Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod.
Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan. Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito. Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan na totoo pala ang sabi- sabi na kung sino pa ang hindi mo kadugo ay siya ang mas tutulong sayo kaysa sa kadugo mo mismo. Kung sino pa kasi ang kadugo niya ay siya pa ang nagtakwil sa kaniya at ni hindi man lang inisip ng mga ito na wala siyang ibang mapupuntahan idagdag pa na walang- wala siyang pera nang mga oras na iyon. Ni hindi man lang inisip ng mga ito ang kalagayan niya. Ni katiting na awa ay wala man lang ipinakita ang mga ito sa kaniya.. Gusto niya tuloy kwestyunin kung totoo nga bang magkakamag- anak sila at bakit ganuon na lamang ang trato ng mga ito sa kaniya. Mas mainam pa sana na alam niyang ampon siya para wala siyang hinanakit na maramdaman pero alam niyang anak siya ng kaniyang ama kaya sobra- sobra ang hinanakit na nararamdaman niya. Galing siya sa isang mayaman at kilalang pamilya pero ganuon ang naging kinahinatnan ng buhay niya. Kulang na lamang ay mamalimos na siya sa daan kung wala lang ang katulad ni Silvia na tumulong sa kawawang katulad niya. Daig pa niya ang basang sisiw dahil sa naging sitwasyon niya. “Nandito na tayo.” sabi ni Silvia sa kaniya na ikinahila niya mula sa kaniyang pag- iisip. Nakatigil na pala ang sasakyan ng mga oras na iyon na hindi niya napansin dahil sa malalim na iniisip niya. Ilang sandali pa nga ay pinagbuksan na sila ng driver ni Silvia na ipinakilala niyang si Mang Juan. Agad naman silang lumabas mula sa kotse at tahimik siyang sumunod lamang rito. Si Mang Juan na ang bumitbit ng kaniyang bag dahil kailangan pa daw niyang magpahinga ayon kay Silvia. Napatingala siya sa bahay ni Silvia, napakalaki nito. Hindi kaya may asawa ito at mga anak? Ano na lamang ang sasabihin ng mga ito kapag nalaman nila na inampon siya nito at hindi man lang sinabi sa mga ito? Paano na lamang siya? Saan na naman siya pupunta kapag nagkataon? Habang nag- iisip ng kung ano- ano ay tahimik siyang sumunod kay Silvia papasok ng bahay. Sa loob ay walang tao kundi isang naka- unipormeng kasambahay lamang ang sumalubong sa kaniya. Nang makita sila ng kasambahay ay agad itong ngumiti. Tumigil sa paglalakad si Silvia at pagkatapos ay humarap sa kaniya. “Ito nga pala si Kath, Nina.” pagpapakilala ni Silvia sa kaniya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at pagkatapos ay nginitian siya. “Magandang umaga Miss Kath.” saad nito sa kaniya. “Naku, Kath na lang po ate Nina.” nahihiyang saad niya rito dahil sa pagtawag nito sa kaniyang Miss. Napaka- feeling niya naman kung magpapatawag siya rito ng Miss sa mantalang magiging palamunin lang din naman siya sa bahay na iyon pero syempre ay tutulungan niya si Nina sa mga gawaing bahay. Mas lumawak naman lalo ang ngiti nito dahil sa tinuran niya. “Halika at ipapasyal kita sa magiging silid mo.” sabi sa kaniya ni Silvia kaya agad na siyang nagpaalam kay Nina upang sumunod rito. Tinungo nito ang hagdan kung saan ay tahimik lang siyang nakamasid sa kaniyang bagong magiging tahanan. Akala niya tyaka lang niya makikita ang mga pamilya ni Silvia kapag nasa pangalawang palapag na sila ng bahay ngunit wala siyang nakita kahit isang tao sa pangalawang palag kaya hindi na niya naiwasan ang magtaka. Ilang sandali pa nga ay nagbukas na ito ng isang silid at pagkatapos ay pumasok kung saan ay agad naman siyang sumunod rito. Namangha naman siya dahil sa luwang ng magiging silid niya. Pero syempre ay mas maluwang pa rin ang silid nila ni Noah kumpara rito pero mas masaya na siya doon kesa sa maluwang na silid kasama niya naman ay isang halimaw at itaong walang puso. “Nagustuhan mo ba?” rinig niyang tanong nito sa kaniya na ikinalingon niya rito. “Opo, napakaganda.” nakangiting saad niya rito. Naramdaman niya ang paglapit nito sa kaniya at pagkatapos ay muling hinaplos ang kaniyang buhok. “Dito magiging payapa na ang buhay mo.” sabi pa nito na mas lalo lamang niyang ikinangiti. “O siya, magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita mamaya kapag kakain na.” sabi nito sa kaniya at akmang aalis na sana ngunit nalingon niya ito. “Teka lang po, Miss Silvia.” Napatigil naman ito kaagad sa paglalakad at pagkatapos ay napalingon sa kaniya na nakataas ang kilay, naghihintay kung ano ang sasabihin niya. “Napansin ko lang po, wala po ba kayong pamilya? Parang wala po kasi akong ibang nakitang tao na —” “Mag- isa lang akong nakatira rito.” nakangiting sabi nito. Isang tango ang ginawa niya at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng silid na ikinatampal naman niya sa kaniyang noo dahil parang pakiramdam niya ay mali ang naging tanong niya. Pakiramdam niya ay tila ba na- offend niya ito dahil sa ginawa niyang pagtatanong at hindi niya naman iyon sinasadya. Napapailing na lamang siya na napaupo sa kama at pagkatapos ay napahiga bago tuluyang napapikit at napabuntung- hininga.Napalingon si Silvia sa bukana ng kusina nang makita niya si Nina na tila ba nag- aalangan na lumapit sa kaniya. Agad namang tumaas ang kaniyang kilay dahil rito. Itinigil niya ang paghahalo ng kaniyang kape at pagkatapos ay humarap rito. “Ano yun?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito. Agad naman itong nag- alangan dahil sa tanong niya at pagkatapos ay dali- daling lumapit sa kaniya. Sabi na e, nasisiguro niyang may sasabihin ito sa kaniya dahil sa tingin nito. “Pwede po bang magtanong ate Silvia?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan Nina?” seryosong balik niyang tanong rito na ikinakamot lamang nito ng ulo. “Ang ibig kong sabihin e, sino ba yung babaeng dinala niyo rito? Kamag- anak mo ba?” tanong nitong muli sa kaniya. Napapikit naman siya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. Oo nga pala, nakalimutan nga pala niyang may pagka- tsimosa si Nina at hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Muli niyang i
NAPANGANGA si Viviane nang tuluyan nang nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy ni Silvia kanina. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito at pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig sa mga mata nito, sa mukha nito at pagkatapos ay dahan- dahang tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Ang dalaga ay nakatayo at tila ba naitulos din mula sa kinatatayuan nito ng mga oras na iyon habang nakatitig sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya at isang emosyon na hindi niya sigurado at hindi niya mabigyan ng pangalan. —-------- “Oh hello hija.” nakangiting bati ni Donya Elsa sa babaeng dinala ni Noah sa bahay nila. Kararating lamang galing ni Noah sa isang meeting kung saan ay tumawag ito sa kaniya at sinabi na maghanda siya ng isang lunch para sa magiging bisita nito at hindi niya akalaing isang maganda at classy na dalaga ang dadalhin nito sa pamamahay nila. Isang ngiti ang sumilay sa l
FOUR YEARS LATER “Anong sinabi ko sa inyong tatlo? Hindi niyo na ba talaga ako susundin?” nakakunot ang noong tanong ni Kath sa mga anak niya. Nanatiling nakayuko ang tatlo habang pinapagalitan niya ang mga ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga dahil rito. Paano ba naman kasi ay muntik- muntikan nang mawala sa paningin nila ang mga ito. Nasa airport pa naman sila dahil napag- desisyunan nila ng kaniyang ina na uuwi na siya ng Pilipinas kasama ang mga ito para asikasuhin ang isang bagay. Ayaw naman niyang ang iwanan ang mga ito doon dahil alam niya na malulungkot ang mga ito kapag nalayo sa kaniya. Isa pa ay mawala lang siya sandali sa paningin ng mga ito ay nag- iiiyak na ang mga ito kaya pinag- isipan niya talagang mabuti ang pinaka magandang desisyon para na rin sa ikabubuti ng mga ito. Iniisip niya kasi ang pag- aaral ng mga ito pero nasisiguro niya naman na sa Pilipinas ay may mataas pa rin naman kalidad ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan. Doon n
“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso. Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito. Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina. Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya. Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man a
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo. Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn. Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya? Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya. Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga an
PAGMULAT ng mga mata ni Kath ay ang malamlam na ilaw ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napakusot ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahikab pa. Napatitig siya sa kisame at pagkatapos ay biglang napatong kung anong oras na ba at napabangon mula sa kaniyang kama. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya lang napansin na madilim na pala. Anong oras na ba? Muling tanong niya sa kaniyang isip at pagkatapos ay napatayo mula sa kama at napainat ng kaniyang katawan. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon dahil wala namang orasan sa kaniyang silid kaya mabilis siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw kung saan niya ay isinindi niya iyon. Agad siyang napapikit nang sumindi ang ilaw dahil bahagya pa siyang nasilaw at pagkatapos ay napahikab muli bgo bumalik sa kaniyang kama dahil sa tabi niya ay naroon pala ang bag niya kanina. Nasisiguro niya na naroon ang kaniyang cellphone para na rin makita niya kung anong oras na. Mabilis niya ngang
Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo. Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat? Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patul
Halos hindi maimulat ni Kath ang kaniyang mga mata nang magising siya. Dahil nga sa ilang oras siyang nag- iiyak kagabi ang panugaradong mugtong- mugto ang kaniyang mga mata. Muli siyang napapikit at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mga mata dahil tila ba nasisilaw siya sa liwanag. Anong oras na ba? Natanong niya sa kaniyang isip ng wala sa oras. Hindi niya namalayan na nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid, wala siyang ibang marinig sa labas kundi huni lamang ng mga ibon at ng mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Wala man lang ingay ang mga anak niya, umaga pa lang kaya? Muli niyang tanong sa isipan niya. Siguro nga, dagdag pa niya at pagkatapos ay pilit na iminulat ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay bumangon. Naimulat niya naman ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay magang- maga ang mga ito. Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid at pagkatapos ay biglang napatayo. Dali- dali siyang lumapit sa bintana kung n
HUMAHANGOS na tumakbo si Kath patungo sa ospital at doon na nga niya nakita ang umiiyak na kapatid pala ni Auring sa labas ng morgue. Nang makita niya ito ay dali-dali niya itong nilapitan at sinubukang aluhin mula sa pag-iyak nito sa pamamagitan ng paghaplos niya sa likod nito.Napakarami niyang tanong na gustong tanungin ngunit nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya rito o ano pero sa huli ay ibinuka niya rin naman ang kanyang bibig dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari. “Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?” maingat na tanong niya rito. Kailangan niyang mag-ingat dahil alam niya na nagluluksa pa rin ito dahil sa pagkawala ng kapatid nito.Suminghot ito. “Noong isang araw ay aksidente raw siyang nadulas sa may hagdan dahilan para mabagok ang ulo niya at nahulog nga siya sa coma. Akala ko ay okay na ngunit hindi pa rin pala. Nagulat na lang ako kanina paglabas ko dahil tinawagan ako ni Ma’am Lindy na kuhanin ang mg
TINANGGAP na lamang ni Kath ang bulaklak na inabot sa kaniya ni Thirdy. “Salamat.” sabi na lamang niya at hindi na pinansin pa ang sinabi nito. “Siya nga pala, anong ginagawa mo rito?” tanong niya pagkalapag ng bulaklak sa kanyang mesa.Napasimangot naman ito at humawak sa dibdib nito na para bang nasaktan ito ng sobra dahil sa sinabi niya. “Para namang ayaw mo na akong makita. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka.” sabi nito at umarte pa.Napailing-iling na lamang siya at napangiti. Inaasar na naman siya nito alam niya. “Hindi nga kase? Bakit nga?” ulit niyang tanong dito. Ang alam niya kasi ay nagpapagaling pa ito kaya hindi pa ito nagpupunta sa kung saan-saan kaya laking pagtataka niya nang bigla na lang itong sumulpot doon.Sumeryoso naman ang mukha nito at pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Well, nag-aalala lang ako sayo dahil sa mga nangyari.” sabi nito at tumingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?”Nagulat naman siya sa tanong nito at pagkatapos ay ngumiti. “Oo naman, ano ka ba. Huwa
NAKAUWI NA SI Kath sa bahay nang maalala niyang buksan na ang kanyang cellphone para tawagan na ang kanyang mga anak dahil miss na miss na niya ang mga ito sa totoo lang. Pagkabukas niya ng kanyang cellphone at bigla na lang may nag-pop up na message sa kanyang chat box. Nang buksan niya iyon ay galing pala iyon kay Auring at kaninang umaga pa nito isinend iyon ngunit dahil sa kanyang busy sa maghapon ay hindi na niya napagtuunan pa iyon ng pansin.Agad niyang binasa ito at nagulat siya sa kanyang nabasa. Paano ba naman ayon sa chat nito ay alam na daw diumano ng asawa ni Lindy at nang ina nito na may anak sila ni Noah at narinig niya daw na pinag-uusapan ng mga ito na dapat ay hindi malaman ni Noah ang tungkol sa mga ito.Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Panigurado na gagawin ang lahat ng mga ito para hindi malaman ni Noah na may anak sila pero ngayon, paano kung siya mismo ang magsabi rito na may anak sila? Lalo pa at para makaganti siya sa dati niyang biyenan na ginawa siyang
LINGGO NG gabi, katatapos lang ni Kath na makipag-usap sa mga anak niya at patulog na sana nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at may nag-notif doon. Nang tingnan niya ito ay may nag-add friend sa kaniya sa kanyang social media account at nang tingnan niya ang pangalan ay tila ba pamilyar ito sa kaniya. Hindi siya basta-basta nag-aaccept ng mga request kaya ang ginawa niya ay inistalk niya muna ito at nakita niya na ang account pala na iyon ay kay Auring, ang kasambahay nila Noah.Dahil medyo naging mabait naman ito sa kaniya noong mga panahong nasa bahay pa siya nila Noah ay hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang accept button bago tuluyang matulog.KINABUKASAN, maagad siyang bumangon para gumayak sa pagpasok niya sa kanyang opisina. Idagdag pa na sa araw na iyon ay iyon na ang groundbreaking para sa project nila na building ni Mr. Montemayor at bilang CEO ng D.A Builders ay kailangan niyang magpakita doon dahil kasali siya sa seremonya. Para maging komportable siya sa ka
“YO-HOO!” sabi ni Alec at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap niya dahilan para mahila siya mula sa kanyang pag-iisip. Wala sa sariling napatingin siya rito.“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Alam mo, siguro ay pagod ka lang. Why don’t you go home and rest?” tanong nito sa kaniya.Sa puntong iyon ay ibinaba naman niya ang kanyang mga hawak na papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Tutal ay alas tres na ng hapon, maaga man pero okay na iyon. Umuwi ka na at magpahinga.” sabi nito sa kaniya.Kinusot niya naman ang kanyang mga kilay at tiningnan ang kanyang suot na relo. Alas tres na nga ng hapon. Hindi niya akalain na napakabilis ng paglipas ng oras at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siyang kumakain. Nalipasan na siya ng gutom o mas tamang sabihin na sa dami ng kanyang iniisip ay hindi na siya nakaramdam pa ng gutom.Napabuntong-hininga na lamang siya. “Siguro nga tama ka. Uuwi na muna ako.” sabi na lamang niya lalo pa
BIGLANG KUMUNOT ang noo ni Kath at hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi sa kaniya ni Noah ng mga oras na iyon. “Pwede ba Noah. Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas dito sa kumpanya ko.” mabilis na sabi niya rito.Napatawa naman ito habang nakatingin sa kaniya. “Ang tapang mo na talaga ngayon.” malamig na sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagpatalo rito at sinalubong niya nang walang takot ang mga mata nito. Wala siyang dahilan para matakot dito lalo pa at nasa teritoryo niya ito. Kung ang dating siya ang kaharap nito ng mga oras na iyon ay tiyak na nagsusumiksik na siya sa gilid sa labis na takot ngunit ibang-iba na siya ngayon kaya hinding-hindi na siya matatakot dito ngayon.“Dahil ba ikaw na ang CEO ngayon nitong kumpanya na itinayo ng lolo mo at pinaghirapan ng Tita mo?” tanong nito sa kaniya at base sa tono ng boses nito ay punong-puno iyon ng pangungutya na mas lalo pang nagpakuyom sa mga kamay niya. “O dahil naakit mo na si Th
NAGMAMADALI NAMANG lumabas ng opisina niya si Shaira na nang hindi na nagpapaalam sa kaniya. Binati lang nito sandali si Noah at kumaripas ng lumabas. Marahil ay natakot ito sa itsura nito dahil maging siya ay hindi niya maiwasang bumilis ang tibok ng puso niya. Ni ibuka niya ang bibig ay hindi niya magawa at nakatitig lang dito. Pinanuod niya lang ito na naglakad patungo sa kaniya na may mabangis na ekspresyon habang nakatingin sa kaniya na para bang lalamunin siya nito ng buhay. Napalunok na lang siya bigla. “A-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal na tanong niya. Hindi niya nga akalain na sa paglipas ng ilang taon ay mauutal pa siya sa harap nito idagdag pa na hindi naman ito ang unang pagkikita nila pagkalipas ng mga taon. Pero kasi pakiramdam niya simula nang pumasok ito sa loob ng opisina niya ay para bang sumikip bigla ang paligid at hindi siya makahinga.“Ano sa tingin mo ha?” malamig na tanong nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo ni Kath. sa tono pa lang ng boses ni
PAGDATING PA LANG ni Noah sa kanyang opisina ay agad nang pumasok doon si Alec. dahil doon ay awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito. “What? Ang aga-aga.” bungad niya kaagad dito.Masyado pang maagad para ma-stress siya sa ano mang sasabihin nito. “Kanina pa kita hinihintay sir.” mabilis na sabi nito at umupo na sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Agad niyang naman tinanggal ang suot niyang suit at isinabit ito sa sabitan na nasa gilid.“Ano naman ba kasi ang ibabalita mo? Kamusta na pala yung pinapa-imbestigahan ko sayo?” tanong niya at naupo na rin sa upuan niya.“Well, kaya nga kanina pa kita inaantay dahil tungkol doon ang ibabalita ko.” sabi nito at base sa ekspresyon ng mukha nito ay para bang masaya ito kaya hindi niya maiwasang magtaka at mapakunot ang noo.“Anong tungkol doon?” tanong niya na may interes.“Tama nga ang hinala mo. umamin na ang may ari ng building na sinadya niyang mag-collapse ang building para humingi ng danyos sa kumpanya.
TATLUMPONG MINUTO pa ang lumipas ngunit hindi pa rin napatahan ni Noah ang si ALexa kaya nagpasya na siyang dalhin na ito sa ospital. Kung kanina pa ito iyak ng iyak ay sigurado siya na may problema na ito at pagdating nga sa ospital ay nalaman nila na may kabag lang ito kaya iyak ito ng iyak.Habang pinapaunod niya si Alexa na nakahiga sa kama ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang sinabi sa kaniya ni Auring tungkol nga kay Lindy. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay lumabas ng silid nito. Eksakto namang paglabas na paglabas niya ay nakita niya ang humahangos na si Lindy papunta sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Nasaan ang anak natin? Kamusta siya? Okay lang ba siya?” sunod-sunod na tanong nito at sa mga mata nito ay nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito.Dahil sa itsura nito ay hindi niya napigilan ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit. Sa puntong iyon ay humagulgol na ito habang yakap-yakap niya. Bigla siyang napabuntong-hininga ng wala sa oras at na