Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.
Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan. Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya. Sa mga oras na iyon dahil sa pagkaisip niyang muli ng sitawasyon ng buhay niya ay hindi niya naiwasan na hindi na naman mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya at pakiramdam niya ay gusto na lamang niyang sumuko sa buhay niya. Inilibot niya ang kaniyang mga paningin sa paligi at nakita niya ang mga sasakyan na mabilis na dumadaan sa harap niya. Ano kaya kung magpasagasa na lang siya sa mga ito para matapos na ang pagdurusa niya? Para minsanan na lang ang pagdurusa na nararamdaman niya at pagtapos na yun ay magiging payapa na ang buhay niya? Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya ng mga oras na iyon. Nawawalan na siya ng pag- asa. Kanina pa siya naglalakad ngunit wala man lang kahit isa ang naglakas ng loob na tulungan siya. Wala man lang ni isa na lumapit sa kaniya at tinanong kung okay lang ba siya, kung bakit siya naglalakad mag- isa, wala. Walang may pakialam sa kaniya. Walang nag- aalala sa kaniya at walang nag- iisip sa kaniya dahil sino ba sana siya para pag- aksayahan ng oras na alalahanin? Isa pa ay bakit siya naghahangad ng pag- aalala mula sa ibang tao e samantalang sarili niyang pamilya ay walang pakialam sa kaniya. Sarili niya pang kadugo ang mga iyon. Napasinghot siya at pagkatapos ay nagpunas ng kaniyang mga luha habang naglalakad. Walang kasiguraduhan ay ipnagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad kahit pa wala siyang partikular na destinasyon, kahit pa wala siyang alam na pupuntahan. Magbabakasakali siya na maya- maya lamang ay may handa nang tumulong sa kaniya. Isang oras pa ang lumipas ng kaniyang paglalakad at sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na talaga niya ang pinaghalong pagod, gutom at sakit ng dibdib. Medyo nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata marahil ay dahil sa pagod at ang kaniyang mga tuhod ay pakiramdam niya ay bibigay na. Konting- konti na lang ay matutumba na siya at nararamdaman na rin niya ang panginginig ng katawan niya. Sa parteng iyon kung saan nasaan siya ay halos wala ng dumaraan. Nasaan na nga ba siya? Hindi na rin niya alam. Hindi na siya pamilyar s alugar na iyon at lubos siyang nagpapasalamat na walang masamang loob ang lumalapit pa sa kaniya ng mga oras na iyon. Isang paparating na ilaw ang naaninag niya. Dahil sa determinasyon para mabuhay ay unti- unti siyang naglakad patungo sa kalsada upang parahin sana ito ngunit bago pa man ito makarating sa harap niya ay bigla na lamang siyang natumba at nagdilim ang paningin niya. —--------------- “Anong nangyari? Nabangga mo ba?” tanong ni Silvia sa driver niya. Bigla kasi itong napatigil at halos masubsob pa siya sa unahan ng kotse at nang tanungin niya ito kung bakit ay sinab nito na may babaeng natumba. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa kaniyang cellphone at chine- check ang schedule bukas ng amo niya. Agad niyang isinilid sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay nakipag- unahan na bumaba rito. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang isang babae na nakahandusay sa kalsada at walang malay. “Buhatin mo siya! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!” naghihisteryang saad niya sa kaniyang driver. Agad naman itong sumunod sa kaniya at pagkatapos ay tinulungan ito na maipasok sa loob ng kotse. “Diyos ko po! Anong ginawa mo sa kaniya?” nag- aalalang tanong niya sa kaniyang driver habang nakatitig sa babae. Wala itong malay. Kabang- kaba siya. Baka mamaya ay nakapatay na pala ang driver niya at makasuhan sila. Napahaplos siya sa mukha ng babae at napadalangin na sana ay okay lang ito at wala sanang masamang nangyari rito. Kahit papano ay ayaw niyang makulong. Patingin- tingin siya sa daan at sa babaeng katabi niya. Baka mamaya ay may injury na pala ito sa ulo. “Bilisan mo. kailangan natin siyang madala kaagad sa ospital.” nag- aalalang saad niya sa kaniyang driver at pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay na muling dinukot ang cellphone sa kaniyang bag. Kailangan niyang tawagan ang kaniyang madam para sabihin ang nangyari.Napahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya. Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta. Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay. Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiw
Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod. Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan. Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito. Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan
Napalingon si Silvia sa bukana ng kusina nang makita niya si Nina na tila ba nag- aalangan na lumapit sa kaniya. Agad namang tumaas ang kaniyang kilay dahil rito. Itinigil niya ang paghahalo ng kaniyang kape at pagkatapos ay humarap rito. “Ano yun?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito. Agad naman itong nag- alangan dahil sa tanong niya at pagkatapos ay dali- daling lumapit sa kaniya. Sabi na e, nasisiguro niyang may sasabihin ito sa kaniya dahil sa tingin nito. “Pwede po bang magtanong ate Silvia?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan Nina?” seryosong balik niyang tanong rito na ikinakamot lamang nito ng ulo. “Ang ibig kong sabihin e, sino ba yung babaeng dinala niyo rito? Kamag- anak mo ba?” tanong nitong muli sa kaniya. Napapikit naman siya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. Oo nga pala, nakalimutan nga pala niyang may pagka- tsimosa si Nina at hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Muli niyang i
NAPANGANGA si Viviane nang tuluyan nang nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy ni Silvia kanina. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito at pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig sa mga mata nito, sa mukha nito at pagkatapos ay dahan- dahang tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Ang dalaga ay nakatayo at tila ba naitulos din mula sa kinatatayuan nito ng mga oras na iyon habang nakatitig sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya at isang emosyon na hindi niya sigurado at hindi niya mabigyan ng pangalan. —-------- “Oh hello hija.” nakangiting bati ni Donya Elsa sa babaeng dinala ni Noah sa bahay nila. Kararating lamang galing ni Noah sa isang meeting kung saan ay tumawag ito sa kaniya at sinabi na maghanda siya ng isang lunch para sa magiging bisita nito at hindi niya akalaing isang maganda at classy na dalaga ang dadalhin nito sa pamamahay nila. Isang ngiti ang sumilay sa l
FOUR YEARS LATER “Anong sinabi ko sa inyong tatlo? Hindi niyo na ba talaga ako susundin?” nakakunot ang noong tanong ni Kath sa mga anak niya. Nanatiling nakayuko ang tatlo habang pinapagalitan niya ang mga ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga dahil rito. Paano ba naman kasi ay muntik- muntikan nang mawala sa paningin nila ang mga ito. Nasa airport pa naman sila dahil napag- desisyunan nila ng kaniyang ina na uuwi na siya ng Pilipinas kasama ang mga ito para asikasuhin ang isang bagay. Ayaw naman niyang ang iwanan ang mga ito doon dahil alam niya na malulungkot ang mga ito kapag nalayo sa kaniya. Isa pa ay mawala lang siya sandali sa paningin ng mga ito ay nag- iiiyak na ang mga ito kaya pinag- isipan niya talagang mabuti ang pinaka magandang desisyon para na rin sa ikabubuti ng mga ito. Iniisip niya kasi ang pag- aaral ng mga ito pero nasisiguro niya naman na sa Pilipinas ay may mataas pa rin naman kalidad ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan. Doon n
“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso. Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito. Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina. Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya. Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man a
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo. Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn. Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya? Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya. Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga an
PAGMULAT ng mga mata ni Kath ay ang malamlam na ilaw ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napakusot ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahikab pa. Napatitig siya sa kisame at pagkatapos ay biglang napatong kung anong oras na ba at napabangon mula sa kaniyang kama. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya lang napansin na madilim na pala. Anong oras na ba? Muling tanong niya sa kaniyang isip at pagkatapos ay napatayo mula sa kama at napainat ng kaniyang katawan. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon dahil wala namang orasan sa kaniyang silid kaya mabilis siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw kung saan niya ay isinindi niya iyon. Agad siyang napapikit nang sumindi ang ilaw dahil bahagya pa siyang nasilaw at pagkatapos ay napahikab muli bgo bumalik sa kaniyang kama dahil sa tabi niya ay naroon pala ang bag niya kanina. Nasisiguro niya na naroon ang kaniyang cellphone para na rin makita niya kung anong oras na. Mabilis niya ngang
PAGPASOK NA PAGPASOK pa lamang ni Melinda sa loob ng bahay nila ay agad na niyang dinampot ang isang vase na nasa dadaanan niya at walang habas niya itong ibinagsak sa sahig. Wala siyang pakialam kung ano ang madampot niya dahil sa labis na galit na nararamdaman niya.“Ma, tama na yan.” pigil ni Jessy sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso mula sa likod niya ngunit pinalis niya lang ang kamay nito dahil sa kanyang galit.“Pwede ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya rito at napahilamos sa sobrang inis. “Lintik na yan! Napakamalas!” muli niyang sigaw na umalingawngaw halos sa buong kabahayan.Ilang sandali pa mula sa itaas ng hagdan ay lumitaw ang kanyang asawa na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano na naman ba yan honey?” tanong nito at bumaba.“Kasalanan mo ito!” sigaw ni Melinda at dinuro ito. “Ikaw ang nagpakilala sa taong iyon pero ano? Ang sabi mo ay magaling pero pumalpak siya!” inis na inis na sigaw ni Melinda at pagkatapos ay napaupo sa may sofa.Napahilo
KUMAIN MUNA ANG lahat bago umpisahan ang party. Bago magkainan ay doon niya nakita si Shaira na may inasikaso pa raw at late daw itong nakarating sa venue. Tahimik silang kumain nila Thirdy sa iisang mesa at tinukso pa nga sila nito ni Thirdy na bagay daw silang dalawa. Tatawa-tawa na lang siya at hindi sineryoso ito. Idagdag pa na hindi pa rin siya mapalagay dahil hanggang sa mga oras na iyon ay para pa ring may mga matang nakasunod sa bawat galaw niya hanggang sa matapos na nga silang kumain.Pagkatapos nun ay inumpisahan na ang party. Ilang pagpapakilala ang sinabi ng emcee sa gabing iyon tungkol sa background niya bago siya tuluyang tawagin. Syempre, dahil si Thirdy ang escort niya ay ito ang umalalay sa kaniya patungo sa stage.Pagdating niya sa stage ay agad siyang nagpunta sa gitna habang hawak ang mic sa kamay niya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid. Ibat-ibang mga mata ang nakita niya at magkakahalong mga tingin ang nakapukol sa kaniya ngunit tumitig siya k
MAGKAHAWAK ANG KAMAY nina Kath at Thirdy na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang welcome party ni Kath. ang party na iyon ay idinaos sa isang hotel. Huminga na muna ng malalim si Kath bago sila tuluyang mapakapasok sa loob. Kahit na sinabi sa kaniya ni Thirdy na huwag na siyang dapat kabahan ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan.Nang pumasok sila sa loob ay bumungad sa kanila ang maraming tao at kahit na inaasahan na nga talaga niyang maraming tao ang dadalo doon ay nagulat pa rin siya. Idagdag pa nang igala niya ang kanyang mga mata ay halos lahat ng mga mata ng taong naroon ay bigla na lang napunta sa kanilang dalawa ni Thirdy ng wala sa oras.Ilang sandali pa ay bigla na lang naramdaman ni Kath ang mahinang pagpisil ni Thirdy sa kanyang palad na hawak nito kung kaya ay hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nginitian siya nito ng malumanay dahilan para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Mabuti na lang talaga ay naroon si Thirdy kasama niya.Naglakad
NAKATINGIN SI KATH sa sarili niyang repleksyon pagkatapos niyang mag-apply ng light make-up sa kanyang mukha. Halos hindi niya makilala ang sarili niya sa harapan ng salamin lalo pa at nakasuot siya ng simple ngunit napaka-elegante ring mga alahas. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti sa kanyang loob-loob dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na makakaangat siya sa buhay na meron siya noon at sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya ay makakaya niyang lampasan ang mga lahat ng iyon. Masasabi niyang malayo na siya sa buhay niya noon.Ilang sandali pa ay bigla na lang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya tiningnan niya kung sino ang pumasok mula sa salamin at nakita niyang ang tatlo niyang mga anak ang pumasok. Dali-dali siyang humarap sa mga ito. Nang makita niya ang mga ito ay bigla niyang iniunat ang kanyang mga kamay at sinalubong upang yakapin ang mga ito.Nitong mga nakaraang araw kasi ay napaka-busy niya masyado at halos hindi na niya naasikaso pa at ni nakakabonding man
DAHIL NGA WALA PA SIYANG isusuot ay pumayag siya na sumama kay Shaira sa isang boutique. Magaganda nga ang mga damit doon katulad ng sabi nito at masasabi niya na napaka-unique ng mga ito kahit na simple lang ang design. Namili sila ni Shaira ng ilang damit na isusukat niya bago tuluyang nagpunta sa dressing room upang isukat ang mga ito at para na rin tingnan kung ano ang bagay niya.Nakailang beses siyang nagsukat hanggang sa napili na niya ng tuluyan ang damit na pinaka-nagustuhan niya at hindi lang siya ang nagustuhan ito dahil maging si Shaira ay nagustuhan ito. “Bagay na bagay sayo Ma’am Kath.” puri nito habang iniikutan siya nito na may isang masayang ngiti sa kanyang mga labi.“Binobola mo na naman ako…” sabi niya rito ngunit bago pa man ito makasagot ay may isang tinig na nagmula sa likod nila na ikinagulat nila pareho at ikinalingon.“Bagay na bagay mo naman talaga.” sabi nito at paglingon nga nila ay nakita niya si Thirdy na nakatayo sa likod nila at hinahagod siya ng tingi
NAPAPAHILOT SI KATH sa kanyang sentido habang nakasandal sa kanyang swivel chair. Sumasakit ang ulo niya dahil pakiramdam niya ay kulang pa ang tulog niya. Napuyat kasi siya sa pag-iyak kagabi kung saan ay halos namumugto din ang kanyang mga mata. Mabuti na lang kahit papano ay nakatulong ang salamin niya para ikubli ang namumugto niyang mga mata.Ilang sandali pa nga ay may narinig siyang katok sa pinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito at iniluwa nito si Shaira. “Good morning ma’am KAth. kamusta ang tulog ninyo? Okay ba? Naku, sabi ko sa inyo mag beautyrest na muna kayo ngayon e para mamayang gabi.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang naman siya rito at pagkatapos ay umuling. “Ano ka ba, okay lang iyon isa pa ay napakarami pa rin nating trabaho. Kailangan pang tapusin yung plano para sa bagong project.” sabi niya rito at hinawakan na ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa. Kailangan na kasi nilang simulan iyon next month at kailangan na nilang matapos ang plano para mai-submit na rin ka
HABANG KUMAKAIN SILA ng almusal ay bigla niyang narinig ang tanong ng kanyang ina. “Pupunta ka ba sa welcome party ng dati mong asawa?” tanong nito sa kaniya.Dahil sa pagbanggit nito sa salitang dating asawa ay hindi niya napigilan na mapatigil sa kanyang pagsubo sana at hindi sinasadyang mapasulyap kay Lindy. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha nito bagamat hindi ito nagtaas ng ulo. Hindi niya tuloy maiwasang mapahigpit ng hawak sa kanyang kutsara at tinidor pagkatapos ay masamang napatingin sa kanyang ina na para bang sinasabi niya na tumigil na ito sa pagbanggit ng salitang iyon. Dahil sa ilang segundo niyang pananahimik ay biglang nagtaas ng ulo si Lindy at tumingin sa kaniya.Bahagya itong nagulat nang makita nitong nakatingin siya rito. “Well, kung ako ang inaalala mo ay wala sa aking problema.” sagot nito kung saan ay hindi niya maiwasang hindi magtaka at bahagyang nagulat. Parang ilang gabi pa lang ang nakakalipas nang mag-away sila dahil lang sa pagbanggit ng kanyang i
PAGDATING na pagdating ni Kath sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina na nasa study naman nito. Ang kanyang anak ay pinapatulog na ng kanyang Tita Silvia dahil medyo mag-aalas otso na rin nang makauwi siya sa bahay nila. Kumatok muna siya sa pinto at pagkatapos ay pumasok sa loob. Nakita niya ang kanyang ina na may ilang mga dokumentong binabasa ito. Lumapit siya sa harap nito at umupo. “Pwede ba tayong mag-usap Ma?” agad niyang tanong dito.Hindi naman ito nagtaas ng ulo at nanatiling nasa mga papeles ang tingin. “Tungkol saan?”Napabuntung-hininga na lang muna siya bago nagsalita. “Tungkol sa mga bata.” agad niyang sagot. Sa puntong iyon ay biglang napahinto ang kanyang ina at pagkatapos ay napataas ang ulo at tumingin na sa kaniya.“Tungkol sa mga bata?” nakakunot ang noong tanong nito. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na nitong ibinaba ang binabasa nito at tumingin sa kaniya. “What about them?” magkasalubong ang kilay na tanong nito kaagad sa kaniya.Napapikit siy
SA DI KALAYUAN, bigla namang napatigil sa paglalakad si Thirdy nang makita na may nagsasabunutan sa loob ng isang boutique. Nagkibit balikat na lang siya at lalampasan na sana ito nang makita niya ang pamilyar na mukha, walang iba kung hindi si Kath kaya dali-dali siyang pumasok at inawat ang mga ito. Pilit niyang inihawalay ang babaeng sumasabunot dito at itinulak pagkatapos ay inalalayan niya itong tumayo.“Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka iniwan ni Noah dahil wala ka na ngang kwenta baog ka pa!” sigaw ng babae dito at nang marinig niya iyon ay bahagya siyang nagulat. Ang babaeng nasa mid fifties na nasa tabi ng babaeng sumabunot kay Kath ay pamilyar sa kaniya. Ito ang ina ni Noah Montenegro.At tama ba ang ang narinig niya? Iniwan ni Noah? Bigla siyang napatingin kay Kath nang wala sa oras. “Ayos ka lang ba?” tanong niya rito. Tumango naman ito at pagkatapos ay inayos ang buhok niya. Samantalang ang babae ay dali-daling umalis doon na nag-aapoy ang mga mata.Ilang sandali pa ay inala