Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo. Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang. Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat? Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patul
Halos hindi maimulat ni Kath ang kaniyang mga mata nang magising siya. Dahil nga sa ilang oras siyang nag- iiyak kagabi ang panugaradong mugtong- mugto ang kaniyang mga mata. Muli siyang napapikit at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mga mata dahil tila ba nasisilaw siya sa liwanag. Anong oras na ba? Natanong niya sa kaniyang isip ng wala sa oras. Hindi niya namalayan na nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid, wala siyang ibang marinig sa labas kundi huni lamang ng mga ibon at ng mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Wala man lang ingay ang mga anak niya, umaga pa lang kaya? Muli niyang tanong sa isipan niya. Siguro nga, dagdag pa niya at pagkatapos ay pilit na iminulat ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay bumangon. Naimulat niya naman ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay magang- maga ang mga ito. Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid at pagkatapos ay biglang napatayo. Dali- dali siyang lumapit sa bintana kung n
Hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakikita. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon bagamat masasabi niyang napakalaki na ng ipinagbago nito. Mula sa kulay ng kutis nito, sa kinis ng mukha nito, sa buhok, sa hubog ng pangangatawan at sa pananamit nito. Hindi siya pwedeng magkamali. “Kath?” patanong na sabi niya sa pangalan nito. Habang nakatingin siya rito ay hindi niya maiwasang hindi suyurin ng mga mata niya ang kabuuan nito at masasabi niya na napakalaki na ng inimprove nito. Mabilis itong tumayo pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Hindi siguro nito inaasahan na nakilala niya ito kahit pa iba na ang itsura nito at masasabi niyang mas maganda na ito ngayon kaysa noong asawa pa niya ito. Sumunod din siyang tumayo rito. Ilang taon na rin ang lumipas noong huli niyang nakita ito, sa pagkakatanda nga niya ay huli niya itong na
Mabilis na naglakad pabalik sa bench si Lindy kung saan niya iniwan ang kaniyang mag- ama. Hindi na siyang nag- aksaya pa ng oras. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga ito at nakita pa nga niya mula sa malayo si Noah na nilalaro ang baby. Dali- dali siyang lumapit rito. Nang mapansin ni Noah ang kaniyang paglapit ay kaagad itong nag- angat ng ulo. Kitang- kita niya ang pagkunot ng noo nito dahil sa paglingon- lingon niya sa paligid lalo na sa likod niya. “What happened? Are you okay?” tanong nito sa kaniya pagkarating niya sa harap nito. “Huh? Yes.” sabi niya na pilit pinakalma ang kaniyang tinig kahit ang totoo ay kabang- kaba na siya. Muli siyang napalingon sa kaniyang likod ng mga oras n aiyon. Baka mamaya kasi ay makita nito ang tatlong batang iyon at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang mga iyon ay baka hanapin nito ang ina ng mga iyon. Isa pa ay hindi pwedeng makita nito ang tatlong iyn dahil baka maitsapwera na ang batang pinaghirapan niyang pagmukhain na anak nila
“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak. “Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya. Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya. “Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito. Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito. “May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito. Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha. “Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tu
“Noah…” “Noah…” “Noah…” Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya. “May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya. Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon. “Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na. “Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya. “Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa. Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong. Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring n
“Okay, attorney.” mabilis na sagot ni Kath dito. Pagkababa niya ng tawag ay muli siyang napahugot ng malalim na buntung-hininga at humiga sa kanyang kama.Handa na nga ba talaga na harapin ang mga taong iyon? Napapikit siya ng mariin at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung makakaya niya ba o ano. Tiyak na kapag nakita siya ng mga ito at magagalit ang mga ito. Bahala na, bulong na lang niya sa kanyang isip.KINABUKASAN ay maaga siyang gumising at maagang naghanda. Nagsuot siya ng magandang damit at naglagay na light make up sa kanyang mukha. Nang humarap siya sa salamin ay halos hindi na niya makilala pa ang kanyang sarili dahil napakalayo na niya mula sa itsura niya noon. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga, hindi siya pwedeng maging mahina dahil baka mamaya ang paghihiganti na balak niya at pagpapabagsak sa mga umapi sa kaniya noon ay hindi niya magawa.Pinulot niya ang kanyang bag at lumabas ng kanyang silid. Dahil maaga pa ng mga oras na iyon ay tulog pa ang mga anak ni
TAAS NOONG NAGLAKAD papasok si Kath suot ang may ilang sentimetrong takong niya. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil wala ng atrasan pa iyon. Isa pa ay bakit ba naman siya matatakot na humarap sa mga walang kwentang tao katulad na lang ng pamilya ng kanyang ama na itinakwil siya at hindi siya kinilala na kamag-anak ng mga ito. Ni wala naman siyang matandaan na ginawa niya na masama sa mga ito ngunit kahit na anong bait ang ipakita niya sa mga ito ay nananatiling ganun pa rin ang trato nila sa kaniya.Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng mahabang lamesa sa conference room at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kaniya. Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin at kitang-kita niya sa mata ng kanyang tiyahin ang labis na pagkagulat nang makita siya nito. Ilang sandali lang ang dumaan ay naging madilim ang mga mata nito at napuno ng disgusto at matinding pagkamuhi ang mga mata na para bang nakakita ng isang taong nabuhay mula sa kamatayan. Kung hindi ito masaya na makita s
PAGPASOK NA PAGPASOK pa lamang ni Melinda sa loob ng bahay nila ay agad na niyang dinampot ang isang vase na nasa dadaanan niya at walang habas niya itong ibinagsak sa sahig. Wala siyang pakialam kung ano ang madampot niya dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.“Ma, tama na yan.” pigil ni Jessy sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso mula sa likod niya ngunit pinalis niya lang ang kamay nito dahil sa kanyang galit.“Pwede ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya rito at napahilamos sa sobrang inis. “Lintik na yan! Napakamalas!” muli niyang sigaw na umalingawngaw halos sa buong kabahayan.Ilang sandali pa mula sa itaas ng hagdan ay lumitaw ang kanyang asawa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano na naman ba yan honey?” tanong nito at bumaba.“Kasalanan mo ito!” sigaw ni Melinda at dinuro ito. “Ikaw ang nagpakilala sa taong iyon pero ano? Ang sabi mo ay magaling pero pumalpak siya!” inis na inis na sigaw ni Melinda at pagkatapos ay napaupo sa may sofa.Napahilo
KUMAIN MUNA ANG lahat bago umpisahan ang party. Bago magkainan ay doon niya nakita si Shaira na may inasikaso pa raw at late daw itong nakarating sa venue. Tahimik silang kumain nila Thirdy sa iisang mesa at tinukso pa nga sila nito ni Thirdy na bagay daw silang dalawa. Tatawa-tawa na lang siya at hindi sineryoso ito. Idagdag pa na hindi pa rin siya mapalagay dahil hanggang sa mga oras na iyon ay para pa ring may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya hanggang sa matapos na nga silang kumain.Pagkatapos nun ay inumpisahan na ang party. Ilang pagpapakilala ang sinabi ng emcee sa gabing iyon tungkol sa background niya bago siya tuluyang tawagin. Syempre, dahil si Thirdy ang escort niya ay ito ang umalalay sa kaniya patungo sa stage.Pagdating niya sa stage ay agad siyang nagpunta sa gitna habang hawak ang mic sa kamay niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Ibat-ibang mga mata ang nakita niya at magkakahalong mga tingin ang nakapukol sa kaniya ngunit tumitig siya k
MAGKAHAWAK ANG KAMAY nina Kath at Thirdy na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang welcome party ni Kath. ang party na iyon ay idinaos sa isang hotel. Huminga na muna ng malalim si Kath bago sila tuluyang mapakapasok sa loob. Kahit na sinabi sa kaniya ni Thirdy na huwag na siyang dapat kabahan ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan.Nang pumasok sila sa loob ay bumungad sa kanila ang maraming tao at kahit na inaasahan na nga talaga niyang maraming tao ang dadalo doon ay nagulat pa rin siya. Idagdag pa nang igala niya ang kanyang mga mata ay halos lahat ng mga mata ng taong naroon ay bigla na lang napunta sa kanilang dalawa ni Thirdy ng wala sa oras.Ilang sandali pa ay bigla na lang naramdaman ni Kath ang mahinang pagpisil ni Thirdy sa kanyang palad na hawak nito kung kaya ay hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nginitian siya nito ng malumanay dahilan para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Mabuti na lang talaga ay naroon si Thirdy kasama niya.Naglakad
NAKATINGIN SI KATH sa sarili niyang repleksyon pagkatapos niyang mag-apply ng light make-up sa kanyang mukha. Halos hindi niya makilala ang sarili niya sa harapan ng salamin lalo pa at nakasuot siya ng simple ngunit napaka-elegante ring mga alahas. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kanyang loob-loob dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na makakaangat siya sa buhay na meron siya noon at sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya ay makakaya niyang lampasan ang mga lahat ng iyon. Masasabi niyang malayo na siya sa buhay niya noon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya tiningnan niya kung sino ang pumasok mula sa salamin at nakita niyang ang tatlo niyang mga anak ang pumasok. Dali-dali siyang humarap sa mga ito. Nang makita niya ang mga ito ay bigla niyang iniunat ang kanyang mga kamay at sinalubong upang yakapin ang mga ito.Nitong mga nakaraang araw kasi ay napaka-busy niya masyado at halos hindi na niya naasikaso pa at ni nakakabonding man
DAHIL NGA WALA PA SIYANG isusuot ay pumayag siya na sumama kay Shaira sa isang boutique. Magaganda nga ang mga damit doon katulad ng sabi nito at masasabi niya na napaka-unique ng mga ito kahit na simple lang ang design. Namili sila ni Shaira ng ilang damit na isusukat niya bago tuluyang nagpunta sa dressing room upang isukat ang mga ito at para na rin tingnan kung ano ang bagay niya.Nakailang beses siyang nagsukat hanggang sa napili na niya ng tuluyan ang damit na pinaka-nagustuhan niya at hindi lang siya ang nagustuhan ito dahil maging si Shaira ay nagustuhan ito. “Bagay na bagay sayo Ma’am Kath.” puri nito habang iniikutan siya nito na may isang masayang ngiti sa kanyang mga labi.“Binobola mo na naman ako…” sabi niya rito ngunit bago pa man ito makasagot ay may isang tinig na nagmula sa likod nila na ikinagulat nila pareho at ikinalingon.“Bagay na bagay mo naman talaga.” sabi nito at paglingon nga nila ay nakita niya si Thirdy na nakatayo sa likod nila at hinahagod siya ng tingi
NAPAPAHILOT SI KATH sa kanyang sentido habang nakasandal sa kanyang swivel chair. Sumasakit ang ulo niya dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. Napuyat kasi siya sa pag-iyak kagabi kung saan ay halos namumugto din ang kanyang mga mata. Mabuti na lang kahit papano ay nakatulong ang salamin niya para ikubli ang namumugto niyang mga mata.Ilang sandali pa nga ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa nito si Shaira. “Good morning ma’am KAth. kamusta ang tulog ninyo? Okay ba? Naku, sabi ko sa inyo mag beautyrest na muna kayo ngayon e para mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang naman siya rito at pagkatapos ay umuling. “Ano ka ba, okay lang iyon isa pa ay napakarami pa rin nating trabaho. Kailangan pang tapusin yung plano para sa bagong project.” sabi niya rito at hinawakan na ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan na kasi nilang simulan iyon next month at kailangan na nilang matapos ang plano para mai-submit na rin ka
HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasulyap kay Lindy. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha nito bagamat hindi ito nagtaas ng ulo. Hindi niya tuloy maiwasang mapahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at tinidor pagkatapos ay masamang napatingin sa kanyang ina na para bang sinasabi niya na tumigil na ito sa pagbanggit ng salitang iyon. Dahil sa ilang segundo niyang pananahimik ay biglang nagtaas ng ulo si Lindy at tumingin sa kaniya.Bahagya itong nagulat nang makita nitong nakatingin siya rito. “Well, kung ako ang inaalala mo ay wala sa aking problema.” sagot nito kung saan ay hindi niya maiwasang hindi magtaka at bahagyang nagulat. Parang ilang gabi pa lang ang nakakalipas nang mag-away sila dahil lang sa pagbanggit ng kanyang i
PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob. Nakita niya ang kanyang ina na may ilang mga dokumentong binabasa ito. Lumapit siya sa harap nito at umupo. “Pwede ba tayong mag-usap Ma?” agad niyang tanong dito.Hindi naman ito nagtaas ng ulo at nanatiling nasa mga papeles ang tingin. “Tungkol saan?”Napabuntung-hininga na lang muna siya bago nagsalita. “Tungkol sa mga bata.” agad niyang sagot. Sa puntong iyon ay biglang napahinto ang kanyang ina at pagkatapos ay napataas ang ulo at tumingin na sa kaniya.“Tungkol sa mga bata?” nakakunot ang noong tanong nito. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na nitong ibinaba ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “What about them?” magkasalubong ang kilay na tanong nito kaagad sa kaniya.Napapikit siy
SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga ito. Pilit niyang inihawalay ang babaeng sumasabunot dito at itinulak pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo.“Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka iniwan ni Noah dahil wala ka na ngang kwenta baog ka pa!” sigaw ng babae dito at nang marinig niya iyon ay bahagya siyang nagulat. Ang babaeng nasa mid fifties na nasa tabi ng babaeng sumabunot kay Kath ay pamilyar sa kaniya. Ito ang ina ni Noah Montenegro.At tama ba ang ang narinig niya? Iniwan ni Noah? Bigla siyang napatingin kay Kath nang wala sa oras. “Ayos ka lang ba?” tanong niya rito. Tumango naman ito at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Samantalang ang babae ay dali-daling umalis doon na nag-aapoy ang mga mata.Ilang sandali pa ay inala