Napanganga si Olivia dahil sa pagkamangha nang tumambad sa kaniya ang bahay, ay hindi mansyon pala, na papasukan. Pagkatapos niya kasing mag-agahan kanina kasama ang kaniyang Inay ay sumakay na siya ng bus patungong Maynila at nag-taxi na lamang patungo rito sa mansyong pagta-trabahuan niya. Medyo may kamahalan ang pamasahe sa taxi pero hindi niya na iyon ininda dahil pera naman iyon ng kanyang magiging amo, libre kasi.
Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nakatunganga lamang nang mapansin siya ng gwardya ng bahay.
Hindi niya namalayang nasa kanyang harapan na pala ang lalaki.
"Ano hong kailangan?" Magalang na pagtatanong ng gwardya
Agad namang nagising sa pagkatulala si Olivia. Nakita niya ang isang payat na lalaking nasa edad kuwarenta na siguro at nakasuot ng unipormeng pang gwardya. Tumikhim muna siya bago magalang na sinagot ang tanong nito.
"Ako ho si Olivia Irid Hacar. Ako ho iyong bagong katulong dito sa mans.. ahh este bahay na ito," muntik na niyang masabi ang salitang mansyon. Eh paano ba naman kasi, ngayon lang siya nakakita ng ganitong napakalaking bahay. At saka wala namang ganito sa kanilang probinsya, ano.
Saglit namang natigilan ang gwardya sa kaniyang sinagot na para bang may inaalala. Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang mukha nito.
"Ahh oo, ikaw siguro iyong sinabi ni Nanay. Halika, pasok ka," saka nito binuksan ang gate at tinulungan si Olivia na magbitbit ng kaniyang dalang mga gamit.
Hindi naman masyadong marami ang kanyang dala pero hinayaan niya lang ang lalaki.
Nang magsimulang maglakad ang gwardya ay sumunod na rin si Olivia. Kung nakamamangha sa labas ng mansyon este bahay pala, ay mas lalo naman sa loob nito. Maraming mga painting na nakadikit sa dingding, siguro mahilig ang kaniyang amo sa mga ito. Natigil lamang siya sa pagpapala sa kaniyang mga mata ng magsalita ang gwardyang hanggang ngayon ay hindi pa pala niya alam ang pangalan.
"Iha, dito ka lang muna sa sala ha? Tatawagin ko muna si Nanay at siya na ang bahalang magpakilala ng iba pang kasambahay sa 'yo," pagpapaalam nito kay Olivia
"Sige ho, Manong," magalang na sagot ni Olivia sa mabait na g'wardya
Lumakad naman kaagad ito at tanging siya na lamang ang nakatayo sa gitna ng napakalaking sala.
Nang makaramdam ng pagod ay balak niya na sanang umupo ngunit nakita niyang naglalakad na papalapit sa kaniya ang gwardya at may kasama na itong may edad na babae. Hindi na lang muna siya umupo at hinintay na makalapit ang mga ito sa kinatatayuan niya.
Nang makarating ang dalawa ay agad siyang nginitian ng matamis ng matanda at saka nagsalita.
"Magandang hapon, iha. Ako nga pala si Victorina Salazar, tawagin mo na lamang akong Nanay Rina. Ito naman ang aking anak na si Brandon. Alam kong hindi pa nagpapakilala itong anak kong ito kaya ako na lamang ang magpakilala sa 'yo," saka ito marahang tumawa.
Tumawa na lamang din siya at nginitian ang gwardya na ngayon ay nagkakamot na ng kanyang batok. Napahihiyang ngumiti rin ito pabalik sa kaniya at saka nagpaalam na sa dalawang babae bago bumalik sa pwesto niya kanina. Nang mawala na ang gwardya sa kanilang paningin ay saka lamang nagpakilala si Olivia sa matanda.
"Ako nga ho pala si Olivia Irid Hacar." Ngumiti si Olivia at ilang saglit pa ay nagpalinga-linga ito na tila ba ay may hinahanap.
Magalang namang nagtanong ang dalaga kalaunan. "Tayo lang ho ba ang nandirito Nanay Rina?"
"Ay naku, hindi! May apat pa tayong kasama rito. Isa na roon ang aking asawang si Simon, ang family driver ng pamilyang Abejero," magiliw na sagot ni Victorina kay Olivia.
"Ah ganoon ho ba? Nasaan na ho ba sila Nana…" hindi na natapos ni Olivia ang pagtatanong dahil may biglang pumasok na tatlong kababaihan. Suot-suot nila ang unipormeng pang katulong.
"Nanay Rina, pinatawag niyo raw ho kami?" magalang na pagtatanong ng isa sa mga babae kanina at sa tantiya niya ay ito ang pinakapandak sa kanila
"Oo Seleni, nandirito na kasi ang iyong kahalili kaya bukas siguro ay pu-pwede ka nang maka-alis kung gusto mo," sagot naman ni Victorina
"Siya ho ba ang iyong tinutukoy Nanay?" sabay turo sa kaniya ng isa rin sa mga babae kanina. Siguro ay mas mataas lamang ito ng ilang pulgada sa tinatawag nilang Seleni.
"Oo siya nga Moly," maikling sagot ni Victorina.
Tumango-tango naman ang tatlong babae tanda na kanila itong naintindihan.
"Hello Olivia. Ako si Thori pero tinatawag nila ako ritong Inday. Twenty-six na ako at ako ang pinakabata sa aming tatlo. Ako ang nakatoka sa paglilinis ng bawat kwarto sa bahay na ito. Siya naman si Moly," at tinuro nito ang tinawag na Moly kanina, "twenty-nine na siya at siya ang pinakamatanda sa amin. Siya naman ang nakatokang alagaan ang hardin ng amo na'ting babae. At siya naman," tinuro nito ang pinakapandak sa kanilang tatlo, "ay si Seleni. Twenty-seven na 'yan at siya ang nag-aalaga sa anak ng amo natin. Siya iyong papalitan mo kasi nag-retire na ang gagang iyan. Paano ba naman kasi ke tanda-tanda na ang harot pa rin."
Napasimangot naman si Seleni at umismid kay Inday "Nakahanap na kasi iyan ng kano. Sa anong website nga iyon, Moly?" pero hindi pa man nakasagot ang tinanong ay nagsalita na kaagad ito "Ay oo, naalala ko na. Sa Omagol? Onegal? Ayy basta parang ganoon ang pangalan ng website na iyon."
"Omegle Inday, Omegle," pagtatama ni Seleni saka umingos.
"Oo nga, ano bang sabi ko? Diba Onagel?" Gumanti rin naman ng irap si Inday.
Napaikot na lamang ang mata ni Moly sa kakulitan ng dalawa. Si Olivia naman ay natatawa sa kinikilos nila, para kasi silang mga bata kung mag-asaran eh.
"Alam mo Inday, inggit ka lang sa beauty ko eh. Ihahanap na lang kita ng kano pag nakapunta na ako sa Amerika," balik na asar ni Seleni kay Inday.
"Hindi ko kailangan ng kano. Kuntento na ako kay Brandon," si Inday
"Oh sya, tama na nga iyang asaran ninyo. Baka kung saan pa iyan mapunta. Ang mabuti pa'y ihatid niyo na lamang si Olivia sa inyong silid para makapag pahinga na itong pobreng dalaga.
Paniguradong napagod ito sa kaniyang biyahe kanina." Pagsasaway sa kanila ni Victorina kasi nasali na ang pangalan ng kaniyang anak
"Oho," nakapanabay na sabi nina Seleni at Inday. Nagkatinginan naman ang dalawa at saka dumila sa isa't isa.
"Olivia ito ang kwarto nating apat," panimulang salita ni Inday nang makarating sila sa tapat ng isang pinto, "na magiging kwarto na lang nating tatlo dahil lalayas na 'yong isa riyan," saka ito ngumisi at lumingon kay Seleni.
"Naku Inday ha, kanina ka pa. Wala ka lang kano eh," nang-aasar na wika naman ni Seleni "Whatever Leni," ngising sabi nito
"Inggit ka lang Inday," saka ito dumila na parang bata.
"Tama na nga 'yan Inday, Leni. Kanina pa kayo ha! Mahiya nga kayo kay Olivia," nandidilat ang mga matang saway ni Moly sa dalawang dalaga.
"Ikaw kasi eh," paninisi ni Leni
"Anong ako? Ikaw kaya 'yon," ganti ring wika ni Inday
"Sinabing tumigil na kayo eh," muling saway ni Moly sa kanilang dalawa. "Halika na nga Olivia! Pabayaan mo 'yang dalawang baliw na 'yan," saka nito kinuha ang kanang kamay ni Olivia at hinila papasok ng silid.
Nang makapasok ay iginala ni Olivia ang kanyang paningin. Sa kaliwang bahagi nakita niya ang isang double deck na kama, ganoon din sa kanang bahagi. Pinaghalong kulay ng puti at itim ang kinaroroonan nila ni Moly at wala ni isang larawang nakasabit, ngunit meron namang wall clock. Itinuon niya ang pansin sa dalawang double deck, mayroong isang higaan doon na walang gamit kaya doon na lang niya pinatong ang kaniyang mga bag.
"Magpahinga ka na lang muna Olivia. Tutal naman ay nandyan pa si Seleni para alagaan ang anak ng ating amo. Bukas ka na lang magsimula dahil panigurado naman ay bukas na rin ang alis ng babaeng 'yon. Oh sige na..." hindi na natuloy ang dapat pang sabihin ng dalaga dahil nagsimula na naman ang asaran nina Inday at Seleni.
Napabuntong hininga na lamang at naiiling na nakatunghay sa kanila si Moly saka ito lumingon sa natatawang si Olivia.
"Pabayaan mo na lamang sila Olivia, ganoon talaga ang mga 'yon noon pa man, parehong may saltik sa utak," natatawang paliwanag nito sa kaniya.
Mas lalong natawa si Olivia sa sinabi ng kasama saka tumango-tango na lamang.
"Oh siya sige, lalabas na muna ako. Wag kang mahihiyang magsabi sa amin kung may problema ka at may tanong ka ha?" Pagpapaalam ni Moly sa dalagang si Olivia
"Salamat Moly," pagpapasalamat naman ng huli at saka ito humiga. At doon na lamang niya naramdaman ang matinding antok at pagod na kanina pa niya iniinda.
Nagising si Olivia dahil sa narinig na dalawang mahihinang boses na parang nagtatalo. Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang dalawang mata at tumambad sa kaniya ang kakaibang silid. Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka, nilibot niya ang kaniyang paningin at natuon ito sa dalawang dalagang tila nagtatalo. Bumangon siya at doon niya lamang nareyalisa na nandito na pala siya sa Maynila.‘Mukhang kailangan ko nang sanayin ang aking sarili,’ saka wala sa sariling napabuntong hininga.Naputol lamang ang kaniyang pag-iisip ng marinig na naman ang dalawang boses ng babae. Mukhang nagtatalo ito sa harapan niya kaya naman ay napag desisyunan niyang bumangon upang mas maaninag ang kanilang mga mukha."Seleni? Inday? Anong ginagawa niyo?" Pagtatakang tanong niya sa dalawa nang maaninag niya
Masayang nilaro-laro ni Olivia ang batang si Clara, ang anak ng mag-asawang Abejero, na ngayon nga’y tawa nang tawa sa kaniyang kandungan.“Ang cute talaga ng batang ‘to, ang sarap ibulsa,” nanggigigil na saad ni Olivia habang pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi ng bata at humagikhik na naman ulit si Clara kaya naman ay ngingiti niya itong tinitiganMahigit isang buwan na rin pala siyang naninilbihan sa bahay na ito at salamat naman sa Diyos dahil hindi naman siya masyadong nahihirapan. Mabait naman ang kaniyang dalawang Amo kaya laking pasasalamat niya na dito siya napadpad, ‘yon nga lang ay may pagka masungit ang kaniyang among lalaki.Nanatili siyang nakayuko at patuloy na nilalaro ang batang nasa kaniyang kandungan.
Nakangiting hinintay ni Olivia ang mag-asawang Abejero ng hapong iyon dahil walong buwan na ang bata at excited siya kung ano ang pakulo ngayon ng kaniyang Senyora. Halos mag-aapat na buwan na siya rito sa Maynila at sa awa naman ng Diyos, wala pa naman siyang naging problema. Wala pa rin namang pinagbago ang kaniyang dalwang Amo at nanatili silang mabait. Pati na rin ang kaniyang mga kapwa kasambahay ay napakabait at kung minsan ay tinulungan pa siyang mag-alaga sa bata kung walang trabaho ang iba. Madali rin niyang napagaanan ng loob ang batang kaniyang binabantayan dahil napakabibo nito at minsanan lang kung umiyak.Hindi nagtagal ay dumating na nga ang mag-asawa, lulan ng kani-kanilang mga kotse. Hindi nga lamang malaman ni Olivia kung bakit hindi sa kompanya ng kanyang Seryorito Vanadium nagtatrabaho ang kanyang Senyora Isabel. Wala naman siyang karapatang magtanong, buhay
Ilang linggo ang nakalipas at tuluyan na ngang nagbago ang dating mabait na Senyora Isabel. Ewan ba ng mga kasambahay at bakit biglaang nagbago ang napakabait na Amo nila.Hindi na rin nakapag-usap sina Olivia at Isabel sa sala katulad ng nakagawian nila habang hinihintay ng kaniyang Senyora ang kaniyang asawa tuwing papunta sila sa kani-kanilang Opisina. Hindi na rin katulad ng dati ang pansinan nila ng babae kaya ngayon ay nahihiya na siyang pansinin ito."Hoy! Alam niyo kahapon, pumunta dito sa hardin si Senyora Isabel at nakita niya akong nagdidilig ng sunflower niya, aba bigla ba namang tinanong sakin kung sino ba daw ang nagtanim ng sunflower kasi naalibadbaran siya sa kahit anong klaseng bulaklak." Napatigil sa paghehele ng bata si Olivia dahil sa biglaang salita ni Moly.
"Ate Oli, ate Oli," napalingon si Olivia sa tumatakbong si Clara. Third Death Anniversary ngayon ng kaniyang Senyora kaya papunta sila ngayon sa sementeryo kung saan nilibing si Isabel."Bakit Clang?" Ito ang palayaw na binigay niya sa bata kasi ang old fashioned na ng pangalang Clara."Death Anniversary ni Mommy, 'te Oli. Pupunta ba tayo ngayon sa kaniya?" Inosenting tanong naman ni Clara sa kaniya."Hindi ko alam Clang eh. Tanungin mo si Dada mo." Kibit-balikat na sabi ni Olivia at nagpatuloy sa pagluluto ng kanilang uulamin ngayong tanghalian. Alas diyes y medya na at malapit ng umuwi ang kaniyang Senyorito."Mmm..." tumango-tango ang bata saka nagkibit-balikat, "okay."
Nauna nang pumasok sa kotse ang batang si Clara dahil kinakausap pa ng kaniyang Dada ang kaniyang Mommy. Si Olivia naman ay bumili muna ng tubig sa malapit na tindahan dahil naubos na ang kanilang dala. Bigla kasing nakaramdam ng uhaw ang bata kaya naman napag desisyunan niyang iwan muna saglit si Clara. Nakabalik naman siya agad at nakitang mahimbing na natutulog ang bata. Napangiti naman ng matamis si Olivia at masuyong pinagmasdan ang kaniyang alaga. 'Ang ganda talaga ng batang ito. Nagmana sa Ina.' Umayos siya ng upo at marahang hinila ang ulo ng bata upang umunan sa kaniyang mga hita. Nakaupo kasi ito habang natutulog kaya naman pinahiga niya na ito para mas maging komportable ito sa pagkakatulog. Nang masiguradong komportable na ang batang si Clara ay pumikit na lamang muna siya dahil paniguradong matagal-tagal pa ang pagka
Kanina pang umaga nakaalis sina Inday at kanina pa rin kinakabahan si Olivia sa kung ano ang gagawin ni Vanadium sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa sala ng bahay habang iniisip kung ano ang gagawin ng kaniyang Senyorito sa kaniya.'Ipapalapa niya ba ako sa Lion? Ipapa-salvage? Papatayin? Bubugbugin? Ipakukulong?' Ipinilig ni Olivia ang kaniyang ulo at saka pumikit ng mariin. 'Ano ba 'to. Kung ano-ano na ang iniisip ko.' Napabuntong-hininga siya at nanalangin ng tahimik. 'Hindi naman siguro ako papatayin ni Senyorito.'"Olivia!"Bigla siyang napamulat at napaayos ng upo ng marinig ang nakakikilabot na tinig ni Vanadium."Ano ho iyon Senyorito?"Hindi siya sin
Ilang linggo na ang nakalipas magmula nang inilibing si Clara at pumirma siya sa kontratang ginawa ni Vanadium. Hindi pa naman inungkat ulit ng huli ang kanilang kasunduan kaya nakahihinga pa siya ng maluwang. Baka nga nakalimutan na iyon ng kaniyang Amo eh.Kasalukuyan siyang nagluto ngayon ng paboritong ulam ni Clara. Gusto niyang matikman ulit ang palaging ipaluluto ng bata sa kaniya. Hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang kaniyang sarili sa nangyari. Kung sana'y hindi niya iniwan ang bata sa baybayin. Kung sana'y isinama na lamang niya ito sa kanilang inuukupang silid. Edi sana...Napaigtad si Olivia ng maramdamang basa ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya. Umayos siya ng tayo at pinahiran ang nakatakas na luha sa kaniyang mata. Lumapit siya sa kaniyang niluluto at tinikman kung tama na b
“Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante.“Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa.“Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya.
Olivia is now five months pregnant and he is beyond happy. Even if he still worries about the death threat Olivia was receiving, he made sure that Olivia is always safe. He also put CCTV’s all over the house, even outside the gate. When he saw a woman putting that little box in their mailbox, he already suspected that it was Isabel but of course he still needed to make sure so he called his friend for help. After a few days, his friend called him and asked for a meet up. He doesn’t want to leave Olivia but his friend told him that it was about the woman who threatened Olivia as well as the location of Clara. So he doesn't have a choice but to leave Olivia alone.When he came to the bar, he quickly went upstairs and three of her friends welcomed him. His eyebrows met and he looked at them, wondering why they are all here.
Morning came and Vanadium excitedly got up early and decided to cook for Olivia. He wanted to impress the woman even though she already tasted the food he cooked last time. But it’s almost afternoon, and there was no Olivia showing up. He was already late but he didn’t care at all. After an hour, there was still no sign of Olivia so he decided to reheat the food and bring it to Olivia’s. It’s not Olivia’s behavior to not go out this late. So he was worried because there is surely something wrong with Olivia.He knocked the door several times and when it opened, Olivia’s distorted face welcomed Vanadium. His worry doubled because of it and immediately asked what happened. Olivia just answers that it’s nothing but her voice betrayed her. It’s lifeless and Vanadium knows that she has a problem.
Vanadium is worried sick when Olivia didn’t wake up for nearly 24 hours straight right after their steamy hot sex last night. He didn’t know that it would make her sleep for almost a day. He keeps on blaming himself because of what happened to Olivia. He regretted what happened to the woman who was now sleeping soundly inside her room, however, he does not regret what they did last night. He can’t think properly because of the what if’s running inside his head. What if Olivia will not wake up and ends up not giving him a child? What if he will not have a child anymore? But deep inside, he knows the truth that he’s scared that he will lose Olivia. He's afraid that Olivia will also leave like what Clara and Isabel did to him. He doesn’t care if he looks like an idiot phasing back and forth. He is right in front of Olivia’s room and after a while, he decides to look at the woman inside.
Few weeks passed and Vanadium was still in pain because of the loss of his beloved daughter. He cannot focus on what he’s been doing at the office so he told his secretary to cancel all his meetings and appointments and he immediately went to a bar that is owned by one of his high school friends.He immediately maneuvered his car and when he arrived, he quickly went to the VIP room and ordered three bottles of whiskey. He wants to drink silently and be drunk thinking that it can ease his pain away. He cannot move-on and he will never move-on. He decided to stop drinking when his head started to throb and everything that surrounds him is already spinning.Vanadium took a rest for a while and when he thought he was sober enough, he got up and paid his bills. When he’s already done, he quickly goes out of the bar even though
Vanadium first saw Olivia in their kitchen, drinking her coffee and bowing her head. He clearly remembers the awkwardness that the woman felt in her surroundings by just one look at her. She was shy and timid but when their eyes locked, he knew it was not just a simple stare the woman had given to him. He, on the other hand, doesn’t know but he immediately felt something he didn't understand but of course, he chose not to pay attention to it. He doesn’t like the idea that his heart beat fast because of their maid that was staring at him for just a few seconds. It wasn’t fair to his wife and to be honest, at that time, the only people that were important to her were her wife and her only daughter. They are his life and he will definitely not know what will happen to him if both of them will leave him.But maybe God does want him to lose his mind when his wife leaves them and
Chapter XXXIVNang makapasok ang dalawa ay kaagad na ngumisi ang lalaking nakapula.“Akin na ang bracelet na gawa sa loombands Wolastik. Bakit ka kasi nakikipag pustahan sa gwapong katulad ko. Sabi ko naman sa’yo ’diba. Dadalhin ni chong parekoy Ruther si pareng Zirco?” nagmamayabang na saad nito.Umismid lang naman ang tinatawag na Wolastik at saka masama ang mukhang hinubad ang loom bands na bracelet. “Inggitero ka talagang Hermes ka. Ang mahal kaya ng bili ko dyan tapos hihingin mo lang? Tsk.” para itong batang natalo sa laro at hindi maipinta ang mukha.Ngisi lang ang naging sagot ng tinatawag na Hermes ng binata saka ito dumila sa kaniya.
Chapter XXXIIIHalos apat na araw silang nanatili sa ospital bago i-discharge ng doctor si Olivia. Pauwi na sila ngayon sa bahay dahil ngayon din daw darating si Clara. Masaya si Olivia at excited na siyang makitang muli ang kanyang alaga. Masaya siyang hindi pala ito tuluyang nawala sa kanila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Isabel sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya rito dahil hindi niya pinatay ang kanyang anak.Bumuntong hininga si Olivia dahil sa kanyang nasaksahin ilang araw na ang nakalipas. Hindi niya man maamin pero alam niya sa sarili niya na naaawa siya kay Isabel. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sinapit ni Isabel sa kamay ng kanyang kapatid pero paniguradong nagdulot ito ng trauma sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya ulit saka inalis sa isip si Isabel. Sinabihan na rin kasi siya ng doctor na huwag mag-isip ng
Chapter XXXII “Stressed ba siya lately?” “Yes doc.” “Mmm… kaya pala.” “Why doc? Is there a problem with the baby in her womb? How about Olivia?” bakas ang pag-alala sa boses ni Vanadium. “As much as possible sana, ipapa-iwas mo sa kanya ang mga bagay o lugar o kaya ay tao na nagiging dahilan ng stress niya. There’s nothing wrong naman with her and the baby, Mister. Mahina lang ang kapit ni baby kaya dapat total bed rest lang talaga siya until lumakas na ang kapit ni baby sa kaniya. Huwag mo muna siyang papagurin dahil baka maging dahilan pa ito upang mag bleeding siya. Thankfully nadala mo kaagad siya sa ospital kundi baka maging mas malala pa ang