ito po yung 16 nagkabaliktad sila pasensya na po.
“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak. “Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya. Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya. “Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito. Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito. “May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito. Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha. “Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tu
“Noah…” “Noah…” “Noah…” Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya. “May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya. Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon. “Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na. “Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya. “Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa. Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong. Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring n
“Okay, attorney.” mabilis na sagot ni Kath dito. Pagkababa niya ng tawag ay muli siyang napahugot ng malalim na buntung-hininga at humiga sa kanyang kama.Handa na nga ba talaga na harapin ang mga taong iyon? Napapikit siya ng mariin at napatitig sa kisame. Hindi niya alam kung makakaya niya ba o ano. Tiyak na kapag nakita siya ng mga ito at magagalit ang mga ito. Bahala na, bulong na lang niya sa kanyang isip.KINABUKASAN ay maaga siyang gumising at maagang naghanda. Nagsuot siya ng magandang damit at naglagay na light make up sa kanyang mukha. Nang humarap siya sa salamin ay halos hindi na niya makilala pa ang kanyang sarili dahil napakalayo na niya mula sa itsura niya noon. Humugot siya ng malalim na buntung-hininga, hindi siya pwedeng maging mahina dahil baka mamaya ang paghihiganti na balak niya at pagpapabagsak sa mga umapi sa kaniya noon ay hindi niya magawa.Pinulot niya ang kanyang bag at lumabas ng kanyang silid. Dahil maaga pa ng mga oras na iyon ay tulog pa ang mga anak ni
TAAS NOONG NAGLAKAD papasok si Kath suot ang may ilang sentimetrong takong niya. Kailangan niyang tatagan ang kanyang loob dahil wala ng atrasan pa iyon. Isa pa ay bakit ba naman siya matatakot na humarap sa mga walang kwentang tao katulad na lang ng pamilya ng kanyang ama na itinakwil siya at hindi siya kinilala na kamag-anak ng mga ito. Ni wala naman siyang matandaan na ginawa niya na masama sa mga ito ngunit kahit na anong bait ang ipakita niya sa mga ito ay nananatiling ganun pa rin ang trato nila sa kaniya.Ilang sandali pa ay nasa harap na siya ng mahabang lamesa sa conference room at ang lahat ng mga mata ay napunta sa kaniya. Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin at kitang-kita niya sa mata ng kanyang tiyahin ang labis na pagkagulat nang makita siya nito. Ilang sandali lang ang dumaan ay naging madilim ang mga mata nito at napuno ng disgusto at matinding pagkamuhi ang mga mata na para bang nakakita ng isang taong nabuhay mula sa kamatayan. Kung hindi ito masaya na makita s
Napatampal na lang si Kath sa kaniyang noo pagkatapos lumabas ng kaniyang tiyahin. Inasahan na niyang magiging ganito ang sitwasyon ng paghaharap nila ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya inaasahan na kakabahan siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Bago pa man siya magpunta doon ay inihanda na niya ang sarili niya at alam niya rin na hindi ito basta-basta papayag na ibigay sa kanyang ang kumpanya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang nag-aalalang tinig nito. “Ayos ka lang ba hija?” tanong nito na nagpaangat naman ng tingin niya rito. “Ah, opo. Salamat attorney.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa mga taong naiwan sa loob ng conference room. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito at kung paano niya i- aapproach ang mga ito dahil hindi naman niya alam kung paano tumatakbo ang ganitong klaseng kompanya. Ang pagiging CEO ng isang napakalaking kompanya ay napakalaking responsibilidad para sa kaniya at masasabi niya na kailangan niya ng isang taong gagabay
“Yes.” tatango- tangong sagot nito sa kaniya. “Hindi nga rin ako makapaniwala pero ayon nga sa balita ay kay Kath daw pala iniwan ang kompanya at ilang ari- arian pa ng lolo nito hindi sa tiyahin nito.” dagdag pa nito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na napaka-tsismoso din naman pala nito.Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig dahil dito. Ibig lang sabihin ay lagi niyang makikita si Kath at isa pa ay bakit ito ang napiling magmana ng kompanya? Wala naman itong alam at ni hindi nakatapos ng kolehiyo dahil nga sa ikinasal na sila. Hindi niya maiwasang magtaka. Ano kaya ang ginawa nito para ipagkatiwala ng matanda ang kompanya rito? Isa pa ay sa pagkakaalam niya ay hindi naman siya gusto ng lolo nito kaya paanong nangyari iyon?~~~“Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Thirdy habang naglalakad sila palabas ng conference room.Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi ri
Naglakad- lakad si Kath hanggang sa may makasalubong siyang babae na agad naman siyang nilapitan. Mukha ngang nang makita siya nito ay nakahinga ito ng maluwag at tila ba siya talaga ang hinahanap nito. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay kapansin- pansin na may alanganing ngiti ito sa mga labi. “Ma’am Kath kanina ko pa po kayo hinahanap, nandito lang po pala kayo.” sabi nito at pagkatapos ay napakamot sa ulo. “Ako nga po pala si Shaira ang magiging secretary ninyo na dating secretary ng Auntie niyo.” pagpapakilala nito. Agad naman siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Hindi na talaga siya mahihirapan dahil may secretary pa siya na gagabay sa kaniya kahit pa wala si Thirdy lagi sa kompanya. “Nice to meet you.” ganting sagot niya rito at pagkatapos ay matamis na nginitian din ito. Mas lumapad pa lalo ang ngiti nito dahil sa sinabi niya ngunit mabilis ding naglaho iyon at pagkatapos ay tila bigla itong kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lang kasing nagbago
“Pasensya na talaga kayo ma’am Kath…” patuloy na paghingi sa kaniya ni Shaira ng paumanhin at sa katunayan nga ay hindi niya na halos alam kung pang ilang beses na nitong paghingi ng paumanhin sa kaniya iyon. “Ano ka ba naman, okay lang iyon. Hindi mo naman kasalanan ito ‘no.” sabi niya rito at pagkatapos ay patuloy sa pagpupulot ng mga basag na vase sa sahig. “Oo nga po, kaso nga lang ay pati kayo tuloy ay naistorbo. Ito pa naman ang unang araw niyo rito sa kompanya.” sabi nito sa kaniya habang nagwawalis din. Napangiti naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. Kahit papano ay mukhang may makakapalagayan na siya ng loob sa kompanya ng knaiyang lolo. Kailangan niya rin naman kasi ng may magiging close friend para kahit papano ay hindi naman siya mahirapan mag- adjust. “Siya nga pala, pwedeng bang magtanong?” baling niya rito. Nilingon naman siya nito ngunit nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa at mabilis na sumagot kasabay ng pagngiti. “Ano yun ma’am Kath?” tanong nito.
HUMAHANGOS na tumakbo si Kath patungo sa ospital at doon na nga niya nakita ang umiiyak na kapatid pala ni Auring sa labas ng morgue. Nang makita niya ito ay dali-dali niya itong nilapitan at sinubukang aluhin mula sa pag-iyak nito sa pamamagitan ng paghaplos niya sa likod nito.Napakarami niyang tanong na gustong tanungin ngunit nagdadalawang isip siya kung magtatanong ba siya rito o ano pero sa huli ay ibinuka niya rin naman ang kanyang bibig dahil gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyari. “Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?” maingat na tanong niya rito. Kailangan niyang mag-ingat dahil alam niya na nagluluksa pa rin ito dahil sa pagkawala ng kapatid nito.Suminghot ito. “Noong isang araw ay aksidente raw siyang nadulas sa may hagdan dahilan para mabagok ang ulo niya at nahulog nga siya sa coma. Akala ko ay okay na ngunit hindi pa rin pala. Nagulat na lang ako kanina paglabas ko dahil tinawagan ako ni Ma’am Lindy na kuhanin ang mg
TINANGGAP na lamang ni Kath ang bulaklak na inabot sa kaniya ni Thirdy. “Salamat.” sabi na lamang niya at hindi na pinansin pa ang sinabi nito. “Siya nga pala, anong ginagawa mo rito?” tanong niya pagkalapag ng bulaklak sa kanyang mesa.Napasimangot naman ito at humawak sa dibdib nito na para bang nasaktan ito ng sobra dahil sa sinabi niya. “Para namang ayaw mo na akong makita. Hindi mo ba alam na nakakasakit ka.” sabi nito at umarte pa.Napailing-iling na lamang siya at napangiti. Inaasar na naman siya nito alam niya. “Hindi nga kase? Bakit nga?” ulit niyang tanong dito. Ang alam niya kasi ay nagpapagaling pa ito kaya hindi pa ito nagpupunta sa kung saan-saan kaya laking pagtataka niya nang bigla na lang itong sumulpot doon.Sumeryoso naman ang mukha nito at pagkatapos ay napabuntong-hininga. “Well, nag-aalala lang ako sayo dahil sa mga nangyari.” sabi nito at tumingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?”Nagulat naman siya sa tanong nito at pagkatapos ay ngumiti. “Oo naman, ano ka ba. Huwa
NAKAUWI NA SI Kath sa bahay nang maalala niyang buksan na ang kanyang cellphone para tawagan na ang kanyang mga anak dahil miss na miss na niya ang mga ito sa totoo lang. Pagkabukas niya ng kanyang cellphone at bigla na lang may nag-pop up na message sa kanyang chat box. Nang buksan niya iyon ay galing pala iyon kay Auring at kaninang umaga pa nito isinend iyon ngunit dahil sa kanyang busy sa maghapon ay hindi na niya napagtuunan pa iyon ng pansin.Agad niyang binasa ito at nagulat siya sa kanyang nabasa. Paano ba naman ayon sa chat nito ay alam na daw diumano ng asawa ni Lindy at nang ina nito na may anak sila ni Noah at narinig niya daw na pinag-uusapan ng mga ito na dapat ay hindi malaman ni Noah ang tungkol sa mga ito.Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Panigurado na gagawin ang lahat ng mga ito para hindi malaman ni Noah na may anak sila pero ngayon, paano kung siya mismo ang magsabi rito na may anak sila? Lalo pa at para makaganti siya sa dati niyang biyenan na ginawa siyang
LINGGO NG gabi, katatapos lang ni Kath na makipag-usap sa mga anak niya at patulog na sana nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at may nag-notif doon. Nang tingnan niya ito ay may nag-add friend sa kaniya sa kanyang social media account at nang tingnan niya ang pangalan ay tila ba pamilyar ito sa kaniya. Hindi siya basta-basta nag-aaccept ng mga request kaya ang ginawa niya ay inistalk niya muna ito at nakita niya na ang account pala na iyon ay kay Auring, ang kasambahay nila Noah.Dahil medyo naging mabait naman ito sa kaniya noong mga panahong nasa bahay pa siya nila Noah ay hindi siya nagdalawang isip na pindutin ang accept button bago tuluyang matulog.KINABUKASAN, maagad siyang bumangon para gumayak sa pagpasok niya sa kanyang opisina. Idagdag pa na sa araw na iyon ay iyon na ang groundbreaking para sa project nila na building ni Mr. Montemayor at bilang CEO ng D.A Builders ay kailangan niyang magpakita doon dahil kasali siya sa seremonya. Para maging komportable siya sa ka
“YO-HOO!” sabi ni Alec at iwinagayway pa ang kamay nito sa harap niya dahilan para mahila siya mula sa kanyang pag-iisip. Wala sa sariling napatingin siya rito.“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” tanong niya rito.Napabuntong-hininga naman ito. “Alam mo, siguro ay pagod ka lang. Why don’t you go home and rest?” tanong nito sa kaniya.Sa puntong iyon ay ibinaba naman niya ang kanyang mga hawak na papel at napasandal sa kanyang kinauupuan. “Tutal ay alas tres na ng hapon, maaga man pero okay na iyon. Umuwi ka na at magpahinga.” sabi nito sa kaniya.Kinusot niya naman ang kanyang mga kilay at tiningnan ang kanyang suot na relo. Alas tres na nga ng hapon. Hindi niya akalain na napakabilis ng paglipas ng oras at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siyang kumakain. Nalipasan na siya ng gutom o mas tamang sabihin na sa dami ng kanyang iniisip ay hindi na siya nakaramdam pa ng gutom.Napabuntong-hininga na lamang siya. “Siguro nga tama ka. Uuwi na muna ako.” sabi na lamang niya lalo pa
BIGLANG KUMUNOT ang noo ni Kath at hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi sa kaniya ni Noah ng mga oras na iyon. “Pwede ba Noah. Umalis ka na ngayon din kung ayaw mong ipakaladkad kita palabas dito sa kumpanya ko.” mabilis na sabi niya rito.Napatawa naman ito habang nakatingin sa kaniya. “Ang tapang mo na talaga ngayon.” malamig na sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagpatalo rito at sinalubong niya nang walang takot ang mga mata nito. Wala siyang dahilan para matakot dito lalo pa at nasa teritoryo niya ito. Kung ang dating siya ang kaharap nito ng mga oras na iyon ay tiyak na nagsusumiksik na siya sa gilid sa labis na takot ngunit ibang-iba na siya ngayon kaya hinding-hindi na siya matatakot dito ngayon.“Dahil ba ikaw na ang CEO ngayon nitong kumpanya na itinayo ng lolo mo at pinaghirapan ng Tita mo?” tanong nito sa kaniya at base sa tono ng boses nito ay punong-puno iyon ng pangungutya na mas lalo pang nagpakuyom sa mga kamay niya. “O dahil naakit mo na si Th
NAGMAMADALI NAMANG lumabas ng opisina niya si Shaira na nang hindi na nagpapaalam sa kaniya. Binati lang nito sandali si Noah at kumaripas ng lumabas. Marahil ay natakot ito sa itsura nito dahil maging siya ay hindi niya maiwasang bumilis ang tibok ng puso niya. Ni ibuka niya ang bibig ay hindi niya magawa at nakatitig lang dito. Pinanuod niya lang ito na naglakad patungo sa kaniya na may mabangis na ekspresyon habang nakatingin sa kaniya na para bang lalamunin siya nito ng buhay. Napalunok na lang siya bigla. “A-anong ginagawa mo rito?” halos nauutal na tanong niya. Hindi niya nga akalain na sa paglipas ng ilang taon ay mauutal pa siya sa harap nito idagdag pa na hindi naman ito ang unang pagkikita nila pagkalipas ng mga taon. Pero kasi pakiramdam niya simula nang pumasok ito sa loob ng opisina niya ay para bang sumikip bigla ang paligid at hindi siya makahinga.“Ano sa tingin mo ha?” malamig na tanong nito dahilan para magtayuan ang mga balahibo ni Kath. sa tono pa lang ng boses ni
PAGDATING PA LANG ni Noah sa kanyang opisina ay agad nang pumasok doon si Alec. dahil doon ay awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito. “What? Ang aga-aga.” bungad niya kaagad dito.Masyado pang maagad para ma-stress siya sa ano mang sasabihin nito. “Kanina pa kita hinihintay sir.” mabilis na sabi nito at umupo na sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Agad niyang naman tinanggal ang suot niyang suit at isinabit ito sa sabitan na nasa gilid.“Ano naman ba kasi ang ibabalita mo? Kamusta na pala yung pinapa-imbestigahan ko sayo?” tanong niya at naupo na rin sa upuan niya.“Well, kaya nga kanina pa kita inaantay dahil tungkol doon ang ibabalita ko.” sabi nito at base sa ekspresyon ng mukha nito ay para bang masaya ito kaya hindi niya maiwasang magtaka at mapakunot ang noo.“Anong tungkol doon?” tanong niya na may interes.“Tama nga ang hinala mo. umamin na ang may ari ng building na sinadya niyang mag-collapse ang building para humingi ng danyos sa kumpanya.
TATLUMPONG MINUTO pa ang lumipas ngunit hindi pa rin napatahan ni Noah ang si ALexa kaya nagpasya na siyang dalhin na ito sa ospital. Kung kanina pa ito iyak ng iyak ay sigurado siya na may problema na ito at pagdating nga sa ospital ay nalaman nila na may kabag lang ito kaya iyak ito ng iyak.Habang pinapaunod niya si Alexa na nakahiga sa kama ay hindi niya maiwasang hindi isipin ang sinabi sa kaniya ni Auring tungkol nga kay Lindy. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay lumabas ng silid nito. Eksakto namang paglabas na paglabas niya ay nakita niya ang humahangos na si Lindy papunta sa kaniya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “Nasaan ang anak natin? Kamusta siya? Okay lang ba siya?” sunod-sunod na tanong nito at sa mga mata nito ay nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito.Dahil sa itsura nito ay hindi niya napigilan ang sarili niya na yakapin ito ng mahigpit. Sa puntong iyon ay humagulgol na ito habang yakap-yakap niya. Bigla siyang napabuntong-hininga ng wala sa oras at na