo, pakanta-kanta pa ito kaya alam ni Hannah na masaya ang matanda. Ilang araw nang naninirahan si Hannah roon pero ni minsan ay hindi niya pa nakikita ‘yong mga anak ni Mrs. Lerazo. Pero, ayos lang naman iyon sa kanya. Para sa kanya kasi ay parang anak na ang turin ni Nrs. Lerazo
Malaking problema raw sabi ni Mary kaya tinanong siya ni Hannah kung gaano kalaki ang problemang sinasabi. Hindi agad nataranta si Hannah dahil alam niyang mas lalaki ang problema kapag ginawa niya iyon.“Sabihin mo sa akin, gaano ba kalaking problema ang sinasabi mo?” tanong ni Hannah.“Nasira po iyon halos lahat. Hindi rin nag-match ‘yong ilaw sa design ng project kaya sobrang laki ng problema natin ngayon,” sagot ni Mary.“O, dahil alam mo naman pala kung ano ang pinaka problema niyan ay sabihin mo na lang iyan sa mga person in charge dyan. Gagawin ko na lang ang lahat na assigned sa aking trabaho pagbalik ko diyan. Okay?” sabi ni Hannah, pilit na kinakalma si Mary.“Miss Hannah, parang awa niyo na po. Bumalik na po kayo. Hindi ko kayang ayusin ito nang mag-isa. Hindi ko nga alam kay Sir Jared kung anong nangyayari sa kanya. Araw-araw siyang pumupunta roon sa amusement park at pagbalik niya, ang dami niyang pinapaayos na sira. Parang ako ‘yong masisiraan nang bait eh,” sabi ni Mary
Pagkatapos patayin ni Hannah ang tawag ay nag-book na siya ng flight pabalik. Ilang minuto pa ay nakita na niya ang ilang aerial photos na sinend ni Mary sa kanya. Doon niya nakumpirma na sobrang laki pala talaga ng problema noong amusement park.Kinabukasan nang umaga ay inayos na niya ang kanyang gamit dahil 9 o’clock ang kanyang flight. Nagmamadali siya noon dahil ayaw niyang mahuli at baka mag-book na naman siya ng ticket.“O, ang aga mong magising ngayon Hannah, anong yoga ba ang ginagawa mo?” tanong ni Mrs. Lerazo.Nagpa-practice kasi siya ng yoga nitong mga nakaraan kaya lagi siyang sinasabihan ni Mrs. Lerazo na mag-ingat dahil baka may mabali siyang buto o kung ano man. Pagkasabi ni Mrs. Lerazo noon ay agad na lumapit si Hannah.
“Binigay mo sa kanya ang lahat?” napangiti na lang si Harry.“Jared, sa tingin ko ay hindi mo nabigay ang lahat sa kanya pero ginawa mo siyang sunud-sunuran sa iyo. Iniisip mo na hindi niya kayang mabuhay nang wala ka. Sinabi mo rin naman na hindi ka interesado sa kanya. Hindi mo nga siya hinanap kahit ilang araw na siyang nawawala eh,” pagpapatuloy ni Harry.“Paano ko naman siya hahanapin? Magpapakalat ako ng papel sa kung saan-saan? Ilalagay ko, missing hanggang sa may makakita na sa kanya?” galit pang sabi ni Jared.Umiling na lang si Harry dahil ayaw na lang niyang magsalita pa. Naglaro na lang ulit siya ng bilyar. Pumasok na naman ang tira ni Harry. Kaya gusto siyang gantihan ni Jared.
Inaantok na si Hannah noon kaya kailangan niyang gumawa ng kape. Pumunta siya sa tea room at nagulat na lang siya nang makita niyang pumasok din doon si Jared. Kinalma niya ang kanyang sarili pero kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng kanyang ex-fiance. “Magandang umaga, Sir Jared,” bati pa rin niya katulad lang noong dati pagkatapos ay maglalakad na sana siya palabas.“Halika, pumunta tayo sa opisina ko. Ngayon na!” sagot ni Jared, dahil galit ay parang malalaglag na niya ang kape na kanyang hawak. Napabuntong hinga na lang siya bago ako sumagot kay Jared.“Okay po, sige,” maikling sagot niya pagkatapos ay sinundan na kung saan papunta si Jared.Umupo si Jared sa kanyang swivel chair. Suot nito ang isang black suit, white t-shirt at star shaped na neck-tie. Alam ni Hannah na siya ang nagbigay ng neck tie na iyon kay Jared noong birthday niya.Kahit kailan ay hindi niya iyon sinuot kaya akala ni Hananh ay hindi iyon gusto ni Jared. Hindi naman niya inakala na kung kailan pa sila
“Kung ganoon, mag-eexplain ako kay Tita at magso-sorry,” sabi ni Hannah.“Hannah, hindi naman iyon ang punto ng lahat ng ito. Tinatanong kita kung bakit hindi ka sumipot noon para ayusin ‘yong kasal natin?” pagkatapos sabihin iyon ay hinila ni Jared ang kanyang collar.Inis na inis si Hannah noon dahil si Jared na nga ang mali, siya pa ang may lakas nang loob para ibintang sa iba ang kasalanang ginawa niya. Hindi man lang makatunog na siya naman talaga ang puno’t dulo ng lahat.Wala nang pake noon si Hannah kung malaman ni Jared ang totoo. Kailangang malaman na niya na alam ni Hannah ang lahat at mali talaga ang pagkakamali niya.Nakayukong nagsalita noon si Hannah.“Aksidente kong napuntahan ang bahay ni Jane. Doon kasi ako pinapapunta ni Sec. Martinez noon,” sabi ni Hannah.Napatigil si Jared sa kanyang ginagawa. Ni hindi siya makagalaw dahil sa narinig. Hiyang-hiya siya kay Hannah kaya sinabihan niya agad ito.“Makinig ka sa akin-” hindi na natapos ni Jared ang kanyang sasabihin da
“Tsk. Okay, Hannah. Sinabi mo iyan. Huwag ka sanang magsisisi,” sabi ni Jared.Sa isip-isip ni Hannah, hindi niya alam kung paano iyon nasabi ni Jared. Siguro, dahil na rin sa infatuation na pinakita niya sa nakalipas na sampung taon. Sa pagsunod sa kanya kahit na magmukha na siyang tanga at sa pag-stay pa rin kahit na sinasaktan na siya ni Jared.“Aalis na ako,” iyon na lang ang nasabi ni Hannah.Hindi na siya pinigilan ni Jared. Palabas siya noon nang biglang may kumatok sa pinto nang malapit na siya rito. Nagulat siya nang makita niya si Jane. Nang magtama ang kanilang mga mata ay natigilan si Jane pero pinilit nitong ngumiti. Nainis pa si Hannah noon dahil feeling close si Jane sa kanya.“Oh, Hannah. Nakabalik ka na pala!” bati ni Jane.Hindi nagsalita si Hannah noon pero napadapo ang kanyang tingin sa dokumentong hawak ni Jane. Nagulat si Hannah dahil alam niyang mahalagang dokumento ito ng kumpanya. Talagang mga taong nagtatarabaho lang kau Jared ang pwedeng humawak ng ganitong
“Medyo pribadong bagay ‘yong sasabihin ko sa iyo,” sabi ni Jane, nahihiya pa ito kay Hannah. Tiningnan ni Hannah ang orasan.“Pasensya ka na, oras ng trabaho ngayon, e,” lalo tuloy nahiya si Jane.“Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos ng trabaho?” Tinuro ni Hannah ang bag na kukunin dapat niya kung hindi lang siya nilapitan ni Jane.“Pasensya ka na, kailangan ko na kasing umalis ngayon. Madami pa akong kailangang ayusin pagkatapos dito sa opisina,” sagot ni Hannah.Mas nakakaawa tuloy ang mukha ni Jane noong mga oras na iyon. Tumingin siya sa paligid pero nakita niyang wala ng tao.“Hannah, alam ko naman nag-away kayo ni Jared dahil sa pagtira ko sa bahay mo. Kung gusto mo, aalis na lang ako roon. Lilipat ako ng bahay,” sabi ni Jane.“Pwede ba, Jane? Huwag ka na magkunwari ngayon. Kung gusto mo talaga na lumayo sa akin ay hindi ka na dapat pa tumira sa bahay na iyon sa una pa lang. Saka..”Napatigil si Hannah sa kanyang pagsasalita. Tiningnan niya si Jane mula ulo hanggang paa
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na