Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.
Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.
“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.
“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.
Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.
“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga buntis ang masyadong emosyonal. Oo, na-save ang baby mo ngayon pero kapag may nangyari pang ganito ay baka maging delikado na ang lagay ng baby mo,” sabi ni Hannah, kita sa kanya ang pag-aalala kay Jane.
Inalis ni Hannah ang pagkakahawak ni Jane kay Jared, kahit na kita naman niya ang luha ni Jane ay hindi pa rin siya komportable. Pakiramdam niya ay nadudumihan si Jared. Gusto niya na kanya lang ito. Meron siyang mysophobia, sa buhay at sa pag-ibig.
Mukhang hindi sanay si Jane na mabait si Hannah sa kanya kaya natigilan siya. Napansin niyang may luha ang kamay ni Jared kaya naman pinunasan agad niya ito ng tissue.
“Jared, halika. Pupunasan ko ang kamay mo nitong tissue. May mga luha pala na pumatak dyan. Pasensya ka na,”sabi ni Jane habang nagpupunas ng kamay ni Jared.
Hindi pa tapos ang pagpunas ni Jane sa kamay ni Jared ay pinigilan na siya ni Hannah.
“Huwag mo nang gawin iyan, Jane.”
Kitang-kita ni Hannah na natigilan si Jane. Tumingin ito kay Jared na para bang may gusto siya rito kaya kinausap nang masinsinan ni Hannah si Jared paglabas nila ng ward.
“Gusto ka ba ni Jane?”direktang tanong ni Hannah.
“Hindi, ah!” paged-deny naman ni Jared kay Hannah.
“Eh, ikaw ba? Gusto mo ba siya?” tanong ni Hannah ulit.
Ayaw pa naman ni Jared ýong pa-isa isa ang tanong, gusto niya kapag tinanong siya ay lahatan na para isang bagsakan na rin ang sagot. Nang itanong iyon ni Hannah ay kitang-kita na natigilan siya pero sumagot pa rin siya.
“Ano ka ba? Magkaibigan lang kami,”sagot ni Jared.
“Noong araw na nawala si Lyndon, humingi siya ng pabor sa akin habang hawak niya ang kamay ko. Alagaan ko raw si Jane,” sabi ni Jared, nanginginig ang kanyang boses, pati na rin ang mga kamay.
Napansin ni Hannah na kinakabahan si Jared sa tuwing nasasabi ang pagkamatay ni Lyndon. Hindi lang isang beses itong nangyari.
“Wala lang, napapansin ko kasi na masyado na siyang umaasa sa tulong mo,” sagot ni Hannah.
“Eh baka buntis lang siya kaya ganoon. Baka feeling niya, hindi siya safe mag-isa. Hannah, mas iniisip ko ang future nating dalawa,” pag-papaliwanag ni Jared kay Hannah.
Ang dami na niyang paliwanag kay Hannah pero pinagsabihan niya pa rin ito.
“Kahit na inaalagaan mo siya para kay Lyndon, e baka magkagusto pa rin siya sa iyo. Okay? Nag-aalala lang ako,” sabi ni Hannah.
“Alam ko naman iyon, Hannah.”
Ayaw na ni Hannah na humaba pa ang usapan, pakiramdam niya ay napapahiya na siya. Pagkatapos magsalita ni Hannah ay nakarinig siya ng cart wheels kaya naman sinubukan niyang tingnan iyon. Nakita niya na napakaraming tao ang nag-aassist sa ambulansya na dumating.
“Mag-ingat ka, Hannah,” paalala ni Jared sa kanya.
Pagkatapos sabihin iyon ni Jared ay nadali si Hannah ng mga taong nag-aasisst kaya naman hinila siya pabalik ni Jared sa kanya at napasubsob siya sa dibdib nito. Rinig na rinig tuloy niya ang pagtibok ng puso nito.
Naalala niya tuloy ang isang pagkakataon kung saan narinig din niya ang tibok ng puso ni Jared. Nalaglag siya dahil sa isang school activity. Kaya naman nandoon agad si Jared para saluhin siya. Noon pa lang ay na-inlove na siya rito.
Sinara ni Hannah ang kanyang mga mata habang nakayakap pa rin kay Jared. Ayaw na niyang isipin pa kung ano man ang nangyari sa buong araw niya.
“Umuwi na tayo, pagod na ako eh,” sabi ni Hannah.
“Sige, magpapaalam muna ako kay Jane ha? Dyan ka lang,” sagot naman ni Jared pagkatapos ay humalik ito sa noo ni Hannah.
Hindi na sumama pa sa loob ng ward si Hannah, hindi na niya narinig pa ang sinabi ni Jared kay Jane pero paglabas ni Jared ay narinig niya na umiiyak si Jane.
Nang makauwi na sila sa bahay ay nakita nilang gising pa ang mga magulang ni Jared. Nanunuod ito ng TV sa may sala. Pansin din ni Hannah na parang hindi nag-uusap ang dalawang matanda habang sila ay nanunuod.
Natanong na rin naman ni Hannah iyon sa kanila, ang sabi nila ay araw-araw naman daw silang nagkikita. Ano pa ba ang kailangan nilang pag-usapan? Sinabihan na rin naman siya ni Jared noon na noong una ay inlove na inlove ang mga magulang niya sa isa’t isa pero nang maglaon ay parang naging ordinaryo na rin ang mga araw para sa kanila. Dahil doon ay napa-isip si Hannah nab aka ganoon rin sila ni Jared kapag tumanda sila.
“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Hannah na sagutin ni Jared ang tawag kaya lang ay nahihiya siya dahil baka importante iyon para kay Jared. Nagulat na lang si Hannah nang kunin ni Jared ang kanyang cellphone at pinatay ito. Pagkatapos noon ay patuloy siyang hinalikan ni Jared sa kanyang leeg.Habang ginagawa iyon ni Jared ay bigla na namang nag-ring ang cellphone niya. alam ni Hannah sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot iyon ni Jared ay hindi na sila matatahimik. Kaya naman, sinabihan na niya si Jared na sagutin na ang tawag.“Sige na, sagutin mo na ang tawag na iyan.”Tinakpan muna ng unan ni Jared ang katawan ni Hannah bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag. Kitang-kita ni Hannah na ayaw din talagang sagutin ni Jared ‘yong tawag na iyon pero napilitan na ito. Pumunta siya sa terrace para roon kausapin ‘yong tumatawag. Medyo malayo ‘yong terrace pero rinig naman ni Hannah ang pagsasalita ni Jared.“Ano k
Malinaw na malinaw kay Hannah ang lahat. Kung mahal kasi siya ni Jared, hindi siya iiwan nito sa ere. Hindi sasamahan ni Jared ang ibang babae lalo pa at gabi na. Para tuloy nadudurog ang puso ni Hannah kapag naiisip iyon.Alam naman ni Hannah na kailangan ni Jane ng tulong ni Jared. Lalo pa at pinagkatiwala ni Lyndon ang kanyang asawa rito, pero alam din naman ni Hannah kung kailan sobra na ang pag-aalaga ng kanyang fiancé sa babaeng iyon.“Di ba, sabi mo sa akin ay titigil ka na sa lalaking ‘yan? Tapos, maghanap ka ng bago. Marami kang mas maayos na makikita. Huwag ka na sa lalaking iyan,” advice ni Liane sa kaibigan.Sa isip ni Hannah, madali lang naman hiwalayan ang isang Jared Falcon. Pero, ang pamilya ni Jared? Hindi niya kayang iwan ang mga iyon. Sila na ang tumayong magulang niya, kaya sigurado siya na mahihirapan siya oras na maghiwalay sila ni Jared.Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita ang mag-asawa ay sumasak
“Gusto daw po kayong makausap ni Sir Jared, Miss Hannah,” sabi ng personal assistant niya.Binigay kay Hannah ‘yong cellphone at doon na sila nag-umpisang mag-usap. Ramdam niya sa kanyang sarili na ayaw niya talaga munang kausapin si Jared pero kailangan niya itong gawin dahil kasama niya ang personal assistant nila.“Hey. I’m sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo. Ano iyon? May kailangan ka ba sa akin?” malumanay na sabi ni Hannah kay Jared.“Hannah, bakit ka naman umalis nang ganito kaaga? Wala ka na rito sa bahay pag-uwi ko,” obvious na guilty si Jared dahil hindi siya nakauwi dahil binantayan niya si Jane.Ramdam ni Hannah na ayaw makipag-usap ng pormal ni Jared sa kanya kaya sinagot na lang niya ang tanong nito. Pero, nagsinungaling pa rin siya rito.“Ah, lumabas ako para kumain ng breakfast,” sagot ni Hannah.“Pasensya ka na, hindi na ako nakabalik kagabi. Hindi ko k
Nagulat na lang si Hannah nang may makita siyang pamilyar na mukha, si Jared. Agad itong pumunta sa kanya para i-check ang lagay ng paa niya.“Hindi ba kasya ang sandals na ‘to saýo?” tanong ni Jared sa kanya.Hindi sumagot si Hannah. Alam niya sa sarili na ayaw pa niyang kausapin si Jared ngayon pero nagpupumilit talaga ito. Pagkatapos i-check ni Jared ang mga paa ni Hannah ay tiningnan niya ito nang deretso.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Jared sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig ni Hannah ýong tanong.“Hindi ako galit saýo,” maikling sagot niya sa kanyang fiancé at pilit na hinihila ang paa niya na hawak ni Jared, ayaw namang bitawan iyon ni Jared.“Hindi ko na iyon gagawin kahit kailan. Promise!” sabi ni Jared.Napansin ni Hannah na nakasuot ng royal blue suit si Jared na may white shirt sa loob. Ang custom cufflinks na nasa shirt niya ay kumikinang katulad ng haring araw. Minasahe niyang maigi ang mga paa ni Hannah. W
“Kaya pala noong dumaan ako rito, pamilyar ‘yong amoy ng steak. Iyon pala kasi ang dinadala mo sa akin,” nakangiting sabi ni Jane kay Jared, ang tingin na iyon ay malagkit kaya inis na inis si Hannah habang nakatingin sa kanila.“Hannah, siguro lagi kang dinadala ni Jared dito ‘no? Pamilyar ka rin siguro sa lasa noong steak na dinadala niya sa akin. Ang sarap, di ba?” sabi naman ni Jane kay Hannah nang mapansin na nakatingin siya sa kanilang dalawa.Mukhang hindi pa masaya si Jane kaya sinaktan pa niya lalo si Hannah gamit ang mga salitang binitawan niya. Ramdam na ramdam ni Hannah iyon, parang hiwa ng kutsilyo sa kanyang puso. Sa sobrang sakit, parang gusto na lang niyang maglaho.“Ah, hindi. Unang beses ito na dinala niya ako rito. Hindi naman ako kasing blessed mo,” sabi ni Hannah pagkatapos ay tumingin siya kay Jared nang matalim para malaman nito na hindi niya nagugustuhan ang anumang naririnig niya.Pa
Binalikan ni Hannah ang kanyang cellphone. Nakita niya na ang daming nag-react sa kanyang post sa Moments app. Ang mg aka-trabaho niya ay nag-react ng thumbs up, si Mary naman ay nag-message sa kanya.“Hindi ako kasama, ah.”Alam ni Hannah na si Mary ang inutusan nito na mag-book ng reservation at ire-reimburse na lang ni Jared ang lahat ng nagastos kapag natapos na silang kumain sa restaurant. Nahihiya tuloy si Hannah kay Mary dahil naabala pa ito sa kanyang trabaho.Nakita rin naman ni Liane ang post ni Hannah sa Moments app at nag-react tungkol dito. Alam ni Hannah na ayaw ng kaibigan niya ang mga ganoong klaseng post niya dahil iisa lang ang ibigsabihin noon, okay na sina Jared at Hannah.“Ano namang karupukan iyan? Pero, infairness naman sa kanya. Nabawi talaga siya sa iyo. Alam niya siguro talaga kung gaano kalaki ang pagkakamali niya sa’yo. Oo nga pala, tinanong ko na ‘yong nurse na duty kagabi. Ang sabi naman niya ay
“Hannah, ano ba?!” sigaw ni Jared.Mas malakas na ang sigaw ni Jared sa pangatlong pagkakataon. Rinig na rinig na ng ibang tao sa restaurant ang boses niya pero wala siyang pakialam.“Kaya lang naman ganoon si Jane ay dahil nag-aalala siya sa mga kinakain niya. Buntis siya, remember? Hindi pwedeng iba ang mag-handle ng pagkain niya. Hindi ka dapat ganyan sa kanya,” dagdag pa ni Jared na lalong kinainis ni Hannah.“Ha? Sa tingin mo ba, ‘yong mga pagkain dito hindi hina=handle ng iba?” sagot ni Hannah.Napatigil si Jared dahil sa sinabi ni Hannah. Na-realize din niya na mali pala ang sinabi niya.“Sorry, ako ang mali rito. Jared, huwag ka nang magalit kay Hannah. Para matapos na ito ay aalis na lang ako,” sagot ni Jane.Tatayo na sana muli si Jane mula sa upuan nang hawakan na naman siya ni Jared. Pinigilan niya na naman itong umalis kaya inis na inis na naman si Hannah sa kanila."Jane, huwag mo siyang pansinin. Bad mood lang siya kasi she's on her period pero wala iyan. Isa pa, araw-a
Nagtinginan lang silang dalawa noon. Walang ni isa sa kanila ang umatras. Halos matunaw na nga si Hannah sa mga titig ni Simon sa kanya. Natigil lang sila sa pagtitinginan nang marinig ni Hannah ang boses ng kapitbhay niya. “Ang galing talaga ng boyfriend niya, ‘no? Pati ‘yong hagdan ay malinis! Maswerte talaga siya, pwede na niyang asawahin iyon.” Doon lang nagkaroon ng lakas si Hannah para itulak si Simon at tuluyan na siyang makawala sa mga titig na nakakatunaw nito. Tumakbo si Hannah sa may sala, para bang hinahabol niya ang kanyang hininga noon. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nahihiya siya kay Simon at sa kanyang sarili. Litong-lito na siya sa kung ano man ang kanyang nararamdaman. Habang siya ay litong-lito ay parang wala lang kay Simon ang nangyari. Iniba nito ang topic at may tinanong kay Hannah. “Sa bahay ba ‘to ng mga magulang mo?” Agad na nagtaka si Hannah kung paano nito nalaman na sa mga magulang niya iyong bahay. “Ang galing ah, kung ano ang mukha m
Hindi malaman ni Hannah kung ano ba ang nararamdaman niya. Para siyang kinikilig na nahihiya o ewan. Na-miss niya ang pakiramdam na iyon at ngayong nararamdaman na niya ay naninibago naman siya. Hindi na lang niya tiningnan pa si Simon at binili na lang kung ano ang pinapabili nito. Pagbalik niya ay nakita niyang nagmo-mop na si Simon at linis na rin ang bawat sulok ng bahay niya. “Ay, tapos na pala. Ang bilis mo, ah. Nag-magic ka ba?” biro ni Hannah pagkatapos ay binigay na kay Simon ang pinapabili nito sa kanya. “Magic? Anong sinasabi mong magic? Hindi ah, mabilis lang talaga ako kumilos,” sagot ni Simon pagkatapos ay kinuha na ang mga head pipe na binili ni Hannah. Pagkatapos noon ay lumabas na siya para ayusin ang lahat ng dapat ayusin na pipe. Naiwan naman si Hannah sa loob kaya nalibot niya ang buong bahay niya. Gulat na gulat siya dahil ang ganda na nito, parang bagong bahay na ulit at hindi sampung taon na hindi natirhan. ‘Kakaiba talaga siya, ang linis niya sa bah
Sila ni Jared ay pamilyar na sa isa’t isa dahil sa sobrang tagal na nilang magkasama. Ang paghahawak kamay o kung ano mang uri ng pagtama ng balat ay normal na sa kanila. Walang kuryenteng dumadaloy o kilig na nararamdaman si Hannah.Dahil sa nangyari ay naintindihan na ni Hannah kung ano man ang nararamdaman ni Jared kay Jane. Kakaiba nga dahil may kuryente at kilig.Umakyat na si Simon sa bahay at nalagyan pa ng tubig ang kanyang mga paa. Muntik pa tuloy itong madulas.Nakatingin lang si Hannah kay Simon habang pumapanhik sa taas ng bahay niya dahil iba talaga ang naging pakiramdam niya sa binata.Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang tawagin siya ng kapitbahay niya. Nagulat siya dahil panay puri ito kay Simon at inakala pa ng ginang na boyfriend ni Hannah ang binata.“Aba hija, ang galing din ng boyfriend mo ano? Ang daming alam sa bahay. Kung ako sa iyo ay asawahin mo na ‘yan. Parang hindi napapagod sa gawaing bahay eh,” sabi noong isang ginang.“Oo nga, hindi pati nahihiya n
Nang makauwi na si Hannah sa kanyang bahay ay nagulat siya dahil nagkukumpulan na ang mga tao sa isang side at hula niya ay ýon ang water valve na nasira. Mas lalo pa siyang kinabahan dahil nang makita siya ng mga kapitbahay niya ay lumapit silang lahat sa kanya."Naku, neng! Baka bumaha na roon sa bahay mo! Madadamay ang mga bahay namin!"sabi ng isang ginang."Oo nga, mukhang wala pa namang mag-aayos niyan. Anong oras na eh. May na-contact ka ba, Hannah?"tanong naman noong isa."Opo, siya po,"sabay turo kay Simon.Agad na bumaba si Simon sa kotse para tingnan kung nasaan ang nasirang water valve dahil aayusin na niya ito. Pero ýong mga kapitbahay ni Hannah ay negatibo na dahil kinakalawang na ang water valve. Ni minsan ay wala nang nakapag-ayos noon dahil sa sobrang tigas na at hindi mapihit."Naku, hijo! Kinakalawang na iyan, impossible na magawa mo pa iyan,"sabi ng isang ginang."Oo nga, ang tagal na namin dito pero kahit kailan ay hindi namin nabuksan iyan. Good luck na lang talag
“Wala ka na ngang pera tapos magre-resign ka pa?” reaksyon ni Hannah namg marinig ang sinabi ni Simon.Hindi naman sumagot si Simon noon. Para siyang bingi dahil hindi man lang niya pinansin si Hannah.Dahil naawa si Hannah ay dinala na nga niya sa pinaka-city si Simon. Alam niyang kailangan nga talaga nito nang matitirhan.“Ang ganda dito, baka mahal ang renta ah,” sabi ni Simon.“May mga mura namang nire-rentahan dito, kung gusto mo ay dadalhin kita roon para matingnan mo,” sagot ni Hannah.“Ang engineer na katulad mo ay dapat doon tumingin ng bahay kung walang-wala ka talaga. Isa pa, dapat ang mapasukan mong kumpanya kung sakaling magre-resign ka nga ay malapit dapat sa iyo,” dagdag pa ni Hannah.Hindi na naman sumagot si Simon kaya talagang naawa na si Hannah sa kanya. Ang nasa isip niya, siguro ay talagang wala itong pera kaya hindi na lang ito nasagot.“Ah, kung kulangin ka man sa pambayad mo, pwede kang manghiram sa akin. Wala lang naman sa akin iyon. Saka mo na lang ako bayara
Sa kabilang banda naman ay natawa na lang si Hannah. Para kasing bata si Simon na magagalit kapag hindi nasunod kung ano ang gusto. Kinalma niya muna ang sarili sa pagtawa bago siya sumagot kay Simon."Sir Simon, para ka namang bata eh. Hindi ba pwedeng si Mary na lang ang sumama sa iyo? Talagang ako pa? Bakit?" "Bakit din? Masama bang ikaw ang isama ko roon? Isa pa, wala akong kakilala rito. Baka mawala pa ako. Isa pa, kilala mo naman ako dati-" natigilan si Simon sa kanyang pagsasalita nang sumagot agad si Hannah."Sige na, sasamahan na kita!" inis na sagot ni Hannah.Alam ni Hannah na kapag hindi siya pumayag sa gusto ni Simon ay sasabihin nito na nagkasama na sila sa probinsya kasama si Mrs. Lerazo. Syempre, ayaw naman niyang malaman ni Mary ang tungkol doon."Miss Hannah, sasama pa ba ako sa inyo?" tanong ni Mary pero seryoso ang boses niya."Ah, hindi na kailangan!" sabay na sagot nina Hannah at Simon kaya nagtaka si Mary pero hindi na lang siya nagsalita."Sige. Ingat kayo ha?
“Ano ang gagawin mo ngayon? Magpapahinga ka na naman? Mauubos ang oras natin kapag ganyan nang ganyan eh,” inis na tanong ni Hannah.Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mary sa cellphone ay agad na nagpaalam si Hannah kay Sir Fritz. Ayaw man niyang umalis dahil nahihiya siya rito ay nagpaalam na rin siya."Sir Fritz, alam ko pong kadarating ko lang pero kailangan ko po munang umalis. Emergency lang."Nagulat naman si Sir Fritz noon dahil kadarating nga lang ni Hannah ay aalis na naman ito."Sige po, Ma'am Hannah. Ako na po ang bahala rito," sagot naman ni Sir Fritz pagkatapos ay ngumiti.Pagbalik ni Hannah ay dumiretso agad siya kay Simon at tinanong niya ito. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba siya o ano."Ano ba talaga ang trip mo, Sir? Bakit day-off na naman kami ni Mary?" sabi agad ni Hannah nang makita niya si Simon.“Dalawang araw naman talaga ang day-off hindi ba? Wala naman sigurong masama kung dadagdagan natin ng isa pang araw?” sagot ni Simon, tila ba marami pa siyang oras pa
Pagkatapos makaalis ni Karen ay agad siyang tiningnan at tinanong ni Mary. Para siyang isang chismosa na gustong malaman ang lahat ng kilos noong dalawa.“Miss Hannah, ano ang napagusapan niyo ni Sir Simon noong wala ako? I-kwento mo naman!""Ah, wala naman. Hindi naman kami nag-usap masyado," sagot ni Hannah.Ganoon na lang ang sinabi ni Hannah dahil alam niya na baka kung ano pa ang isipin ni Mary sa kanila ni Simon. Baka mamaya ay pagselosan pa niya kung sakali mang magkwento si Hannah.Hindi makapaniwala si Mary sa mga sinabi ni Hannah kaya kinulit pa niya ito nang kinulit. Nakita kasi niya na nag-usap ang dalawa. Feeling niya ay ayaw lang talaga ni Hannah na magkwento sa kanya."Hindi nga, ano nga ang sabi niya?"“Tungkol lang sa trabaho ang pinag-usapan namin, baka kailangan lang natin mag over time sa mga susunod na araw,” sabi na lang ni Hannah para matigil na ang usapan nila.“Ano? Overtime? Grabe naman! Ilang araw na tayong pagod sa trabaho, ah!” naiinis na sagot ni Mary na p
“Gusto mo lang ata makasama si Sir Simon kumain kaya ka ganyan,” sabi ni Hannah. “Miss Hannah, naiitindihan mo talaga ako,” sagot naman ni Mary. Alam ni Hannah na hindi na siya makaktanggi na kumain kasama ni Simon, kaya tumahimik na lang siya, kung hindi ay baka makatunog din si Mary sa nangyari at magtanong pa siya lalo. Habang nakaupo sila Hannah at Mary ay meron naman biglang lumapit sa table nila. Isang magandang babae ang lumapit sa kanila na dala dala din ang pagkain niya. “Mary, ikaw ba yan?” sabi ni Karen. Bigla nalang napatayo si Mary nang makita niya ang kanyang dating Squad Leader na si Karen. “Ma'am Karen! Ano ang ginagawa mo dito?” masayang sagot ni Mary. “Nasa business trip kasi ako, ang tagal na kitang hindi nakita ah. Pwede mo ba akong samahan kumain at para na din makapag kwentuhan na din tayo,” aya ni Karen kay Mary. Tiningnan ni Mary si Simon, sunod ay tinignan si Hannah, pagkatapos ay umoo siya sa alok ni Karen na samahan siya ni Mary kumain.. Pagkatapos