“Sige po, maraming salamat sa pagdala nito,” sambit ni Hannah. Hindi pa agad umalis si Secretary Martinez pagkatapos niyang ibigay ang soup na pinadala ni Mrs. Falcon, tila ba ay may gusto pa siyang sabihin kay Hannah. Sa isip ni Hannah ay sinisisi ni Secretary Martinez ang kanyang sarili dahil sa mga nangyayari. Kaya nag salita na lang si Hannah. “Secretary Martinez, huwag mo masyado isipin ang mga nangyari, ha? Tapos na iyon at hindi mo kasalanan iyon," paniniguro ni Hannah. “Miss Hannah, feeling ko talaga ay ako ang may kasalanan noon dahil-" sagot ni Secretary Martinez pero hindi na ito pinatapos ni Hannah. “Walang kinalaman ito sa iyo, Secretary Martinez, pero kung makikialam ka pa sa mga nangyayari ay nasa sa iyo na iyon,” sabi ni Hannah. “Miss Hannah, humigop ka na agad ng soup na pinadala ni Mrs. Falcon ha? Mainam iyan para gumaan agad ang pakiramdam mo,” ito na lang ang nasabi ni Secretary Martinez kay Hannah. Nang makaalis na si Secretary Martinez ay bigla namang nags
Sumang-ayon naman si Hannah. “Tama!” Nagulat si Aldred sa sinabi noong dalawa at saka nagsalita. “Aba, mainitin pala ang ulo nitong si Simon, ano?” “Hindi, mabait naman ‘yan. Minsan nga lang ay hindi mo mabasa ang ugali pero para sa akin ay okay naman siya. Hindi ko lang alam bakit ngayon ay parang nakakain siya ng sili dahil ang init ng ulo niya,” sagot ni Mary. Hindi talaga matigil ang pagiging madaldal niya kahit na may kinakain na siya. Noong dumating na ang in-order na pagkain ay hindi na kumain si Hannah dahil busog na siya. Hinayaan na lang niya na sina Simon at Mary ang kumain noon. Kitang-kita ni Hannah na sobrang saya ni Mary na makakasabay niya sa pagkain si Simon pero nawala agad ang saya na iyon nang sabihin ni Simon na kumain na siyang mag-isa dahil madami ring gagawing trabaho si Simon. “Ang saya-saya mo, akala ko ay mababadtrip ka na eh,” sabi ni Aldred kay Hannah. “O, bakit naman ako mababadtrip? Busog naman ako. Isa pa, hindi naman ako ‘yong klase ng tao
Bandang huli ay hindi na din nakakain ng lunch si Simon, hindi din niya gaanong kinausap si Hannah. Pakiramdam tuloy ni Hannah ay galit ito sa kanya. Pero hindi din maisip ni Hannah kung bakit magagalit si Simon, lalo pa at wala naman siyang maisip na ginawa niyang masama. Isa pa, puro trabaho na nga lang sila. Magkakagalit pa? Sa mga sumunod na araw ay lalong naging mas malamig ang pakikitungo niya kay Hannah, puro trabaho na lang ang kanyang inaatupag. Ni hindi marunong ngumiti roon sa dalawa. Naging maayos din ang pakiramdam ni Hannah nang makapahinga siya at inom ng gamot para sa kanyang sakit. Ibig sabihin ay effective ang nirekomendang gamot ni Simon sa kanya. Pagkatapos ng isang linggo ay naging maayos din naman ang trabaho nila Hannah at Mary, medyo hindi lang niya natansya na ganoon pala kahirap iyon pero wala naman silang magawa. Nakakapagod talaga ang dami ng trabaho ni Hannah. Kahit nga si Mary ay hindi na makapanood ng kanyang mga paboritong kdrama dahil sa sunud-suno
“Ma, gusto ko si kuya, siya ang gusto kong pakasalan,” sambit ni Hannah. Tumawa lang ang kanyang kanyang Mama sa sinabi ni Hannah. Hindi ito pinansin. “Mama, Papa, huwag niyo akong tawanan, papakasalan ko nga si kuya. Totoo iyon!” naiinis na dagdag ni Hannah. “Feliz, hindi mo pwedeng pakasalan ang kuya mo, may fiance ka na 'di ba? Iyon na ang para sa iyo," tutol naman ng Mama ni Hannah. “Ayaw ko siyang pakasalan, manloloko siya! Alam niyo naman po iyon 'di ba? pagalit namang sagot ni Hannah. Nagising na lang si Hannah sa mula sa kanyang panaginip na hinahabol ang kanyang hininga. Ang lakas din tuloy ng kabog ng dibdib niya. Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit kaya napanaginipan niya si Simon, isa pa ay napansin niyang bata pa sila roon sa panaginip. 'Bakit ko kaya siya nakita sa panaginip ko? Kakaisip ko siguro sa kanya ito.' Habang nakahiga sa kama si Hannah ay tila tulala pa rin si Hannah dahil sa kanyang pagkakagising. Pagtayo ni Hannah ay napansin niya na para bang
Hindi na nasaktan si Hannah noong nakita niya ang singsing na suot ni Jared, pero naalala na lang niya ang mga panahon na tinitingala at hinahabol niya pa si Jared. "Jared, bakit naman ayaw mo pa kasing suotin 'yong singsing na bigay ko sa iyo? Maganda naman 'yon ah. Binili ko talaga iyon para sa iyo kaya suotin mo na! Please?" "Hannah, ano ba? Ilang araw ko na ngang sinabi sa iyo na huwag na 'di na? Bakit ba ang kulit mo? Saka, susuotin ko naman iyon kapag gusto ko!" Bigla ay sumagot naman si Liane sa text messasge ni Hannah, dahil dito ay naantala ang kanyang pagiisip. LIANE: Sino ang kasama mong natulog? Diretso pa din talagang magtanong itong si Liane. Hindi na nagbago. Hindi agad nakasagot si Hannah sa message ni Liane dahil naguguluhan pa din siya sa nakita niyang picture ni Jared na suot ang singsing na bigay niya. LIANE: Si Jared ba? Nag-send ulit ng isa pang text message si Liane kay Hannah, sinundan pa ito ng isa pa. LIANE: Parang hindi naman pwedeng si Jared dahil m
“Gusto mo lang ata makasama si Sir Simon kumain kaya ka ganyan,” sabi ni Hannah. “Miss Hannah, naiitindihan mo talaga ako,” sagot naman ni Mary. Alam ni Hannah na hindi na siya makaktanggi na kumain kasama ni Simon, kaya tumahimik na lang siya, kung hindi ay baka makatunog din si Mary sa nangyari at magtanong pa siya lalo. Habang nakaupo sila Hannah at Mary ay meron naman biglang lumapit sa table nila. Isang magandang babae ang lumapit sa kanila na dala dala din ang pagkain niya. “Mary, ikaw ba yan?” sabi ni Karen. Bigla nalang napatayo si Mary nang makita niya ang kanyang dating Squad Leader na si Karen. “Ma'am Karen! Ano ang ginagawa mo dito?” masayang sagot ni Mary. “Nasa business trip kasi ako, ang tagal na kitang hindi nakita ah. Pwede mo ba akong samahan kumain at para na din makapag kwentuhan na din tayo,” aya ni Karen kay Mary. Tiningnan ni Mary si Simon, sunod ay tinignan si Hannah, pagkatapos ay umoo siya sa alok ni Karen na samahan siya ni Mary kumain.. Pagkatapos
Pagkatapos makaalis ni Karen ay agad siyang tiningnan at tinanong ni Mary. Para siyang isang chismosa na gustong malaman ang lahat ng kilos noong dalawa.“Miss Hannah, ano ang napagusapan niyo ni Sir Simon noong wala ako? I-kwento mo naman!""Ah, wala naman. Hindi naman kami nag-usap masyado," sagot ni Hannah.Ganoon na lang ang sinabi ni Hannah dahil alam niya na baka kung ano pa ang isipin ni Mary sa kanila ni Simon. Baka mamaya ay pagselosan pa niya kung sakali mang magkwento si Hannah.Hindi makapaniwala si Mary sa mga sinabi ni Hannah kaya kinulit pa niya ito nang kinulit. Nakita kasi niya na nag-usap ang dalawa. Feeling niya ay ayaw lang talaga ni Hannah na magkwento sa kanya."Hindi nga, ano nga ang sabi niya?"“Tungkol lang sa trabaho ang pinag-usapan namin, baka kailangan lang natin mag over time sa mga susunod na araw,” sabi na lang ni Hannah para matigil na ang usapan nila.“Ano? Overtime? Grabe naman! Ilang araw na tayong pagod sa trabaho, ah!” naiinis na sagot ni Mary na p
“Ano ang gagawin mo ngayon? Magpapahinga ka na naman? Mauubos ang oras natin kapag ganyan nang ganyan eh,” inis na tanong ni Hannah.Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mary sa cellphone ay agad na nagpaalam si Hannah kay Sir Fritz. Ayaw man niyang umalis dahil nahihiya siya rito ay nagpaalam na rin siya."Sir Fritz, alam ko pong kadarating ko lang pero kailangan ko po munang umalis. Emergency lang."Nagulat naman si Sir Fritz noon dahil kadarating nga lang ni Hannah ay aalis na naman ito."Sige po, Ma'am Hannah. Ako na po ang bahala rito," sagot naman ni Sir Fritz pagkatapos ay ngumiti.Pagbalik ni Hannah ay dumiretso agad siya kay Simon at tinanong niya ito. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya o ano."Ano ba talaga ang trip mo, Sir? Bakit day-off na naman kami ni Mary?" sabi agad ni Hannah nang makita niya si Simon.“Dalawang araw naman talaga ang day-off hindi ba? Wala naman sigurong masama kung dadagdagan natin ng isa pang araw?” sagot ni Simon, tila ba marami pa siyang oras pa
Sabi nga ni Harry ay kilalang kilala ko na si Jared, kapag kailangan niya ng isang bagay ay agad ko naman itong naibibigay. Mas kapatid pa ang turingan namin sa isat-isa kaysa mag kasintahan.“Hindi ba nalalamigan ang tubig?” tanong ni Hannah kay Simon.“Lagi naman akong naghihilamos na malamig ang tubig, nasanay na lang din ako dahil ganon na din ang ginagawa ko noong nasa army pa ako.” sagot ni Simon kay Hannah.Napaisip tuloy si Hannah kung lagi ba na ganon ang sitwasyon ni Simon noong sundalo pa siya.“Meron ka bang wet wipes diyan? O towel man lang? Para makapag punas na ako ng katawan ko,” tanong ni Simon.Kahit na hawak na ni Simon ang towel ni Hannah ay nag aalangan pa din siyang gamitin ito.“Meron akong face towel dito, puwede mo naman gamitin ito.” sagot ni Hannah habang kumukuha ng face towel para kay Simon.Medyo natulala si Simon noong nakita ang mga face towel na inaabot ni Hannah, tila ba hindi niya natatandaan ang mga ito.“Hindi mo alam to no Simon,” natatawang sambi
Nagtinginan lang silang dalawa noon. Walang ni isa sa kanila ang umatras. Halos matunaw na nga si Hannah sa mga titig ni Simon sa kanya. Natigil lang sila sa pagtitinginan nang marinig ni Hannah ang boses ng kapitbhay niya. “Ang galing talaga ng boyfriend niya, ‘no? Pati ‘yong hagdan ay malinis! Maswerte talaga siya, pwede na niyang asawahin iyon.” Doon lang nagkaroon ng lakas si Hannah para itulak si Simon at tuluyan na siyang makawala sa mga titig na nakakatunaw nito. Tumakbo si Hannah sa may sala, para bang hinahabol niya ang kanyang hininga noon. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nahihiya siya kay Simon at sa kanyang sarili. Litong-lito na siya sa kung ano man ang kanyang nararamdaman. Habang siya ay litong-lito ay parang wala lang kay Simon ang nangyari. Iniba nito ang topic at may tinanong kay Hannah. “Sa bahay ba ‘to ng mga magulang mo?” Agad na nagtaka si Hannah kung paano nito nalaman na sa mga magulang niya iyong bahay. “Ang galing ah, kung ano ang mukha m
Hindi malaman ni Hannah kung ano ba ang nararamdaman niya. Para siyang kinikilig na nahihiya o ewan. Na-miss niya ang pakiramdam na iyon at ngayong nararamdaman na niya ay naninibago naman siya. Hindi na lang niya tiningnan pa si Simon at binili na lang kung ano ang pinapabili nito. Pagbalik niya ay nakita niyang nagmo-mop na si Simon at linis na rin ang bawat sulok ng bahay niya. “Ay, tapos na pala. Ang bilis mo, ah. Nag-magic ka ba?” biro ni Hannah pagkatapos ay binigay na kay Simon ang pinapabili nito sa kanya. “Magic? Anong sinasabi mong magic? Hindi ah, mabilis lang talaga ako kumilos,” sagot ni Simon pagkatapos ay kinuha na ang mga head pipe na binili ni Hannah. Pagkatapos noon ay lumabas na siya para ayusin ang lahat ng dapat ayusin na pipe. Naiwan naman si Hannah sa loob kaya nalibot niya ang buong bahay niya. Gulat na gulat siya dahil ang ganda na nito, parang bagong bahay na ulit at hindi sampung taon na hindi natirhan. ‘Kakaiba talaga siya, ang linis niya sa bah
Sila ni Jared ay pamilyar na sa isa’t isa dahil sa sobrang tagal na nilang magkasama. Ang paghahawak kamay o kung ano mang uri ng pagtama ng balat ay normal na sa kanila. Walang kuryenteng dumadaloy o kilig na nararamdaman si Hannah.Dahil sa nangyari ay naintindihan na ni Hannah kung ano man ang nararamdaman ni Jared kay Jane. Kakaiba nga dahil may kuryente at kilig.Umakyat na si Simon sa bahay at nalagyan pa ng tubig ang kanyang mga paa. Muntik pa tuloy itong madulas.Nakatingin lang si Hannah kay Simon habang pumapanhik sa taas ng bahay niya dahil iba talaga ang naging pakiramdam niya sa binata.Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang tawagin siya ng kapitbahay niya. Nagulat siya dahil panay puri ito kay Simon at inakala pa ng ginang na boyfriend ni Hannah ang binata.“Aba hija, ang galing din ng boyfriend mo ano? Ang daming alam sa bahay. Kung ako sa iyo ay asawahin mo na ‘yan. Parang hindi napapagod sa gawaing bahay eh,” sabi noong isang ginang.“Oo nga, hindi pati nahihiya n
Nang makauwi na si Hannah sa kanyang bahay ay nagulat siya dahil nagkukumpulan na ang mga tao sa isang side at hula niya ay ýon ang water valve na nasira. Mas lalo pa siyang kinabahan dahil nang makita siya ng mga kapitbahay niya ay lumapit silang lahat sa kanya."Naku, neng! Baka bumaha na roon sa bahay mo! Madadamay ang mga bahay namin!"sabi ng isang ginang."Oo nga, mukhang wala pa namang mag-aayos niyan. Anong oras na eh. May na-contact ka ba, Hannah?"tanong naman noong isa."Opo, siya po,"sabay turo kay Simon.Agad na bumaba si Simon sa kotse para tingnan kung nasaan ang nasirang water valve dahil aayusin na niya ito. Pero ýong mga kapitbahay ni Hannah ay negatibo na dahil kinakalawang na ang water valve. Ni minsan ay wala nang nakapag-ayos noon dahil sa sobrang tigas na at hindi mapihit."Naku, hijo! Kinakalawang na iyan, impossible na magawa mo pa iyan,"sabi ng isang ginang."Oo nga, ang tagal na namin dito pero kahit kailan ay hindi namin nabuksan iyan. Good luck na lang talag
“Wala ka na ngang pera tapos magre-resign ka pa?” reaksyon ni Hannah namg marinig ang sinabi ni Simon.Hindi naman sumagot si Simon noon. Para siyang bingi dahil hindi man lang niya pinansin si Hannah.Dahil naawa si Hannah ay dinala na nga niya sa pinaka-city si Simon. Alam niyang kailangan nga talaga nito nang matitirhan.“Ang ganda dito, baka mahal ang renta ah,” sabi ni Simon.“May mga mura namang nire-rentahan dito, kung gusto mo ay dadalhin kita roon para matingnan mo,” sagot ni Hannah.“Ang engineer na katulad mo ay dapat doon tumingin ng bahay kung walang-wala ka talaga. Isa pa, dapat ang mapasukan mong kumpanya kung sakaling magre-resign ka nga ay malapit dapat sa iyo,” dagdag pa ni Hannah.Hindi na naman sumagot si Simon kaya talagang naawa na si Hannah sa kanya. Ang nasa isip niya, siguro ay talagang wala itong pera kaya hindi na lang ito nasagot.“Ah, kung kulangin ka man sa pambayad mo, pwede kang manghiram sa akin. Wala lang naman sa akin iyon. Saka mo na lang ako bayara
Sa kabilang banda naman ay natawa na lang si Hannah. Para kasing bata si Simon na magagalit kapag hindi nasunod kung ano ang gusto. Kinalma niya muna ang sarili sa pagtawa bago siya sumagot kay Simon."Sir Simon, para ka namang bata eh. Hindi ba pwedeng si Mary na lang ang sumama sa iyo? Talagang ako pa? Bakit?" "Bakit din? Masama bang ikaw ang isama ko roon? Isa pa, wala akong kakilala rito. Baka mawala pa ako. Isa pa, kilala mo naman ako dati-" natigilan si Simon sa kanyang pagsasalita nang sumagot agad si Hannah."Sige na, sasamahan na kita!" inis na sagot ni Hannah.Alam ni Hannah na kapag hindi siya pumayag sa gusto ni Simon ay sasabihin nito na nagkasama na sila sa probinsya kasama si Mrs. Lerazo. Syempre, ayaw naman niyang malaman ni Mary ang tungkol doon."Miss Hannah, sasama pa ba ako sa inyo?" tanong ni Mary pero seryoso ang boses niya."Ah, hindi na kailangan!" sabay na sagot nina Hannah at Simon kaya nagtaka si Mary pero hindi na lang siya nagsalita."Sige. Ingat kayo ha?
“Ano ang gagawin mo ngayon? Magpapahinga ka na naman? Mauubos ang oras natin kapag ganyan nang ganyan eh,” inis na tanong ni Hannah.Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mary sa cellphone ay agad na nagpaalam si Hannah kay Sir Fritz. Ayaw man niyang umalis dahil nahihiya siya rito ay nagpaalam na rin siya."Sir Fritz, alam ko pong kadarating ko lang pero kailangan ko po munang umalis. Emergency lang."Nagulat naman si Sir Fritz noon dahil kadarating nga lang ni Hannah ay aalis na naman ito."Sige po, Ma'am Hannah. Ako na po ang bahala rito," sagot naman ni Sir Fritz pagkatapos ay ngumiti.Pagbalik ni Hannah ay dumiretso agad siya kay Simon at tinanong niya ito. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya o ano."Ano ba talaga ang trip mo, Sir? Bakit day-off na naman kami ni Mary?" sabi agad ni Hannah nang makita niya si Simon.“Dalawang araw naman talaga ang day-off hindi ba? Wala naman sigurong masama kung dadagdagan natin ng isa pang araw?” sagot ni Simon, tila ba marami pa siyang oras pa
Pagkatapos makaalis ni Karen ay agad siyang tiningnan at tinanong ni Mary. Para siyang isang chismosa na gustong malaman ang lahat ng kilos noong dalawa.“Miss Hannah, ano ang napagusapan niyo ni Sir Simon noong wala ako? I-kwento mo naman!""Ah, wala naman. Hindi naman kami nag-usap masyado," sagot ni Hannah.Ganoon na lang ang sinabi ni Hannah dahil alam niya na baka kung ano pa ang isipin ni Mary sa kanila ni Simon. Baka mamaya ay pagselosan pa niya kung sakali mang magkwento si Hannah.Hindi makapaniwala si Mary sa mga sinabi ni Hannah kaya kinulit pa niya ito nang kinulit. Nakita kasi niya na nag-usap ang dalawa. Feeling niya ay ayaw lang talaga ni Hannah na magkwento sa kanya."Hindi nga, ano nga ang sabi niya?"“Tungkol lang sa trabaho ang pinag-usapan namin, baka kailangan lang natin mag over time sa mga susunod na araw,” sabi na lang ni Hannah para matigil na ang usapan nila.“Ano? Overtime? Grabe naman! Ilang araw na tayong pagod sa trabaho, ah!” naiinis na sagot ni Mary na p