Para na din maiwasan ni Mary na masaktan, ay mas mabuti na bitawan na niya ang ideya na ito sa maagang panahon. “May gusto na siyang iba.” sabi ni Hannah. “Ha? Paano mo nalaman yun Miss Hannah? Kilala mo ba siya?” sagot ni Mary. Pag sinabi ni Hannah na kakilala niya si Simon ay mas madami siyang ipapaliwanag kay Mary. Natatakot si Hannah na baka madaming masabi si Mary tungkol sa kanila ni Simon,, at dahil doon ay baka magkahiyaan ang dalawa. Bukod pa doon ay halatan naman na hindi sadyang pinansin ni Simon si Hannah na tila ba ay hindi sila magka-kilala, hindi din niya dapat ipaalam na nagkita silang dalawa. “Hindi ko siya kilala,” sabi ni Hannah. "Edi paano mo-" pinutol na agad ni Hannah ang sasabihin ni Mary bago pa niya ito matapos. Alam nila na malakas naman kumain si Mary, inorder pa nga niya ang paborito niyang chicken chop rice. Pero halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya, paano ba naman ay si Simon ang nasa isip niya. Sabi nga nila ay pag may guwapo sa har
Nagulat si Hannah dahil sa pahayag na iyon ni Simon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas noong may namagitan sa kanilang dalawa. Umabot pa nga ito sa niyaya siya nitong magpakasal tapos ngayon ay may nililigawan na siyang iba?Ang naisip na lang ni Hannah noon na baka kailangan talaga ni Simon ng mapapangasawa kaya nanligaw na ito sa iba. Hindi niya alam kung may hinahabol ba itong deadline o kung ano man.Pero, nagbigay iyon ng kalma sa kanyang puso. Sa tingin niya ay ayos na rin iyon para hindi na siya kabahan kapag kailangan nilang mag-usap tungkol sa trabaho. Maitatanong na niya nang deretso rito kung sakali mang may kailangan siya kay Simon. Tuluyan na nga niyang tinapon ang kanyang kinainan pagkatapos marinig ang usapan na iyon. Hindi na siya umupo noon at hinintay na lang na matapos si Simon na kumain.Tumayo na rin noon si Mary, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Simon dahil ni hindi man lang niya naubos ang kanyang in-order. Pagkatapos ay tumabi agad siya kay Hannah.
Sinabihan naman siya ni Mrs. Lerazo noon na marami talagang alam gawin si Simon at ngayong araw ay napatunayan niya iyon. Engineer na si Simon pero siguro ay hindi pa ganoon kalaki ang sweldo niya kaya kailangan pa niyang mag part-time job.Ang nasa isip ni Hannah, baka hindi kaya ng sweldo niya ang tumira sa malalaking bahay. Kasi, kung kaya naman niya ay hindi na niya kailangan magrenta ng apartment kay Mrs. Lerazo noon.Dahil sa pag-iisip niya kay Simon ay hindi niya napigilang tingnan ang damit na suot nito. Simple man iyon pero bagay na bagay kay Simon. Sobrang gwapo niyang tingnan sa t-shirt na suot niya at pants. Kahit nga ano yatang suotin ni Simon ay bagay sa kanya eh.“May iba ka pa bang tanong sa akin?” tanong ni Simon, bumalik tuloy sa kanyang ulirat si Hannah.“Wala naman na,” pagsisinungaling ni Hannah. Naisip ni Hannah na crush ni Mary si Simon kaya pinaalalahanan niya ito.“Huwag mo na lang sabihin sa kanila na magkakilala tayo ha? Salamat,” dagdag pa ni Hannah.“Bakit?
Pagkatapos niyang tawagan si Mary ay pinapunta naman siya ni Simon sa tabi nito para ipakita kung ano ang pinag-uusapan nila ni Sir Jake. “Halika nga rito, Miss Hannah.” Dahil sa kakatingin niya roon kay Simon ay hindi niya napansin na may protruding device siyang natapakan. Buti na lang at agad siyang nasalo ni Simon. Nakayakap siya sa beywang ni Hannah. Nang itatayo na sana siya ni Simon nang maayos ay bigla namang pumasok si Mary sa power distribution room kaya nakita niya ang pangyayari. Kita ni Hannah na gulat din si Mary. “M-Miss Hannah,” nauutal na sabi ni Mary. “Mary.” “Miss Hannah, bakit halos magkayakap na kayo ni Sir Simon?” gulat na tanong ni Mary. “A-Ah, Napatid kasi ako, sinalo lang ni Sir Simon.” depensang sagot naman ni Hannah Tumango tango nalang si Mary pero halata pa din sa mukha niya ang kaunting selos na kayang nararamdaman. “Miss Hannah” biglang salita naman ni Simon. Bigla naman natauhan si Hannah sa nangyayari at pagtalikod niya ay naalala
Gusto nang mainis ni Hannah kay Mary noon dahil hindi na natapos ang mga tanong nito sa kanya. Biglang nahiya si Hannah nang makita na nakatingin si Simon sa kanya. Inalis agad ni Hannah ang tingin niya sa lalaki.“Basta, ayos iyon para sa akin,” sambit ni Simon.Natahimik na lang si Hannah at Mary dahil sa sinabi ni Simon. Ilang minuto pa ay nagbukas na ang pinto ng elevator kaya sila ay lumabas na roon. Bago pumasok sa kwarto si Simon ay kinausap siya ni Mary.“Sir Simon, kapag may kailangan ka po ay magsabi ka lang sa akin, ha?” may malanding tono pa ang boses ni Mary nang sabihin niya iyon.“Sige,” iyon na lang ang nasabi ni Simon bago pumasok sa kanyang kwarto.Nang pumasok sina Hannah at Mary sa kanilang kwarto ay nagtanong agad ito. Nagulat naman si Hannah dahil doon.“Miss Hannah, ano ba ýong ibig sabihin ni Sir Simon kanina? Huwag mong sabihin sa akin na gentleman lang siya sa una pero manyakis naman pala? Naku, baka may gusto siyang gawin sa atin na masama,”may takot sa boses
Tumingin si Hannah sa loob ng kwarto ni Simon at nakita niya na bukas na ang laptop ng binata. Ibig sabihin ay nagsimula na agad itong magtrabaho habang siya ay naliligo sa kabilang kwarto. Napangiti na lang siya dahil sa professionalism na pinakita ni Simon.Nang bumalik na si Simon ay napansin ni Hannah kung gaano kagwapo ang binatang kaharap niya. Sobrang tangkad nito. Iniwasan niya si Simon ng tingin pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang kagwapuhan ni Simon.Iyon pa rin naman ang damit niya, hindi pa siya nagpapalit pero naka-tucked in na ito ngayon. Dahil doon ay mas naging mukhang matangkad siya at nagmukhang parang model na naglalakad sa catwalk.Doon ay napatunayan niya sa sarili kung bakit ba gustong-gusto siya ni Mary. sa sobrang gwapo ni Simon, sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang may ibigay si Simon na ointment sa kanya.“”I-apply mo ito sa sugat mo kapag bumalik ka na sa loob, ha? Para mag-circulate ang dugo mo dyan s
Alam niyang magiging madali para kay Simon kung doon sila magkakaroon ng communication. Mas madali. Pero, hindi niya agad binuksan o in-accept ang message request ni Simon. Mas inuna niyang sagutin ang message ni Liane pero hindi ito nag-reply sa kanya. Ang nasa isip niya ay baka busy ito.Sunod niyang binuksan ang chat ni Aldred sa kanya at nag-isip ng isasagot dito. HANNAH: Naku, na-busy ako sa amusement park project ko nitong mga nakaraang araw. Kapag natapos na iyon ay sasamahan na kita kahit saan mo gusto. Sorry, ah.Mabilis namang nag-reply si Aldred sa kanya.ALDRED: Okay lang, ano ka ba? Basta, alagaan mo lang ang sarili mo dyan. Kahit ano pang busy mo.ALDRED: Hihintayin kita.Dahil sa message na iyon ni Aldred ay napaisip si Hannah. Dapat ay “Okay” lang sana ang reply niya pero agad niya ýong binura at nag-message na lang ng isang tanong kay Aldred.HANNAH: Hindi ka ba babalik agad ng ibang bansa? ALDRED: Oo, hindi naman. Baka nga dito na ako tumira talaga, e.Nagulat si Ha
“Miss Hannah, uminom po kayo ng tubig. Kung hindi po kayo iinom, baka kung ano na po ang mangyari sa inyo niyan,”sabi ni Mary, iisa sila ng kwarto kaya wala siyang maitatago na sikreto rito. Ngumiti lang si Hannah kay Mary.“Kahit payat ako, maganda pa rin naman ako,”pabirong sagot ni Hannah.Pagkatapos ng biro na iyon ay uminom na nga ng tubig si Hannah. Nagulat na lang siya nang bigla niyang nakita na tumingin si Simon sa kanya. Muntik na siyang masamid dahil doon.“Miss Hannah, bakit naman ang bilis ng pag-inom mo?” tinapik-tapik ni Mary ang likod ni Hannah para tulungan itong makainom ng tubig. Sa mga oras na iyon ay pumunta rin si Simon malapit kay Hannah at uminom din ng tubig sa kanyang water jug. Hindi sinasadya ni Hannah na mapatingin na naman sa Adam’s apple ni Simon, napansin niyang mabilis din itong uminom kaya hindi niya napigilan na mapalunok din.Nagkaroon ng physical reaction ang katawan ni Hannah. Pero napansin niya na medyo nagiging sensitibo siya pagdating sa Adam’s
Pagkatapos ayusin ni Hannah ang kanyang laptop ay tumayo na agad siya para pumunta na siya roon. "Miss Hannah, bilisan mo na. Baka mamaya pa ay magalit pa iyon sa akin at sabihing hindi ko sinabi sa iyo na tinatawag ka niya," sabi ni Hannah. "Oo na, ito na. Lalabas na nga. Ikaw naman, ako ang bahala sa iyo. Hindi ka papagalitan noon." Agad na ngang kumatok si Hannah sa pinto ni Simon nang matapos na niyang ayusin ang laptop sa kabilang kwarto. "Simon, nandito na ako," sabi ni Hannah. "Saglit lang, papunta na," narinig naman niyang sagot ni Simon sa kanya. Naghintay na nga noon si Hannah sa tapat ng pintuan ng binata. Halos limang minuto rin siyang nakatayo. Pagbukas ng pinto ay pansin agad ni Hannah na bagong ligo si Simon. Basa ang buhok nito at nakapang tulog na. May towel pa itong hawak-hawak. "Pasok." "Salamat." Nakita ni Hannah pagkapasok pa lang niya na bukas na ang laptop ni Simon sa table. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang daming files ang naroon. "Anon
"Pwede ba, Hannah? Huwag na huwag mong isasali ang asawa ko sa usapan na ito? Patay na nga siya, wala ka pang respeto sa kanya?" galit na sabi ni Jane. "Seryoso? Ikaw pa ang may ganang mag-discuss sa akin ng topic tungkol sa respeto? E ni hindi niyo nga kami nirespeto ni Lyndon bilang mga partner niyo!" sigaw ni Hannah kaya natahimik si Jane. "Basta! Huwag mo nang isali pa sa usapan si Lyndon! Isa pa, hindi naman tungkol doon ang dahilan kung bakit pumunta ako rito. Nandito ako para ipakita sa iyo ito," sabi ni Jane pagkatapos ay binigay kay Hannah ang cellphone niya. Sa cellphone na iyon ay nagpe-play ang video kung saan nandoon si Jared sa ospital. Hirap na hirap dahil sa sugat na tinamo niya mula kay Hannah. 'Buti nga at nangyari ito sa kanya. To be honest, kulang pa nga ito eh.' sabi ni Hannah sa kanyang isip. Hindi napigilan ni Hannah na mapangiti, 'yong ngiti na para bang nanalo siya sa isang kompetisyon. Napansin iyon ni Jane kaya sinabihan siya nito. "Anong ngining
Nang makauwi na si Hannah ay agad niyang inayos ang kanyang gamit. Habang nag-aayos ay dumaan sa apartment niya 'yong landlady niya kaya kinausap niya ito. "Ay, hello po. Gusto ko po sanang magtanong," sabi ni Hannah. Nagtataka man pero pumasok pa rin 'yong landlady para tanungin kung ano 'yong kailangan ni Hannah sa kanya. "O, iha. Ano iyon? May problema ka ba rito sa apartment mo?" Agad na ngumiti si Hannah at umiling. "Ah, hindi po tungkol sa apartment ko 'yong tanong ko kundi 'yong apartment na katabi ko po. 'Di ba, sabi niyo po ay lalaki ang titira dyan?" sagot ni Hannah. "Ah, e oo. Bakit? May problema ka ba roon?" "Wala naman po, kaya lang ay nag-iisip po ako sa safety ko. Ayaw ko po kasing lalaki 'yong titira dyan. Pakiramdam ko po, hindi ako safe eh," kwento ni Hannah.
Pagkatapos ng mahabang araw ay nagulat na lang si Hannah dahil biglang may dalang pagkain si Aldred para pagsaluhan nilang lahat sa trabaho. "O, ililibre ko ngayon dahil nakabalik na si Hannah sa project. Kumain muna tayong lahat bago umalis," yaya ni Aldred sa kanilang lahat. Agad na lumapit sina Hannah at Jane doon sa pagkain. Dahil buntis ay takam na takam si Jane, pizza at pasta kasi 'yong binili ni Aldred para sa kanila. Nagkatinginan at nagkahiyaan sila nang makitang sabay na sabay silang lumapit doon. "O, mauna ka na. Baka isumbong mo na naman sa boss mong si Jared na hindi ka pinapakain dito eh," sabi ni Hannah pagkatapos ay lumayo na roon. Hinayaan na lang niyang mauna si Jane dahil buntis ito. Uminom na lang siya ng tubig
"Kuya Aldred, kung pinapabalik mo ako sa amusement park, sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang na hindi na. Nag-resign na nga ako, 'di ba? Impossibleng hindi mo alam ang tungkol doon?" Pumasok muna ng apartment si Aldred bago magsalita kay Hannah. Umupo siya sa sofa at tiningnan ang kabuuan ng lugar. "Sabi ko na eh, dito kita matatagpuan. Mabuti at pinaayos mo pala ito. Ibang-iba ito compared noon," sabi ni Aldred, ni hindi man lang pinansin ang sinabi ni Hannah. "Ah, oo. Konting ayos lang naman ang ginawa ko. Pero, maiba ako. Bakit ka ba pumunta rito? Sinabi ko naman na hindi na ako magtatrabaho sa amusement park 'di ba?" sabi ni Hannah. "Oo, sabihin na natin na nag-resign ka na pero your resignation is invalid. Hannah, alam natin pareho na you are the heart of the project. Kung wala ang guidance mo, mahihirapan ang buong team na gagawa noon," paliwanag ni Aldred. Alam naman ni Hannah na hirap sina Mary at Simon kung dalawa na lang sila. Pansin naman niya sa conversation nil
Pagkatapos ng tawag ay pinagpatuloy na ni Hannah ang pagkain niya ng egg at sausage. Habang kumakain ay binuksan niya ang laptop niya para i-send ang resume niya sa iba't ibang kumpanya. Sa ilang taon niya sa kumpanya ng ex-fiance na si Jared, sure siya na makukuha siya agad ng iba pang kumpanya. Hindi naman sa pagiging mayabang pero kilala niya ang sarili niya. Alam niya na kahit paano ay natuto na siya ng iba't ibang skill sa trabaho. Hindi niya namalayan sa sobrang pagkabusy niya ay marami na pala ang tumatawag sa kanya. Si Mary, nanay ni Jared at may isa pang unknown number. Naka 3 missed calls pa ito sa kanya. Buti na lang din ay hindi siya tinawagan ni Simon. Ang ibig sabihin lang noon ay okay ang amusement park. Alam din naman niya sa kanyang sarili na kayang-kaya iyon ni Simon. Ang una niyang tinawagan ay si Mary dahil alam niyang iyon ang mas may kailangan sa kanya. Sigurado siya na hirap na ito dahil wala na siya sa amusement park. "Mary, ano? Kamusta ka dyan? Pasens
Kahit hindi magkasama sina Hannah at Liane ay ramdam na ramdam ni Hannah ang galit ng kanyang kaibigan. "Ano? Ginawa niya sa iyo 'yon? Aba, hindi lang iyon ang dapat na ginawa mo sa kanya! Dapat pinatay mo na siya! Hay, naku! Nanggigil ako!" sigaw ni Liane sa kabilang linya. "Liane, ano ka ba? Hindi naman ako ganon kasama. Gusto ko lang talaga siyang turuan ng leksyon, akala niya kasi ay matatakot pa ako sa kanya eh," sagot naman ni Hannah. "Naku! Kulang pa talaga iyon para sa kanya, 'no! Hindi ka na nga niya tinurin bilang isang girlfriend tapos gaganyanin ka niya? Siraulo pala siya eh!" Hindi alam ni Hannah kung matatakot ba siya o matatawa dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Ang importante sa kanya ay nalaman niyang kahit na anong mangyari ay nasa likod niya si Liane. "Alam mo ba, ginawa niya iyon dahil nagseselos siya kay Simon? Aba, ang sabi pa ay sa kanya lang daw ako at walang kahit na sino ang pwedeng mag-may ari sa akin," sumbong pa ni Hannah kaya lalong kinainis
Hindi pa rin natigil ang pag-aaway nina Hannah at Jared. Mas lalo pang hinigpitan ng binata ang hawak niya sa ex-fiancee. "Uulitin ko sa iyo ha? Hindi ko alam ang nangyari noong hinalikan ko siya noon! Kaya wala akong kasalanan," sabi ni Jared. "Ah, ganoon ba iyon? Kapag hindi mo alam ang nangyari dahil sa kalasingan mo ay hindi mo na kasalanan? Aba, ang galing mo naman! Hanga na ako sa iyo," sagot ni Hannah. Ang hindi niya alam ay nakatingin na sa mga labi niya si Jared. Na para bang gusto niyang halikan ang dalaga. "Ano? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin, ha?" tanong ni Hannah. Nalilito sa kung paano siya tingnan ni Jared. Sinubukan na nga ni Jared na halikan siya pero iniiwas talaga niya ang kanyang mukha kaya nainis na naman si Jared. "Jared, ano ba?! Sa tingin mo ba ay makukuha mo ako sa ganito? Alam mo, lalo lang kitang kasusuklaman eh!" sigaw ni Hannah. "Bakit? 'Di ba, ito naman ang gusto mo? Na maghalikan tayo na para bang magkasintahan. Ngayong ibinibigay ko na
Nang makabalik na si Hannah sa kumpanya ni Jared ay kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Si Jared naman ay tawa nang tawa dahil nanalo na naman siya sa kanyang ex-fiancee. "O, Miss Hannah. Akala ko ay hindi mo talaga ako susundin. Buti naman at nandito ka na. You may start your work now," bungad agad na sabi ni Jared, nakangiti pa rin ito nang mapang-asar. Hindi kumilos si Hannah. May pinatong lang siya sa table ni Jared. "Ano ito?" nagtatakang tanong ng kanyang ex-fiance. Nabuo ang galit sa mga mata ni Jared nang mabasa niya kung anong nalalaman noon. Agad niya itong nilukot sa harapan ni Hannah. "At talagang iniinis mo ako, ano? Hindi ka ba talaga titigil sa kabibigay sa akin ng sakit sa ulo? Hannah, hindi pwede itong ginagawa mo sa akin!" pasigaw na sabi ni Jared. "Mr. Falcon, I'm presenting my resignation letter to you. Don't worry, naipasa ko na rin ito sa HR Department kaya alam na nila na magre-resign ako. Marami akong kopya niyan sa cellphone ko, kaya kahit ilan