"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
Natigil sa pag-iimpake ng kan'yang mga kagamitan si Olivia nang marinig ang nag-alalang boses ng Ina.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil noong isang linggo pa nagpabalik-balik ng tanong ang huli. Simula kasi nang malaman nitong magta-trabaho siya bilang isang katulong sa Maynila ay hindi na huminto ang kaniyang Ina sa pagtatanong. Inintindi na lamang niya ito dahil ito ang unang beses na mapalayo siya sa kanyang magulang at nag-iisang kapatid na si Victoria na nag-aaral ngayon bilang first year college sa isang Unibersidad. Wala naman kasi siyang choice kundi ang magtrabaho dahil naawa na siya sa kaniyang Inay at Itay. Gusto niyang makatulong para mabawasan man lamang kahit konti ang problema ng kaniyang mga
magulang. Nasa college na ang kanyang kapatid kaya dapat todo kayod na talaga ang mga magulang nila. Hindi biro ang bayarin lalo na at nagrenta lang rin ng apartment si Victoria dahil malayo ang kanilang tahanan doon sa kaniyang paaralan.
Umupo siya sa kaniyang katre at sinenyasan ang kaniyang inang maupo. At nang nakaupo na ito ay saka lamang siya nagsalita.
"Oho Inay. Ilang beses niyo nang natanong iyan sa akin magmula nang malaman mo ang tungkol dito." Lumingon siya sa kaniyang Ina dahil sa biglaang pagyakap nito. "Wag ho kayong mag-alala Inay, kaya ko na ang sarili ko. Ako pa ba? Eh taob nga 'yong mga tambay sa atin sa katapangan ko," saka siya tumawa ng pilit dahil sumisikip na ang kan'yang dibdib sa pagpipigil na maiyak. Kinagat na lamang niya ang kaniyang pang-ibabang labi para hindi na tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha.
‘Kung ako lang ang masusunod, hinding-hindi ako luluwas ng Maynila. Ayaw kong mawalay kina Inay at Itay,’ piping sambit ni Olivia sa sarili.
"Ikaw talagang bata ka!" Humigpit pa ang yakap ng kaniyang Ina na para bang ito ang kanilang huling pagkikita kaya gumanti naman kaagad siya ng yakap dito. "Oh basta ha, mag-iingat ka roon. Iba Ang probinsya natin kesa doon sa Maynila. Marami roong hudas barabas. Pag may problema ka ay wag kang mahihiyang tumawag sa telepono. Mahal na mahal kita, anak!" Tinapik na muna ng kaniyang Inang si Consolacion ang kan'yang balikat bago ito kumalas sa kanilang yakapan. Agad na rin itong tumayo para lumabas sa silid nila ng kaniyang kapatid, na ngayon nga'y hindi pa naka-uwi dahil may klase pa ito’t malayo pa ang kanilang semestral break.
"Mahal na mahal din po kita, Inay!" Lumingon lamang si Consolacion sa kan'yang anak at ngumiti ng matamis bago tuluyang isarado ang pintuan ng kwarto.
Nang makalabas na ang kan'yang Ina ay saka siya malungkot na napangiti
“Mamimiss ko ho kayo ‘Nay, ‘Tay. Sana alagaan niyo ang isa’t-isa dahil wala na kaming magkakapatid rito upang gawin iyon sa inyo.”
Matapos niyon ay saka lamang siya nagpatuloy sa pag-iimpaki. Nang makitang maayos na nang nakalagay sa kaniyang bag ang lahat ng kaniyang dadalhin ay kaagad siyang pumunta sa kanilang banyo upang maligo. Nanlalagkit na kasi ang kaniyang katawan dahil nililinis niya rin kanina ang kwarto nilang magkapatid.
“Anak, kain na.” Napatingin si Olivia sa nagsalita at nakita niyang ang kaniyang Inay iyon. Nagpapahangin kasi siya sa labas matapos niyang maligo kanina. Hindi niya namalayang nawiwili na pala siya sa pagmamasid ng mga batang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay.
“Inay, kayo ho pala. Anong oras na ho?” Lumapit siya rito at saka nagmano. “Lagpas alas sais na ng gabi, anak.”
“Ganoon ho ba? Pasok na ho tayo at nang makakain na. Maaga pa ho ang alis ko bukas.” Tumango lamang ang kaniyang Ina at saka sila magkapit bisig na naglakad patungong kusina. Matapos kumain ay kaagad na naglinis ng kaniyang katawan si Olivia.
Nagpaalam muna siya sa kaniyang mga magulang bago pumasok sa kaniyang silid. “‘Nay, ‘Tay matutulog na ho ako.”
Ngumiti naman kaagad at tumango sina Ibrahim at Consolacion.
“Matulog ka ng mahimbing anak,” anang Itay niya.
“Oho, kayo rin ho ni Inay.”
Nang makapasok na sa kaniyang silid ay kaagad siyang humiga. Hayy, bukas na ang alis niya, sana ay makatulog siya ng mahimbing.
NAGISING SI OLIVIA sa ingay ng kanilang alagang manok. Tumingin siya sa kan'yang relos at alas sinco y medya na pala. Nag-inat muna siya ng kaniyang katawan bago tuluyang bumangon. Niligpit niya ang kaniang hinihigaan at ginawa ang kaniyang pang-umagang ritwal. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kaniyang silid.
Nadatnan niyang nagkakape ang kaniyang mga magulang sa kanilang maliit na kusina. Napansin naman kaagad siya ng kaniyang amang si Ibrahim kaya inaya kaagad siya nitong maupo.
"Sandali at ipagtitimpla kita ng kape, anak." Wika pa ng kaniyang Ina at akmang tatayo pero kaagad na pinigilan niya ito.
"Ako na lang ho Inay, wag na kayong mag-abala pa." dumiretso naman muna siya sa gawing kanan para doon magtimpla ng kaniyang kape at hindi muna umupo.
"Kamusta ang tulog mo anak? Maayos naman ba? Pasensha na at hindi ako masyadong nakipag-usap sa’yo kagabi." Humigop muna ito ng kanyang kape bago nagpatuloy "Alam mo naman, tumatanda na ang iyong Itay, mabilis nang mapagod ang aking buto-buto," saka marahang tumawa
Ganito talaga ang kaniyang Itay noon pa man. Masyado itong maalaga sa kanila. Paniguradong isa rin ito sa mamimiss niya doon sa Maynila.
Nilagyan niya nang mainit na tubig ang tasa na may lamang kape at saka ito hinalo.
"Okay lang naman ho Itay, ang sa inyo ho ba ni Inay? Ayos lang ba?" Pagtatanong din niya habang naglalakad patungo sa kaniyang upuan dala ang isang tasang may lamang kape.
"Okay lang naman anak," maikling sagot ni Ibrahim sa kaniyang anak at tumayo na. Siguro ay tapos na itong magkape
"Oh siya, Consolacion, anak, mauna na ako sa bukid at marami pang gawain ang nakatambak doon." Pagpapaalam ni Ibrahim sa kaniyang anak at asawa
Tumango na lamang si Olivia at patuloy na nagkakape
"Syanga pala anak." Lumapit si Ibrahim kay Olivia at niyakap ito ng mahigpit. "Mag-iingat ka roon ha? Huwag mong pabayaan ang iyong sarili."
"Oho Itay, pangako!" Saka gumanti ng yakap si Olivia sa kaniyang Itay
"Hindi niyo ba ako isasali sa inyong yakapan?" Naiiyak na tanong ni Consolacion sa kaniyang mag-ama ngunit hindi pa man nakasagot sina Ibrahim at Olivia ay yumakap na rin ito nang mahigpit sa kanilang dalawa at saka hamagulhul. Napatawa na lamang ang dalawa dahil sa kadramahan ni Consolacion.
Napanganga si Olivia dahil sa pagkamangha nang tumambad sa kaniya ang bahay, ay hindi mansyon pala, na papasukan. Pagkatapos niya kasing mag-agahan kanina kasama ang kaniyang Inay ay sumakay na siya ng bus patungong Maynila at nag-taxi na lamang patungo rito sa mansyong pagta-trabahuan niya. Medyo may kamahalan ang pamasahe sa taxi pero hindi niya na iyon ininda dahil pera naman iyon ng kanyang magiging amo, libre kasi.Ilang minuto rin siyang nakatayo roon at nakatunganga lamang nang mapansin siya ng gwardya ng bahay.Hindi niya namalayang nasa kanyang harapan na pala ang lalaki."Ano hong kailangan?" Magalang na pagtatanong ng gwardyaAgad namang nagising sa pagkatulala si Olivia. Nakita niya ang isang payat na lalaking nasa edad kuwarenta na siguro at nakasuot ng unipormeng pang gwardya. Tumikhim mun
Nagising si Olivia dahil sa narinig na dalawang mahihinang boses na parang nagtatalo. Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang dalawang mata at tumambad sa kaniya ang kakaibang silid. Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka, nilibot niya ang kaniyang paningin at natuon ito sa dalawang dalagang tila nagtatalo. Bumangon siya at doon niya lamang nareyalisa na nandito na pala siya sa Maynila.‘Mukhang kailangan ko nang sanayin ang aking sarili,’ saka wala sa sariling napabuntong hininga.Naputol lamang ang kaniyang pag-iisip ng marinig na naman ang dalawang boses ng babae. Mukhang nagtatalo ito sa harapan niya kaya naman ay napag desisyunan niyang bumangon upang mas maaninag ang kanilang mga mukha."Seleni? Inday? Anong ginagawa niyo?" Pagtatakang tanong niya sa dalawa nang maaninag niya
Masayang nilaro-laro ni Olivia ang batang si Clara, ang anak ng mag-asawang Abejero, na ngayon nga’y tawa nang tawa sa kaniyang kandungan.“Ang cute talaga ng batang ‘to, ang sarap ibulsa,” nanggigigil na saad ni Olivia habang pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi ng bata at humagikhik na naman ulit si Clara kaya naman ay ngingiti niya itong tinitiganMahigit isang buwan na rin pala siyang naninilbihan sa bahay na ito at salamat naman sa Diyos dahil hindi naman siya masyadong nahihirapan. Mabait naman ang kaniyang dalawang Amo kaya laking pasasalamat niya na dito siya napadpad, ‘yon nga lang ay may pagka masungit ang kaniyang among lalaki.Nanatili siyang nakayuko at patuloy na nilalaro ang batang nasa kaniyang kandungan.
Nakangiting hinintay ni Olivia ang mag-asawang Abejero ng hapong iyon dahil walong buwan na ang bata at excited siya kung ano ang pakulo ngayon ng kaniyang Senyora. Halos mag-aapat na buwan na siya rito sa Maynila at sa awa naman ng Diyos, wala pa naman siyang naging problema. Wala pa rin namang pinagbago ang kaniyang dalwang Amo at nanatili silang mabait. Pati na rin ang kaniyang mga kapwa kasambahay ay napakabait at kung minsan ay tinulungan pa siyang mag-alaga sa bata kung walang trabaho ang iba. Madali rin niyang napagaanan ng loob ang batang kaniyang binabantayan dahil napakabibo nito at minsanan lang kung umiyak.Hindi nagtagal ay dumating na nga ang mag-asawa, lulan ng kani-kanilang mga kotse. Hindi nga lamang malaman ni Olivia kung bakit hindi sa kompanya ng kanyang Seryorito Vanadium nagtatrabaho ang kanyang Senyora Isabel. Wala naman siyang karapatang magtanong, buhay
Ilang linggo ang nakalipas at tuluyan na ngang nagbago ang dating mabait na Senyora Isabel. Ewan ba ng mga kasambahay at bakit biglaang nagbago ang napakabait na Amo nila.Hindi na rin nakapag-usap sina Olivia at Isabel sa sala katulad ng nakagawian nila habang hinihintay ng kaniyang Senyora ang kaniyang asawa tuwing papunta sila sa kani-kanilang Opisina. Hindi na rin katulad ng dati ang pansinan nila ng babae kaya ngayon ay nahihiya na siyang pansinin ito."Hoy! Alam niyo kahapon, pumunta dito sa hardin si Senyora Isabel at nakita niya akong nagdidilig ng sunflower niya, aba bigla ba namang tinanong sakin kung sino ba daw ang nagtanim ng sunflower kasi naalibadbaran siya sa kahit anong klaseng bulaklak." Napatigil sa paghehele ng bata si Olivia dahil sa biglaang salita ni Moly.
"Ate Oli, ate Oli," napalingon si Olivia sa tumatakbong si Clara. Third Death Anniversary ngayon ng kaniyang Senyora kaya papunta sila ngayon sa sementeryo kung saan nilibing si Isabel."Bakit Clang?" Ito ang palayaw na binigay niya sa bata kasi ang old fashioned na ng pangalang Clara."Death Anniversary ni Mommy, 'te Oli. Pupunta ba tayo ngayon sa kaniya?" Inosenting tanong naman ni Clara sa kaniya."Hindi ko alam Clang eh. Tanungin mo si Dada mo." Kibit-balikat na sabi ni Olivia at nagpatuloy sa pagluluto ng kanilang uulamin ngayong tanghalian. Alas diyes y medya na at malapit ng umuwi ang kaniyang Senyorito."Mmm..." tumango-tango ang bata saka nagkibit-balikat, "okay."
Nauna nang pumasok sa kotse ang batang si Clara dahil kinakausap pa ng kaniyang Dada ang kaniyang Mommy. Si Olivia naman ay bumili muna ng tubig sa malapit na tindahan dahil naubos na ang kanilang dala. Bigla kasing nakaramdam ng uhaw ang bata kaya naman napag desisyunan niyang iwan muna saglit si Clara. Nakabalik naman siya agad at nakitang mahimbing na natutulog ang bata. Napangiti naman ng matamis si Olivia at masuyong pinagmasdan ang kaniyang alaga. 'Ang ganda talaga ng batang ito. Nagmana sa Ina.' Umayos siya ng upo at marahang hinila ang ulo ng bata upang umunan sa kaniyang mga hita. Nakaupo kasi ito habang natutulog kaya naman pinahiga niya na ito para mas maging komportable ito sa pagkakatulog. Nang masiguradong komportable na ang batang si Clara ay pumikit na lamang muna siya dahil paniguradong matagal-tagal pa ang pagka
Kanina pang umaga nakaalis sina Inday at kanina pa rin kinakabahan si Olivia sa kung ano ang gagawin ni Vanadium sa kaniya. Nakaupo siya ngayon sa sala ng bahay habang iniisip kung ano ang gagawin ng kaniyang Senyorito sa kaniya.'Ipapalapa niya ba ako sa Lion? Ipapa-salvage? Papatayin? Bubugbugin? Ipakukulong?' Ipinilig ni Olivia ang kaniyang ulo at saka pumikit ng mariin. 'Ano ba 'to. Kung ano-ano na ang iniisip ko.' Napabuntong-hininga siya at nanalangin ng tahimik. 'Hindi naman siguro ako papatayin ni Senyorito.'"Olivia!"Bigla siyang napamulat at napaayos ng upo ng marinig ang nakakikilabot na tinig ni Vanadium."Ano ho iyon Senyorito?"Hindi siya sin
“Congratulations.” Wika ng lahat nang nasa mesa kina Olivia at Vanadium. Nandito sila ngayon sa reception ng kanilang kasal at masayang nagkukwentuhan. Nakapalibot ngayon sa mesa ang apat na kaibigan ni Vanadium, ang pamilya ni Olivia, pati na rin ang pamilya ni Nanay Rina. Nandito rin ngayon sina Thori at Inday samantalang si Seleni naman ay hindi nakarating dahil may biglaan daw itong emergency. Nagpadala na lamang ito ng regalo sa mag-asawa at ngayon niya lang din nalaman na magpinsan pala ang babae saka si Vanadium. Hindi man lang ito nasabi sa kaniya noon ni Leni pero ayos lang, hindi naman iyon masyadong importante.“Salamat.” Ngumiti ng matamis si Olivia sa lahat ng nasa mesa.“Anak,” lumingon si Olivia sa kanyang Inay na siyang tumawag sa kaniya.
Olivia is now five months pregnant and he is beyond happy. Even if he still worries about the death threat Olivia was receiving, he made sure that Olivia is always safe. He also put CCTV’s all over the house, even outside the gate. When he saw a woman putting that little box in their mailbox, he already suspected that it was Isabel but of course he still needed to make sure so he called his friend for help. After a few days, his friend called him and asked for a meet up. He doesn’t want to leave Olivia but his friend told him that it was about the woman who threatened Olivia as well as the location of Clara. So he doesn't have a choice but to leave Olivia alone.When he came to the bar, he quickly went upstairs and three of her friends welcomed him. His eyebrows met and he looked at them, wondering why they are all here.
Morning came and Vanadium excitedly got up early and decided to cook for Olivia. He wanted to impress the woman even though she already tasted the food he cooked last time. But it’s almost afternoon, and there was no Olivia showing up. He was already late but he didn’t care at all. After an hour, there was still no sign of Olivia so he decided to reheat the food and bring it to Olivia’s. It’s not Olivia’s behavior to not go out this late. So he was worried because there is surely something wrong with Olivia.He knocked the door several times and when it opened, Olivia’s distorted face welcomed Vanadium. His worry doubled because of it and immediately asked what happened. Olivia just answers that it’s nothing but her voice betrayed her. It’s lifeless and Vanadium knows that she has a problem.
Vanadium is worried sick when Olivia didn’t wake up for nearly 24 hours straight right after their steamy hot sex last night. He didn’t know that it would make her sleep for almost a day. He keeps on blaming himself because of what happened to Olivia. He regretted what happened to the woman who was now sleeping soundly inside her room, however, he does not regret what they did last night. He can’t think properly because of the what if’s running inside his head. What if Olivia will not wake up and ends up not giving him a child? What if he will not have a child anymore? But deep inside, he knows the truth that he’s scared that he will lose Olivia. He's afraid that Olivia will also leave like what Clara and Isabel did to him. He doesn’t care if he looks like an idiot phasing back and forth. He is right in front of Olivia’s room and after a while, he decides to look at the woman inside.
Few weeks passed and Vanadium was still in pain because of the loss of his beloved daughter. He cannot focus on what he’s been doing at the office so he told his secretary to cancel all his meetings and appointments and he immediately went to a bar that is owned by one of his high school friends.He immediately maneuvered his car and when he arrived, he quickly went to the VIP room and ordered three bottles of whiskey. He wants to drink silently and be drunk thinking that it can ease his pain away. He cannot move-on and he will never move-on. He decided to stop drinking when his head started to throb and everything that surrounds him is already spinning.Vanadium took a rest for a while and when he thought he was sober enough, he got up and paid his bills. When he’s already done, he quickly goes out of the bar even though
Vanadium first saw Olivia in their kitchen, drinking her coffee and bowing her head. He clearly remembers the awkwardness that the woman felt in her surroundings by just one look at her. She was shy and timid but when their eyes locked, he knew it was not just a simple stare the woman had given to him. He, on the other hand, doesn’t know but he immediately felt something he didn't understand but of course, he chose not to pay attention to it. He doesn’t like the idea that his heart beat fast because of their maid that was staring at him for just a few seconds. It wasn’t fair to his wife and to be honest, at that time, the only people that were important to her were her wife and her only daughter. They are his life and he will definitely not know what will happen to him if both of them will leave him.But maybe God does want him to lose his mind when his wife leaves them and
Chapter XXXIVNang makapasok ang dalawa ay kaagad na ngumisi ang lalaking nakapula.“Akin na ang bracelet na gawa sa loombands Wolastik. Bakit ka kasi nakikipag pustahan sa gwapong katulad ko. Sabi ko naman sa’yo ’diba. Dadalhin ni chong parekoy Ruther si pareng Zirco?” nagmamayabang na saad nito.Umismid lang naman ang tinatawag na Wolastik at saka masama ang mukhang hinubad ang loom bands na bracelet. “Inggitero ka talagang Hermes ka. Ang mahal kaya ng bili ko dyan tapos hihingin mo lang? Tsk.” para itong batang natalo sa laro at hindi maipinta ang mukha.Ngisi lang ang naging sagot ng tinatawag na Hermes ng binata saka ito dumila sa kaniya.
Chapter XXXIIIHalos apat na araw silang nanatili sa ospital bago i-discharge ng doctor si Olivia. Pauwi na sila ngayon sa bahay dahil ngayon din daw darating si Clara. Masaya si Olivia at excited na siyang makitang muli ang kanyang alaga. Masaya siyang hindi pala ito tuluyang nawala sa kanila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Isabel sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya rito dahil hindi niya pinatay ang kanyang anak.Bumuntong hininga si Olivia dahil sa kanyang nasaksahin ilang araw na ang nakalipas. Hindi niya man maamin pero alam niya sa sarili niya na naaawa siya kay Isabel. Hindi niya alam kung ano pa ang mga sinapit ni Isabel sa kamay ng kanyang kapatid pero paniguradong nagdulot ito ng trauma sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya ulit saka inalis sa isip si Isabel. Sinabihan na rin kasi siya ng doctor na huwag mag-isip ng
Chapter XXXII “Stressed ba siya lately?” “Yes doc.” “Mmm… kaya pala.” “Why doc? Is there a problem with the baby in her womb? How about Olivia?” bakas ang pag-alala sa boses ni Vanadium. “As much as possible sana, ipapa-iwas mo sa kanya ang mga bagay o lugar o kaya ay tao na nagiging dahilan ng stress niya. There’s nothing wrong naman with her and the baby, Mister. Mahina lang ang kapit ni baby kaya dapat total bed rest lang talaga siya until lumakas na ang kapit ni baby sa kaniya. Huwag mo muna siyang papagurin dahil baka maging dahilan pa ito upang mag bleeding siya. Thankfully nadala mo kaagad siya sa ospital kundi baka maging mas malala pa ang