Sinabihan naman siya ni Mrs. Lerazo noon na marami talagang alam gawin si Simon at ngayong araw ay napatunayan niya iyon. Engineer na si Simon pero siguro ay hindi pa ganoon kalaki ang sweldo niya kaya kailangan pa niyang mag part-time job.Ang nasa isip ni Hannah, baka hindi kaya ng sweldo niya ang tumira sa malalaking bahay. Kasi, kung kaya naman niya ay hindi na niya kailangan magrenta ng apartment kay Mrs. Lerazo noon.Dahil sa pag-iisip niya kay Simon ay hindi niya napigilang tingnan ang damit na suot nito. Simple man iyon pero bagay na bagay kay Simon. Sobrang gwapo niyang tingnan sa t-shirt na suot niya at pants. Kahit nga ano yatang suotin ni Simon ay bagay sa kanya eh.“May iba ka pa bang tanong sa akin?” tanong ni Simon, bumalik tuloy sa kanyang ulirat si Hannah.“Wala naman na,” pagsisinungaling ni Hannah. Naisip ni Hannah na crush ni Mary si Simon kaya pinaalalahanan niya ito.“Huwag mo na lang sabihin sa kanila na magkakilala tayo ha? Salamat,” dagdag pa ni Hannah.“Bakit?
Pagkatapos niyang tawagan si Mary ay pinapunta naman siya ni Simon sa tabi nito para ipakita kung ano ang pinag-uusapan nila ni Sir Jake. “Halika nga rito, Miss Hannah.” Dahil sa kakatingin niya roon kay Simon ay hindi niya napansin na may protruding device siyang natapakan. Buti na lang at agad siyang nasalo ni Simon. Nakayakap siya sa beywang ni Hannah. Nang itatayo na sana siya ni Simon nang maayos ay bigla namang pumasok si Mary sa power distribution room kaya nakita niya ang pangyayari. Kita ni Hannah na gulat din si Mary. “M-Miss Hannah,” nauutal na sabi ni Mary. “Mary.” “Miss Hannah, bakit halos magkayakap na kayo ni Sir Simon?” gulat na tanong ni Mary. “A-Ah, Napatid kasi ako, sinalo lang ni Sir Simon.” depensang sagot naman ni Hannah Tumango tango nalang si Mary pero halata pa din sa mukha niya ang kaunting selos na kayang nararamdaman. “Miss Hannah” biglang salita naman ni Simon. Bigla naman natauhan si Hannah sa nangyayari at pagtalikod niya ay naalala
Gusto nang mainis ni Hannah kay Mary noon dahil hindi na natapos ang mga tanong nito sa kanya. Biglang nahiya si Hannah nang makita na nakatingin si Simon sa kanya. Inalis agad ni Hannah ang tingin niya sa lalaki.“Basta, ayos iyon para sa akin,” sambit ni Simon.Natahimik na lang si Hannah at Mary dahil sa sinabi ni Simon. Ilang minuto pa ay nagbukas na ang pinto ng elevator kaya sila ay lumabas na roon. Bago pumasok sa kwarto si Simon ay kinausap siya ni Mary.“Sir Simon, kapag may kailangan ka po ay magsabi ka lang sa akin, ha?” may malanding tono pa ang boses ni Mary nang sabihin niya iyon.“Sige,” iyon na lang ang nasabi ni Simon bago pumasok sa kanyang kwarto.Nang pumasok sina Hannah at Mary sa kanilang kwarto ay nagtanong agad ito. Nagulat naman si Hannah dahil doon.“Miss Hannah, ano ba ýong ibig sabihin ni Sir Simon kanina? Huwag mong sabihin sa akin na gentleman lang siya sa una pero manyakis naman pala? Naku, baka may gusto siyang gawin sa atin na masama,”may takot sa boses
Tumingin si Hannah sa loob ng kwarto ni Simon at nakita niya na bukas na ang laptop ng binata. Ibig sabihin ay nagsimula na agad itong magtrabaho habang siya ay naliligo sa kabilang kwarto. Napangiti na lang siya dahil sa professionalism na pinakita ni Simon.Nang bumalik na si Simon ay napansin ni Hannah kung gaano kagwapo ang binatang kaharap niya. Sobrang tangkad nito. Iniwasan niya si Simon ng tingin pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang kagwapuhan ni Simon.Iyon pa rin naman ang damit niya, hindi pa siya nagpapalit pero naka-tucked in na ito ngayon. Dahil doon ay mas naging mukhang matangkad siya at nagmukhang parang model na naglalakad sa catwalk.Doon ay napatunayan niya sa sarili kung bakit ba gustong-gusto siya ni Mary. sa sobrang gwapo ni Simon, sino bang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Natigil lang ang kanyang pag-iisip nang may ibigay si Simon na ointment sa kanya.“”I-apply mo ito sa sugat mo kapag bumalik ka na sa loob, ha? Para mag-circulate ang dugo mo dyan s
Alam niyang magiging madali para kay Simon kung doon sila magkakaroon ng communication. Mas madali. Pero, hindi niya agad binuksan o in-accept ang message request ni Simon. Mas inuna niyang sagutin ang message ni Liane pero hindi ito nag-reply sa kanya. Ang nasa isip niya ay baka busy ito.Sunod niyang binuksan ang chat ni Aldred sa kanya at nag-isip ng isasagot dito. HANNAH: Naku, na-busy ako sa amusement park project ko nitong mga nakaraang araw. Kapag natapos na iyon ay sasamahan na kita kahit saan mo gusto. Sorry, ah.Mabilis namang nag-reply si Aldred sa kanya.ALDRED: Okay lang, ano ka ba? Basta, alagaan mo lang ang sarili mo dyan. Kahit ano pang busy mo.ALDRED: Hihintayin kita.Dahil sa message na iyon ni Aldred ay napaisip si Hannah. Dapat ay “Okay” lang sana ang reply niya pero agad niya ýong binura at nag-message na lang ng isang tanong kay Aldred.HANNAH: Hindi ka ba babalik agad ng ibang bansa? ALDRED: Oo, hindi naman. Baka nga dito na ako tumira talaga, e.Nagulat si Ha
“Miss Hannah, uminom po kayo ng tubig. Kung hindi po kayo iinom, baka kung ano na po ang mangyari sa inyo niyan,”sabi ni Mary, iisa sila ng kwarto kaya wala siyang maitatago na sikreto rito. Ngumiti lang si Hannah kay Mary.“Kahit payat ako, maganda pa rin naman ako,”pabirong sagot ni Hannah.Pagkatapos ng biro na iyon ay uminom na nga ng tubig si Hannah. Nagulat na lang siya nang bigla niyang nakita na tumingin si Simon sa kanya. Muntik na siyang masamid dahil doon.“Miss Hannah, bakit naman ang bilis ng pag-inom mo?” tinapik-tapik ni Mary ang likod ni Hannah para tulungan itong makainom ng tubig. Sa mga oras na iyon ay pumunta rin si Simon malapit kay Hannah at uminom din ng tubig sa kanyang water jug. Hindi sinasadya ni Hannah na mapatingin na naman sa Adam’s apple ni Simon, napansin niyang mabilis din itong uminom kaya hindi niya napigilan na mapalunok din.Nagkaroon ng physical reaction ang katawan ni Hannah. Pero napansin niya na medyo nagiging sensitibo siya pagdating sa Adam’s
“Talaga bang nangiinis at naghihinganti ka sa akin?” inis na tanong ni Jared.“Huh?” sagot naman ni Hannah.“Kung ayaw mong ikasal, nasa sa iyo yon. Kung kung hindi ka makapag-isip ng maayos at gusto mong humanap ng lalaki para inisin ako, nasa sa iyo yon. Pero huwag kang magkakaroon ng relasyon sa kaibigan ko dahil puwedeng hindi ko na sila maging kaibigan pagkatapos noon.” sambit ni Jared.Napaisip si Hannah saglit at naintindihan niya ang gustong sabihin ni Jared lalo na ang huli nitong sinabi ay nakapag paalala sa kanya kay Harry.Mukhang meron nagsabi kay Jared na nagkita sila Hannah at Harry, pero hindi ko akalain na bibigyan ng ibang kahulugan ang pagkikita ni Hannah at Harry.“Jared akala mo ba lahat ng tao ay kagaya mo?” inis na sambit ni Hannah.Hindi naintindihan ni Jared ang gustong sabihin ni Hannah, Natawa na lang si Hannah at naisip na dahil ginawa nga niyang babae ang asawa ng kaibigan niya.“Hannah, Hindi ko babae si Jane kung yan ang nasa isip mo,” sabi ni Jared.“Aya
Kaming tatlo ang madalas magkasama sa trabaho ngayong mga nakaraan na araw, at si SImon ang pinaka madami ang ginagawa pero siya din ang pinakatahimik.“Miss Hannah, mag order pa kaya tayo ng dalawa pang pagkain? TIgnan mo si Sir Simon parang hindi kasi siya ang tao na konti ang kinakain,” tanong ulit ni Mary kay Hannah.Hindi pa din komportable magsalita si Hannah at ayaw niya sana magsalita kaya diretso na lang niyang sinagot ang tanong ni Mary, “Mukha naman hindi siya mahilig kumain ng madami, tignan mo nga at puro muscle ang katawan niya,”Pagkatapos sabihin ni Hannah iyon, naalala niya yung oras na nakita niya si Simon na naghuhugas ng buhok.“Miss Hannah, tingin ko ay tama ka, pero hindi natin pwede makita,” sambit ni Mary na parang gusto hubaran si Simon.Sa isip-isip ni Hannah ay mahirap na mabilis maakit si Mary, “Alam mo kalaban mo lang ang sarili mo, kung gusto mo talaga ay pwede mo naman siya tanuning para magtanggal siya ng damit para makita mo?”“Miss Hannah,” nahihiyang
Pero nang makita niya na pagewang-gewang si Hannah ay agad niya itong tinulungan. Sinalo niya si Hannah pagkatapos ay inayos niya ang kanyang bike."Hannah, sige na. Lasing na lasing ka na eh. Tutulungan na kitang makataas doon sa kwarto mo. Ano ba ang room number mo?" may pag-aalalang tanong ni Aldred kay Hannah."Hindi na, okay na ako," agad na tinanggal ni Hannah ang kanyang kamay na hawak noon ni Aldred.Pero kinuha pa rin ni Aldred iyon at hinawakan. "Hannah, ayaw kong maging Kuya mo lang. Gusto kitang alagaan habambuhay. Hindi ba pwede iyon?"Natigilan si Hannah noon, nakatayo lang siya at nagbabadya nang mamaga ng kanyang lalamunan kahit hindi naman ito namamaga kanina."Hannah, alam mo naman na hindi ko gagawin ito kung kayo pa ng kapatid ko, pero ngayon na hiwalay na kayo, siguro naman ay pwede na, hindi ba? Ipaglalaban ko na ito ngayon," mahina ang boses ni Aldred pero para kay Hannah ay sobrang linaw noon. Sobrang bigat din ng mga linyang binibitawan niya na lalong nagpapa
Naalala niyang wala siyang bike kaya roon na lang sa pinakamalapit na bike renting machine na lang sila umarkila ng bike. Sa tingin ni Hannah ay mas exciting iyon kaysa ang mag-taxi sila."Iyon o, may bike naman. Mag-bike na lang tayo, katulad nang dati!" yaya ni Hannah, dahil nakainom ay sobrang kulit niya.Mayroong bicycle renting machine sa di kalayuan kung saan may isa-scan ka lang na QR code at pwede mo nang gamitin 'yong bike ng ilang oras. Isa-scan na sana ni Hannah ang kanyang cellphone pero agad siyang pinigilan ni Aldred."Uy, nakainom ka, ah. Hindi pwede iyan. Sumakay ka na lang dito sa bike ko at ako na ang bahalang maghatid sa iyo. Malinaw ba iyon?"Tumingin lang noon si Hannah kay Aldred pero sa mga tingin niyang iyon ay alam ni Aldred na ayaw magpapigil ni Hannah."Ha? Bakit naman? Iche-check pa ba ng mga tao iyon kung lasing o hindi ang nakasakay dito?" sagot ni Hannah, halata na gusto niya talagang sumakay sa bike."Oo, 'no. May magche-check sa iyo dyan kaya dapat ay m
“Simon, hindi na ako makakasabay sa iyo kumain,” sambit ni Hannah.“Ganoon ba, sige huwag na tayong kumain,” sagot naman ni Simon habang inaabot ang aking kamay.“Hindi, kumain ka na doon, hayaan mo na ako,” paiwas na sagot ni Hannah.Pagkatapos noon ay hindi na pinansin ni Hannah ang reaksyon ni Simon. Agad agad na lang siyang umalis.Pagkatapos umalis ni Hannah ay dumiretso ito sa isang Bar. Halos buong gabi siyang uminoon doon. Sa totoo lang ay hindi naman talaga malakas uminom si Hannah pero sa gabing iyon ay uminom siya hanggang mamanhid na ang katawan at utak niya dahil sa nangyari.“Oh hanggang anong oras ka dito? Meron bang susundo sa iyo?” sambit ni Mister Legaspi.Si Mister Legaspi ang may ari ng bar na iniinuman ni Hannah, pero madalas ang tawag sa kanya ng mga tao doon ay Isidro. Kung titignan ay parang nasa singkwenta anyos na siya. Sa isip ni Hannah ay kung nabubuhay pa ang kanyang ama ay magkasing edad na ang dalawa.“Ngayon na, eto aalis na,” sagot ni Hannah.Ayaw pa
Natawa na lang din si Hannah sa mga sinabi ni Jared sa kanya.“Jared, ikaw? Hindi ka ba takot tawanan ng ibang tao lalo na ngayon na isang balo ang kinakasama mo? Bakit naman ako matatakot sa sasabihin ng iba? Papaalala ko lang sa iyo na kung meron kang makita na mas mabuti sa akin ay ipapalangin ko na maging okay kayo, ang kaso lang ay ang nakita mo ay isang babaeng balo na buntis pa anak ng ibang lalaki,” sabi ni Hannah.Sa mga oras na iyon ay huminti saglit si Hannah at sinabing, “Ah oo nga, ganito mo pinapakita ang pagiging mabait mo at pagiging mapagbigay sa isang tao.”Tila ba nabulunan si Jared nang marinig ang mga sinabi ko, hindi na siya nakapag salita pa. Kaya din nahila na ni Hannah ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Jared at pumunta na ng restroom.Habang nakatayo si Hannah sa harap ng salamin ay nakita niya ang kanyang mukha na para pang pagod na pagod na.Kahit pa kasi wala na sila ni Jared ay nasaktan pa din siya sa mga sinabi nito sakanya. Pero pansin din ni Han
Kung ayaw mag reply ni Liane agad ay dapat hindi na lang siya nag-reply. Bakit pa siya nag-reply kung kailan hawak ni Simon ang phone ni Hannah, at talagang ganoon pa ang sagot ni Liane sa message ni Hannah.Sa sobrang hiya ni Hannah ay hindi na niya magawang tumingala at tingnan si Simon. Bigla namang nagsalita si Simon nang malumanay, “Okay lang naman kung pinag-uusapan niyo ako, walang problema sa akin.”Hindi na nagawa pang magsalita ni Hannah dahil sa hiya niya kay Simon sa mga oras na iyon. Sa isip-isip na ni Hannah ay kung puwede lang niyang ibaon ang sarili niya sa lupa ay gagawin niya iyon, kaso nga lang ay hindi puwede.Alam din ni Hannah na hindi niya puwedeng iwasan ang issue na iyon, dahil kapag lalo siyang umiwas ay lalo naman itong iisipin ni Simon, dagdag pa ay si Simon ang klase ng lalaki na kapag meron siyang sinabi ay gagawin o sasabihin niya ito, maski pa man mag mukha pa siyang bulgar o hindi.Lalo pa at hindi naman kasi tinuturin na iba ni Simon si Hannah.“Totoo
Habang iniisip pa lang ni Hannah iyon ay bigla naman dumating ang sasakyan ni Jared at huminto sa harapan ni Jane. Bumaba si Jared mula sa sasakyan at siya mismo ang nagbukas ng pinto para kay Jared, nilagay pa niya ang kamay nito sa may frame ng sasakyan para hindi maumpog si Jane.Sa tagal ng pagsasama nila Hannah at Jared ay ni minsan ay hindi niya ito ginawa para sa kanya. Ito pala ang pinagkaiba ng pakikitungo ni Jared sa kanilang dalawa ni Jane.Parang dapat ay hindi na lang tumingin si Hannah, parang nainis tuloy siya dahil sa kanyang nakita.Bago pa man alisin ni Hannah ang tingin niya kanila Jared ay napansin niya na nakatitig si Jared sakanya, napansin niya na para bang nakakunot ang kanyang mga kilay.Sakto naman ay iaabot na ni Simon kay Hannah ang menu pagkatapos nitong umorder. Pagtingin ni Hannah sa mga inorder ni Simon ay puro ito pagkain na gusto ni Hannah na kainin.Nagtataka lang si Hannah dahil paano nalaman Simon ang mga gustong pagkain ni Hannah, pareho ba sila n
Dahil naisip ni Hannah na madami nagawa si Simon ngayong araw ay napagdesisyonan niya na ilibre ito sa alam ni Hannah na masarap na restaurant, Pagpasok nila doon ay hindi inaasahan ni Hannah na may makikita siyang tao na ayaw sana niyang makita.Pero huli na noong napansin ito ni Hannah, pag kakita sa kanya ay naglakad agad ito palapit kay Hannah.Napaisip na lang si Hannah na ang mga tao talagang nahihiya ay bigla bigla nalang sumusulpot.Habang nag lakalakad si Jane palapit kay Hannah ay ito na lang ang kanyang naisip.Kapag talaga ang kabit ay meron pang natitirang hiya ay siguro naman ay iiwasan niya ang girlfriend.Pero iba na din ang ikot ng mundo ngayon, siya pa ang may lakad ng loob lumapit kay Hannah.Pakiramdam tuloy ni Hannah ay nagpapasikat si Jane kaya siya lumapit sa kanya.“Hannah, akalain mo nga naman at dito ka din kakain?” sabi ni Hannah habang tinitignan si Simon.Simula din ng paglapit ni Jane kay Hannah ay hindi pa naalis ang tingin ni Jane kay Simon.Hindi din k
Sabi nga ni Harry ay kilalang kilala ko na si Jared, kapag kailangan niya ng isang bagay ay agad ko naman itong naibibigay. Mas kapatid pa ang turingan namin sa isat-isa kaysa mag kasintahan.“Hindi ba nalalamigan ang tubig?” tanong ni Hannah kay Simon.“Lagi naman akong naghihilamos na malamig ang tubig, nasanay na lang din ako dahil ganon na din ang ginagawa ko noong nasa army pa ako.” sagot ni Simon kay Hannah.Napaisip tuloy si Hannah kung lagi ba na ganon ang sitwasyon ni Simon noong sundalo pa siya.“Meron ka bang wet wipes diyan? O towel man lang? Para makapag punas na ako ng katawan ko,” tanong ni Simon.Kahit na hawak na ni Simon ang towel ni Hannah ay nag aalangan pa din siyang gamitin ito.“Meron akong face towel dito, puwede mo naman gamitin ito.” sagot ni Hannah habang kumukuha ng face towel para kay Simon.Medyo natulala si Simon noong nakita ang mga face towel na inaabot ni Hannah, tila ba hindi niya natatandaan ang mga ito.“Hindi mo alam to no Simon,” natatawang sambi
Nagtinginan lang silang dalawa noon. Walang ni isa sa kanila ang umatras. Halos matunaw na nga si Hannah sa mga titig ni Simon sa kanya. Natigil lang sila sa pagtitinginan nang marinig ni Hannah ang boses ng kapitbhay niya. “Ang galing talaga ng boyfriend niya, ‘no? Pati ‘yong hagdan ay malinis! Maswerte talaga siya, pwede na niyang asawahin iyon.” Doon lang nagkaroon ng lakas si Hannah para itulak si Simon at tuluyan na siyang makawala sa mga titig na nakakatunaw nito. Tumakbo si Hannah sa may sala, para bang hinahabol niya ang kanyang hininga noon. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nahihiya siya kay Simon at sa kanyang sarili. Litong-lito na siya sa kung ano man ang kanyang nararamdaman. Habang siya ay litong-lito ay parang wala lang kay Simon ang nangyari. Iniba nito ang topic at may tinanong kay Hannah. “Sa bahay ba ‘to ng mga magulang mo?” Agad na nagtaka si Hannah kung paano nito nalaman na sa mga magulang niya iyong bahay. “Ang galing ah, kung ano ang mukha m