Share

Chapter 4

Author: Jealie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakangiting hinintay ni Olivia ang mag-asawang Abejero ng hapong iyon dahil walong buwan na ang bata at excited siya kung ano ang pakulo ngayon ng kaniyang Senyora. Halos mag-aapat na buwan na siya rito sa Maynila at sa awa naman ng Diyos, wala pa naman siyang naging problema. Wala pa rin namang pinagbago ang kaniyang dalwang Amo at nanatili silang mabait. Pati na rin ang kaniyang mga kapwa kasambahay ay napakabait at kung minsan ay tinulungan pa siyang mag-alaga sa bata kung walang trabaho ang iba. Madali rin niyang napagaanan ng loob ang batang kaniyang binabantayan dahil napakabibo nito at minsanan lang kung umiyak. 

Hindi nagtagal ay dumating na nga ang mag-asawa, lulan ng kani-kanilang mga kotse. Hindi nga lamang malaman ni Olivia kung bakit hindi sa kompanya ng kanyang Seryorito Vanadium nagtatrabaho ang kanyang Senyora Isabel. Wala naman siyang karapatang magtanong, buhay

naman iyon ng kaniyang mga Amo at wala rin naman siyang kinalaman dito kaya ipinigbalikat na lamang niya ito. 

Nang makababa ang mag-asawa ay halatang wala sa mood ang kaniyang Senyora at nakabusangot pa itong humarap sa kaniya. Napaatras si Olivia sa gulat nang irapan siya ni Isabel. 

‘Anong nangyari?’ wala sa sariling tanong ni olivia sa isip niya. Hindi naman kasi ganoon ang Senyora niya! Kahit na masama ang pakiramdam nito ay nakukuha pa rin siya nitong ngitian, ngunit parang iba ata ngayon? 

Akmang tatanungin niya ang kaniyang Senyora at ibibigay si Clara ngunit nilampasan lamang siya nito. Napakurap-kurap na naman sa gulat si Olivia dahil kada aalis at uuwi galing opisina si Isabel ay hahalik ito sa kaniyang anak at kung minsan ay siya pa ang kakarga sa bata papasok sa kanilang bahay. 

‘Parang may nagbago ata kay Senyora Isabel ngayon? Natanggal ba siya sa trabaho? Nag-away ba sila ni Senyorito?’ wala sa sariling sambit ni Olivia habang nakatingin sa papalayong bulto ng kaniyang Senyora. Hindi pa rin siya makahuma dahil sa inaakto ni Isabel. Nababaguhan talaga siya sa inasal ngayon ng kaniyang Senyora kaya walang namutawing salita mula sa kaniyang bibig. 

"Sorry for that, Olivia. She's just not in the mood." Napalingon si Olivia kay Vanadium at napakurap-kurap, bumilis na naman ang tibok ng kaniyang puso na para bang hindi ito masanay-sanay sa presensya at boses ng kaniyang Amo. 

Ipinirmi niya ang kaniyang sarili at pilit na ngumiti, "a-ah a-ayos," tumikhim si Olivia dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan at nahihirapan siyang magsalita. "Ayos lang naman ho iyon Senyorito, wala naman ho kayong kasalanan." 

Ngumiti naman ng tipid ang kausap. "Thank you." 

‘Shet na malagkit. Nambibigla ka na naman Senyorito.’ Nahigit na naman nya ang kaniyang paghinga dahil ito ang unang beses na nginitian siya ni Vanadium sa loob ng apat na buwan. 

"I'll go ahead. Bantayan mo muna si Clara." Tanging tango na lamang ang naitugon ni Olivia at wala sa sariling sinundan ng tingin si Vanadium. 

May mali ata ngayon sa mag-asawa? Unang beses mag sungit ng palaging nakangiting si Isabel at unang beses ngumiti ng napakasungit na si Vanadium. May saltik ba ngayon ang kaniyang dalawang amo? Or talagang bad mood lang ang kaniyang Senyorita at tuluyan ng naging magaan ang loob ni Vanadium sa kaniya kaya nakuha na nitong ngumiti ng tipid?

‘Ay ewan, bahala sila sa buhay nila,’ kumibit-balikat na lamang si Olivia at naglakad patungong silid ng bata. Nakatulog na kasi ito sa tagal dumating ng mag-asawa kaya naman napagdesisyunan niyang ilagay na lamang ito sa kaniyang kuna. 

** 

"Hon, bakit kasabay natin silang kumain?" 

Napatigil sa pagsubo ng pagkain ang halos lahat ng nasa hapagkainan kabilang si Olivia ng bigla itong naitanong ni Isabel. Nanlalaki ang mga mata sa gulat ng lahat at napaawang pa ang kani-kanilang mga labi. Unang beses na nagtanong ng ganito si Isabel kaya naman gulat na gulat ang lahat ng kasambahay, pati na rin naman ang tahimik na si Vanadium. 

"A-ah Senyora, 'di ba ho kayo mismo 'yong nagsabi sa amin na sabay-sabay tayong lahat na kumain? Nakagawian na ho natin ito noon pa man." Hindi makahumang paliwanag ni Nanay Rina dahil miski ang kanilang Senyorito ay natulala dahil sa biglaang pagtatanong nito. 

Napatingin si Vanadium sa kaniyang asawa. Anong nangyari sa kaniya at bakit parang may mali ata ngayon sa kinikilos nito? Napakabait nang Isabel na nakilala niya na maski lamok ay parang ayaw nitong patayin. Doon niya unang nalaman na mahal na mahal niya ang babaeng asawa niya na ngayon. Kanina pa man nang dumating siya sa hospital ay parang may nararamdaman na siyang kakaiba sa Asawa niya. 

May bigla kasing tumawag sa Opisina niya at sinabing dinala raw sa ospital si Isabel kaya naman ay walang sali-salita na pinaharurut niya ang kaniyang sasakyan papunta sa pagamutan. Pagdating doon ay nakita niya agad ang kaniyang asawa na naglalakad papalabas ng Ospital. Kung hindi niya pa ito tinawag ay hindi siya nito mapapansin. Wala itong salitang tumingin sa kaniya at dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan. Wala naman siyang magawa kung hindi sumunod na lamang sa sasakyan ng Asawa dahil hindi ito lumingon kahit makailang ulit niya na itong tinatawag. 

"Hon, gusto ko nang magpahinga. I'm tired." Napatigil sa pagbabalik tanaw si Vanadium nang ito ang sinambit na kataga ni Isabel imbis na sagutin niya ang katanungan ni Nanay Rina. 

Agad namang tumayo si Isabel at walang lingong-likod na naglalakad patungo sa kanilang silid ni Vanadium. 

Wala pa ring nagsasalita sa mga kasamahan ni Olivia pagkatapos humingi ng paumanhin at nagpaalam sa kanila si Vanadium. Hindi nagtagal ay binasag ni Nanay Rina ang katahimikan at sinabing huwag ng paghintayin ang pagkain.

Parang nawalan ng gana ang lahat dahil sa nangyari kaya ang resulta ay ibinalik na lang sa Ref ang ibang pagkain na hindi nila naubos. 

Pagkatapos niyon ay kaagad ng nagpunta si Olivia sa silid ni Clara. Nang masiguradong himbing na himbing ang tulog ng bata ay kaagad na rin siyang pumanaog at nagtungo sa kanilang silid. May adjacent door naman ang bedroom ng bata patungo sa silid ng mag-asawa kaya hindi naman problema kung umiyak ito. 

Nang makapasok na siya sa silid nilang tatlo ay nakita niya agad na mahimbing na natutulog si Inday at Moly, siguro ay napagod ito kanina sa naging kaganapan sa hapagkainan. Dahan-dahan siyang pumunta sa kaniyang higaan para hindi maistorbo ang dalawa. Nang mahiga siya ay unti-unti na siyang dinalaw ng antok hanggang sa nakatulog na ito ng tuluyan.

Related chapters

  • The Contract   Chapter 5

    Ilang linggo ang nakalipas at tuluyan na ngang nagbago ang dating mabait na Senyora Isabel. Ewan ba ng mga kasambahay at bakit biglaang nagbago ang napakabait na Amo nila.Hindi na rin nakapag-usap sina Olivia at Isabel sa sala katulad ng nakagawian nila habang hinihintay ng kaniyang Senyora ang kaniyang asawa tuwing papunta sila sa kani-kanilang Opisina. Hindi na rin katulad ng dati ang pansinan nila ng babae kaya ngayon ay nahihiya na siyang pansinin ito."Hoy! Alam niyo kahapon, pumunta dito sa hardin si Senyora Isabel at nakita niya akong nagdidilig ng sunflower niya, aba bigla ba namang tinanong sakin kung sino ba daw ang nagtanim ng sunflower kasi naalibadbaran siya sa kahit anong klaseng bulaklak." Napatigil sa paghehele ng bata si Olivia dahil sa biglaang salita ni Moly.

  • The Contract   Chapter 6

    "Ate Oli, ate Oli," napalingon si Olivia sa tumatakbong si Clara. Third Death Anniversary ngayon ng kaniyang Senyora kaya papunta sila ngayon sa sementeryo kung saan nilibing si Isabel."Bakit Clang?" Ito ang palayaw na binigay niya sa bata kasi ang old fashioned na ng pangalang Clara."Death Anniversary ni Mommy, 'te Oli. Pupunta ba tayo ngayon sa kaniya?" Inosenting tanong naman ni Clara sa kaniya."Hindi ko alam Clang eh. Tanungin mo si Dada mo." Kibit-balikat na sabi ni Olivia at nagpatuloy sa pagluluto ng kanilang uulamin ngayong tanghalian. Alas diyes y medya na at malapit ng umuwi ang kaniyang Senyorito."Mmm..." tumango-tango ang bata saka nagkibit-balikat, "okay."

  • The Contract   Chapter 7

    Nauna nang pumasok sa kotse ang batang si Clara dahil kinakausap pa ng kaniyang Dada ang kaniyang Mommy. Si Olivia naman ay bumili muna ng tubig sa malapit na tindahan dahil naubos na ang kanilang dala. Bigla kasing nakaramdam ng uhaw ang bata kaya naman napag desisyunan niyang iwan muna saglit si Clara. Nakabalik naman siya agad at nakitang mahimbing na natutulog ang bata. Napangiti naman ng matamis si Olivia at masuyong pinagmasdan ang kaniyang alaga. 'Ang ganda talaga ng batang ito. Nagmana sa Ina.' Umayos siya ng upo at marahang hinila ang ulo ng bata upang umunan sa kaniyang mga hita. Nakaupo kasi ito habang natutulog kaya naman pinahiga niya na ito para mas maging komportable ito sa pagkakatulog. Nang masiguradong komportable na ang batang si Clara ay pumikit na lamang muna siya dahil paniguradong matagal-tagal pa ang pagka

  • The Contract   Chapter 8

    Kanina pang umaga nakaalis sina Inday at kanina pa rin kinakabahan si Olivia sa kung ano ang gagawin ni Vanadium sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa sala ng bahay habang iniisip kung ano ang gagawin ng kaniyang Senyorito sa kaniya.'Ipapalapa niya ba ako sa Lion? Ipapa-salvage? Papatayin? Bubugbugin? Ipakukulong?' Ipinilig ni Olivia ang kaniyang ulo at saka pumikit ng mariin. 'Ano ba 'to. Kung ano-ano na ang iniisip ko.' Napabuntong-hininga siya at nanalangin ng tahimik. 'Hindi naman siguro ako papatayin ni Senyorito.'"Olivia!"Bigla siyang napamulat at napaayos ng upo ng marinig ang nakakikilabot na tinig ni Vanadium."Ano ho iyon Senyorito?"Hindi siya sin

  • The Contract   Chapter 9

    Ilang linggo na ang nakalipas magmula nang inilibing si Clara at pumirma siya sa kontratang ginawa ni Vanadium. Hindi pa naman inungkat ulit ng huli ang kanilang kasunduan kaya nakahihinga pa siya ng maluwang. Baka nga nakalimutan na iyon ng kaniyang Amo eh.Kasalukuyan siyang nagluto ngayon ng paboritong ulam ni Clara. Gusto niyang matikman ulit ang palaging ipaluluto ng bata sa kaniya. Hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang kaniyang sarili sa nangyari. Kung sana'y hindi niya iniwan ang bata sa baybayin. Kung sana'y isinama na lamang niya ito sa kanilang inuukupang silid. Edi sana...Napaigtad si Olivia ng maramdamang basa ang kaniyang magkabilang pisngi. Hindi niya namalayang napaluha na pala siya. Umayos siya ng tayo at pinahiran ang nakatakas na luha sa kaniyang mata. Lumapit siya sa kaniyang niluluto at tinikman kung tama na b

  • The Contract   Chapter 10

    Chapter XTulala si Olivia sa kaniyang kama. Hindi siya makapaniwalang may nangyari nga sa kanila ng kaniyang Amo. Nakakulong pa rin siya hanggang ngayon sa kaniyang silid at alas kuatro na ng hapon. Hindi rin siya kumain ng agahan at tanghalian sa takot na makita si Vanadium. Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan dahil sa gutom. Kung bakit ba naman kasi hindi ngayon pumasok sa opisina ang kaniyang Senyorito, ayan tuloy siya ngayon ang namomroblema.‘Pasakit ka talaga sa ulo Senyorito. Charot lang, gusto ko pang mabuhay no.’ Napahagikhik siya sa kaniyang naiisip ngunit agad rin iyong naputol dahil sa pagkalam na naman ulit ng kaniyang sikmura“Gutom na gutom na gutom na gutom na talaga ako,” parang desperadang sambit ni Olivia at umaakto pang nagpapa-cut

  • The Contract   Chapter 11

    ‘We'll do it again tonight to make sure that you will get pregnant’‘We'll do it again tonight’‘We'll do it again tonight’‘We'll do it again tonight’Sinampal ni Olivia ang kaniyang pisngi at wala sa sariling nagsalita. “We'll do it again...” Dahan-dahan naman siyang lumingon sa pintuan at nakitang wala na roon si Vanadium. “...tonight?”Pumikit siya ng mariin. “Lord kung gusto niyo pa po akong mabuhay, huwag naman hong ganito.”Tulala siya ngayong nakaupo sa sala ng bahay ni Vanadium. Matapos kasi niyang ku

  • The Contract   Chapter 12

    Nagising si Olivia na masakit ang kaniyang ulo. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nakitang nandito siya sa loob ng isang silid. Kumunot ang kaniyang noo dahil ang huling naalala niya ay umiinom siya no'ng alak na ibinigay ni Vanadium sa kaniya. Nilibot niya muna ang kaniyang tingin at kaagad na nanlaki ang kaniyang dalawang mata nang mareyalisa na silid ito ng kaniyang Amo. Akma na sana siyang tatayo pero biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang kaniyang Senyorito.“You're already awake.”Lumingon si Olivia at nakita nitong may dalang tray si Vanadium. “Bakit ho ako nandito?”Lumapit naman muna si Vanadium sa side table at saka nilagay ang tray na breakfast pala ang laman at saka kape. “You were drunk last night.”&n

Latest chapter

  • The Contract   Epilogue

    “Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante.“Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa.“Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya.

  • The Contract   Chapter 39 (Vanadium's POV) Last Part

    Olivia is now five months pregnant and he is beyond happy. Even if he still worries about the death threat Olivia was receiving, he made sure that Olivia is always safe. He also put CCTV’s all over the house, even outside the gate. When he saw a woman putting that little box in their mailbox, he already suspected that it was Isabel but of course he still needed to make sure so he called his friend for help. After a few days, his friend called him and asked for a meet up. He doesn’t want to leave Olivia but his friend told him that it was about the woman who threatened Olivia as well as the location of Clara. So he doesn't have a choice but to leave Olivia alone.When he came to the bar, he quickly went upstairs and three of her friends welcomed him. His eyebrows met and he looked at them, wondering why they are all here.

  • The Contract   Chapter 38 (Vanadium's POV)

    Morning came and Vanadium excitedly got up early and decided to cook for Olivia. He wanted to impress the woman even though she already tasted the food he cooked last time. But it’s almost afternoon, and there was no Olivia showing up. He was already late but he didn’t care at all. After an hour, there was still no sign of Olivia so he decided to reheat the food and bring it to Olivia’s. It’s not Olivia’s behavior to not go out this late. So he was worried because there is surely something wrong with Olivia.He knocked the door several times and when it opened, Olivia’s distorted face welcomed Vanadium. His worry doubled because of it and immediately asked what happened. Olivia just answers that it’s nothing but her voice betrayed her. It’s lifeless and Vanadium knows that she has a problem.

  • The Contract   Chapter 37 (Vanadium's POV)

    Vanadium is worried sick when Olivia didn’t wake up for nearly 24 hours straight right after their steamy hot sex last night. He didn’t know that it would make her sleep for almost a day. He keeps on blaming himself because of what happened to Olivia. He regretted what happened to the woman who was now sleeping soundly inside her room, however, he does not regret what they did last night. He can’t think properly because of the what if’s running inside his head. What if Olivia will not wake up and ends up not giving him a child? What if he will not have a child anymore? But deep inside, he knows the truth that he’s scared that he will lose Olivia. He's afraid that Olivia will also leave like what Clara and Isabel did to him. He doesn’t care if he looks like an idiot phasing back and forth. He is right in front of Olivia’s room and after a while, he decides to look at the woman inside.

  • The Contract   Chapter 36 (Vanadium's POV)

    Few weeks passed and Vanadium was still in pain because of the loss of his beloved daughter. He cannot focus on what he’s been doing at the office so he told his secretary to cancel all his meetings and appointments and he immediately went to a bar that is owned by one of his high school friends.He immediately maneuvered his car and when he arrived, he quickly went to the VIP room and ordered three bottles of whiskey. He wants to drink silently and be drunk thinking that it can ease his pain away. He cannot move-on and he will never move-on. He decided to stop drinking when his head started to throb and everything that surrounds him is already spinning.Vanadium took a rest for a while and when he thought he was sober enough, he got up and paid his bills. When he’s already done, he quickly goes out of the bar even though

  • The Contract   Chapter 35 (Vanadium's POV)

    Vanadium first saw Olivia in their kitchen, drinking her coffee and bowing her head. He clearly remembers the awkwardness that the woman felt in her surroundings by just one look at her. She was shy and timid but when their eyes locked, he knew it was not just a simple stare the woman had given to him. He, on the other hand, doesn’t know but he immediately felt something he didn't understand but of course, he chose not to pay attention to it. He doesn’t like the idea that his heart beat fast because of their maid that was staring at him for just a few seconds. It wasn’t fair to his wife and to be honest, at that time, the only people that were important to her were her wife and her only daughter. They are his life and he will definitely not know what will happen to him if both of them will leave him.But maybe God does want him to lose his mind when his wife leaves them and

  • The Contract   Chapter 34

    Chapter XXXIVNang makapasok ang dalawa ay kaagad na ngumisi ang lalaking nakapula.“Akin na ang bracelet na gawa sa loombands Wolastik. Bakit ka kasi nakikipag pustahan sa gwapong katulad ko. Sabi ko naman sa’yo ’diba. Dadalhin ni chong parekoy Ruther si pareng Zirco?” nagmamayabang na saad nito.Umismid lang naman ang tinatawag na Wolastik at saka masama ang mukhang hinubad ang loom bands na bracelet. “Inggitero ka talagang Hermes ka. Ang mahal kaya ng bili ko dyan tapos hihingin mo lang? Tsk.” para itong batang natalo sa laro at hindi maipinta ang mukha.Ngisi lang ang naging sagot ng tinatawag na Hermes ng binata saka ito dumila sa kaniya.

  • The Contract   Chapter 33

    Chapter XXXIIIHalos apat na araw silang nanatili sa ospital bago i-discharge ng doctor si Olivia. Pauwi na sila ngayon sa bahay dahil ngayon din daw darating si Clara. Masaya si Olivia at excited na siyang makitang muli ang kanyang alaga. Masaya siyang hindi pala ito tuluyang nawala sa kanila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Isabel sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya rito dahil hindi niya pinatay ang kanyang anak.Bumuntong hininga si Olivia dahil sa kanyang nasaksahin ilang araw na ang nakalipas. Hindi niya man maamin pero alam niya sa sarili niya na naaawa siya kay Isabel. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sinapit ni Isabel sa kamay ng kanyang kapatid pero paniguradong nagdulot ito ng trauma sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya ulit saka inalis sa isip si Isabel. Sinabihan na rin kasi siya ng doctor na huwag mag-isip ng

  • The Contract   Chapter 32

    Chapter XXXII “Stressed ba siya lately?” “Yes doc.” “Mmm… kaya pala.” “Why doc? Is there a problem with the baby in her womb? How about Olivia?” bakas ang pag-alala sa boses ni Vanadium. “As much as possible sana, ipapa-iwas mo sa kanya ang mga bagay o lugar o kaya ay tao na nagiging dahilan ng stress niya. There’s nothing wrong naman with her and the baby, Mister. Mahina lang ang kapit ni baby kaya dapat total bed rest lang talaga siya until lumakas na ang kapit ni baby sa kaniya. Huwag mo muna siyang papagurin dahil baka maging dahilan pa ito upang mag bleeding siya. Thankfully nadala mo kaagad siya sa ospital kundi baka maging mas malala pa ang

DMCA.com Protection Status