“Gusto ko kasi kayong isurpresa,” sabi ni Aldred habang bahagya na nakangiti kay Hannah.Mangiyak-ngiyak na si Mrs. Falcon, nilapitan naman siya ni Aldred at niyakap siya.“Ma,” sabi ni Aldred.Pagtawag ni Aldred kay Mrs. Falcon ay pinalo niya ulit ito, sabay yumakap din ng mahigpit sa kanya.“Ang tagal tagal mong hindi umuuwi, akala namin ng Papa mo ay meron kaming nagawang masama sa iyo at nagalit ka,” sabi ni Mrs. Falcon.“Ano ba yang sinasabi mo Ma? Sobrang busy lang talaga ako abroad,” sabi ni Aldred kay Mrs. Falcon habang nakatitig pa din sa akin.Sobrang diretso at mainit ng mga tingin ni Aldred kay Hannah. Para tuloy tumigil ang tibok ng puso ni Hannah.Napatanong din si Hannah sa kanyang sarili kung bumalik ba si Aldred dahil sa kanya.Dahil sa pagdating ni Aldred ay natigil ang usapin tungkol kay Hannah at Jared, pero nasabi na din naman lahat ng kailangan sabihin ni Hannah. Tanggap na din naman ni Mr. Falcon. Pero si Mrs. Falcon ay hirap pa din tanggapin ito. Naniniwala si
Pumasok sa kwarto si Aldred noon at napansin ang bukas na aparador kung saan naka-hanger pa rin ang mga damit ni Jared. Tiningnan niya isa-isa iyon at hinawakan. “Ang tagal-tagal niyo na ni Jared na namumuhay nang ganito. Tapos, aalis ka? Handa ka na ba talagang bitawan ang lahat?” tanong ni Aldred.Natawa na lang si Hannah sa kanyang sarili dahil narinig na naman niya ang salitang bitaw. “Kuya, alam mo na dapat na magaling ako pagdating sa pagbitaw ng mga bagay,” sabi ni Hannah.Wala nang sinagot pa si Aldred noon kaya tinuloy niya ang pag-aayos ng kanyang gamit. Hanggang sa inayos na ni Hannah ang pinakahuling damit pagkatapos ay sinara na niya ang maleta. Bubuhatin na niya sana iyon mula sa kanyang kama kaya lang ay agad siyang pinigilan ni Aldred.Napatingin siya sa mga mata ni Aldred noon, napansin niyang kakaiba ito kaysa sa mga mata ni Jared at kakaiba rin sa mga mata ni Simon. Sobrang ganda ng mata niya, pansin mo na sobrang bait ng mga tingin niya.Na tipong kapag kinausap
Naghihintay sa kanya si Aldred noon sa kotse, nakatingin pa ito sa malayo. Para bang may iniisip na kung ano.Nang makita niya si Hannah ay inalok niya ito agad. “Gusto mo bang ihatid kita?” “Kuya, nawala ka ng apat na taon. Marami na ang nagbago rito. Baka mawala ka pa kapag pinag-drive mo ako,” sagot ni Hannah. “Talaga ba?” hindi makapaniwala si Aldred.Hindi na tumingin pa si Hannah kay Aldred dahil nahihiya siya na baka makita nito ang kanyang mapupulang mata.“Aalis na ako, Kuya. Ililibre na lang kita sa susunod. Mag-iingat ka, ha? Pati sina Tito at Tita, ingatan mo,” sabi ni Hannah.Hindi na sumagot pa noon si Aldred pero nang buksan niya ang pinto ng kotse at nakaupo na siya noon ay biglang tumingin si Aldred sa kanya sa may bintana at may tinanong sa kanya.“Saan ka ba titira? Pwede mo bang sabihin sa akin?” dahil sa tanong na iyon ay napahigpit ang kanyang hawak sa steering wheel at natahimik na lang.Alam ni Aldred na ayaw niya itong sagutin kaya hindi na niya ito pinilit.
“Ah, nag-out of town po kasi si Sir Taneco kaya bukas pa raw po siya makakarating,” sagot ni Jake kay Hannah.Wala nang sinabi noon si Hannah, ang kaya na lang niyang gawin ay ang maghintay. Pagsapit ng gabi ay sabay-sabay silang kumain doon sa hotel. Hindi niya tuloy naiwasan na tanungin si Sir Jake tungkol kay Sir Taneco.“Magaling ba sa trabaho si Sir Taneco?” sabi ni Hannah pagkatapos ay sumubo noong kanyang kinakain.Si Sir Jake ay mukhang 40 years old na, medyo chubby pero palakaibigan ito sa lahat. “Well, sabi niya sa amin ay pumapangalawa siya sa industriya namin dito sa Pilipinas. E, wala namang nagke-claim na sila ay number one so siya pa rin ang nangunguna sa amin,” natatawang sagot ni Sir Jake habang siya ay kumakain.Napatango-tango na lang si Hannah, alam niya na magaling talaga si Sir Taneco kung ganoon. Pinagpatuloy na lang niya ang kanyang kinakain.“Single pa si Sir Taneco kaya kung may single sa inyo dyan, Miss Hannah. Pwede niyo pong ipakilala sa kanya iyon, biro p
Napatanong na lang si Hannah sa kanyang sarili. Dahil alam naman ni Mary na magre-resign na si Hannah pagkatapos ng project na iyon. Paano pa siya nito mabibigyan ng isang linggo na day-off? Pero, pumayag pa rin si Hannah para matapos na ang usapan nila.Noong tanghali ay umorder na lang ng take-out ‘yong dalawa. Habang nakain ay nagulat na lang si Hannah dahil biglang dumating si Harry sa amusement park.“O, Harry. Anong meron? Bakit ka nandito? May problema ba?” tanong ni Hannah, may pag-aalala ng konti sa kanyang boses.“Ako naman ang sagot sa dinner mo ha?” bulong ni Harry, todo ngiti ito. Ni hindi sinagot ang kanyang tanong, lalo tuloy naguluhan si Hannah.“Naku, hindi ako makakapunta. Kailangan kong kausapin ‘yong technician ng mga ilaw ngayong hapon, e,” sagot naman ni Hannah.Tiningnan ni Harry ang buong amusement park pagkatapos ay tumingin kay Hannah.“Mahal mo talaga ang lugar na ‘to, ‘no?”“Harry, kung may sasabihin ka sa akin ay sabihin mo na. Bakit ka ba nandito?” tanong
Pagkatapos noon ay nag-ring na ang cellphone ni Hannah, nakita niyang tumatawag si Sir Jake sa kanya. Sinagot naman niya iyon dahil alam niya na baka naroon na ‘yong mag-aayos ng mga ilaw sa amusement park.“Miss Hannah, nandito na po si Sir Taneco. Pupunta na po ba kami dyan?” sabi ni Sir Jake sa kabilang linya.“Sige po, pumunta na kayo. Kumakain lang po ako,” sabi ni Hannah pagkatapos ay binaba na ‘yong tawag.Ilang minuto pa ay nandoon na agad si Sir Jake kasama ‘yong mag-aayos ng ilaw. Noong una ay hindi pa malinaw sa kanya kung sino iyon pero noong lumapit na ay gulat na gulat siya dahil si Simon pala ‘yong taong hinihintay niya.Hindi makapaniwala si Hannah dahil ang buong akala niya ay isang taxi driver si Simon. Noong una, akala pa ni Hannah ay guni-guni niya lang ang lahat pero hindi, totoo pala.“Engineer Simon, ito si Miss Hannah. Siya ang manager natin sa project na ito,” sabi ni Sir Jake doon sa dalawa.Nilahad naman ni Simon ang kanyang kamay para makipag-shake hands kay
Para na din maiwasan ni Mary na masaktan, ay mas mabuti na bitawan na niya ang ideya na ito sa maagang panahon. “May gusto na siyang iba.” sabi ni Hannah. “Ha? Paano mo nalaman yun Miss Hannah? Kilala mo ba siya?” sagot ni Mary. Pag sinabi ni Hannah na kakilala niya si Simon ay mas madami siyang ipapaliwanag kay Mary. Natatakot si Hannah na baka madaming masabi si Mary tungkol sa kanila ni Simon,, at dahil doon ay baka magkahiyaan ang dalawa. Bukod pa doon ay halatan naman na hindi sadyang pinansin ni Simon si Hannah na tila ba ay hindi sila magka-kilala, hindi din niya dapat ipaalam na nagkita silang dalawa. “Hindi ko siya kilala,” sabi ni Hannah. "Edi paano mo-" pinutol na agad ni Hannah ang sasabihin ni Mary bago pa niya ito matapos. Alam nila na malakas naman kumain si Mary, inorder pa nga niya ang paborito niyang chicken chop rice. Pero halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya, paano ba naman ay si Simon ang nasa isip niya. Sabi nga nila ay pag may guwapo sa har
Nagulat si Hannah dahil sa pahayag na iyon ni Simon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas noong may namagitan sa kanilang dalawa. Umabot pa nga ito sa niyaya siya nitong magpakasal tapos ngayon ay may nililigawan na siyang iba?Ang naisip na lang ni Hannah noon na baka kailangan talaga ni Simon ng mapapangasawa kaya nanligaw na ito sa iba. Hindi niya alam kung may hinahabol ba itong deadline o kung ano man.Pero, nagbigay iyon ng kalma sa kanyang puso. Sa tingin niya ay ayos na rin iyon para hindi na siya kabahan kapag kailangan nilang mag-usap tungkol sa trabaho. Maitatanong na niya nang deretso rito kung sakali mang may kailangan siya kay Simon. Tuluyan na nga niyang tinapon ang kanyang kinainan pagkatapos marinig ang usapan na iyon. Hindi na siya umupo noon at hinintay na lang na matapos si Simon na kumain.Tumayo na rin noon si Mary, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Simon dahil ni hindi man lang niya naubos ang kanyang in-order. Pagkatapos ay tumabi agad siya kay Hannah.
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na