Kath was forced to marry a well known zillionaire— Noah Montenegro by her grandfather. Dahil sa pagiging anak sa labas ay tinanggap na niyang kailanman ay hindi siya naging paborito ng pamilya ng kaniyang ama. Ni minsan sa buhay niya ay hindi niya nakilala ang kaniyang ina dahil sanggol pa lamang siya ng iwanan siya nito. Her marriage with Noah was hell, dahil kailanmman ay hindi siya nito tinuring na asawa lalo pa at sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya nabigyan ng tagapagmana ito. Dahil dito ay nakipaghiwalay ito sa kaniya na hindi alam na meron na pala siyang dinadala. Sa paglipas ng taon na hindi nila pagkikita ay muling magkrus ang landas nila, magsilbi kayang daan ang mga anak nila upang muling mabuo ang kanilang pamilya?
view moreTAAS NOONG NAGLAKAD papasok si Kath suot ang may ilang sentimetrong takong niya. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil wala ng atrasan pa iyon. Isa pa ay bakit ba naman siya matatakot na humarap sa mga walang kwentang tao katulad na lang ng pamilya ng kanyang ama na itinakwil siya at hindi siya kinilala na kamag-anak ng mga ito. Ni wala naman siyang matandaan na ginawa niya na masama sa mga ito ngunit kahit na anong bait ang ipakita niya sa mga ito ay nananatiling ganun pa rin ang trato nila sa kaniya.Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng mahabang lamesa sa conference room at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kaniya. Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin at kitang-kita niya sa mata ng kanyang tiyahin ang labis na pagkagulat nang makita siya nito. Ilang sandali lang ang dumaan ay naging madilim ang mga mata nito at napuno ng disgusto at matinding pagkamuhi ang mga mata na para bang nakakita ng isang taong nabuhay mula sa kamatayan. Kung hindi ito masaya na makita s
“Okay, attorney.” mabilis na sagot ni Kath dito. Pagkababa niya ng tawag ay muli siyang napahugot ng malalim na buntung-hininga at humiga sa kanyang kama.Handa na nga ba talaga na harapin ang mga taong iyon? Napapikit siya ng mariin at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung makakaya niya ba o ano. Tiyak na kapag nakita siya ng mga ito at magagalit ang mga ito. Bahala na, bulong na lang niya sa kanyang isip.KINABUKASAN ay maaga siyang gumising at maagang naghanda. Nagsuot siya ng magandang damit at naglagay na light make up sa kanyang mukha. Nang humarap siya sa salamin ay halos hindi na niya makilala pa ang kanyang sarili dahil napakalayo na niya mula sa itsura niya noon. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga, hindi siya pwedeng maging mahina dahil baka mamaya ang paghihiganti na balak niya at pagpapabagsak sa mga umapi sa kaniya noon ay hindi niya magawa.Pinulot niya ang kanyang bag at lumabas ng kanyang silid. Dahil maaga pa ng mga oras na iyon ay tulog pa ang mga anak ni
“Noah…” “Noah…” “Noah…” Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya. “May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya. Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon. “Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na. “Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya. “Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa. Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong. Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring n
“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak. “Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya. Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya. “Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito. Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito. “May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito. Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha. “Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tu
Mabilis na naglakad pabalik sa bench si Lindy kung saan niya iniwan ang kaniyang mag- ama. Hindi na siyang nag- aksaya pa ng oras. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga ito at nakita pa nga niya mula sa malayo si Noah na nilalaro ang baby. Dali- dali siyang lumapit rito. Nang mapansin ni Noah ang kaniyang paglapit ay kaagad itong nag- angat ng ulo. Kitang- kita niya ang pagkunot ng noo nito dahil sa paglingon- lingon niya sa paligid lalo na sa likod niya. “What happened? Are you okay?” tanong nito sa kaniya pagkarating niya sa harap nito. “Huh? Yes.” sabi niya na pilit pinakalma ang kaniyang tinig kahit ang totoo ay kabang- kaba na siya. Muli siyang napalingon sa kaniyang likod ng mga oras n aiyon. Baka mamaya kasi ay makita nito ang tatlong batang iyon at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang mga iyon ay baka hanapin nito ang ina ng mga iyon. Isa pa ay hindi pwedeng makita nito ang tatlong iyn dahil baka maitsapwera na ang batang pinaghirapan niyang pagmukhain na anak nila
Hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakikita. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon bagamat masasabi niyang napakalaki na ng ipinagbago nito. Mula sa kulay ng kutis nito, sa kinis ng mukha nito, sa buhok, sa hubog ng pangangatawan at sa pananamit nito. Hindi siya pwedeng magkamali. “Kath?” patanong na sabi niya sa pangalan nito. Habang nakatingin siya rito ay hindi niya maiwasang hindi suyurin ng mga mata niya ang kabuuan nito at masasabi niya na napakalaki na ng inimprove nito. Mabilis itong tumayo pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Hindi siguro nito inaasahan na nakilala niya ito kahit pa iba na ang itsura nito at masasabi niyang mas maganda na ito ngayon kaysa noong asawa pa niya ito. Sumunod din siyang tumayo rito. Ilang taon na rin ang lumipas noong huli niyang nakita ito, sa pagkakatanda nga niya ay huli niya itong na
Halos hindi maimulat ni Kath ang kaniyang mga mata nang magising siya. Dahil nga sa ilang oras siyang nag- iiyak kagabi ang panugaradong mugtong- mugto ang kaniyang mga mata. Muli siyang napapikit at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mga mata dahil tila ba nasisilaw siya sa liwanag. Anong oras na ba? Natanong niya sa kaniyang isip ng wala sa oras. Hindi niya namalayan na nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid, wala siyang ibang marinig sa labas kundi huni lamang ng mga ibon at ng mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Wala man lang ingay ang mga anak niya, umaga pa lang kaya? Muli niyang tanong sa isipan niya. Siguro nga, dagdag pa niya at pagkatapos ay pilit na iminulat ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay bumangon. Naimulat niya naman ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay magang- maga ang mga ito. Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid at pagkatapos ay biglang napatayo. Dali- dali siyang lumapit sa bintana kung n
Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo. Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat? Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patul
PAGMULAT ng mga mata ni Kath ay ang malamlam na ilaw ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napakusot ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahikab pa. Napatitig siya sa kisame at pagkatapos ay biglang napatong kung anong oras na ba at napabangon mula sa kaniyang kama. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya lang napansin na madilim na pala. Anong oras na ba? Muling tanong niya sa kaniyang isip at pagkatapos ay napatayo mula sa kama at napainat ng kaniyang katawan. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon dahil wala namang orasan sa kaniyang silid kaya mabilis siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw kung saan niya ay isinindi niya iyon. Agad siyang napapikit nang sumindi ang ilaw dahil bahagya pa siyang nasilaw at pagkatapos ay napahikab muli bgo bumalik sa kaniyang kama dahil sa tabi niya ay naroon pala ang bag niya kanina. Nasisiguro niya na naroon ang kaniyang cellphone para na rin makita niya kung anong oras na. Mabilis niya ngang
Pabagsak na binitawan ni Noah ang isang envelop sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang laman nito. Kadadating lamang nito galing sa opisina nito ng mga oras na iyon at kanina pa niya ito hinihintay. Balak niyang kausapin ito na kailangan na nilang lumipat ng bahay. Kasalukuyan silang nakatira sa bahay ng pamilya ni Noah kung saan ay kabahay niya ang byanan niya. Dalawang taon na ang nakakaraan simula nang makasal sila ni Noah at ni minsan ay hindi siya itinuring na manugang ng byanan niya. Mas tamang tawagin siyang kasambahay ng mga ito dahil simula nang magpakasal sila ay pinaalis nito ang lahat ng kasambahay ng mga ito at siya ang ipinalit sa mga ito. Ang pagpapakasal sa isang taong katulad ni Noah ay wala sa hinagap niya at kailanman ay hindi niya naman pinangarap. Isa siyang graduating student sa kurso niyang accountancy nang malaman niya ang nakatakdang pagpapakasal niya kay Noah. noong una ay wala naman talaga siyang balak na magpakasal rito. Ngunit nang tumutol si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments