Pagkatapos patayin ni Hannah ang tawag ay nag-book na siya ng flight pabalik. Ilang minuto pa ay nakita na niya ang ilang aerial photos na sinend ni Mary sa kanya. Doon niya nakumpirma na sobrang laki pala talaga ng problema noong amusement park.
Kinabukasan nang umaga ay inayos na niya ang kanyang gamit dahil 9 o’clock ang kanyang flight. Nagmamadali siya noon dahil ayaw niyang mahuli at baka mag-book na naman siya ng ticket.
“O, ang aga mong magising ngayon Hannah, anong yoga ba ang ginagawa mo?” tanong ni Mrs. Lerazo.
Nagpa-practice kasi siya ng yoga nitong mga nakaraan kaya lagi siyang sinasabihan ni Mrs. Lerazo na mag-ingat dahil baka may mabali siyang buto o kung ano man. Pagkasabi ni Mrs. Lerazo noon ay agad na lumapit si Hannah.
“Binigay mo sa kanya ang lahat?” napangiti na lang si Harry.“Jared, sa tingin ko ay hindi mo nabigay ang lahat sa kanya pero ginawa mo siyang sunud-sunuran sa iyo. Iniisip mo na hindi niya kayang mabuhay nang wala ka. Sinabi mo rin naman na hindi ka interesado sa kanya. Hindi mo nga siya hinanap kahit ilang araw na siyang nawawala eh,” pagpapatuloy ni Harry.“Paano ko naman siya hahanapin? Magpapakalat ako ng papel sa kung saan-saan? Ilalagay ko, missing hanggang sa may makakita na sa kanya?” galit pang sabi ni Jared.Umiling na lang si Harry dahil ayaw na lang niyang magsalita pa. Naglaro na lang ulit siya ng bilyar. Pumasok na naman ang tira ni Harry. Kaya gusto siyang gantihan ni Jared.
Inaantok na si Hannah noon kaya kailangan niyang gumawa ng kape. Pumunta siya sa tea room at nagulat na lang siya nang makita niyang pumasok din doon si Jared. Kinalma niya ang kanyang sarili pero kitang-kita niya ang galit sa mga mata ng kanyang ex-fiance. “Magandang umaga, Sir Jared,” bati pa rin niya katulad lang noong dati pagkatapos ay maglalakad na sana siya palabas.“Halika, pumunta tayo sa opisina ko. Ngayon na!” sagot ni Jared, dahil galit ay parang malalaglag na niya ang kape na kanyang hawak. Napabuntong hinga na lang siya bago ako sumagot kay Jared.“Okay po, sige,” maikling sagot niya pagkatapos ay sinundan na kung saan papunta si Jared.Umupo si Jared sa kanyang swivel chair. Suot nito ang isang black suit, white t-shirt at star shaped na neck-tie. Alam ni Hannah na siya ang nagbigay ng neck tie na iyon kay Jared noong birthday niya.Kahit kailan ay hindi niya iyon sinuot kaya akala ni Hananh ay hindi iyon gusto ni Jared. Hindi naman niya inakala na kung kailan pa sila
“Kung ganoon, mag-eexplain ako kay Tita at magso-sorry,” sabi ni Hannah.“Hannah, hindi naman iyon ang punto ng lahat ng ito. Tinatanong kita kung bakit hindi ka sumipot noon para ayusin ‘yong kasal natin?” pagkatapos sabihin iyon ay hinila ni Jared ang kanyang collar.Inis na inis si Hannah noon dahil si Jared na nga ang mali, siya pa ang may lakas nang loob para ibintang sa iba ang kasalanang ginawa niya. Hindi man lang makatunog na siya naman talaga ang puno’t dulo ng lahat.Wala nang pake noon si Hannah kung malaman ni Jared ang totoo. Kailangang malaman na niya na alam ni Hannah ang lahat at mali talaga ang pagkakamali niya.Nakayukong nagsalita noon si Hannah.“Aksidente kong napuntahan ang bahay ni Jane. Doon kasi ako pinapapunta ni Sec. Martinez noon,” sabi ni Hannah.Napatigil si Jared sa kanyang ginagawa. Ni hindi siya makagalaw dahil sa narinig. Hiyang-hiya siya kay Hannah kaya sinabihan niya agad ito.“Makinig ka sa akin-” hindi na natapos ni Jared ang kanyang sasabihin da
“Tsk. Okay, Hannah. Sinabi mo iyan. Huwag ka sanang magsisisi,” sabi ni Jared.Sa isip-isip ni Hannah, hindi niya alam kung paano iyon nasabi ni Jared. Siguro, dahil na rin sa infatuation na pinakita niya sa nakalipas na sampung taon. Sa pagsunod sa kanya kahit na magmukha na siyang tanga at sa pag-stay pa rin kahit na sinasaktan na siya ni Jared.“Aalis na ako,” iyon na lang ang nasabi ni Hannah.Hindi na siya pinigilan ni Jared. Palabas siya noon nang biglang may kumatok sa pinto nang malapit na siya rito. Nagulat siya nang makita niya si Jane. Nang magtama ang kanilang mga mata ay natigilan si Jane pero pinilit nitong ngumiti. Nainis pa si Hannah noon dahil feeling close si Jane sa kanya.“Oh, Hannah. Nakabalik ka na pala!” bati ni Jane.Hindi nagsalita si Hannah noon pero napadapo ang kanyang tingin sa dokumentong hawak ni Jane. Nagulat si Hannah dahil alam niyang mahalagang dokumento ito ng kumpanya. Talagang mga taong nagtatarabaho lang kau Jared ang pwedeng humawak ng ganitong
“Medyo pribadong bagay ‘yong sasabihin ko sa iyo,” sabi ni Jane, nahihiya pa ito kay Hannah. Tiningnan ni Hannah ang orasan.“Pasensya ka na, oras ng trabaho ngayon, e,” lalo tuloy nahiya si Jane.“Pwede ba tayong mag-usap mamaya pagkatapos ng trabaho?” Tinuro ni Hannah ang bag na kukunin dapat niya kung hindi lang siya nilapitan ni Jane.“Pasensya ka na, kailangan ko na kasing umalis ngayon. Madami pa akong kailangang ayusin pagkatapos dito sa opisina,” sagot ni Hannah.Mas nakakaawa tuloy ang mukha ni Jane noong mga oras na iyon. Tumingin siya sa paligid pero nakita niyang wala ng tao.“Hannah, alam ko naman nag-away kayo ni Jared dahil sa pagtira ko sa bahay mo. Kung gusto mo, aalis na lang ako roon. Lilipat ako ng bahay,” sabi ni Jane.“Pwede ba, Jane? Huwag ka na magkunwari ngayon. Kung gusto mo talaga na lumayo sa akin ay hindi ka na dapat pa tumira sa bahay na iyon sa una pa lang. Saka..”Napatigil si Hannah sa kanyang pagsasalita. Tiningnan niya si Jane mula ulo hanggang paa
Nagpuyat siya kasama si Liane kahit na alam niyang hindi niya kaya. Nadede-hydrate at para siyang walang gana kinabukasan kapag ginagawa niya iyon. Kahit anong inom niya ng tubig ay ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman.“Ikaw lang ang bumalik dito? Wala kang kasama?” puno nang laman ang tanong na iyon ni Liane.“O, sino pa ba ang isasama ko pabalik?” tanong naman ni Hannah, hindi maintindihan kung anong nais iparating ng kanyang kaibigan.“Ah, ‘yong nakilala mo roon? ‘Yong sundalo?” Hindi siya sumama pabalik sa iyo?” mapang-asar na tanong ni Liane pagkatapos ay binigyan niya si Hannah ng tubig.Ininom ni Hannah ang tubig bago tuluyang magsalita.“Mas nauna pa siyang umalis kaysa sa akin doon,” sagot niya.“Ha?” curious na tanong ni Liane, umayos pa ito ng upo para marinig nang maayos ang kwento ni Hannah sa kanya.“Hindi ko tinanggap ang proposal niya, kaya umalis siya. Pero, ang sabi sa akin noong matanda na nakatira roon, umalis daw siya para magtrabaho. Iyon na,” sabi naman ni Ha
Natahimik lang ang mag-asawa, hindi na sila nasurpresa pero kita na kinakabahan sila. Magkahawak pa sila ng kamay noon.“Hannah, alam na namin na hindi mo kasalanan ang lahat. Si Jared ang dapat sisihin. Napagalitan ko naman na siya at sinabihang mag-sorry sa iyo,” sabi ni Mrs. Falcon.Bago pa siya may ikwento ay pinagsabihan na pala ng mag-asawa si Jared. Palagi namang ganoon ang nanay ni Jared, gusto nila na huwag nang sabihin ni Hannah kung ano ang gusto niyang sabihin. Para bang ayaw ng diskusyon. Buti pa ‘yong tatay ni Jared, gusto siyang bigyan ng pagkakataon.“Pakinggan muna kasi natin si Hannah.”Hinawakan ni Mrs. Falcon nang mahigpit ang kamay ni Hannah, para bang pinipigilan pa rin nitong magsalita si Hannah, yumuko tuloy ng konti si Hannah para hindi siya madisturbo sa kanyang sasabihin.“Tito and Tita, naghiwalay na po talaga kami ni Jared,” siwalat ni Hannah kaya lalong hinigpitan ni Mrs. Falcon ang hawak sa kamay ni Hananh.“Bakit?” may awtoridad ang boses ni Mr. Falcon
Naging seryoso ang mukha ni Mr. Falcon. Tinanong naman siya ni Mrs. Falcon.“Hindi ba sabi mo na alam mo lahat ng nangyayari dito sa opisina? Bakit hindi mo alam ang tungkol dito?!” Pagalit na tanong ni Mrs. Falcon.Oo, tama nga naman na alam ni Mr Falcon ang nangyayari sa loob ng opisina. Pero yung maliliit na bagay tulad ng mga taong lumalabas at pumapasok sa opisina ay hindi na niya alam. Kitang kita sa mga mata ni Mr. Falcon ang galit nito, napansin din ito ni Mrs. Falcon kaya agad itong nagsalita.“Tawagan niyo si Jared at tanungin niyo siya kung ano ba talaga ang nangyayari?” sabi ni Mrs. Falcon.Hindi hinayaan ni Hannah na magayaw ang mag-asawa, alam kasi niya na kapag tinawagan pa nila si Jared ay lalo pang lalala ang sitwasyon.“Tito, Tita. Kung sa inyo po ay hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya paano pa po sa akin? Kakatapos lang ng scandal nila ni Jane tapos ngayon ay binigyan naman niya ng trabaho dito sa opisina? Hindi na niya ako nakikita bilang kanyang fiancee,” sago
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka
Ilang ring pa bago tuluyang nasagot ni Simon ang tawag ni Hannah."Ano iyon? Bakit ka natawag, Miss Hannah?" malumanay ang boses ni Simon nang sabihin niya iyon.Habang nakahawak sa wine glass at nilaro-laro pa ang wine na naroon ay bigla siyang nagsalita."Simon, pwede bang magkunwari kang boyfriend ko? Pagkukunwari lang naman, hindi totoo," sabi ni Hannah.Ilang minuto rin na tahimik si Simon sa kabilang linya. Para bang prinoproseso pa kung ano ang sinabi niya."Nakainom ka ba? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin ngayon?" naguguluhan na tanong ni Simon.Hindi naman sumagot si Hannah, sa katunayan ay iniba pa niya ang topic dahil ayaw niyang malaman ni Simon kung nasaan siya."Ano, okay nga lang sa'yo? Gawin kitang fake boyfriend?" "Ang tanong ko ang sagutin mo, nasaan ka ngayon?" may inis na sa boses ni Simon nang sabihin niya iyon."Hayaan mo na pala, mukhang alam ko na ang sagot. Salamat na lang," papatayin na sana ni Hannah ang tawag pero sumagot pa si Simon sa kanya."Hann
Inis na inis si Hannah nang tunggain niya ang basong may laman na alak. "Sino ba 'yon? Galit na galit ka, ah. Si Secretary Martinez? Pinapapunta ka sa amusement park?" tanong ni Liane pero natatawa. "Sino pa nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag pa iyon na magtrabaho kay Jared! Puro kalokohan lang naman ang inuutos noon sa kanya!" dahil nakainom ay parang lasing na kung makapagsalita si Hannah noong mga oras na iyon. Sasagot pa sana si Liane nang biglang may tumawag na naman kay Hannah. Sa pagkakataon na iyon ay unknown number na naman ang lumabas sa caller ID. "Ano ba 'tong mga to? Wala na ba silang matawagan na iba?!" inis na sabi ni Hannah. Pero, kumalma na rin siya nang ma-realize niyang baka isa iyon sa mga kumpanya na inapplyan niya. Kinalma niya muna ang kanyang sarili bago sagutin ang tawag. "Hello," sagot ni Hannah. "Hi. Is this Miss Hannah Cervantes?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Dahil maganda ang boses noong babae ay naging pormal din an
Nang makarating na nga si Hannah sa bahay ng kanyang kaibigan na si Liane ay agad niyang binuksan ang alak na kanyang dala-dala. Bukod pa roon ay may wine din na nilabas si Liane para hindi naman siya masabihan ng kaibigan na hindi siya handa. Gumawa din siya ng salad na favorite nila ni Hannah. "O, ano ba 'yong sasabihin mo sa akin, ha? Sabi mo, ikakainit ng ulo ko 'yan? Don't tell me si Jared pa rin ang pinag-uusapan natin?" Agad na tumawa si Hannah at saka tumango-tango. Binuksan niya ang isang bag of chips para maumpisahan na ang inuman nila. Uminom din siya noong alak bago tuluyang magkwento sa kaibigan. Napailing na lang si Liane dahil ang buong akala niya ay tungkol sa iba ang ikekwento sa kanya ni Hannah. Hindi niya tuloy malaman kung gugustuhin pa ba niya iyong malaman o hindi na. "Ano naman ang kwento mo tungkol sa lalaking iyon?" mataray na tanong ni Liane. "Pumunta ako sa mansion ng mga Falcon dahil hinatid ko si Mrs. Falcon doon. Paano'y pumunta ba naman sa