“Miss Hannah, uminom po kayo ng tubig. Kung hindi po kayo iinom, baka kung ano na po ang mangyari sa inyo niyan,”sabi ni Mary, iisa sila ng kwarto kaya wala siyang maitatago na sikreto rito. Ngumiti lang si Hannah kay Mary.“Kahit payat ako, maganda pa rin naman ako,”pabirong sagot ni Hannah.Pagkatapos ng biro na iyon ay uminom na nga ng tubig si Hannah. Nagulat na lang siya nang bigla niyang nakita na tumingin si Simon sa kanya. Muntik na siyang masamid dahil doon.“Miss Hannah, bakit naman ang bilis ng pag-inom mo?” tinapik-tapik ni Mary ang likod ni Hannah para tulungan itong makainom ng tubig. Sa mga oras na iyon ay pumunta rin si Simon malapit kay Hannah at uminom din ng tubig sa kanyang water jug. Hindi sinasadya ni Hannah na mapatingin na naman sa Adam’s apple ni Simon, napansin niyang mabilis din itong uminom kaya hindi niya napigilan na mapalunok din.Nagkaroon ng physical reaction ang katawan ni Hannah. Pero napansin niya na medyo nagiging sensitibo siya pagdating sa Adam’s
“Talaga bang nangiinis at naghihinganti ka sa akin?” inis na tanong ni Jared.“Huh?” sagot naman ni Hannah.“Kung ayaw mong ikasal, nasa sa iyo yon. Kung kung hindi ka makapag-isip ng maayos at gusto mong humanap ng lalaki para inisin ako, nasa sa iyo yon. Pero huwag kang magkakaroon ng relasyon sa kaibigan ko dahil puwedeng hindi ko na sila maging kaibigan pagkatapos noon.” sambit ni Jared.Napaisip si Hannah saglit at naintindihan niya ang gustong sabihin ni Jared lalo na ang huli nitong sinabi ay nakapag paalala sa kanya kay Harry.Mukhang meron nagsabi kay Jared na nagkita sila Hannah at Harry, pero hindi ko akalain na bibigyan ng ibang kahulugan ang pagkikita ni Hannah at Harry.“Jared akala mo ba lahat ng tao ay kagaya mo?” inis na sambit ni Hannah.Hindi naintindihan ni Jared ang gustong sabihin ni Hannah, Natawa na lang si Hannah at naisip na dahil ginawa nga niyang babae ang asawa ng kaibigan niya.“Hannah, Hindi ko babae si Jane kung yan ang nasa isip mo,” sabi ni Jared.“Aya
Kaming tatlo ang madalas magkasama sa trabaho ngayong mga nakaraan na araw, at si SImon ang pinaka madami ang ginagawa pero siya din ang pinakatahimik.“Miss Hannah, mag order pa kaya tayo ng dalawa pang pagkain? TIgnan mo si Sir Simon parang hindi kasi siya ang tao na konti ang kinakain,” tanong ulit ni Mary kay Hannah.Hindi pa din komportable magsalita si Hannah at ayaw niya sana magsalita kaya diretso na lang niyang sinagot ang tanong ni Mary, “Mukha naman hindi siya mahilig kumain ng madami, tignan mo nga at puro muscle ang katawan niya,”Pagkatapos sabihin ni Hannah iyon, naalala niya yung oras na nakita niya si Simon na naghuhugas ng buhok.“Miss Hannah, tingin ko ay tama ka, pero hindi natin pwede makita,” sambit ni Mary na parang gusto hubaran si Simon.Sa isip-isip ni Hannah ay mahirap na mabilis maakit si Mary, “Alam mo kalaban mo lang ang sarili mo, kung gusto mo talaga ay pwede mo naman siya tanuning para magtanggal siya ng damit para makita mo?”“Miss Hannah,” nahihiyang
“Sige po, maraming salamat sa pagdala nito,” sambit ni Hannah. Hindi pa agad umalis si Secretary Martinez pagkatapos niyang ibigay ang soup na pinadala ni Mrs. Falcon, tila ba ay may gusto pa siyang sabihin kay Hannah. Sa isip ni Hannah ay sinisisi ni Secretary Martinez ang kanyang sarili dahil sa mga nangyayari. Kaya nag salita na lang si Hannah. “Secretary Martinez, huwag mo masyado isipin ang mga nangyari, ha? Tapos na iyon at hindi mo kasalanan iyon," paniniguro ni Hannah. “Miss Hannah, feeling ko talaga ay ako ang may kasalanan noon dahil-" sagot ni Secretary Martinez pero hindi na ito pinatapos ni Hannah. “Walang kinalaman ito sa iyo, Secretary Martinez, pero kung makikialam ka pa sa mga nangyayari ay nasa sa iyo na iyon,” sabi ni Hannah. “Miss Hannah, humigop ka na agad ng soup na pinadala ni Mrs. Falcon ha? Mainam iyan para gumaan agad ang pakiramdam mo,” ito na lang ang nasabi ni Secretary Martinez kay Hannah. Nang makaalis na si Secretary Martinez ay bigla namang nags
Sumang-ayon naman si Hannah. “Tama!” Nagulat si Aldred sa sinabi noong dalawa at saka nagsalita. “Aba, mainitin pala ang ulo nitong si Simon, ano?” “Hindi, mabait naman ‘yan. Minsan nga lang ay hindi mo mabasa ang ugali pero para sa akin ay okay naman siya. Hindi ko lang alam bakit ngayon ay parang nakakain siya ng sili dahil ang init ng ulo niya,” sagot ni Mary. Hindi talaga matigil ang pagiging madaldal niya kahit na may kinakain na siya. Noong dumating na ang in-order na pagkain ay hindi na kumain si Hannah dahil busog na siya. Hinayaan na lang niya na sina Simon at Mary ang kumain noon. Kitang-kita ni Hannah na sobrang saya ni Mary na makakasabay niya sa pagkain si Simon pero nawala agad ang saya na iyon nang sabihin ni Simon na kumain na siyang mag-isa dahil madami ring gagawing trabaho si Simon. “Ang saya-saya mo, akala ko ay mababadtrip ka na eh,” sabi ni Aldred kay Hannah. “O, bakit naman ako mababadtrip? Busog naman ako. Isa pa, hindi naman ako ‘yong klase ng tao
Bandang huli ay hindi na din nakakain ng lunch si Simon, hindi din niya gaanong kinausap si Hannah. Pakiramdam tuloy ni Hannah ay galit ito sa kanya. Pero hindi din maisip ni Hannah kung bakit magagalit si Simon, lalo pa at wala naman siyang maisip na ginawa niyang masama. Isa pa, puro trabaho na nga lang sila. Magkakagalit pa? Sa mga sumunod na araw ay lalong naging mas malamig ang pakikitungo niya kay Hannah, puro trabaho na lang ang kanyang inaatupag. Ni hindi marunong ngumiti roon sa dalawa. Naging maayos din ang pakiramdam ni Hannah nang makapahinga siya at inom ng gamot para sa kanyang sakit. Ibig sabihin ay effective ang nirekomendang gamot ni Simon sa kanya. Pagkatapos ng isang linggo ay naging maayos din naman ang trabaho nila Hannah at Mary, medyo hindi lang niya natansya na ganoon pala kahirap iyon pero wala naman silang magawa. Nakakapagod talaga ang dami ng trabaho ni Hannah. Kahit nga si Mary ay hindi na makapanood ng kanyang mga paboritong kdrama dahil sa sunud-suno
“Ma, gusto ko si kuya, siya ang gusto kong pakasalan,” sambit ni Hannah. Tumawa lang ang kanyang kanyang Mama sa sinabi ni Hannah. Hindi ito pinansin. “Mama, Papa, huwag niyo akong tawanan, papakasalan ko nga si kuya. Totoo iyon!” naiinis na dagdag ni Hannah. “Feliz, hindi mo pwedeng pakasalan ang kuya mo, may fiance ka na 'di ba? Iyon na ang para sa iyo," tutol naman ng Mama ni Hannah. “Ayaw ko siyang pakasalan, manloloko siya! Alam niyo naman po iyon 'di ba? pagalit namang sagot ni Hannah. Nagising na lang si Hannah sa mula sa kanyang panaginip na hinahabol ang kanyang hininga. Ang lakas din tuloy ng kabog ng dibdib niya. Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit kaya napanaginipan niya si Simon, isa pa ay napansin niyang bata pa sila roon sa panaginip. 'Bakit ko kaya siya nakita sa panaginip ko? Kakaisip ko siguro sa kanya ito.' Habang nakahiga sa kama si Hannah ay tila tulala pa rin si Hannah dahil sa kanyang pagkakagising. Pagtayo ni Hannah ay napansin niya na para bang
Hindi na nasaktan si Hannah noong nakita niya ang singsing na suot ni Jared, pero naalala na lang niya ang mga panahon na tinitingala at hinahabol niya pa si Jared. "Jared, bakit naman ayaw mo pa kasing suotin 'yong singsing na bigay ko sa iyo? Maganda naman 'yon ah. Binili ko talaga iyon para sa iyo kaya suotin mo na! Please?" "Hannah, ano ba? Ilang araw ko na ngang sinabi sa iyo na huwag na 'di na? Bakit ba ang kulit mo? Saka, susuotin ko naman iyon kapag gusto ko!" Bigla ay sumagot naman si Liane sa text messasge ni Hannah, dahil dito ay naantala ang kanyang pagiisip. LIANE: Sino ang kasama mong natulog? Diretso pa din talagang magtanong itong si Liane. Hindi na nagbago. Hindi agad nakasagot si Hannah sa message ni Liane dahil naguguluhan pa din siya sa nakita niyang picture ni Jared na suot ang singsing na bigay niya. LIANE: Si Jared ba? Nag-send ulit ng isa pang text message si Liane kay Hannah, sinundan pa ito ng isa pa. LIANE: Parang hindi naman pwedeng si Jared dahil m
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na