Masayang nilaro-laro ni Olivia ang batang si Clara, ang anak ng mag-asawang Abejero, na ngayon nga’y tawa nang tawa sa kaniyang kandungan. “Ang cute talaga ng batang ‘to, ang sarap ibulsa,” nanggigigil na saad ni Olivia habang pinisil-pisil pa nito ang magkabilang pisngi ng bata at humagikhik na naman ulit si Clara kaya naman ay ngingiti niya itong tinitigan Mahigit isang buwan na rin pala siyang naninilbihan sa bahay na ito at salamat naman sa Diyos dahil hindi naman siya masyadong nahihirapan. Mabait naman ang kaniyang dalawang Amo kaya laking pasasalamat niya na dito siya napadpad, ‘yon nga lang ay may pagka masungit ang kaniyang among lalaki. Nanatili siyang nakayuko at patuloy na nilalaro ang batang nasa kaniyang kandungan.
Last Updated : 2022-02-15 Read more