Hinilot ni Shaun ang sintido at sinandal ang ulo sa headrest ng kan’yang swivel hair. Itinuon niya ang tingin sa puting kisame. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng kan’yang lolo at madrasta patungkol kay Cianne.Gulong-gulo na ang isipan niya. Ang hirap magkaroon ng mga katanungan na walang konkretong kasagutan.Pumasok sa kan’yang isipan ang huling pag-uusap nila ng dalaga kung saan nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera para maisalba ang negosyo ng pamilya.Hindi niya nakitaan ng pagkadamot o pagkagahaman sa pera si Cianne noong nasa America pa sila dahil maayos itong nasusuportahang pinansyal, subalit iba na ang sitwasyon ngayon.Wala din nabanggit sa kan’ya ang dalaga tungkol sa ginawang pagsuhol ni Don Felipe sa kan’ya. Isa pa, kung wala itong natanggap na pera sana’y nagpakita man lang ito kahit sa libing ni Matt at nagpaalam sa kan’ya na lalayo na. Wala naman siyang magagawa kun’di hayaan ito.Palaisipan tuloy sa kan’ya ngayon kung bakit bigla na lang ito’ng naglaho
Present TimeApat na taon ang nagdaan ngunit ang sakit ay hindi nabawasan.“Tulong! Tulungan n’yo ako!”Inisang lagok ni Shaun ang natitirang alak sa kopita nang marinig ang sigaw mula sa bakanteng bodega ng mansyon.Dalawang palapag ang mansyon na sinikap niyang ipatayo bilang pangako sa ina at kakambal nang nabubuhay pa ang mga ito. Ang mansyon na sana’y pupunuin nila ng magandang alaala, ngayo’y magiging lungga na nang babaeng kinamumuhian n’ya.Binuksan n’ya ang pintuan ng bodega na kagaya sa buong mansyon ay walang gaanong laman.Sumalubong sa kan’ya ang naniningkit na mata ng babae na tila nasilaw sa liwanag mula sa bukas na pintuan. Sinadya n’yang huwag buksan ang ilaw sa bodegang iyon upang ipadama dito ang impyernong kakaharapin nito.“Shaun?”Ano ba’ng nagbago sa istura n’ya upang magdalawang isip pa ito? Bukod sa paglaki ng kan’yang katawan ay tanging pagtingin n’ya lamang para dito ang nagbago. Kung dati’y tuwa ang nadarama niya sa tuwing nakikita at nakakasama ito, ngayon
Hindi ang panahon ang nagpapabago sa tao, bagkus ay ang sakit na dinanas ng puso nito.Sa kabila ng halo-halong emosyon na nararamdaman ni Cianne, mas nanaig pa din sa kan’ya ang awa para kay Shaun.Alam n’yang nagtatampo ito sa biglaan niyang pagkawala, at hindi man lang pakikiramay dito nang mawala si Matt. Subalit hindi niya inaasahan ang mabigat na akusasyon na ipinaparatang nito sa kan’ya.“Pinapili ako ng lolo mo. Lalayuan ko si Matt na nagpapanggap na ikaw o sampong milyon. Alam mo’ng matindi ang pangangailangan ko noon sa pera. I was so pressured to save our business. Sa isip ko, wala naman pag-asa na magustuhan din ako ni Matt pabalik, kaya mas mabuti pa na lumayo na lang ako. Ika nga nila, hitting two birds with one stone. Tinanggap ko ang alok ni Don Felipe, dahil mas matimbang sa akin ang kagustuhan na maiahon ang negosyong pinakaiingatan ni Dad. Pagkatapos ko’ng makuha ang pera, sobrang bigat ng loob ko Shaun, I felt like I am betraying you, pero wala ako’ng magawa dahil
Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Pinagmasdan ni Cianne ang namumulang palapulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kan’ya. Masuyo niya iyong hinaplos, na tila ba mabilis nitong mapapagaling ang hapding nadarama. Gayunpaman, wala pa din hihigit sa sakit na nadarama niya sa kan’yang puso. Hindi niya akalain na ang matalik na kaibigan ang magbibigay sa kan’ya ng latay sa kamay.Hindi mo talaga masasabing kilala mo na ang isang tao, kung hindi mo pa nakikita ang demon side nito.Tumingin siya sa nakabukas na pintuan. Matapos siyang kalasan ay naglakad na si Shaun palabas.Sa lahat ng kidnapper, ito na yata ang may tiwala sa taong kinidnap nito. Iwanan ba naman s’yang hindi nakatali ang mga kamay.Ipinagpatuloy niya ang masuyong pagmamasahe sa inalisan ng tali. Hindi niya mapigilan isipin ang mga kamay na nagmamasahe sa kan’ya tuwing uuwi siya ng bahay. Sa magdamag niyang pagkawala, siguradong hinahanap na siya ng mga ito.Tinanaw n’ya ang labas ng pinto. Limitado lamang ang kan’yang nakikita ngunit bukod sa kanila ni S
Mahirap kontrolin ang galit. Iyon ang naramdaman ni Shaun sa mga lalaking kumitil sa buhay ng kan’yang kakambal. Kaya nang mahuli n’ya ang mga ito ay wala s’yang naramdaman ‘ni katiting na awa at sa halip ay walang habas ito’ng pinahirapan hanggang sa mawalan ng hininga.Subalit, pagdating kay Cianne ay nahihirapan s’yang panatilihin ang matinding galit dito. Hindi ganoon ang inaasahan n’ya. Akala niya ay hindi siya mahihirapan dito, ngunit kahit wala ito’ng ginagawa ay tila unti-unti nitong napapahupa ang galit sa puso n’ya.Masama pa din naman ang kan’yang loob at kailanman ay hindi na iyon mawawala ngunit hindi iyon sapat para isagawa n’ya ang planong pagpapahirap dito.Pinatay niya ang shower at nakatapis na lumabas ng banyo. Sa unang palapag s’ya gumamit ng banyo upang mas mabantayan ang babae kaya dinig na dinig n’ya ang pagkalampag nito ng pinto.Tamad siyang naglakad patungo doon at binuksan.Tumambad sa kan’ya si Cianne na magkahawak pa ang dalawang kamay sa harapan, animo’y
Komportableng buhay ang kinalakihan ni Cianne. ‘Ni minsan ay hindi n’ya naranasan ang hirap dahil lahat ng pangangailangan at luho ay walang pag-aalangan na binigay ng kan’yang magulang. Kaya nang mabalitaan n’ya ang pagbagsak ng negosyo ng kanilang pamilya ay sinikap n’yang gumawa ng paraan para lang hindi sila makaranas ng hirap.Subalit, hindi niya inaasahan na kahit anong yaman n’ya ay makakaranas pa din s’ya ng pasakit sa buhay.Mabigat na ang kan’yang mga mata at sumasakit na din ang kan’yang ulo, pero hindi niya magawang matulog. Bukod sa hindi s’ya kampante sa lugar ay hindi rin komportableng humiga sa malamig na sahig. Wala man lang kasing ibinigay na kumot o unan si Shaun.Sumandal s’ya sa pader at pumikit. Maya pa’y unti-unti niya nang nararamdaman ang pagdausdos ng likod. Napaayos siya ng upo kahit nilalamon na ng antok ang kan’yang sistema. Sa huli ay hinayaan n’ya na lamang ang katawan na mahiga sa malamig na sahig. Niyakap n’ya ang tuhod para kahit papaano’y maibsan ang
Masama man hilingin ngunit minsan ay ninais niyang magkaroon ng amnesia, iyong tipong makakalimutan niya ang pagkakamaling nagawa sa nakaraan, para may balido s’yang sagot sa tanong kung bakit bigla s’yang naglaho.Umawang ang labi ni Cianne nang mapanood ng buo ang cctv footage.“Now tell me na walang basehan ang paratang ko sa’yo. It was not a baseless accusation, Cianne. This is the truth. You’re the reason why Matt suffered and got killed.” Nangangalit ang mukha nito, subalit hindi s’ya nagpatinag.“Hindi ko alam na pera iyon ni Matt. Wala ako’ng ideya na sa kan’ya iyon. Sinunod ko lang ang sinabi ni Don Felipe na kunin ang itim na bag sa lumang gusali na ‘yan bilang kapalit ng paglayo ko.”Sa katunayan ay nabigla s’yang makita na si Matt ang naglagay ng duffle bag sa lugar na iyon.Nagkaroon ng kalinawan sa isip n’ya kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kan’ya ni Matt. Kung bakit iniisip nitong s’ya ang puno’t dulo ng pagkamatay ng kakambal. Gayunpaman, hindi niya alam. Inosen
Mataas na ang sikat ng araw nang bumangon si Cianne. Nang makaligo ay dumiretso s’ya sa mga bata na naghahanda na para sa pagdating ng teacher na kinuha nila para personal na magturo sa mga ito. Gusto n’ya sanang papasukin ito sa paaralan ngunit nangangamba pa din s’ya lalo sa sitwasyon nila.Nagtungo na s’ya sa kusina para magtimpla ng kape. May hang-over pa siya ngunit kahit ganoon ay naaalala n’ya pa din ang sinabi ni Shaun.“Panaginip lang ‘yon,” kumbinsi n’ya sa sarili kahit malinaw sa isipan niya na nangyari iyon, pati na ang paghalik na nararamdaman n’ya pa din sa kan’yang labi.Maya pa’y napahinto siya sa pagsalin ng mainit na tubig sa tasa nang marinig ang papalapit nitong boses mula sa labas. Akala niya pa naman ay nakaalis na ito. Hindi pa s’ya handang harapin ito ngayon.“Mahal…”Huli na para umiwas pa s’ya, dahil naabutan na s’ya nito sa kusina.Mabilis siyang napatingin dito kasunod nang mabilis na naman na pagtibok ng puso niya. Ang pagbikas nito ng salitang iyon ay kap
“We closed a deal tonight, that’s why I drunk. We celebrated it!” kwento n’ya kay Shaun habang inaalalayan s’ya nitong pumasok sa bahay.Nagpahatid siya sa driver ng kan’yang kapatid. Hindi niya inaasahan na gising pa si Shaun kahit madaling araw na.Nahihilo siya sa dami nang nainom ngunit malinaw pa din naman sa isipan n’ya ang nangyayari.Pinaupo s’ya nito sa sala. Wala sa ayos s’yang sumandal doon.“Why I am even explaining to you?” Tinuro-turo n’ya pa si Shaun na nakapameywang na nakatitig sa kan’ya.Hindi gaanong malinaw ang pagtingin n’ya dito, pero nakakainis na matikas pa din ito sa paningin n’ya.“I shouldn’t be explaining myself to my co-parent.” Nilipat niya ang pagturo sa sarili pagkatapos ay humagikhik.“I’ll get you water,” saad ni Shaun na animo’y walang pakialam sa mga sinasabi n’ya.Pagak siyang napatawa. Siya lang naman ang update nang update dito kahit hindi na kailangan. Ano ba’ng naglalaro sa isipan n’ya para gawin iyon? Simula talaga bukas ay maglalagay na s’ya
Lakad-takbo habang nagtitipa sa telepono ang ginawa ni Cianne habang patungo sa parking area ng isang hotel. Kasama niya ang kapatid na si Cindy. May food expo at cooking contest sa kalapit na lungsod at isa siya sa napiling hurado. Matagal na iyong alok sa kan’ya ngunit sa huling minuto pa sya nakapagdesisyon. Ang totoo ay hindi niya alam kung papayag si Shaun lalo pa’t baka mayroong makakita sa kan’ya na tauhan ni Don Felipe.“Sino ba kasi ang tinetext mo d’yan?” pagalit na tanong sa kan’ya ni Cindy. Nakakatawang kahit nasa wastong gulang na s’ya ay pinapagalitan pa din s’ya ng kan’yang mga ate. Lalo pa siguro ngayon na nakikisama siya kay Shaun, na kinakamuhian ng dalawa.“Si Shaun. Baka kasi hanapin ako ng kambal. Hindi kasi sumasagot sa tawag.”Napairap si Cindy. Inutusan muna nito ang driver kung saan sila ihahatid bago bumaling sa kan’ya.“Hindi na ako magtataka kung bakit usap-usapan sa restaurant mo na nag-asawa ka na daw. Hinahatid at sundo ka ni Shaun. Nag-update ka pa sa k
Hindi maikakaila ni Cianne na mas nagugustuhan niya ngayon kung paano sila alagaan at ingatan ni Shaun. Para ba’ng pakiramdam niya ay nararapat lamang na ginagawa iyon sa kanilang mag-iina kahit pa kung iisipin ay sa mga bata lang naman ito may responsibilidad.“Malapit na ang kaarawan ng mga bata,” saad ni Shaun habang nasa hapag sila.Mag-aapat na taon na ang kambal. Napabuntong-hininga s’ya. “Ang bilis ng panahon. Dati naghahanda pa lang kami sa first birthday nila, ngayon mag-four na sila.”Kung pwede lang ihinto muna ang paglaki ng mga bata ay baka gawin n’ya. Hindi niya pa yata kayang turuan itong masanay na gumawa ng mga bagay na mag-isa habang lumalaki kagaya nang pagpasok sa paaralan. Baka s’ya pa ang hindi humiwalay sa mga ito.“Do you have any plans?” tanong nito habang sinasalinan siya ng pagkain sa plato.Tumigil na siya sa pag-utos dito ng kung ano-ano pero ito naman ang kusang nagsisilbi sa kan’ya kahit sa maliit na mga bagay.“I’m actually planning for a simple party.
Mayroong tatlong kwarto sa bahay na iyon. Nagtalo pa sila ni Shaun sa unang gabi dahil gusto nitong sa master’s bedroom na siya kasama ang mga bata dahil mas malaki iyon pero ayaw niya. Katwiran niya ay ito na ang gumastos sa lahat kaya nahihiya siyang siya pa sa mas malaking kwarto.“Ganito na lang. Mamili ka na lang, sa master’s bedroom ka with the kids, o sa master’s bedroom ako kasama kayo ng mga bata?” Nanghahamon pa nitong tanong na pareho naman pabor sa kan’ya ang sagot.Sa huli ay wala s’yang nagawa kun’di sundin ang kagustuhan nito. Hindi rin naman siya nagsisi dahil nagustuhan ng mga bata ang bagong lugar na tinutuluyan nila.Kinabukasan ay sumunod din ang dalawang katulong.Naninibago pa siya dahil halos hindi pa kalahati ng bahay ang mansyon ni Shaun na ilang buwan din nilang tinuluyan. Gayunpaman, mas gusto niya ang bahay na ito ngayon. Mas payapa at panatag ang pakiramdam n’ya.Kagaya nang pangako niya sa ama ay binisita niya ito kasama ang kambal.Humiling pa ang kan’ya
“How are you feeling, dad?”Kagaya nang sabi ng doktor ay iniuwi na ni Cianne ang ama kinabukasan. Kasama pa din nila si Shaun na kahit magtatanghali na ay hindi pa rin s’ya iniiwan para pumasok sa trabaho.“Shaun, dito muna ako. I don’t want to leave dad hanggang hindi pa nakakauwi sina ate. I want to personally take care of him.”Natawagan niya na ang dalawang kapatid na gusto na sanang umuwi at hindi na tapusin ang business engagements sa ibang bansa ngunit pinigil niya.Maayos naman na ang kan’yang ama ngunit gusto niyang personal itong maalagaan kahit pa dala-dalawa na ang nurse nito na magbabantay sa buong magdamag.Nakakaintinding sumang-ayon si Shaun. Inaasahan niya na iyon lalo pa’t maayos na silang dalawa.“You want me to send some of your stuffs here?”Sinabi niyang kahit ang laptop na lang para sa trabaho dahil may mga damit naman s’ya sa bahay na iyon.“How about the kids? Gusto mo ba dito sila?”Gusto niyang bigyan ng award si Shaun. Bumalik na nga ang matalik niyang kai
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din siya dinadapuan ng antok. Sinubukan niya na lahat ng paraan para makatulog ngunit sad’yang hindi mapakali ang pakiramdam niya.Lumabas siya sa terasa upang magpahangin sandali. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang telepono sa bahay ng kan’yang ama kahit pa maliit na ang posibilidad na may sumagot pa sa oras na iyon.Kagaya kanina ay wala din sumagot.Bago pa man matapos ang araw ay nakagawian niya nang tawagan ang ama upang kumustahin. May mga pagkakataon na ang nurse nito ang nakakausap niya sa tuwing nagpapahinga ito, ngunit ngayon ‘ni isa ay walang sumasagot.“Hey, gising ka pa.”Nagitla siya nang sumulpot si Shaun sa kan’yang tabi. Mukhang nagising lang ito upang kumuha ng tubig sa baba.“I can’t sleep,” saad niya habang panay ang tingin sa telepono.“Pinag-iisipan mo siguro ang iuutos mo na naman sa akin sa weekend,” akusa nito na kung wala lang bumabagabag sa isipan niya ay papatulan n’ya talaga.“It’s dad. I can’t contact h
“Wear it.” Malaki ang ngiting inabot ni Cianne ang uniporme ng mga waiter kay Shaun. Isinama niya ang lalaki sa restaurant. Wala naman ito’ng naging reklamo nang sabihin n’yang samahan siya nito sa isang buong araw, ngunit nag-iba ang timpla ng mukha nito nang dahan-dahan kunin ang uniporme.Hindi na ito nagtanong dahil tila alam na ang nais niyang ipagawa dito. Sa halip ay nakasimangot itong dumiretso sa banyo upang magpalit.Nang mga nagdaang araw ay wala naman ito’ng reklamo sa mga pinapagawa n’ya. Natutuwa s’ya ngunit naiinis din dahil mukhang walang epekto dito ang pang-aasar niya. Sa huli kasi ay siya pa ito’ng napipikon sa mga hirit nito. Pinapahirapan niya na nga ito ngunit tila wala naman epekto.Nakasandal siya sa pader habang hinihintay itong lumabas. Ilang minuto din ito sa banyo kahit magsusuot lang naman ito ng poloshirt na may logo ng kanilang restaurant.Nang lumabas ay hindi niya napigilan ang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.Paano nito nagawang nakaka-p
“Kape ko.”Napalingon ang dalawang katulong kay Cianne nang marinig ang utos nito.“Ano po’ng timpla, ma’am?” alangan na tanong ni Manang Alice sa kan’ya. Palibhasa’y ito ang unang pagkakataon na nag-utos ito na hindi tungkol sa mga bata.Umiling siya dito at binaling ang tingin kay Shaun na nakaupos sa harapan n’ya.Tinaasan s’ya nito nang parehong kilay, tila ba nagtatanong.“My coffee,” aniya sa english na bersyon.Kumunot ang noo nito, tila naninibago sa biglaan n’yang pagpapagawa ng kape dito.Pinandilatan niya pa ito ng mga mata bago tumayo at nagtungo sa kusina.Dinig na dinig niya ang pagboluntaryo ni Manang Alice na gumawa ng kape para sa kan’ya ngunit tinanggihan ito ng binata.Hindi pa nagtatagal ay bumalik na ito bitbit ang kape niya.Sumimsim siya. Nakahanda na ang mga irereklamo niya sa tinimpla nito upang magpabalik-balik ito sa kusina ngunit taliwas ang nangyari.Hindi niya napigilan ang mapapikit nang namnamin ang tamang lasa nito. Kagaya kung paano nito timplahin ang