Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Pinagmasdan ni Cianne ang namumulang palapulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kan’ya. Masuyo niya iyong hinaplos, na tila ba mabilis nitong mapapagaling ang hapding nadarama. Gayunpaman, wala pa din hihigit sa sakit na nadarama niya sa kan’yang puso. Hindi niya akalain na ang matalik na kaibigan ang magbibigay sa kan’ya ng latay sa kamay.Hindi mo talaga masasabing kilala mo na ang isang tao, kung hindi mo pa nakikita ang demon side nito.Tumingin siya sa nakabukas na pintuan. Matapos siyang kalasan ay naglakad na si Shaun palabas.Sa lahat ng kidnapper, ito na yata ang may tiwala sa taong kinidnap nito. Iwanan ba naman s’yang hindi nakatali ang mga kamay.Ipinagpatuloy niya ang masuyong pagmamasahe sa inalisan ng tali. Hindi niya mapigilan isipin ang mga kamay na nagmamasahe sa kan’ya tuwing uuwi siya ng bahay. Sa magdamag niyang pagkawala, siguradong hinahanap na siya ng mga ito.Tinanaw n’ya ang labas ng pinto. Limitado lamang ang kan’yang nakikita ngunit bukod sa kanila ni S
Mahirap kontrolin ang galit. Iyon ang naramdaman ni Shaun sa mga lalaking kumitil sa buhay ng kan’yang kakambal. Kaya nang mahuli n’ya ang mga ito ay wala s’yang naramdaman ‘ni katiting na awa at sa halip ay walang habas ito’ng pinahirapan hanggang sa mawalan ng hininga.Subalit, pagdating kay Cianne ay nahihirapan s’yang panatilihin ang matinding galit dito. Hindi ganoon ang inaasahan n’ya. Akala niya ay hindi siya mahihirapan dito, ngunit kahit wala ito’ng ginagawa ay tila unti-unti nitong napapahupa ang galit sa puso n’ya.Masama pa din naman ang kan’yang loob at kailanman ay hindi na iyon mawawala ngunit hindi iyon sapat para isagawa n’ya ang planong pagpapahirap dito.Pinatay niya ang shower at nakatapis na lumabas ng banyo. Sa unang palapag s’ya gumamit ng banyo upang mas mabantayan ang babae kaya dinig na dinig n’ya ang pagkalampag nito ng pinto.Tamad siyang naglakad patungo doon at binuksan.Tumambad sa kan’ya si Cianne na magkahawak pa ang dalawang kamay sa harapan, animo’y
Komportableng buhay ang kinalakihan ni Cianne. ‘Ni minsan ay hindi n’ya naranasan ang hirap dahil lahat ng pangangailangan at luho ay walang pag-aalangan na binigay ng kan’yang magulang. Kaya nang mabalitaan n’ya ang pagbagsak ng negosyo ng kanilang pamilya ay sinikap n’yang gumawa ng paraan para lang hindi sila makaranas ng hirap.Subalit, hindi niya inaasahan na kahit anong yaman n’ya ay makakaranas pa din s’ya ng pasakit sa buhay.Mabigat na ang kan’yang mga mata at sumasakit na din ang kan’yang ulo, pero hindi niya magawang matulog. Bukod sa hindi s’ya kampante sa lugar ay hindi rin komportableng humiga sa malamig na sahig. Wala man lang kasing ibinigay na kumot o unan si Shaun.Sumandal s’ya sa pader at pumikit. Maya pa’y unti-unti niya nang nararamdaman ang pagdausdos ng likod. Napaayos siya ng upo kahit nilalamon na ng antok ang kan’yang sistema. Sa huli ay hinayaan n’ya na lamang ang katawan na mahiga sa malamig na sahig. Niyakap n’ya ang tuhod para kahit papaano’y maibsan ang
Masama man hilingin ngunit minsan ay ninais niyang magkaroon ng amnesia, iyong tipong makakalimutan niya ang pagkakamaling nagawa sa nakaraan, para may balido s’yang sagot sa tanong kung bakit bigla s’yang naglaho.Umawang ang labi ni Cianne nang mapanood ng buo ang cctv footage.“Now tell me na walang basehan ang paratang ko sa’yo. It was not a baseless accusation, Cianne. This is the truth. You’re the reason why Matt suffered and got killed.” Nangangalit ang mukha nito, subalit hindi s’ya nagpatinag.“Hindi ko alam na pera iyon ni Matt. Wala ako’ng ideya na sa kan’ya iyon. Sinunod ko lang ang sinabi ni Don Felipe na kunin ang itim na bag sa lumang gusali na ‘yan bilang kapalit ng paglayo ko.”Sa katunayan ay nabigla s’yang makita na si Matt ang naglagay ng duffle bag sa lugar na iyon.Nagkaroon ng kalinawan sa isip n’ya kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kan’ya ni Matt. Kung bakit iniisip nitong s’ya ang puno’t dulo ng pagkamatay ng kakambal. Gayunpaman, hindi niya alam. Inosen
Pareho man ang pisikal na anyo ni Matt at Shaun, ay magkaibang-magkaiba naman ang kanilang ugali. Siya ang tinuturing na mabait samantalang si Matt naman ang pasaway. Gayunpaman, pareho silang naging mabuting anak sa ina.Alam ni Shaun ang laki ng pinagbago n’ya. Wala na ang mga araw na susunod siya sa kung ano ang nararapat at tama. Nang mawala ang natitirang kasangga niya sa buhay na si Matt, natututo s’yang labagin ang batas para makamit ang tunay na hustisya. Mali ito kung batas ng tao ang susundin, pero higit na mali ang sinapit ng kan’yang kakambal. Higit na mali kung wala s’yang gagawin.Subalit, sa kabila nang pagnanais na pagbayarin ang babaeng sanhi ng pagkamatay ng kan’yang kapatid, mas namumutawi ang pagkaawa n’ya dito.Matapos niyang ikulong sa bodega si Cianne ay umalis siya at nagmaneho kung saan-saan. Gusto niyang magpalipas ng galit, kahit pa ang dapat ay kinukuha niya ang pagkakataon upang hindi makadama ng konsyensya habang pinapahirapan ito.Sumagi sa kan’yang isip
Panaginip ba? Tanong ni Cianne sa isipan nang maramdaman ang komportableng hinihigaan. Nang imulat n’ya ang mga mata ay napagtanto n’yang reyalidad iyon. Gayunpaman, nais niyang bumalik sa panaginip nang makitang nasa parehong lugar pa din s’ya.Bumangon s’ya at nilibot ang paningin. Madilim na sa labas, kung gayon ay napasarap ang kan’yang pagtulog. Akalain mo ‘yon nagawa n’ya pa’ng makatulog sa delikado n’yang sitwasyon.Hinanap ng kan’yang mga mata si Shaun subalit wala ito sa paligid. Ang huli niyang naaalala ay nang pakainin at painumin s’ya nito ng gamot, na siyang nagpagaan ng bigat ng kan’yang pakiramdam. Sinong baliw na kidnapper ang gagawin pa iyon sa bihag n’ya?Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. May nasisilip siyang kakarampot na kabutihan sa puso ng binata, ngunit kailangan n’ya pa din na mas maging maingat.Maingat siyang naglakad sa unang palapag ng bahay patungo sa main door. Dahan-dahan niya iyong pinihit, natatakot na lumikha ng ingay gayong hindi niya sigurado k
Dapat n’ya ba’ng ikatuwa iyon o ikabahala?Malalim na hininga ang binuga ni Cianne habang nakaupo sa kama at nakatanaw sa bintana.Iniisip niya kung anong klaseng pag-aalila ba ang gagawin ni Shaun sa kan’ya. Iyong tipong kailangan n’ya ba’ng pagsilbihan ito? Dahil kung oo, ay hindi n’ya pagbubutihan para mapilitan ito’ng pakawalan na s’ya.Sinabi pa nito’ng habang-buhay, ibig sabihin ba ay wala nang tyansa na bumalik pa ang mabuting puso nito?Tumayo s’ya at napagpasyahan na magpalit na lamang ng damit. May ilang damit siyang nakita sa cabinet na ang sabi ni Shaun ay maaari n’yang gamitin. Mas mabuti pa ang sitwasyon n’ya ngayon na tila may VIP treatment sa kulungan, kaysa naman sa pagtitiis n’ya kahapon sa madilim na apat na sulok ng bodega sa ibaba.Ang tanging kalaban n’ya na lang ngayon ay kalungkutan at ang pagkatakot na maaaring matagalan o baka hindi n’ya na masilayan pa ang pamilya.Pinahid niya ang luhang umalpas sa kan’yang mga mata. Paano ba s’ya makakatakas sa sitwasyong