Napatanong na lang si Hannah sa kanyang sarili. Dahil alam naman ni Mary na magre-resign na si Hannah pagkatapos ng project na iyon. Paano pa siya nito mabibigyan ng isang linggo na day-off? Pero, pumayag pa rin si Hannah para matapos na ang usapan nila.Noong tanghali ay umorder na lang ng take-out ‘yong dalawa. Habang nakain ay nagulat na lang si Hannah dahil biglang dumating si Harry sa amusement park.“O, Harry. Anong meron? Bakit ka nandito? May problema ba?” tanong ni Hannah, may pag-aalala ng konti sa kanyang boses.“Ako naman ang sagot sa dinner mo ha?” bulong ni Harry, todo ngiti ito. Ni hindi sinagot ang kanyang tanong, lalo tuloy naguluhan si Hannah.“Naku, hindi ako makakapunta. Kailangan kong kausapin ‘yong technician ng mga ilaw ngayong hapon, e,” sagot naman ni Hannah.Tiningnan ni Harry ang buong amusement park pagkatapos ay tumingin kay Hannah.“Mahal mo talaga ang lugar na ‘to, ‘no?”“Harry, kung may sasabihin ka sa akin ay sabihin mo na. Bakit ka ba nandito?” tanong
Pagkatapos noon ay nag-ring na ang cellphone ni Hannah, nakita niyang tumatawag si Sir Jake sa kanya. Sinagot naman niya iyon dahil alam niya na baka naroon na ‘yong mag-aayos ng mga ilaw sa amusement park.“Miss Hannah, nandito na po si Sir Taneco. Pupunta na po ba kami dyan?” sabi ni Sir Jake sa kabilang linya.“Sige po, pumunta na kayo. Kumakain lang po ako,” sabi ni Hannah pagkatapos ay binaba na ‘yong tawag.Ilang minuto pa ay nandoon na agad si Sir Jake kasama ‘yong mag-aayos ng ilaw. Noong una ay hindi pa malinaw sa kanya kung sino iyon pero noong lumapit na ay gulat na gulat siya dahil si Simon pala ‘yong taong hinihintay niya.Hindi makapaniwala si Hannah dahil ang buong akala niya ay isang taxi driver si Simon. Noong una, akala pa ni Hannah ay guni-guni niya lang ang lahat pero hindi, totoo pala.“Engineer Simon, ito si Miss Hannah. Siya ang manager natin sa project na ito,” sabi ni Sir Jake doon sa dalawa.Nilahad naman ni Simon ang kanyang kamay para makipag-shake hands kay
Para na din maiwasan ni Mary na masaktan, ay mas mabuti na bitawan na niya ang ideya na ito sa maagang panahon. “May gusto na siyang iba.” sabi ni Hannah. “Ha? Paano mo nalaman yun Miss Hannah? Kilala mo ba siya?” sagot ni Mary. Pag sinabi ni Hannah na kakilala niya si Simon ay mas madami siyang ipapaliwanag kay Mary. Natatakot si Hannah na baka madaming masabi si Mary tungkol sa kanila ni Simon,, at dahil doon ay baka magkahiyaan ang dalawa. Bukod pa doon ay halatan naman na hindi sadyang pinansin ni Simon si Hannah na tila ba ay hindi sila magka-kilala, hindi din niya dapat ipaalam na nagkita silang dalawa. “Hindi ko siya kilala,” sabi ni Hannah. "Edi paano mo-" pinutol na agad ni Hannah ang sasabihin ni Mary bago pa niya ito matapos. Alam nila na malakas naman kumain si Mary, inorder pa nga niya ang paborito niyang chicken chop rice. Pero halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya, paano ba naman ay si Simon ang nasa isip niya. Sabi nga nila ay pag may guwapo sa har
Nagulat si Hannah dahil sa pahayag na iyon ni Simon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas noong may namagitan sa kanilang dalawa. Umabot pa nga ito sa niyaya siya nitong magpakasal tapos ngayon ay may nililigawan na siyang iba?Ang naisip na lang ni Hannah noon na baka kailangan talaga ni Simon ng mapapangasawa kaya nanligaw na ito sa iba. Hindi niya alam kung may hinahabol ba itong deadline o kung ano man.Pero, nagbigay iyon ng kalma sa kanyang puso. Sa tingin niya ay ayos na rin iyon para hindi na siya kabahan kapag kailangan nilang mag-usap tungkol sa trabaho. Maitatanong na niya nang deretso rito kung sakali mang may kailangan siya kay Simon. Tuluyan na nga niyang tinapon ang kanyang kinainan pagkatapos marinig ang usapan na iyon. Hindi na siya umupo noon at hinintay na lang na matapos si Simon na kumain.Tumayo na rin noon si Mary, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Simon dahil ni hindi man lang niya naubos ang kanyang in-order. Pagkatapos ay tumabi agad siya kay Hannah.
Sinabihan naman siya ni Mrs. Lerazo noon na marami talagang alam gawin si Simon at ngayong araw ay napatunayan niya iyon. Engineer na si Simon pero siguro ay hindi pa ganoon kalaki ang sweldo niya kaya kailangan pa niyang mag part-time job.Ang nasa isip ni Hannah, baka hindi kaya ng sweldo niya ang tumira sa malalaking bahay. Kasi, kung kaya naman niya ay hindi na niya kailangan magrenta ng apartment kay Mrs. Lerazo noon.Dahil sa pag-iisip niya kay Simon ay hindi niya napigilang tingnan ang damit na suot nito. Simple man iyon pero bagay na bagay kay Simon. Sobrang gwapo niyang tingnan sa t-shirt na suot niya at pants. Kahit nga ano yatang suotin ni Simon ay bagay sa kanya eh.“May iba ka pa bang tanong sa akin?” tanong ni Simon, bumalik tuloy sa kanyang ulirat si Hannah.“Wala naman na,” pagsisinungaling ni Hannah. Naisip ni Hannah na crush ni Mary si Simon kaya pinaalalahanan niya ito.“Huwag mo na lang sabihin sa kanila na magkakilala tayo ha? Salamat,” dagdag pa ni Hannah.“Bakit?
Pagkatapos niyang tawagan si Mary ay pinapunta naman siya ni Simon sa tabi nito para ipakita kung ano ang pinag-uusapan nila ni Sir Jake. “Halika nga rito, Miss Hannah.” Dahil sa kakatingin niya roon kay Simon ay hindi niya napansin na may protruding device siyang natapakan. Buti na lang at agad siyang nasalo ni Simon. Nakayakap siya sa beywang ni Hannah. Nang itatayo na sana siya ni Simon nang maayos ay bigla namang pumasok si Mary sa power distribution room kaya nakita niya ang pangyayari. Kita ni Hannah na gulat din si Mary. “M-Miss Hannah,” nauutal na sabi ni Mary. “Mary.” “Miss Hannah, bakit halos magkayakap na kayo ni Sir Simon?” gulat na tanong ni Mary. “A-Ah, Napatid kasi ako, sinalo lang ni Sir Simon.” depensang sagot naman ni Hannah Tumango tango nalang si Mary pero halata pa din sa mukha niya ang kaunting selos na kayang nararamdaman. “Miss Hannah” biglang salita naman ni Simon. Bigla naman natauhan si Hannah sa nangyayari at pagtalikod niya ay naalala
Gusto nang mainis ni Hannah kay Mary noon dahil hindi na natapos ang mga tanong nito sa kanya. Biglang nahiya si Hannah nang makita na nakatingin si Simon sa kanya. Inalis agad ni Hannah ang tingin niya sa lalaki.“Basta, ayos iyon para sa akin,” sambit ni Simon.Natahimik na lang si Hannah at Mary dahil sa sinabi ni Simon. Ilang minuto pa ay nagbukas na ang pinto ng elevator kaya sila ay lumabas na roon. Bago pumasok sa kwarto si Simon ay kinausap siya ni Mary.“Sir Simon, kapag may kailangan ka po ay magsabi ka lang sa akin, ha?” may malanding tono pa ang boses ni Mary nang sabihin niya iyon.“Sige,” iyon na lang ang nasabi ni Simon bago pumasok sa kanyang kwarto.Nang pumasok sina Hannah at Mary sa kanilang kwarto ay nagtanong agad ito. Nagulat naman si Hannah dahil doon.“Miss Hannah, ano ba ýong ibig sabihin ni Sir Simon kanina? Huwag mong sabihin sa akin na gentleman lang siya sa una pero manyakis naman pala? Naku, baka may gusto siyang gawin sa atin na masama,”may takot sa boses
Tumingin si Hannah sa loob ng kwarto ni Simon at nakita niya na bukas na ang laptop ng binata. Ibig sabihin ay nagsimula na agad itong magtrabaho habang siya ay naliligo sa kabilang kwarto. Napangiti na lang siya dahil sa professionalism na pinakita ni Simon.Nang bumalik na si Simon ay napansin ni Hannah kung gaano kagwapo ang binatang kaharap niya. Sobrang tangkad nito. Iniwasan niya si Simon ng tingin pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang kagwapuhan ni Simon.Iyon pa rin naman ang damit niya, hindi pa siya nagpapalit pero naka-tucked in na ito ngayon. Dahil doon ay mas naging mukhang matangkad siya at nagmukhang parang model na naglalakad sa catwalk.Doon ay napatunayan niya sa sarili kung bakit ba gustong-gusto siya ni Mary. sa sobrang gwapo ni Simon, sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang may ibigay si Simon na ointment sa kanya.“”I-apply mo ito sa sugat mo kapag bumalik ka na sa loob, ha? Para mag-circulate ang dugo mo dyan s
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka
Ilang ring pa bago tuluyang nasagot ni Simon ang tawag ni Hannah."Ano iyon? Bakit ka natawag, Miss Hannah?" malumanay ang boses ni Simon nang sabihin niya iyon.Habang nakahawak sa wine glass at nilaro-laro pa ang wine na naroon ay bigla siyang nagsalita."Simon, pwede bang magkunwari kang boyfriend ko? Pagkukunwari lang naman, hindi totoo," sabi ni Hannah.Ilang minuto rin na tahimik si Simon sa kabilang linya. Para bang prinoproseso pa kung ano ang sinabi niya."Nakainom ka ba? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin ngayon?" naguguluhan na tanong ni Simon.Hindi naman sumagot si Hannah, sa katunayan ay iniba pa niya ang topic dahil ayaw niyang malaman ni Simon kung nasaan siya."Ano, okay nga lang sa'yo? Gawin kitang fake boyfriend?" "Ang tanong ko ang sagutin mo, nasaan ka ngayon?" may inis na sa boses ni Simon nang sabihin niya iyon."Hayaan mo na pala, mukhang alam ko na ang sagot. Salamat na lang," papatayin na sana ni Hannah ang tawag pero sumagot pa si Simon sa kanya."Hann
Inis na inis si Hannah nang tunggain niya ang basong may laman na alak. "Sino ba 'yon? Galit na galit ka, ah. Si Secretary Martinez? Pinapapunta ka sa amusement park?" tanong ni Liane pero natatawa. "Sino pa nga ba? Hindi ko nga alam kung bakit pumapayag pa iyon na magtrabaho kay Jared! Puro kalokohan lang naman ang inuutos noon sa kanya!" dahil nakainom ay parang lasing na kung makapagsalita si Hannah noong mga oras na iyon. Sasagot pa sana si Liane nang biglang may tumawag na naman kay Hannah. Sa pagkakataon na iyon ay unknown number na naman ang lumabas sa caller ID. "Ano ba 'tong mga to? Wala na ba silang matawagan na iba?!" inis na sabi ni Hannah. Pero, kumalma na rin siya nang ma-realize niyang baka isa iyon sa mga kumpanya na inapplyan niya. Kinalma niya muna ang kanyang sarili bago sagutin ang tawag. "Hello," sagot ni Hannah. "Hi. Is this Miss Hannah Cervantes?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Dahil maganda ang boses noong babae ay naging pormal din an
Nang makarating na nga si Hannah sa bahay ng kanyang kaibigan na si Liane ay agad niyang binuksan ang alak na kanyang dala-dala. Bukod pa roon ay may wine din na nilabas si Liane para hindi naman siya masabihan ng kaibigan na hindi siya handa. Gumawa din siya ng salad na favorite nila ni Hannah. "O, ano ba 'yong sasabihin mo sa akin, ha? Sabi mo, ikakainit ng ulo ko 'yan? Don't tell me si Jared pa rin ang pinag-uusapan natin?" Agad na tumawa si Hannah at saka tumango-tango. Binuksan niya ang isang bag of chips para maumpisahan na ang inuman nila. Uminom din siya noong alak bago tuluyang magkwento sa kaibigan. Napailing na lang si Liane dahil ang buong akala niya ay tungkol sa iba ang ikekwento sa kanya ni Hannah. Hindi niya tuloy malaman kung gugustuhin pa ba niya iyong malaman o hindi na. "Ano naman ang kwento mo tungkol sa lalaking iyon?" mataray na tanong ni Liane. "Pumunta ako sa mansion ng mga Falcon dahil hinatid ko si Mrs. Falcon doon. Paano'y pumunta ba naman sa