“Sabihin mo nga ang totoo sa akin, pare. Kamusta kayo ni Hannah? May nangyari na ba sa inyo?” tanong ni Roldan kay Jared, dahilan para hindi tuluyang pumasok si Hannah sa loob ng bahay.
Nakita ni Hannah na nakaupo si Jared sa sofa habang kausap si Roldan. Hawak nito ang isang beer. Nag-iinuman pala sila, ni hindi man nagpaalam kay Hannah.
“Sinusubukan niya, pero hindi naman ako interesado. Bakit mo natanong?” sagot ni Jared na nagbigay ng sakit sa puso ni Hannah.
“Ha? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Si Hannah na ang lumapit sa’yo, hindi mo man lang pinansin? Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya,” sagot naman ni Roldan, hindi makapaniwala sa sinagot ni Jared sa kanya.
Ang kausap niya ay si Roldan, isa sa mga matalik niyang kaibigan. Isa siya sa mga nakakita kung paano magmahalan sina Jared at Hannah sa lumipas na sampung taon. Hindi lubos maisip ni Hannah na niloloko lang pala siya noong dalawa.
“Ayaw ko sa kanya, naiintindihan mo ba ‘yon?” nakasimangot na sagot ni Jared.
Labing apat na taong gulang pa lang si Hannah ay pinakilala na siya kay Jared. Ang dami nagsasabi sa kanyana si Jared ang dapat niyang pakasalan, wala nang iba. Simula noon, nakatira na sila sa iisang bahay. Sampung taon na ang nakakalipas.
“Bakit nga ba ako nagtatanong? Sabay nga pala kayong pumasok ni Hannah sa trabaho. Nakikita niyo ang isa’t isa sa araw at gabi. Kumakain kayo sa iisang lamesa. Pati nga yata ang mga pribadong gawain, nakita niyo na sa isa’t isa eh,” sabi ni Roldan kay Jared, natatawa siya sa sarili niyang kalokohan.
“Wala nang thrill kapag matagal na kayong nagsasama. Dapat meron, e. Alam mo ‘yon? ‘Yong parang, may mga bagay na hindi kayo alam sa isa’t isa? Hindi ko ‘yon makita kay Hannah,” sagot ni Jared na nagpa-wasak sa puso ko.
Natahimik si Roldan dahil sa sinabi ni Jared. Tumango-tango siya sa kaibigan, para bang sumasang-ayon siya sa sinasabi ni Jared. Dahil sa narinig ni Hannah ay parang gusto na niyang sumabog.
“Kung ganoon ang nararamdaman mo, papakasalan mo pa rin ba siya?” tanong ni Roldan na lalong nagpatigil sa paghinga ni Hannah.
Ang mga magulang ni Jared ang may gustong ikasal ‘yong dalawa. Pinapakuha na nga sila ng certificate. Si Roldan na mismo ang nagtanong kay Jared ng isang bagay na gustong malaman ni Hannah.
Hindi agad sumagot si Jared kaya tinanong ulit siya ni Roldan. Dito na sumikip lalo ang dibdib ni Hannah, kahit alam na niya ang sagot ay umaasa pa rin siyang iba ang isasagot ni Jared sa kaibigan.
“Bakit tahimik ka lang? Ayaw mo ngang magpakasal sa kanya?”
“Ayaw ko,” maikling sagot ni Jared.
“Ibigsabihin, gusto mong magpakasal pero hindi ka pa handa, tama ba?”
Sa tagal nang mag-kaibigan nina Jared at Roldan ay kilala na nila ang isa’t isa, kahit nga yata wala pa silang sinasabi ay alam na nila kung anong pinupunto ng isa.
“Roldan, narinig mo na ba ang kasabihan na ‘to?” tanong ni Jared.
“Alin?” sagot ni Roldan, nagtataka kung ano ba ‘yong sinasabi ng kanyang kaibigan.
“Kung wala kang ganang kumain, huwag mong itapon kasi sayang,” sagot ni Jared.
Sumikip lalo ang dibdib ni Hannah, pakiramdam niya, siya ay tira-tira na lang para kay Jared. Na nasa tabi lang siya ng taong mahal niya dahil wala nang choice si Jared. Labis siyang nasaktan dahil doon.
“Pero, pakakasalan mo nga siya kahit ganoon na ang nararamdaman mo para sa kanya?” pang ilang ulit nang tanong ni Roldan kay Jared kaya naman nakulitan na ito.
“Gustong-gusto mong malaman ang sagot ko, ‘no? May gusto ka ba sa kanya? Sabihin mo lang, ibibigay ko naman siya sa’yo eh,” sagot ni Jared.
Tao si Hannah, may nararamdaman. Paano niya nagagawang sabihin ‘yon? Para tuloy siyang isang gamit na napag-sawaan na niya. Kahit nga ‘yong aso o pusa, kapag nakasama mo ng sampung taon, magkakaroon ka ng koneksyon. Tapos pagdating kay Hannah, ganoon lang? Kitang-kita ni Hannah na wala siyang halaga para kay Jared.
Pero, si Jared? Siya ang buhay ni Hannah. Ang lahat-lahat ni Hannah. Inalagaan siya nito, minahal ng buo. Kahit nga maubos na si Hannah, basta maayos siya ay ayos na rin si Hannah. Paano niya naloko ng sampung taon ang taong nagmahal sa kanya nang lubos? Sobrang sakit para kay Hannah dahil inubos niya lang ang sampung taon niya sa lalaking katulad ni Jared.
“Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ganoon ang tingin ko kay Hannah. Marami pa namang babae dyan, doon na lang ako,” sagot naman ni Roldan kay Jared.
Kinuha ni Jared ang sigarilyo mula sa ashtray sa may sofa at saka tumayo.
“Umalis ka na nga, pahamak ka na simula noong dumating ka kanina eh.”
“Hindi ako ang nagpapahamak sa’yo kung hindi si Hannah. Aba, kung hindi mo naman talaga siya mahal ay hiwalayan mo na siya, para naman makahanap siya ng iba,” iyon ang huling sagot ni Roldan pagkatapos ay kinuha ang kanyang coat, tumayo at umalis.
Pagbukas ng pinto ay nagulat na lang si Roldan nang makita niya si Hannah. Alam niyang narinig ni Hannah ang lahat pero ngumiti lang siya na para bang walang nangyari.“Hinahanap mo si Jared? Nandito siya,” sabi ni Roldan.“Kanina ka pa ba nandyan? Pasok ka,” sabi ni Jared, pagkatapos ay pinaupo niya si Hannah.Umalis na noon si Roldan. Para bang bumigat ang dala-dalang gamit ni Hannah habang sinasara niya ang pinto. Hindi niya alam kung paano haharapin si Jared pero alam niyang kailangan niya itong gawin.Kahit hindi nakatingin si Jared kay Hannah ay alam nito na may mali kaya agad niya itong tinanong.“Bakit hindi ka yata komportable? May problema ba?”Tahimik lang na naglakad si Hannah papunta sa lamesa ni Jared saka siya nagsalita.“Kung ayaw mo akong pakasalan, pwede akong bumalik sa mga magulang ko.”Dahil sa sinabi ni Hannah ay alam na ni Jared na narinig ni Hannah ang pinag-usapan nila ni Roldan kanina.“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganoon?”“Sa mata ng tao, mag-asawa na tayo n
Pero kahit alam na niyang gagawin iyon ni Jared ay umasa pa rin siya na uunahin siya ni Jared. Na bago niya puntahan kung sino man iyon ay iuuwi muna siya sa bahay nito. Masakit para kay Hannah ang katotohanan na iyon.“Ano bang nangyari?” tanong ni Hannah, rinig ang lungkot sa boses niya.Hindi man lang sumagot si Jared sa tanong niya. Ni hindi na nga siya tiningnan nito.“Bumaba ka na at sumakay ng taxi. Malinaw ba iyon?” matapang na sabi ni Jared kay Hannah.Wala nang nagawa si Hannah kung hindi ang bumaba. Alam niya kasi na kapag pinilit niya pa si Jared ay mapapahiya lang siya. Ano pa bang magagawa niya e mukha namang nakapagdesisyon na si Jared?“Tawagan o i-text mo na lang ako kung nakauwi ka na, ha?” pagkasabi ni Jared noon ay handa na agad siyang umalis. Hawak ni Hannah ang kanyang bag pagkatapos ay bumaba na siya ng kotse.Hindi naman sa nangingialam siya kay Jared pero sa pinapakita nito sa kanya ay para talagang may kakaiba. Hindi naman na nagawang magtanong pa ulit ni Han
Hindi makapaniwala si Hannah sa mga sinabi noong bata. Si Jared lang ang lalaking gusto niyang hawakan, hindi ang isang batang lalaking katulad niya. Si Jared nga, hindi niya mahawakan, ‘yong iba pa kaya? Napailing na lang si Hannah sa sobrang inis.Bago pa man siya tanungin ay humindi na agad si Hannah.“Hindi ko siya hinawakan sa kahit anong parte ng katawan niya. Nakasalubong ko lang siya at aksidenteng nasagi pero hindi ko intensyon iyon.”“Lasing ka ba?” tanong noong pulis kay Hannah.Sa mundong ito, kapag ang lalaki ay uminom ay ayos lang para sa iba, pero kapag ang babae na ang uminom ay maling-mali na iyon para sa kanila. Kahit konti pa iyon, basta uminom ang babae ay malaki na itong pagkakamali.“Oo,” tumango si Hannah roon sa pulis.“Gaano karami ba ang nainom mo?” tanong noong pulis kahit wala naman iyong kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa kanila.“Isang bote ng beer,” sagot ni Hannah kahit na inis pa siya roon sa pulis.Alam ni Hannah na hindi siya pinaniniwalaan
Pagkatapos noon ay tumingin na si Jane kay Hannah. Kitang-kita sa mukha niya ang hiya na nararamdaman dahil sa ginawa ng kapatid niya kay Hannah. “Pasensya ka na sa ginawa ng kapatid ko, Hannah. Hindi na talaga mauulit,” sabi ni Jane. Tumingin si Jared kay Erick. “Wala kang pakialam, sa susunod na may gawin ka ulit, wala nang tutulong saýo. Naiintindihan mo ba ýon?”galit na sabi ni Jared. “Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ‘to? E kung payag ka na maging bayaw ko, sige. Makikinig ako saýo,”sagot naman ni Erick. “Erick!”sigaw ni Jane.” “Ate, gusto ka niya. Kung hindi, bakit ka niya sasamahan mula araw hanggang gabi para lang bantayan ka?” sabi ni Erick. Dahil sa sinabi ni Erick ay naging malinaw ang lahat para kay Hannah. Kaya pala ilang gabing wala si Jared sa tabi niya ay dahil kasama nito ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Kung sabagay, asawa siya ng kapatid ni Jared, kaya kailangan talaga na alagaan siya ni Jared. Pero kailangan ba talagang araw-araw niyang alagaan si Jane kah
Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga
“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Hannah na sagutin ni Jared ang tawag kaya lang ay nahihiya siya dahil baka importante iyon para kay Jared. Nagulat na lang si Hannah nang kunin ni Jared ang kanyang cellphone at pinatay ito. Pagkatapos noon ay patuloy siyang hinalikan ni Jared sa kanyang leeg.Habang ginagawa iyon ni Jared ay bigla na namang nag-ring ang cellphone niya. alam ni Hannah sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot iyon ni Jared ay hindi na sila matatahimik. Kaya naman, sinabihan na niya si Jared na sagutin na ang tawag.“Sige na, sagutin mo na ang tawag na iyan.”Tinakpan muna ng unan ni Jared ang katawan ni Hannah bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag. Kitang-kita ni Hannah na ayaw din talagang sagutin ni Jared ‘yong tawag na iyon pero napilitan na ito. Pumunta siya sa terrace para roon kausapin ‘yong tumatawag. Medyo malayo ‘yong terrace pero rinig naman ni Hannah ang pagsasalita ni Jared.“Ano k
Malinaw na malinaw kay Hannah ang lahat. Kung mahal kasi siya ni Jared, hindi siya iiwan nito sa ere. Hindi sasamahan ni Jared ang ibang babae lalo pa at gabi na. Para tuloy nadudurog ang puso ni Hannah kapag naiisip iyon.Alam naman ni Hannah na kailangan ni Jane ng tulong ni Jared. Lalo pa at pinagkatiwala ni Lyndon ang kanyang asawa rito, pero alam din naman ni Hannah kung kailan sobra na ang pag-aalaga ng kanyang fiancé sa babaeng iyon.“Di ba, sabi mo sa akin ay titigil ka na sa lalaking ‘yan? Tapos, maghanap ka ng bago. Marami kang mas maayos na makikita. Huwag ka na sa lalaking iyan,” advice ni Liane sa kaibigan.Sa isip ni Hannah, madali lang naman hiwalayan ang isang Jared Falcon. Pero, ang pamilya ni Jared? Hindi niya kayang iwan ang mga iyon. Sila na ang tumayong magulang niya, kaya sigurado siya na mahihirapan siya oras na maghiwalay sila ni Jared.Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita ang mag-asawa ay sumasak
Pagkatapos ayusin ni Hannah ang kanyang laptop ay tumayo na agad siya para pumunta na siya roon. "Miss Hannah, bilisan mo na. Baka mamaya pa ay magalit pa iyon sa akin at sabihing hindi ko sinabi sa iyo na tinatawag ka niya," sabi ni Hannah. "Oo na, ito na. Lalabas na nga. Ikaw naman, ako ang bahala sa iyo. Hindi ka papagalitan noon." Agad na ngang kumatok si Hannah sa pinto ni Simon nang matapos na niyang ayusin ang laptop sa kabilang kwarto. "Simon, nandito na ako," sabi ni Hannah. "Saglit lang, papunta na," narinig naman niyang sagot ni Simon sa kanya. Naghintay na nga noon si Hannah sa tapat ng pintuan ng binata. Halos limang minuto rin siyang nakatayo. Pagbukas ng pinto ay pansin agad ni Hannah na bagong ligo si Simon. Basa ang buhok nito at nakapang tulog na. May towel pa itong hawak-hawak. "Pasok." "Salamat." Nakita ni Hannah pagkapasok pa lang niya na bukas na ang laptop ni Simon sa table. Nanlaki ang mga mata niya dahil ang daming files ang naroon. "Anon
"Pwede ba, Hannah? Huwag na huwag mong isasali ang asawa ko sa usapan na ito? Patay na nga siya, wala ka pang respeto sa kanya?" galit na sabi ni Jane. "Seryoso? Ikaw pa ang may ganang mag-discuss sa akin ng topic tungkol sa respeto? E ni hindi niyo nga kami nirespeto ni Lyndon bilang mga partner niyo!" sigaw ni Hannah kaya natahimik si Jane. "Basta! Huwag mo nang isali pa sa usapan si Lyndon! Isa pa, hindi naman tungkol doon ang dahilan kung bakit pumunta ako rito. Nandito ako para ipakita sa iyo ito," sabi ni Jane pagkatapos ay binigay kay Hannah ang cellphone niya. Sa cellphone na iyon ay nagpe-play ang video kung saan nandoon si Jared sa ospital. Hirap na hirap dahil sa sugat na tinamo niya mula kay Hannah. 'Buti nga at nangyari ito sa kanya. To be honest, kulang pa nga ito eh.' sabi ni Hannah sa kanyang isip. Hindi napigilan ni Hannah na mapangiti, 'yong ngiti na para bang nanalo siya sa isang kompetisyon. Napansin iyon ni Jane kaya sinabihan siya nito. "Anong ngining
Nang makauwi na si Hannah ay agad niyang inayos ang kanyang gamit. Habang nag-aayos ay dumaan sa apartment niya 'yong landlady niya kaya kinausap niya ito. "Ay, hello po. Gusto ko po sanang magtanong," sabi ni Hannah. Nagtataka man pero pumasok pa rin 'yong landlady para tanungin kung ano 'yong kailangan ni Hannah sa kanya. "O, iha. Ano iyon? May problema ka ba rito sa apartment mo?" Agad na ngumiti si Hannah at umiling. "Ah, hindi po tungkol sa apartment ko 'yong tanong ko kundi 'yong apartment na katabi ko po. 'Di ba, sabi niyo po ay lalaki ang titira dyan?" sagot ni Hannah. "Ah, e oo. Bakit? May problema ka ba roon?" "Wala naman po, kaya lang ay nag-iisip po ako sa safety ko. Ayaw ko po kasing lalaki 'yong titira dyan. Pakiramdam ko po, hindi ako safe eh," kwento ni Hannah.
Pagkatapos ng mahabang araw ay nagulat na lang si Hannah dahil biglang may dalang pagkain si Aldred para pagsaluhan nilang lahat sa trabaho. "O, ililibre ko ngayon dahil nakabalik na si Hannah sa project. Kumain muna tayong lahat bago umalis," yaya ni Aldred sa kanilang lahat. Agad na lumapit sina Hannah at Jane doon sa pagkain. Dahil buntis ay takam na takam si Jane, pizza at pasta kasi 'yong binili ni Aldred para sa kanila. Nagkatinginan at nagkahiyaan sila nang makitang sabay na sabay silang lumapit doon. "O, mauna ka na. Baka isumbong mo na naman sa boss mong si Jared na hindi ka pinapakain dito eh," sabi ni Hannah pagkatapos ay lumayo na roon. Hinayaan na lang niyang mauna si Jane dahil buntis ito. Uminom na lang siya ng tubig
"Kuya Aldred, kung pinapabalik mo ako sa amusement park, sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang na hindi na. Nag-resign na nga ako, 'di ba? Impossibleng hindi mo alam ang tungkol doon?" Pumasok muna ng apartment si Aldred bago magsalita kay Hannah. Umupo siya sa sofa at tiningnan ang kabuuan ng lugar. "Sabi ko na eh, dito kita matatagpuan. Mabuti at pinaayos mo pala ito. Ibang-iba ito compared noon," sabi ni Aldred, ni hindi man lang pinansin ang sinabi ni Hannah. "Ah, oo. Konting ayos lang naman ang ginawa ko. Pero, maiba ako. Bakit ka ba pumunta rito? Sinabi ko naman na hindi na ako magtatrabaho sa amusement park 'di ba?" sabi ni Hannah. "Oo, sabihin na natin na nag-resign ka na pero your resignation is invalid. Hannah, alam natin pareho na you are the heart of the project. Kung wala ang guidance mo, mahihirapan ang buong team na gagawa noon," paliwanag ni Aldred. Alam naman ni Hannah na hirap sina Mary at Simon kung dalawa na lang sila. Pansin naman niya sa conversation nil
Pagkatapos ng tawag ay pinagpatuloy na ni Hannah ang pagkain niya ng egg at sausage. Habang kumakain ay binuksan niya ang laptop niya para i-send ang resume niya sa iba't ibang kumpanya. Sa ilang taon niya sa kumpanya ng ex-fiance na si Jared, sure siya na makukuha siya agad ng iba pang kumpanya. Hindi naman sa pagiging mayabang pero kilala niya ang sarili niya. Alam niya na kahit paano ay natuto na siya ng iba't ibang skill sa trabaho. Hindi niya namalayan sa sobrang pagkabusy niya ay marami na pala ang tumatawag sa kanya. Si Mary, nanay ni Jared at may isa pang unknown number. Naka 3 missed calls pa ito sa kanya. Buti na lang din ay hindi siya tinawagan ni Simon. Ang ibig sabihin lang noon ay okay ang amusement park. Alam din naman niya sa kanyang sarili na kayang-kaya iyon ni Simon. Ang una niyang tinawagan ay si Mary dahil alam niyang iyon ang mas may kailangan sa kanya. Sigurado siya na hirap na ito dahil wala na siya sa amusement park. "Mary, ano? Kamusta ka dyan? Pasens
Kahit hindi magkasama sina Hannah at Liane ay ramdam na ramdam ni Hannah ang galit ng kanyang kaibigan. "Ano? Ginawa niya sa iyo 'yon? Aba, hindi lang iyon ang dapat na ginawa mo sa kanya! Dapat pinatay mo na siya! Hay, naku! Nanggigil ako!" sigaw ni Liane sa kabilang linya. "Liane, ano ka ba? Hindi naman ako ganon kasama. Gusto ko lang talaga siyang turuan ng leksyon, akala niya kasi ay matatakot pa ako sa kanya eh," sagot naman ni Hannah. "Naku! Kulang pa talaga iyon para sa kanya, 'no! Hindi ka na nga niya tinurin bilang isang girlfriend tapos gaganyanin ka niya? Siraulo pala siya eh!" Hindi alam ni Hannah kung matatakot ba siya o matatawa dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Ang importante sa kanya ay nalaman niyang kahit na anong mangyari ay nasa likod niya si Liane. "Alam mo ba, ginawa niya iyon dahil nagseselos siya kay Simon? Aba, ang sabi pa ay sa kanya lang daw ako at walang kahit na sino ang pwedeng mag-may ari sa akin," sumbong pa ni Hannah kaya lalong kinainis
Hindi pa rin natigil ang pag-aaway nina Hannah at Jared. Mas lalo pang hinigpitan ng binata ang hawak niya sa ex-fiancee. "Uulitin ko sa iyo ha? Hindi ko alam ang nangyari noong hinalikan ko siya noon! Kaya wala akong kasalanan," sabi ni Jared. "Ah, ganoon ba iyon? Kapag hindi mo alam ang nangyari dahil sa kalasingan mo ay hindi mo na kasalanan? Aba, ang galing mo naman! Hanga na ako sa iyo," sagot ni Hannah. Ang hindi niya alam ay nakatingin na sa mga labi niya si Jared. Na para bang gusto niyang halikan ang dalaga. "Ano? Bakit ganyan ang tingin mo sa akin, ha?" tanong ni Hannah. Nalilito sa kung paano siya tingnan ni Jared. Sinubukan na nga ni Jared na halikan siya pero iniiwas talaga niya ang kanyang mukha kaya nainis na naman si Jared. "Jared, ano ba?! Sa tingin mo ba ay makukuha mo ako sa ganito? Alam mo, lalo lang kitang kasusuklaman eh!" sigaw ni Hannah. "Bakit? 'Di ba, ito naman ang gusto mo? Na maghalikan tayo na para bang magkasintahan. Ngayong ibinibigay ko na
Nang makabalik na si Hannah sa kumpanya ni Jared ay kitang-kita ang galit sa mga mata niya. Si Jared naman ay tawa nang tawa dahil nanalo na naman siya sa kanyang ex-fiancee. "O, Miss Hannah. Akala ko ay hindi mo talaga ako susundin. Buti naman at nandito ka na. You may start your work now," bungad agad na sabi ni Jared, nakangiti pa rin ito nang mapang-asar. Hindi kumilos si Hannah. May pinatong lang siya sa table ni Jared. "Ano ito?" nagtatakang tanong ng kanyang ex-fiance. Nabuo ang galit sa mga mata ni Jared nang mabasa niya kung anong nalalaman noon. Agad niya itong nilukot sa harapan ni Hannah. "At talagang iniinis mo ako, ano? Hindi ka ba talaga titigil sa kabibigay sa akin ng sakit sa ulo? Hannah, hindi pwede itong ginagawa mo sa akin!" pasigaw na sabi ni Jared. "Mr. Falcon, I'm presenting my resignation letter to you. Don't worry, naipasa ko na rin ito sa HR Department kaya alam na nila na magre-resign ako. Marami akong kopya niyan sa cellphone ko, kaya kahit ila