Pero kahit alam na niyang gagawin iyon ni Jared ay umasa pa rin siya na uunahin siya ni Jared. Na bago niya puntahan kung sino man iyon ay iuuwi muna siya sa bahay nito. Masakit para kay Hannah ang katotohanan na iyon.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Hannah, rinig ang lungkot sa boses niya.
Hindi man lang sumagot si Jared sa tanong niya. Ni hindi na nga siya tiningnan nito.
“Bumaba ka na at sumakay ng taxi. Malinaw ba iyon?” matapang na sabi ni Jared kay Hannah.
Wala nang nagawa si Hannah kung hindi ang bumaba. Alam niya kasi na kapag pinilit niya pa si Jared ay mapapahiya lang siya. Ano pa bang magagawa niya e mukha namang nakapagdesisyon na si Jared?
“Tawagan o i-text mo na lang ako kung nakauwi ka na, ha?” pagkasabi ni Jared noon ay handa na agad siyang umalis. Hawak ni Hannah ang kanyang bag pagkatapos ay bumaba na siya ng kotse.
Hindi naman sa nangingialam siya kay Jared pero sa pinapakita nito sa kanya ay para talagang may kakaiba. Hindi naman na nagawang magtanong pa ulit ni Hannah dahil alam niyang wala siyang makukuhang sagot.
Bago pa man tuluyang umalis si Jared ay sinabihan niya si Hannah. Lumilipad kasi talaga ang isip nito, hindi man lang tingnan ang kanyang dinadaanan.
“Ano ba? Hindi ka man lang ba titingin sa dinadaanan mo? Mag-ingat ka nga!” sigaw ni Jared at tuluyan nang umalis.
Naiwan na lang si Hannah sa daan. Parang nawawalang bata. Iniisip pa rin kung sino ba ‘yong nakausap ni Jared sa cellphone. Naiiyak na siya noon. Habang umiiyak ay bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah. Agad niya itong sinagot dahil tawag iyon mula sa bestfriend niya, si Liane.
“Hannah, nasaan ka ngayon? Gusto mo bang lumabas? Tara, dinner tayo,” yaya ni Liane sa kanyang bestfriend.
Si Liane ay isang doktor. Bata pa siya at walang nobyo pero kilalang-kilala bilang isang doktor. Sa katunayan niyan ay marami naman talaga ang may gusto sa kanya, pero mas inuuna niya lang ang ibang tao kaysa sa sarili niya.
“Okay, wala namang problema sa akin,” maikling sagot ni Hannah.
Napahiyaw na lang si Liane dahil pumayag si Hannah sa pagyaya niyang kumain sa labas. Madalas kasi, hindi ang sagot nito sa tuwing nagyayaya siya.
“Aba, anong meron at biglang pumayag ka? Siguro, ang saya-saya mo ngayon, ano? Sige, sabihin mo nga sa akin kung bakit ka masaya. Gusto kong marinig ‘yan,” sabi ni Liane na lalong nagpalungkot kay Hannah.
Naisip ni Hannah na sa sampung taon na magkarelasyon sila ay lagi siyang nagpapaalam kay Jared kung saan siya pupunta at kung sino ang mga kasama niya para kung sakali na mawala siya ay alam agad ni Jared kung saan siya hahanapin.
Pero dahil sa nangyari, alam niya na pagod na si Jared sa kanya kahit na hindi ito magsalita. Pakiramdam niya, isa na siyang pabigat kay Jared kaya ganoon na lang ang trato nito sa kanya.
“Nasa ospital ka ba o nasa bahay?” hindi sinagot ni Hannah ang mga tanong ni Liane pero nagtanong siya pabalik sa kaibigan.
Binigyan na lang ng address ni Liane si Hannah at sinabihan siyang pumunta kung nasaan man siya.
“Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Jared? Halika rito, sabihin mo sa akin ang totoo,” sabi agad ni Liane kahit na wala pang kinikwento si Hannah sa kanya.
Isa si Liane sa bestfriend ni Hannah kaya hindi niya kayang itago rito ang kanyang problema kay Jared. Pinagalitan agad siya nito nang malaman ang nangyari.
“Ang mga lalaking ‘yan talaga, mga walang kwenta! Ang boring nila! Kung itrato ka niya, parang wala lang, ah. Kasama mo naman siya matulog gabi-gabi!!” inis na sabi ni Liane.
Dahil sa sinabi ni Liane ay tuluyan nang nahiya si Hannah. Napagtanto niya na magkasama lang talaga sila sa bahay pero kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng relasyon. ‘Yong totoong relasyon na matatawag.
Lagi naman niya kasing sinusubukan na may mangyari sa kanila pero ayaw talaga ni Jared sa kanya. Ilang beses na niya itong sinubukan na lasingin pero iniiwan lang naman siya nito sa kwarto pagkatapos.
Akala ni Hannah, kaya ganoon si Jared sa kanya ay dahil sobra ang respeto nito sa mga babae at ayaw niyang may mangyari sa kanila habang lasing si Hannah. Pero, iyon pala ay hindi talaga interesado si Jared sa kanya.
Sabi ng iba, kapag mahal ng lalaki ang babae ay sisiping ito sa kanya pero iba si Jared. Wala siyang kahit na anong nararamdaman para kay Hannah.
“Liane, gusto ko na siyang hiwalayan,” derektang sabi ni Hannah.
Sa huli ay nagkaroon na siya ng sagot. Kailangan niya na talagang bitawan si Jared kahit na masakit ‘yon para sa kanya.
“Okay, sige. Susuportahan kita kung iyan ang alam mong makakabuti para sa’yo. Ang dami namang lalaki dyan, hindi lang si Jared. Tumingin ka pa sa iba,” sagot ni Liane sa kanyang kaibigan.
Dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan ay lumakas ang loob ni Hannah. Naisip niya, oo nga naman. Lagi siyang panalo noon sa mga contest. Lahat halos ng lalaki ay siya ang gusto. Kung saan-saan siya nanalong pageant. Kung hindi nga lang siya pinigilan ni Jared, baka kilalang model na siya.
Pero kahit ganoon, si Jared pa rin ang gusto niya. Maiiyak na si Hannah noon kaya tumakbo agad siya sa banyo. Ayaw kasi niyang makita ng kaibigan niya ang kanyang pag-iyak. Dahil sa pagmamadali ay may nakasalubong siyang tao, hihingi pa lang siya ng tawad ay may nasabi na agad ito sa kanya.
“Malaswa. Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Umayos ka nga!”
Nagulat na lang si Hannah nang makita na nasa ibabaw na siya noong batang lalaki na nabangga niya. Dahil sa nangyari ay sinampahan siya ng kaso noong batang lalaki. Pinipilit noong lalaki na may masamang intensyon talaga si Hannah sa kanya. Labing pitong gulang pa lang ito.
“Saan ka niya hinawakan?” tanong ng pulis doon sa batang lalaki.
Ang pangalan noong bata ay Erick. Tumingin siya kay Hannah pagkatapos ay tinuro ang kanyang dibdib hanggang baywang.
“Dito hanggang dito ang hinawakan niya, Sir. Hinawakan niya po lahat eh,” sagot ni Erick na sobrang kinainis ni Hannah.
Hindi makapaniwala si Hannah sa mga sinabi noong bata. Si Jared lang ang lalaking gusto niyang hawakan, hindi ang isang batang lalaking katulad niya. Si Jared nga, hindi niya mahawakan, ‘yong iba pa kaya? Napailing na lang si Hannah sa sobrang inis.Bago pa man siya tanungin ay humindi na agad si Hannah.“Hindi ko siya hinawakan sa kahit anong parte ng katawan niya. Nakasalubong ko lang siya at aksidenteng nasagi pero hindi ko intensyon iyon.”“Lasing ka ba?” tanong noong pulis kay Hannah.Sa mundong ito, kapag ang lalaki ay uminom ay ayos lang para sa iba, pero kapag ang babae na ang uminom ay maling-mali na iyon para sa kanila. Kahit konti pa iyon, basta uminom ang babae ay malaki na itong pagkakamali.“Oo,” tumango si Hannah roon sa pulis.“Gaano karami ba ang nainom mo?” tanong noong pulis kahit wala naman iyong kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa kanila.“Isang bote ng beer,” sagot ni Hannah kahit na inis pa siya roon sa pulis.Alam ni Hannah na hindi siya pinaniniwalaan
Pagkatapos noon ay tumingin na si Jane kay Hannah. Kitang-kita sa mukha niya ang hiya na nararamdaman dahil sa ginawa ng kapatid niya kay Hannah. “Pasensya ka na sa ginawa ng kapatid ko, Hannah. Hindi na talaga mauulit,” sabi ni Jane. Tumingin si Jared kay Erick. “Wala kang pakialam, sa susunod na may gawin ka ulit, wala nang tutulong saýo. Naiintindihan mo ba ýon?”galit na sabi ni Jared. “Sino ka ba? Bakit mo sinasabi ‘to? E kung payag ka na maging bayaw ko, sige. Makikinig ako saýo,”sagot naman ni Erick. “Erick!”sigaw ni Jane.” “Ate, gusto ka niya. Kung hindi, bakit ka niya sasamahan mula araw hanggang gabi para lang bantayan ka?” sabi ni Erick. Dahil sa sinabi ni Erick ay naging malinaw ang lahat para kay Hannah. Kaya pala ilang gabing wala si Jared sa tabi niya ay dahil kasama nito ang babaeng nasa harapan nila ngayon. Kung sabagay, asawa siya ng kapatid ni Jared, kaya kailangan talaga na alagaan siya ni Jared. Pero kailangan ba talagang araw-araw niyang alagaan si Jane kah
Sa isang iglap, naging isang ama si Jared ng isang batang hindi naman sa kanya. Alam naman ni Hannah na papel lang iyon at walang kahit na anong meaning pero hindi niya inakala na mangyayari iyon.Sa awa ng Diyos, okay naman ‘yong baby ni Jane. Naisalba naman ito at bumalik na agad si Jane sa ward. Nakakaawa si Jane dahil namumutla siya at namumula ang mga mata dahil sa kakaiyak niya.“Huwag ka nang mag-alala, ha? Okay na ang baby mo,” paninigurado ni Jared kay Jane.“Natatakot ako, Jared,” sabi ni Jane habang siya ay patuloy na naiyak.Agad na binigyan ng tissue ni Jared si Jane. Tinanggap naman iyon ni Jane at naghawakan pa sila sa kamay. Habang hawak ni Jane ang kamay ni Jared ay doon siya umiyak kaya may luha ang kamay nito. Oo, nakakaawa siya pero mukhang masyado na yata ang pag-aalaga ni Jared sa kanya. Kaya naman, lumapit na si Hannah sa kanilang dalawa.“Jane, ang sabi ng doktor ay bawal daw sa mga
“Mommy, Daddy!” bati ni Jared sa kanyang mga magulang.“Tito, Tita!” bati naman ni Hannah.“O, kumain na ba kayo? Aba, kung hindi pa, meron naman akong tinirang pagkain para sa inyo roon,” sabi ni Emelda, ang nanay ni Jared.“Kumain na ako, ikaw ba? Gutom ka pa?” sagot ni Jared pagkatapos ay tiningnan si Hannah para tanungin ito.“Hindi naman ako gutom,” sagot ni Hannah pero ang totoo ay wala pa talaga siyang kinakain simula kaninang umaga.“Ah, ganoon ba? Sige, dadalhan ka na lang ni Aling Miding ng gatas mamaya. Pwede ka nang magpahinga sa taas,” sabi ni Emelda kay Hannah.“Salamat po, Tita. Hindi naman na po kailangan pero salamat pa rin po,” sagot naman ni Hannah at pumanhik na sa taas.Pag-akyat ni Hannah, hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o ano dahil nag-iba na ang itsura ng kwarto nila. Agad naman siyang napatanong kay Jared noon.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Hannah na sagutin ni Jared ang tawag kaya lang ay nahihiya siya dahil baka importante iyon para kay Jared. Nagulat na lang si Hannah nang kunin ni Jared ang kanyang cellphone at pinatay ito. Pagkatapos noon ay patuloy siyang hinalikan ni Jared sa kanyang leeg.Habang ginagawa iyon ni Jared ay bigla na namang nag-ring ang cellphone niya. alam ni Hannah sa kanyang sarili na kapag hindi pa sinagot iyon ni Jared ay hindi na sila matatahimik. Kaya naman, sinabihan na niya si Jared na sagutin na ang tawag.“Sige na, sagutin mo na ang tawag na iyan.”Tinakpan muna ng unan ni Jared ang katawan ni Hannah bago tuluyang tumayo para sagutin ang tawag. Kitang-kita ni Hannah na ayaw din talagang sagutin ni Jared ‘yong tawag na iyon pero napilitan na ito. Pumunta siya sa terrace para roon kausapin ‘yong tumatawag. Medyo malayo ‘yong terrace pero rinig naman ni Hannah ang pagsasalita ni Jared.“Ano k
Malinaw na malinaw kay Hannah ang lahat. Kung mahal kasi siya ni Jared, hindi siya iiwan nito sa ere. Hindi sasamahan ni Jared ang ibang babae lalo pa at gabi na. Para tuloy nadudurog ang puso ni Hannah kapag naiisip iyon.Alam naman ni Hannah na kailangan ni Jane ng tulong ni Jared. Lalo pa at pinagkatiwala ni Lyndon ang kanyang asawa rito, pero alam din naman ni Hannah kung kailan sobra na ang pag-aalaga ng kanyang fiancé sa babaeng iyon.“Di ba, sabi mo sa akin ay titigil ka na sa lalaking ‘yan? Tapos, maghanap ka ng bago. Marami kang mas maayos na makikita. Huwag ka na sa lalaking iyan,” advice ni Liane sa kaibigan.Sa isip ni Hannah, madali lang naman hiwalayan ang isang Jared Falcon. Pero, ang pamilya ni Jared? Hindi niya kayang iwan ang mga iyon. Sila na ang tumayong magulang niya, kaya sigurado siya na mahihirapan siya oras na maghiwalay sila ni Jared.Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita ang mag-asawa ay sumasak
“Gusto daw po kayong makausap ni Sir Jared, Miss Hannah,” sabi ng personal assistant niya.Binigay kay Hannah ‘yong cellphone at doon na sila nag-umpisang mag-usap. Ramdam niya sa kanyang sarili na ayaw niya talaga munang kausapin si Jared pero kailangan niya itong gawin dahil kasama niya ang personal assistant nila.“Hey. I’m sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo. Ano iyon? May kailangan ka ba sa akin?” malumanay na sabi ni Hannah kay Jared.“Hannah, bakit ka naman umalis nang ganito kaaga? Wala ka na rito sa bahay pag-uwi ko,” obvious na guilty si Jared dahil hindi siya nakauwi dahil binantayan niya si Jane.Ramdam ni Hannah na ayaw makipag-usap ng pormal ni Jared sa kanya kaya sinagot na lang niya ang tanong nito. Pero, nagsinungaling pa rin siya rito.“Ah, lumabas ako para kumain ng breakfast,” sagot ni Hannah.“Pasensya ka na, hindi na ako nakabalik kagabi. Hindi ko k
Nagulat na lang si Hannah nang may makita siyang pamilyar na mukha, si Jared. Agad itong pumunta sa kanya para i-check ang lagay ng paa niya.“Hindi ba kasya ang sandals na ‘to saýo?” tanong ni Jared sa kanya.Hindi sumagot si Hannah. Alam niya sa sarili na ayaw pa niyang kausapin si Jared ngayon pero nagpupumilit talaga ito. Pagkatapos i-check ni Jared ang mga paa ni Hannah ay tiningnan niya ito nang deretso.“Galit ka pa ba sa akin?” tanong ni Jared sa mahinang boses pero sapat na iyon para marinig ni Hannah ýong tanong.“Hindi ako galit saýo,” maikling sagot niya sa kanyang fiancé at pilit na hinihila ang paa niya na hawak ni Jared, ayaw namang bitawan iyon ni Jared.“Hindi ko na iyon gagawin kahit kailan. Promise!” sabi ni Jared.Napansin ni Hannah na nakasuot ng royal blue suit si Jared na may white shirt sa loob. Ang custom cufflinks na nasa shirt niya ay kumikinang katulad ng haring araw. Minasahe niyang maigi ang mga paa ni Hannah. W
Kahit ayaw niya ay napilitan si Hannah na magtanong kay Aldred dahil sinabi nga ni Simon na hindi sa kanya galing ang flowers na iyon. Kahit kaharap si Jane ay hindi na niya iyon inisip pa. Basta, ang mahalaga ay malaman niya kung sino ang nagbigay noon."Ah, excuse me. Pwede bang mmakausap muna kita?" tanong ni Hannah, agad na nagtaka si Aldred pero pumayag pa rin siya."Ah, oo. Sige. Tungkol saan ba iyon?" tanong ni Aldred.Agad namang lumayo ang dalawa bago sagutin ni Hannah ang tanoing ng binata dahil ayaw niyang marinig ni Jane kung ano ang pag-uusapan nila."Ah, sa iyo ba galing 'yong bouquet of red roses na nandoon?" tanong ni Hannah sabay turo sa lamesa kung nasaan 'yong roses.Agad namang nagbigay ng nagtatakang mukha si Aldred. Mukhang walang alam sa sinasabi ni Hannah. Sa loob-loob tuloy ng dalaga ay parang napahiya siya."Iyon? Hindi, hindi naman ako um-order ng flowers para sa iyo," sagot ni Aldred, tumango-tango na lang si Hannah bilang tugon."Ah, okay. Salamat. Hindi k
Makalipas ang ilang oras habang sila ay nagtatrabaho ay nagulat si Hannah nang kausapin na naman siya ni Simon. Mahina lang ang kanilang boses dahil ayaw nilang marinig sila ng iba at baka mawala pa ang focus nito sa mga ginagawa. "O, pagod ka na ba? Baka kailangan mong magpahinga muna. Umupo ka muna kaya roon para umayos ang pakiramdam mo? Nakakaawa ka na eh." Agad na tiningnan nang masama ni Hannah si Simon. Kaya pa naman kasi talaga niya ang kanyang trabaho, hindi niya lang alam sa lalaking nasa harapan niya kung bakit pinapatigil siya nang pinapatigil. Noong isang araw pa ito, noong nagbigay siya ng day-off sa kanilang dalawa ni Mary. "Ano na naman ba ang iniisip mo? Nakailang pahinga na ako noong mga nakaraang araw. Aba, baka naman sabihin na nila sa akin na parang ginagawa ko na lang na laro ang lahat ng ito kung magpapahinga pa rin ako ngayon," inis na sagot ni Hannah. "Ah, sinasabi ko lang naman. Nakita ko kasing pagod ka na, kanina pa rin kasi tayo nagtatrabaho. Concerned
Pero, alam naman niya sa kanyang sarili na dapat ay kay Jared siya mainis dahil siya naman ang nagpapunta kina Aldred at Jane sa amusement park.Agad na lumapit si Mary nang umalis na 'yong tatlo sa harapan ni Hannah. "Wow, ibang klase 'yong sinabi mo roon kanina ah? Ang tapang mo" masayang sabi ni Mary.Napailing tuloy si Hannah sa sinabi ni Mary."Hay, naku. Ikaw talaga. Kung anu-anong sinasabi mo pa dyan. Kung ako sa iyo ay magtrabaho ka na kasi marami pa tayong gagawin," sagot ni Hannah, halata ang pagod sa kanyang mukha pero sinubukan pa rin niyang ngumiti."Pero, grabe ang tingin sa iyo ni Sir Aldred, ha? Sure ako, kakaiba ang tingin na iyon. May meaning 'yon no?" hirit pa ni Mary kaya himapas siya ni Hannah sa balikat."Aray ko naman!" "Ikaw, alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang ipapalit ko kay Aldred, sige ka. Gusto mo ba na ikaw ang magbantay sa babaeng iyon?" banta ni Hannah dahil ayaw ni Mary tumigil sa kaka-asar sa kanya.Napuno naman tuloy ng takot ang mukha ni
"Sir Jared, ganito lang naman ako sa kanya ngayon kasi ganito ang sitwasyon namin. Aba, intindihin mo naman sana 'yon? Pero, kung worried ka sa kanya, paalisin mo na siya rito," sabi ni Hannah.Saglit siyang napatingin kay Aldred kaya may idea na pumasok sa isip niya."O kung gusto mo ay may i-aasign ako na tao na magbabantay sa kanya kapag nandito kami sa trabaho para hindi ka na mag-alala pa sa kanya?"Natatawa na lang si Hannah sa isip-isip niya. Hindi naman kasi alam ni Jared kung ano ang naiisip niyang plano."Maganda iyan, mas mabuti nga na ikaw na ang magbantay sa kanya kapag nandyan kayo at nagtatrabaho. Hindi na talaga ako mag-aalala noon," sagot ni Jared."Alam mo naman Jared na impossibleng mangyari iyon dahil busy akong tao," sagot ni Hannah pagkatapos ay pinatay na ang tawag.Pagkababa ng tawag ay biglang nagsalita si Jane."Miss Hannah, hindi naman na ako bata. Hindi mo na ako kailangan protektahan dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko."Dahil sa sinabi ni Jane a
Natigil lang ang lahat ng pag-uusap nila nang biglang may pumaradang kotse sa di kalayuan. Dahil hindi naman pamilyar ang kotse na iyon kay Hannah ay labis tuloy ang pagtataka niya kung sino ang taong iyon at kung bakit pumunta ito sa amusement park.Pati si Simon ay parang naguguluhan na rin dahil sa dami ng taong pumupunta sa amusement park nang walang paalam. Hindi niya tuloy mapigilan na tanungin si Hannah kung sino ang may ari ng kotse na iyon."Sino na naman kaya iyan? Ano 'to? May bago na naman tayong katrabaho?""Ah, hindi naman siguro. Hindi ko rin kasi kilala 'yang kotse na iyan. Hindi pamilyar sa akin," sagot ni Hannah.Ilang minuto pa ay bumaba na ang may-ari ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Hannah dahil si Jane pala iyon.'Anong ginagawa niya rito? Iinisin na naman ba niya ako? Lumayo na nga ako, lapit pa nang lapit sa akin. Ano kayang meron?'Mas lalong nainis si Hannah dahil hindi lang si Jane ang pumunta sa amusement park. May kasama pa siyang bodyguards. Sigurado si
Habang sila ay nagtatrabaho, kinausap ni Hannah si Simon. Hindi na kasi niya mapigilan ang inis na nararamdaman niya rito dahil kung anu-ano na ang ginagawa at sinasabi nito kanina pa. Nahihiya na siya kay Aldred dahil sa behavior ng taong kasama niya."Simon, alam mo? Para kang ewan," panimula ni Hannah.Tinapunan naman ni Simon ng nagtatakang mga mata si Hannah. Para bang nabingi siya sa sinabi ng dalaga."Anong para akong ewan? Hindi kita maintindihan," sagot ni Simon.Seryoso ang mukha ni Simon, talagang hindi niya pala iniintindi kung ano man ang sabihin ng dalaga sa kanya. Siguro, sa sobrang ka-busyhan ay hindi na maisip pa ni Simon na kausapin pa ang mga tao sa paligid niya.Pero, hindi naniniwala si Hannah sa reaksyon nito. Kilala niya si Simon bilang matalino at mabilis maka-getsng mga bagay kaya malabo ang inaakto nito sa harapan niya."Parang ewan, 'yong ganyan? 'Yong mga taong alam naman nila ang ginagawa nila o di kaya ay alam naman kung anong ginagawa sa kanila pero ang
"Mister - What is your name again?" tanong ni Simon, napailing na lang si Hannah dahil sa inaasta ni Simon. "Aldred Falcon. I think we've seen each other before. Kapatid ako ni Jared," sagot ni Aldred, nagulat man si Simon ay hindi niya iyon pinahalata kina Aldred at Hannah. "Ah, mukhang marami na talaga ang nasa isip ko. Hindi ko na tanda na nagkita pala tayong dalawa. Anyway, para mapabilis ang trabaho natin ay hahatiin natin iyon. Mr. Falcon, you will be paired with Mary, samantalang ako ay kay Hannah. Are we clear on that?" Lalong nanlaki ang mga mata ni Hannah noong marinig niya iyon. Parang gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya na kanyang nararamdaman. Sa isip-isip niya ay parang si Simon ang anak ng may ari ng Falcon Group at parang siya na rin ang CEO dahil sa kung paano siya magsalita. Hindi niya alam kung anong meron kay Simon ngayon at para bang sobrang mainit ang ulo nito kanina pa. Parang ang dali lang para sa kanya na utusan si Aldred kahit alam
Bago pa man pumunta sa amusement park sina Hannah at Mary ay biglang nag-pop up ang isang message sa cellphone ni Hannah kaya agad niya iyong binasa. HARRY: Talagang patay na patay sa iyo si Jared ano? Ano ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? May pinakain ka ba roon para mabaliw sa iyo ng ganoon iyon? Aba, sa bilyaran ko siya nagkalat eh. Binasa lang ni Hannah iyon at hindi na siya sumagot. Para sa kanya kasi ay tapos naman na ang relationship nila kaya wala nang dapat pang i-reply. Ano naman ngayon kung nagwala si Jared sa bilyaran ni Harry? Problema na nila iyon. Agad na tinago ni Hannah ang kanyang cellphone pagkatapos ay gulat na gulat siya nang makita si Simon na busy na busy na sa pagtatrabaho. Tinanong niya si Sir Fritz kung anong oras pa pumasok si Simon at ang sabi ay 5 AM pa lang daw ay naroon na siya. Natawa na lang si Mary habang si Hannah ay manghang-mangha kay Simon. "Tingnan mo 'tong si Sir Simon, siya 'tong nagsasabi sa atin na huwag tayong masyadong magtrabaho
Tanghaling tapat pa lang ay umiinom na ng alak si Jared sa bilyaran ni Harry. Walang katao-tao roon kaya solo niya ang bilyaran. Ni hindi pa nga pumupunta 'yong may ari ay nakapasok na siya dahil binigyan siya noo Harry ng susi. Gulat na gulat si Harry nang makita si Jared na hawak ang cue stick pagkatapos ay hawak din ang isang bote ng beer sa isa pang kamay. Nagkalat din ang ilang boteng bukas na sa tabi ni Jared. Paglapit pa lalo ni Harry ay amoy na amoy niya ang alak na halos nakadikit na sa katawan ng kanyang kaibigan. "Seryoso ka ba? Tanghaling tapat ay nandito ka? Umiinom? Wala ka bang pasok sa kumpanya niyo ngayon?" bungad ni Harry kay Jared kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Bakit pa ako papasok doon e hindi naman ako sinusunod ng empleyado ko? E di, wala rin. Dito na lang ako, maglalaro. Pwede ko pang gawin ang lahat ng gusto ko," sagot ni Jared kaya alam agad ni Harry na may problema ang kaibigan. "O, mukhang mabigat ang problema natin, ah? Share mo naman! Na