NAPAGPASYAHAN ni Michaela na maglakad na lang pauwi sa tinutuluyang staff house dahil ilang kanto lang naman ang distansya nito mula sa restaurant na pinapasukan. Mas gusto niyang maglakad kaysa maghintay na mapuno ang shuttle service.
Malayo-layo na siya sa restaurant nang may humintong sasakyan sa tapat niya. Hindi niya maaninag ang nasa loob dahil tinted ang salamin nito. Nahigit niya ang paghinga nang bumaba ang salamin ng bintana ng sasakyan at makilala ang taong nagmamaneho nito.
“Ms. Gomez! Bakit ka naglalakad? Hindi mo ba alam na may shuttle service ang restaurant?”
Tanong nang taong walang iba kundi ang kanyang boss, si Jacob.
“Huwag kang mag-alala, Sir, okay lang po ako. Alam ko naman po na may shuttle service, pero mas gusto ko po kasing maglakad. Exercise na rin po.”
“Exercise? Eh, maghapon kang nakatayo, hindi pa ba exercise ‘yon? Halika, ihahatid na kita sa staff house, dadaanan ko rin naman kasi ‘yon.”
“Naku, Sir, huwag na po. Okay lang po talaga sa ‘kin ang maglakad.”
Nagulat siya nang lumabas ito ng sasakyan at kunot noong humarap sa kanya nang nakapamulsa ang dalawang kamay. Napatingala tuloy siya rito. Mukhang hanggang kili-kili lang nito ang tangkad niya.
“Ms. Gomez, lahat na lang ba talaga nang sasabihin ko kailangan may rason ka? Pinapasakay kita para hindi ka na mahirapan maglakad at para na rin madali kang makarating. Sasakay ka lang naman, ‘yon lang! mahirap bang sundin ‘yon?” Medyo may pagkairita na sa boses nito habang pinagsasabihan siya.
Hindi rin tuloy niya maiwasang mairita at sagutin ito dahil unang-una, ito ang nagpupumilit na sumakay siya kahit ayaw niya. Parang wala itong respeto sa desisyon ng iba.
“Sir Jacob, sinabi ko naman po sa inyo na okay lang ako. Mas gusto ko ngang maglakad kaysa sumakay. Kasi kung gusto kong sumakay, hindi niyo sana ako nakikitang naglalakad ngayon. Masyado po kasi kayong makulit at mapilit. At saka, hindi naman na po parte ng trabaho ko ang pagpapasakay niyo sa ‘kin kaya pwede kitang hindi sundin. Mahirap din bang sundin ‘yon, Sir?”
Nilukob siya ng matinding takot ng biglang dumilim ang mukha nito at hinawakan siya nang may diin sa kanang braso.
“Alam mo Ms. Gomez, hindi ko gusto ang paraan nang pagsagot mo sa ‘kin. Boss mo pa rin ako. Kaya kung ako sa ‘yo, susunod ako dahil kung hindi…” kalmado ngunit seryoso nitong sabi.
Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanyang braso kaya nanginig siya sa takot.
“Sa-sasakay na po, Sir. Pa-pasensiya na po sa mga na-nasabi k-ko,” halos hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa sobrang takot at kaba.
Sa wakas ay binitiwan na rin nito ang kanyang brasong bahagyang namula. Walang imik nitong binuksan ang pinto ng sasakyang katabi ng driver’s seat. Hindi na niya hinintay pang muling magsalita ito, kusa na siyang pumasok sa sasakyan.
Hindi niya maiwasang hindi mailang. Ramdam kasi ng katawan niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Sabayan pa ng pabango nitong halos pumuno ang amoy sa buong sasakyan.
Kung alam lang nito na kaya palagi siyang gumagawa ng dahilan kapag binibigyan siya ng pabor nito o kung ano pa mang bagay na makapagpapagaan sa trabaho niya, iniiwasan niyang pisikal na mapalapit dito. Baka makalimutan niyang babae siya at kusang maialok ang sarili rito sa sobrang paghangang nararamdaman niya.
Ginagawa lang naman niya iyon dahil para hindi nito mapansin ang pagkagusto niya rito. Unang kita niya pa lang dito ay halos maduling siya at tumulo ang laway niya sa sobrang kagwapuhan nito. Mabuti na lang at agad siyang natauhan ng mga sandaling iyon kaya hindi nito napansin ang bahagya niyang pagkatulala sa harap nito.
Baka kapag nalaman nito na may gusto siya rito, ay baka pagtawanan at laitin lang siya nito. Kaya kahit anong mangyari, itatago niya ang nararamdaman para rito para sa ikatatahimik ng buhay niya.
NAGDIRIWANG naman ang kalooban ni Jacob ng sa wakas ay nagtagumpay siyang pasunurin ang dalaga sa pangalawang pagkakataon. Iyon nga lang, nakaramdam siya ng konsensya para rito nang mapansing medyo nanginginig ito at nawalan rin nang imik ng tumabi ito sa kanya sa sasakyan.
Mukhang sumobra yata ang panggigipit niya rito. Hindi tuloy niya malaman kung kakausapin ba niya ito o hahayaan na lang. Sa huli ay napagpasyahan niyang kausapin na lang ito.
“Natakot ba kita? Pasensiya ka na ha? Sa totoo lang, umiinit kasi ang ulo ko sa tuwing sinagot-sagot mo ako. Alam mo bang ikaw pa lang ang nakakagawa niyan sa ‘kin?” malumanay na pahayag niya rito.
Nabaling ang tingin nito sa kanya at napansin niyang tila nabawasan na ang takot sa mukha nito.
“Pasensya ka na po Sir kung sa tingin ninyo ay naging bastos at magaspang ang pag-uugali ko. Hindi ko po intensyon na sagot-sagutin kayo. Sadya po talagang makatwiran akong tao.” Tila naman ipinapaliwag nito ang sarili.
“Alam ko naman iyon at una pa lang, pansin ko na sa ‘yo ‘yan. Sadyang mainitin lang kasi talaga ang ulo ko. And I hope you understand that.”
“Ay oo naman Sir, understanding naman akong tao, eh. Ganoon naman talaga kapag busy kang tao, kapag may negosyo ka tapos sabayan pa ng problema, aba talagang iinit ang ulo mo niyan,” nakangiting sagot nito sa kanya.
Tila naman nabunutan siya nang tinik sa dibdib ng masilayan ang napakaganda nitong ngiti. Alam niyang sa oras na ito ay tuluyan ng nawala ang takot nito sa kanya.
“So, aside from being empleyado ko sa restaurant, pwede rin ba tayo maging magkaibigan? Gusto ko naman kasi magkaroon nang kakaibang kaibigan, iyon bang, simple, mabait at maganda?”
“Oo naman, Sir. Pero simple lang ako, hindi mabait at maganda, hehehe. Ikaw na nga ang may sabi, masyado akong palasagot sainyo.”
Marami pa silang napag-usapan hanggang sa makarating na sila sa staff house. Hindi naman talaga siya dadaan doon, ginawa niya lang talagang alibi iyon para maihatid ito. Sobra siyang nabitin sa kanilang pag-uusap.
Binagalan na nga niya ang pagpapatakbo ng sasakyan pero dahil malapit lang sa restaurant ang staff house, hindi pa rin naging sapat ang oras. Basta ang mahalaga ay okay na sila ng dalaga.
HINDI makapaniwala si Michaela na magiging magkaibigan at malapit sila sa isa’t isa ng kanyang boss na si Jacob. Hindi naman pala talaga masama ang ugali nito katulad nang iniisip niya. Sadyang iyon lang ang naging tingin niya rito katulad nang tingin nito sa kanya nang una silang magkita.Halos araw-araw ay inihahatid na siya nito sa kanyang tinutulayang staff house at kung minsan naman, ay dinadaanan na rin siya nito sa umaga para sabay silang pumasok sa restaurant. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam nang kaunting pag-asa na baka may nararamdaman din ito sa kanya. Na baka pareho sila nang nararamdaman sa isa’t isa.Malapit nang matapos ang kanyang shift at ilang minuto na lang ay out niya na, pero wala pa ang kanyang magiging kapalitan kaya hindi siya pwedeng basta na lang umuwi lalo’t napakaraming customer. Sa waitress siya napiling i-assign ng manager dahil ito ang pinaka kailangan sa restaurant.Mag-a-alas siyete na nang dumating ang kanyang kapalitan na babae. Dapat ay hangga
AGAD na may kumislap na ideya sa isip ni Mickaela nang madaanan nila ang kaliwa’t kanang nagtitinda ng street foods. Mas lalo tuloy siyang nagutom dahil paborito niya ang ganoong klase ng pagkain.“Sir, huwag na po kaya tayong maghanap ng sosyal na restaurant? Diyan na lang tayo kumain, oh!” sabay turo niya sa mga nagtitinda.Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakayan bago itinuon ang paningin sa itinuro niya.Kumunot ang noo nito bago nag-aalinlangang sumagot.“Ano bang klaseng kainan ‘yan? Masarap ba diyan? Paano tayo kakain diyan, eh, ni wala ngang upuan at lamesa.”“Hindi lang masarap Sir, kundi sobrang sarap! Paborito ko ang mga ‘yan simula bata pa ‘ko! Kaya huwag ka nang mag-isip ng kung ano diyan. Halika na!”Hindi na niya hinintay na sumagot ito, kusa na siyang bumaba ng sasakyan kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.Kumikislap ang mga mata niya sa lahat nang nadadaanang mga iba’t ibang klase ng pagkain. Nandoon lahat ng paborito niya; kikiam, fishball, isaw, in
HABANG binabaybay nila ang daan patungo sa dagat ay palihim na napapangiti si Jacob. Ramdam niya ang inis na nararamdaman ng dalaga dahil halatang-halata niya ang reaksyon sa mukha nito.Parang ayaw nitong may lumalapit na ibang babae sa kanya. Ibig sabihin, may gusto rin ito sa kanya. Dahil sa mga naiisip ay mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya na hindi naman nakaligtas sa mata ng dalaga. Magkapanabay kasi sila habang naglalakad at manaka-naka siyang sinusulyapan nito.“Ay! Nabaliw ka na talaga, Sir! Sana hindi na lang kita niyayang kumain doon. Nakakasira pala ng utak ang pagkain ng street foods.”“Grabe ka naman sa ‘kin, Ms. Gomez. Hindi na ba ako pwedeng maging masaya paminsan-minsan?”“Ah! Ikinasisiya mo pala ‘yong nangyari kanina. Sige, araw-araw tayong pupunta roon para araw-araw ka na ring masaya.”“Ikaw naman, hindi na mabiro. Halika, upo tayo rito sa buhanginan,” yaya niya sa dalaga nang sa wakas ay nakarating na sila sa tabing dagat.Nauna siyang umupo at tumabi naman i
ALAS SIETE pa lang ng umaga ay naghihintay na si Michaela sa labas ng gate nang tinutuluyang staff house sa pagdating ng among binata. Madalas kasi, kahit wala pang alas siete ay naroon na ito sa labas at naghihintay sa kanya, kaya naman inagahan niya ngayon para makabawi sa nangyari sa no’ng nagdaang gabi.Alam niyang masama ang loob nito o di kaya’y badtrip iyon dahil sa mga pinagsasabi niya rito. Tumingin siya sa suot na relong pambisig, mag a-alas siete y media na ngunit wala pa rin ito. Dinamdam siguro nito masyado ang sinabi niya kaya ayaw na siyang isabay sa pagpasok.Wala siyang nagawa kundi ang sumakay ng tricycle, dahil kung maglalakad pa siya ay tiyak na mahuhuli siya sa pagpasok. Pagdating niya sa restaurant ay nagulat siya dahil nakita niya sa parking area ang sasakyan nito. Ibig sabihin ay nauna na ito at hindi na nga siya naisipang isabay.Pagpasok niya sa restaurant ay masamang tingin ang sumalubong sa kanya galing sa kanilang manager na si Ms. Glydel."Pinapatawag ka
HABANG nasa biyahe ay hindi mapigilang kausapin ni Jacob ang dalaga. Kanina niya pa napapansin na parang may malalim itong iniisip.“Ela, kanina ka pa tahimik diyan, okay ka lang ba?”“Okay lang ako, Jacob. May iniisip lang ako,” sagot nito na nasa labas ng bintana nakatingin.“Huwag ka ng magkaila, hindi makapag sisinungaling ang mga mata at reaksyon mo. Pwede mong i-share sa ‘kin, para ano pa ‘t naging magkaibigan tayo. Malay mo, baka may maitulong ako.”Ibinaling nito ang paningin sa direksyon niya at tiningnan siya nang tuwid sa mga mata.“Problema? Oo, tama ka. At marami ako niyan. Sa sobrang dami nila, hindi ko na alam kung paano sila pagkakasyahin sa isip ko. Nilalaro ko na lang sila sa utak ko para hindi nila magulo ang buhay ko,” sagot nito at mapaklang tumawa.“So, may problema ka nga. Malay mo, magawan natin ng paraan at solusyon.”“Hindi ko alam kung may paraan pa ba na matapos at kung may solusyon pa ba para matahimik na ang buhay at isipan ko. Alam mo, ang gusto ko lang
NARAMDAMAN siguro ng binata na hindi siya komportable sa naging tanong ng matandang babae kaya sumagot na ito. Saglit din kasi itong natigilan, siguro dahil hindi nito inaasahan na magtatanong nang gano’n ang matanda.“Ah, nanay Minerva, si Michaela, empleyado ko sa restaurant. Isinama ko po siya rito para tumulong na mag-ayos dito sa mansyon. Mabilis kasi siyang kumilos, responsable rin siyang empleyado kaya napagdesisyunan kong isama siya rito. And Ela, siya si nanay Minerva, ang mayordoma rito at nagpalaki sa ‘kin.”Sa tingin niya ay nasa sixty to sixty-five na ang edad nito kung pagbabasehan ang hitsura. Nakuha niya pang pagmasdan ito sa kabila nang tensyong nararamdaman niya. Wala man siyang ideya kung anuman ang magiging reaksyon nito pero mas minabuti niyang magbigay galang.“Mano po, nanay Minerva. Ikinagagalak ko po kayong makilala, kayo pong lahat na nandito,” magalang niyang bati sabay kuha sa kamay nito at dinala sa kanyang noo.Tumingin din siya sa direksyon ng mga maids
SAGLIT siyang napatulala habang ngunguya bago ipinagpatuloy ang pagtatanong sa binata.“May kompanya ka sa maynila? Paano mo pa na ha-handle lahat ng ‘yon?Wala siyang ideya na bukod sa private resorts at fine dining restaurant na nabanggit nito noong interview niya ay may iba pa pala itong negosyong pinagkakaabalahan.“Yes, ang Perkins Autocar. May mga tao naman akong pinagkakatiwalaan kaya Madali lang para sa ‘kin.”“Ngayon alam ko na kung saan nanggaling ang sasakyan mo at sasakyan ng mga bodyguards mo. Grabe! Hindi ko ma-imagine na ang boss ko pala na sinasagot-sagot ko palagi at kasama ko pa ngayon ay isa sa pinaka-mayamang tao rito sa pilipinas. Parang nahiya tuloy akong sumama-sama sa ‘yo. Napakataas mo palang tao. Pero sorry ha, kasi, hindi ko alam na may dahilan naman pala talaga kaya hindi mo ako nadaanan kanina,” sinsero niyang saad.“May mga ganoon talagang pagkakataon na nahihirapan tayong unawain at timbangin ang mga bagay na nakikita natin kahit hindi pa natin lubos na
WALANG kalam-alam si Jacob na habang abala siya sa pagmamasid sa dalaga ay may isang tao ring kanina pa sa kanya nakatingin.“May gusto sa kanya, ano?” tudyo sa kanya ni nanay Minerva.Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito, ibig sabihin lang ay naka focus ang buong atensyon niya sa dalaga.“Paano niyo naman po nasabi, Nay?” kunwari’ y maang-maangan pa siya.“Hijo, sa edad kong ‘to, kabisado ko na ang bawat kilos nang isang taong may nais ipahayag na damdamin sa kanyang natitipuhan. Pilit mo man itong itago, pero hindi makapag sisinungaling ang mga mata mo kung paano mo tingnan si Michaela.”Hindi siya agad nakapagsalita. Tumpak na tumpak kasi ang sinabi nito at natamaan siya roon.“Alam na ba niya?” muling tanong nito.“Hindi pa po, Nay. Siguro hindi muna sa ngayon, baka mabigla siya at iwasan pa ako. Eh, baka mas lalo lang maging kumplikado. Sa tingin ko kasi, nag e-explore pa siya sa buhay niya kasi bata pa siya. At sa n
HALOS limang araw ang inilagi ni Michaela sa mansyon. Sa limang araw na iyon ay hindi rin umalis si Jacob. Nanatiling nakasunod at nakasubaybay lang ito sa ginagawa nilang pag de-decorate.Ayaw kasi ng binata na mag-hire nang mga sikat na designer na pwedeng mag decorate kahit kayang-kaya namang bayaran dahil mas gusto nito na sila ang gagawa dahil lalabas daw ang pagiging natural.Ang gusto kasi ng binata ay iyong pang old fashioned na nature and garden design dahil nga nature lover ang mommy nito at mahilig magtanim ng iba ‘t ibang klase ng mga bulaklak at halaman.Pagkatapos mananghalian ay pumasok siya sa maid’s quarter para ayusin ang tinutulugang kama at iligpit ang iba pang mga gamit dahil ngayong araw ay aalis na sila ng binata. habang nagliligpit siya ay siya namang pagpasok ni nanay Minerva.“Alam mo ba, anak. Sa maikling araw na pamamalagi mo rito ay napalapit na ang loob ko sa ‘yo. Sana, kapag mayroon kang bakanteng oras ay maisipan mong pumarito ulit,” malungkot nitong sa
MUKHANG kumalma na ang dalaga dahil ito na mismo ang kumalas sa pagkakayakap niya rito.“So-sorry, ha? Kasi, alam mo naman, wala akong kamag-anak at kaibigan na mapagsasabihan o mapaglalabasan ko ng hinaing. Magaan ang loob ko sa ‘yo kaya siguro nagawa ‘kong ikwento ang masalimuot kong buhay.”“From now on, I will always drop you off and pick you up. Or, if I can’t, my bodyguards are just there. Basta kung may pupuntanahan ka man, kailangan mong magsabi at magpaalam sa ‘kin, okay? My bodyguard is also your bodyguard. Hindi na kita papayagang lumabas o lumakad ng mag-isa. Asahan mong kahit saan ka magpunta, ay may nakasunod sa ‘yong bodyguard.”“Thank you, Jacob. Alam mo bang dahil sa sinabi mong ‘yan, nawala na ang takot ko na araw-araw kong nararamdaman? Ngayon ay mapapanatag na ang kalooban ko. Makakalakad na ako sa labas ng walang iniisip na nakaambang panganib.”Nabigla siya nang ito na mismo ang kusang yumakap sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit ng malambot na katawa
NINANAMNAM talaga niya ang hininga ng binata habang nakapikit siya. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa gano’n pa rin itong posisyon. Wala itong reaksyon at matiim lang na nakatitig sa kanya.Maya-maya ‘y bigla na lang itong lumayo sa kanya at humalakhak ng malakas. Hawak pa nito ang tiyan.“Ay, ang OA talaga! Tawang-tawa? Anong akala mo sa ‘kin, clown? Pambihira!” medyo may pagkairitang sambit niya.hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng inis at panghihinayang. Naiinis siya dahil pinagtripan lang pala siya nito at ginawang katatawanan. At panghihinayang dahil buong akala niya ay hahalikan siya nito.“Teka, huh, bakit ba ‘yon pumapasok sa isip ko? Kasalanan mo ‘to, eh!” wala sa sariling sambit niya.Mukhang hindi nito napapansin ang pagkairitang nakapinta sa mukha niya dahil hindi pa ito tapos sa kahahalakhak at halos maluha-luha pa ito.NATIGIL lang sa kanyang paghalakhak si Jacob nang mapansing tumahimik na ang dalaga at hindi na maipinta ang mukha. Nakaramdam tuloy siya ng kon
TAMA nga ang sinabi ni nanay Minerva. Nang magkatipon-tipon na ang lahat ng katulong sa loob ay daig pa ang sabungan sa ingay ng mga ito. Para itong mga batang naghahabulan, naghaharutan, nagbabatuhan ng unan at nagkakantahan kahit wala sa tono.Si nanay Minerva naman ay walang ibang nagawa kundi ang pulutin ang mga pinagbabatong unan at kumot ng mga ito.Halos kasi karamihan sa mga ito ay hindi nalalayo sa kanya ang edad, kaya nagkakasundo sa kanilang mga trip. Halos puro lang din ito mga taga probinsiya na lumuwas ng bayan para sumubok na magtrabaho para sa pamilya. Siguro kung may pamilya rin siya, ganoon din ang gagawin niya.Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng inggit. Buong buhay niya ay hindi man lang niya naranasan ang ganito kasayang buhay. Ni hindi rin siya nagkaroon ng mga kaibigan noong elementary at high school dahil sinisiraan siya nang pinsang si Julia sa lahat ng mga kaklase niya kaya nilalayuan siya.Kaya wala siyang matatawag na kaibigan. Kung hindi pa siya uma
MALAPIT ng dumilim nang mapagpasyahang lumabas ng kanyang silid si Jacob. Kinailangan niyang pahupain ang hiyang nararamdaman sa dalaga dahil sa kagagawan nang kanyang mga maids at ni nanay Minerva.Ngayon ay kaya na siguro niyang harapin ang dalaga. Sana lang ay huwag umandar ang pagiging madaldal nito, baka kasi hindi na naman siya tantanan ng katatanong kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Hindi niya alam kung kailan pa siya nagkaroon ng hiya at katorpehan sa babae. Eh, sanay naman siyang hinahabol ng mga kababaihan. Nagkaroon na rin naman siya ng ibang karelasyon na siya mismo ang kusang nakikipagka-break. Naninibago siya sa sarili. Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganito na lang kung guluhin ang buong sistema niya.Naabutan niya ang dalaga na nakaupo at nakapangalumbaba sa sofa, yakap nito ang shoulder bag na nakasukbit sa balikat nito na tanging dala nito kanina.“Ela! Kanina ka pa ba diyan?”“Hindi naman, mga five minutes pa lang siguro. Naglibot kasi kami nang mga ka