The Contract

The Contract

last updateTerakhir Diperbarui : 2022-05-23
Oleh:  Jealie  On going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Peringkat. 2 Ulasan-ulasan
41Bab
11.9KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Tinggalkan ulasan Anda di APP

Catchline: "Maid niya lang ako! Ina lang ng magiging anak niya! Wala akong karapatang mag-inarte dahil kasalanan ko kung bakit ako nasa ganitong kalagayan. Kailangan kong itatak sa aking isipan na ang nasa sinapupunan ko ay kahalili ng anak niyang namatay— namatay nang dahil sa akin. Oo nga at masakit, pero wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman niyang sakit no'ng pinatay ko ang anak niya." SYNOPSIS Dahil sa kahirapan napilitang pumunta ng Maynila si Olivia upang mamasukang katulong. Sa edad na beinte-sinco, second year college lamang ang kaniyang natapos sa kadahilanang hindi na kaya ng kaniyang mga magulang na sabay silang pag-aralin ng kaniyang kapatid. Nang tumuntong siya ng Maynila, akala niya doon na niya matatagpuan ang kaniyang pinapangarap na Prince Charming— sa katauhan ng kanyang gwapo ngunit masungit na among si Vanadium Abejero, na pangalan pa lamang ay malalaman mo na kaagad na galing ito sa mayamang pamilya. Ngunit nasira ito nang malaman niyang may asawa na ito't anak. Napakabuti ng kaniyang Senyora Isabel kaya hininto niya na ang anumang nararamdaman para sa kaniyang napakasungit na amo. Pero makalipas lamang ang ilang buwang panganganak nito sa kanilang anghel, namatay sa isang car accident si Isabel Abejero. Kaya muling nabuhay ang kaniyang pilit na tinatagong nararamdaman para kay Vanadium. At makalipas lamang din ng tatlong taon matapos mamatay ang kaniyang Senyora Isabel ay naganap ang isang aksidenting siya ang may kasalanan, na naging dahilan upang mabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila ni Vanadium. Kasunduang maghahatid sa kaniya ng isang mapait ngunit masayang karanasan.

Lihat lebih banyak

Bab terbaru

Pratinjau Gratis

Prologue

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"Natigil sa pag-iimpake ng kan'yang mga kagamitan si Olivia nang marinig ang nag-alalang boses ng Ina.Napabuntong hininga na lamang siya dahil noong isang linggo pa nagpabalik-balik ng tanong ang huli. Simula kasi nang malaman nitong magta-trabaho siya bilang isang katulong sa Maynila ay hindi na huminto ang kaniyang Ina sa pagtatanong. Inintindi na lamang niya ito dahil ito ang unang beses na mapalayo siya sa kanyang magulang at nag-iisang kapatid na si Victoria na nag-aaral ngayon bilang first year college sa isang Unibersidad. Wala naman kasi siyang choice kundi ang magtrabaho dahil naawa na siya sa kaniyang Inay at Itay. Gusto niyang makatulong para mabawasan man lamang kahit konti ang problema ng kaniyang mgamagulang. Nasa college na ang kanyang kapatid kay

Buku bagus disaat bersamaan

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Jealie
hello po. i am the author of this story. i would appreciate if you would leave an honest feedback about my story. thank you....... comment lang po kayo...
2022-06-04 19:51:10
0
default avatar
joselynburog
story plot is good
2022-05-25 19:45:31
2
41 Bab

Prologue

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Natigil sa pag-iimpake ng kan'yang mga kagamitan si Olivia nang marinig ang nag-alalang boses ng Ina. Napabuntong hininga na lamang siya dahil noong isang linggo pa nagpabalik-balik ng tanong ang huli. Simula kasi nang malaman nitong magta-trabaho siya bilang isang katulong sa Maynila ay hindi na huminto ang kaniyang Ina sa pagtatanong. Inintindi na lamang niya ito dahil ito ang unang beses na mapalayo siya sa kanyang magulang at nag-iisang kapatid na si Victoria na nag-aaral ngayon bilang first year college sa isang Unibersidad. Wala naman kasi siyang choice kundi ang magtrabaho dahil naawa na siya sa kaniyang Inay at Itay. Gusto niyang makatulong para mabawasan man lamang kahit konti ang problema ng kaniyang mgamagulang. Nasa college na ang kanyang kapatid kay
Baca selengkapnya

Chapter 1

Napanganga si Olivia dahil sa pagkamangha nang tumambad sa kaniya ang bahay, ay hindi mansyon pala, na papasukan. Pagkatapos niya kasing mag-agahan kanina kasama ang kaniyang Inay ay sumakay na siya ng bus patungong Maynila at nag-taxi na lamang patungo rito sa mansyong pagta-trabahuan niya. Medyo may kamahalan ang pamasahe sa taxi pero hindi niya na iyon ininda dahil pera naman iyon ng kanyang magiging amo, libre kasi.Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nakatunganga lamang nang mapansin siya ng gwardya ng bahay.Hindi niya namalayang nasa kanyang harapan na pala ang lalaki."Ano hong kailangan?" Magalang na pagtatanong ng gwardya Agad namang nagising sa pagkatulala si Olivia. Nakita niya ang isang payat na lalaking nasa edad kuwarenta na siguro at nakasuot ng unipormeng pang gwardya. Tumikhim mun
Baca selengkapnya

Chapter 2

Nagising si Olivia dahil sa narinig na dalawang mahihinang boses na parang nagtatalo. Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang dalawang mata at tumambad sa kaniya ang kakaibang silid. Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka, nilibot niya ang kaniyang paningin at natuon ito sa dalawang dalagang tila nagtatalo. Bumangon siya at doon niya lamang nareyalisa na nandito na pala siya sa Maynila. ‘Mukhang kailangan ko nang sanayin ang aking sarili,’ saka wala sa sariling napabuntong hininga. Naputol lamang ang kaniyang pag-iisip ng marinig na naman ang dalawang boses ng babae. Mukhang nagtatalo ito sa harapan niya kaya naman ay napag desisyunan niyang bumangon upang mas maaninag ang kanilang mga mukha. "Seleni? Inday? Anong ginagawa niyo?" Pagtatakang tanong niya sa dalawa nang maaninag niya
Baca selengkapnya

Chapter 3

Masayang nilaro-laro ni Olivia ang batang si Clara, ang anak ng mag-asawang Abejero, na ngayon nga’y tawa nang tawa sa kaniyang kandungan. “Ang cute talaga ng batang ‘to, ang sarap ibulsa,” nanggigigil na saad ni Olivia habang pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi ng bata at humagikhik na naman ulit si Clara kaya naman ay ngingiti niya itong tinitigan Mahigit isang buwan na rin pala siyang naninilbihan sa bahay na ito at salamat naman sa Diyos dahil hindi naman siya masyadong nahihirapan. Mabait naman ang kaniyang dalawang Amo kaya laking pasasalamat niya na dito siya napadpad, ‘yon nga lang ay may pagka masungit ang kaniyang among lalaki. Nanatili siyang nakayuko at patuloy na nilalaro ang batang nasa kaniyang kandungan. 
Baca selengkapnya

Chapter 4

Nakangiting hinintay ni Olivia ang mag-asawang Abejero ng hapong iyon dahil walong buwan na ang bata at excited siya kung ano ang pakulo ngayon ng kaniyang Senyora. Halos mag-aapat na buwan na siya rito sa Maynila at sa awa naman ng Diyos, wala pa naman siyang naging problema. Wala pa rin namang pinagbago ang kaniyang dalwang Amo at nanatili silang mabait. Pati na rin ang kaniyang mga kapwa kasambahay ay napakabait at kung minsan ay tinulungan pa siyang mag-alaga sa bata kung walang trabaho ang iba. Madali rin niyang napagaanan ng loob ang batang kaniyang binabantayan dahil napakabibo nito at minsanan lang kung umiyak. Hindi nagtagal ay dumating na nga ang mag-asawa, lulan ng kani-kanilang mga kotse. Hindi nga lamang malaman ni Olivia kung bakit hindi sa kompanya ng kanyang Seryorito Vanadium nagtatrabaho ang kanyang Senyora Isabel. Wala naman siyang karapatang magtanong, buhay
Baca selengkapnya

Chapter 5

Ilang linggo ang nakalipas at tuluyan na ngang nagbago ang dating mabait na Senyora Isabel. Ewan ba ng mga kasambahay at bakit biglaang nagbago ang napakabait na Amo nila. Hindi na rin nakapag-usap sina Olivia at Isabel sa sala katulad ng nakagawian nila habang hinihintay ng kaniyang Senyora ang kaniyang asawa tuwing papunta sila sa kani-kanilang Opisina. Hindi na rin katulad ng dati ang pansinan nila ng babae kaya ngayon ay nahihiya na siyang pansinin ito.  "Hoy! Alam niyo kahapon, pumunta dito sa hardin si Senyora Isabel at nakita niya akong nagdidilig ng sunflower niya, aba bigla ba namang tinanong sakin kung sino ba daw ang nagtanim ng sunflower kasi naalibadbaran siya sa kahit anong klaseng bulaklak." Napatigil sa paghehele ng bata si Olivia dahil sa biglaang salita ni Moly. 
Baca selengkapnya

Chapter 6

"Ate Oli, ate Oli," napalingon si Olivia sa tumatakbong si Clara. Third Death Anniversary ngayon ng kaniyang Senyora kaya papunta sila ngayon sa sementeryo kung saan nilibing si Isabel. "Bakit Clang?" Ito ang palayaw na binigay niya sa bata kasi ang old fashioned na ng pangalang Clara. "Death Anniversary ni Mommy, 'te Oli. Pupunta ba tayo ngayon sa kaniya?" Inosenting tanong naman ni Clara sa kaniya. "Hindi ko alam Clang eh. Tanungin mo si Dada mo." Kibit-balikat na sabi ni Olivia at nagpatuloy sa pagluluto ng kanilang uulamin ngayong tanghalian. Alas diyes y medya na at malapit ng umuwi ang kaniyang Senyorito. "Mmm..." tumango-tango ang bata saka nagkibit-balikat, "okay." 
Baca selengkapnya

Chapter 7

Nauna nang pumasok sa kotse ang batang si Clara dahil kinakausap pa ng kaniyang Dada ang kaniyang Mommy. Si Olivia naman ay bumili muna ng tubig sa malapit na tindahan dahil naubos na ang kanilang dala. Bigla kasing nakaramdam ng uhaw ang bata kaya naman napag desisyunan niyang iwan muna saglit si Clara.   Nakabalik naman siya agad at nakitang mahimbing na natutulog ang bata. Napangiti naman ng matamis si Olivia at masuyong pinagmasdan ang kaniyang alaga. 'Ang ganda talaga ng batang ito. Nagmana sa Ina.'   Umayos siya ng upo at marahang hinila ang ulo ng bata upang umunan sa kaniyang mga hita. Nakaupo kasi ito habang natutulog kaya naman pinahiga niya na ito para mas maging komportable ito sa pagkakatulog. Nang masiguradong komportable na ang batang si Clara ay pumikit na lamang muna siya dahil paniguradong matagal-tagal pa ang pagka
Baca selengkapnya

Chapter 8

Kanina pang umaga nakaalis sina Inday at kanina pa rin kinakabahan si Olivia sa kung ano ang gagawin ni Vanadium sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa sala ng bahay habang iniisip kung ano ang gagawin ng kaniyang Senyorito sa kaniya. 'Ipapalapa niya ba ako sa Lion? Ipapa-salvage? Papatayin? Bubugbugin? Ipakukulong?' Ipinilig ni Olivia ang kaniyang ulo at saka pumikit ng mariin. 'Ano ba 'to. Kung ano-ano na ang iniisip ko.' Napabuntong-hininga siya at nanalangin ng tahimik. 'Hindi naman siguro ako papatayin ni Senyorito.' "Olivia!" Bigla siyang napamulat at napaayos ng upo ng marinig ang nakakikilabot na tinig ni Vanadium. "Ano ho iyon Senyorito?" Hindi siya sin
Baca selengkapnya

Chapter 9

Ilang linggo na ang nakalipas magmula nang inilibing si Clara at pumirma siya sa kontratang ginawa ni Vanadium. Hindi pa naman inungkat ulit ng huli ang kanilang kasunduan kaya nakahihinga pa siya ng maluwang. Baka nga nakalimutan na iyon ng kaniyang Amo eh. Kasalukuyan siyang nagluto ngayon ng paboritong ulam ni Clara. Gusto niyang matikman ulit ang palaging ipaluluto ng bata sa kaniya. Hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang kaniyang sarili sa nangyari. Kung sana'y hindi niya iniwan ang bata sa baybayin. Kung sana'y isinama na lamang niya ito sa kanilang inuukupang silid. Edi sana... Napaigtad si Olivia ng maramdamang basa ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya. Umayos siya ng tayo at pinahiran ang nakatakas na luha sa kaniyang mata. Lumapit siya sa kaniyang niluluto at tinikman kung tama na b
Baca selengkapnya
DMCA.com Protection Status