Maaga pa pero hard drinks na ang in-order ni Cianne sa bartender. Nakaupo siya sa bar counter at pinagmamasdan na gawin ang inumin n’ya.
Siya ang bunso sa tatlong babaeng anak ni Carlito at Antonia Cuervas. Spoiled Brat kung tawagin ng kan’yang mga kapatid. Paano ba naman kasi ay wala siyang gusto na hindi nakukuha. Pinagbibigyan siya ng ama sa lahat ng luho magmula sa mga gamit hanggang sa pag-aaral sa ibang bansa, kaya ‘ni minsan ay hindi sumagi sa isip n’ya na unti-unti na palang humihina ang kanilang negosyo.
Inisang lagok n’ya ang inumin at humingi pa ng isang shot.
Wala s’yang alam sa pagpapatakbo ng family business nila. Wala siyang alam bukod sa pagluluto at pag-imbento ng mga bagong putahe. Ang bagay na iyon ang isa sa nagpapasama ng loob n’ya. Wala man lang s’yang magawa upang tulungan ang pamilya. Wala man lang s’yang magawa para makabawi sa ama.
Pinahid n’ya ang luha na walang tigil sa pagdaloy sa kan’yang mga mata.
Puro lang siya saya noong kabataan kaya siguro siya pinaparusahan ngayon. Higit niya iyong napatunayan nang dumapo ang kan’yang mga mata sa dancefloor ng bar. Kitang-kita n’ya si Matt na nakikipagsayaw sa parehong babae na inuwi nito sa kanilang bahay.
Hindi niya ito nilapitan bagkus ay idinaan na lang sa inom lahat ng sakit na nadarama.
“One more!” utos niya sa bartender na ginawan siyang muli ng inumin.
Nang mainom ay nag-iwan na siya ng bayad at nilisan na ang lugar nang pasuray-suray.
Kaya niya pa’ng maghanap ng sasakyan at umuwi ng bahay, kaysa manatili sa lugar na iyon at nakikita si Matt na may kasayawan na ibang babae.
Nasa ulirat pa siya bago umalis ng bar, ngunit pagkarating sa bahay ay doon na tumalab ang tama ng alak, pero para sa kan’ya ay kulang pa iyon. Gusto niyang magpakalasing hanggang sa makalimutan sandali ang lahat ng kan’yang problema.
Nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng maiinom. Kinuha n’ya ang pinakamatagal ng wine na koleksyon ni Shaun, dahil sa isip niya ay mas malakas ang tama n’yon. Nagsalin siya sa kopita at ininom iyon. Nakailang inom na siya hanggang sa mangalahati ang bote.
“Baka pagalitan ako ni Shaun kapag napansin niyang nangangalahati na ito,” saad n’ya sa sarili kaya mula sa bote ay nilagok niya iyon.
Binaba niya iyon nang mabilaukan ngunit uminom ulit direkta sa bote kahit pa tumitilapon na halos lahat ng laman sa kan’yang bibig. Basang-basa tuloy ang kan’yang damit.
Napangiti siya nang makitang wala nang laman. Pasuray-suray siyang nagtungo sa sink at hirap na nilagyan ng tubig ang loob ng bote kahit hindi niya masakto ang agos ng gripo sa nguso nito.
Humagikhik siya nang sa wakas ay mapuno iyon. “Ayan may laman na. Huwag lang mapansin ni Shaun na lasang gripo ito.”
Sinikap niyang sarhan iyon ngunit nabitiwan n’ya ang pantakip at nahulog sa kan’yang paa. Yumuko siya upang kunin iyon habang ang isang kamay ay hawak pa din ang bote. Nang makuha ay tumayo na siya na mas nagpalala ng nararamdaman na pagkahilo. Dahil dito ay na-out of balance siya.
Niyakap niya ang bote at pinikit ang mata sa pag-aakalang babagsak siya sa sahig ngunit isang makisig na braso ang pumulupot sa kan’yang balikat.
“Tsk, what are you doing?” pamilyar na boses ng isang lalaki.
Idinilat n’ya ang mga mata at tinulak palayo ang lalaki, subalit inabot ulit siya ng mga kamay nito upang alalayan nang muntikan ulit siyang matumba. Muli niyang tinaboy ang kamay nito dahilan para masagi ang boteng yakap n’ya. Bumagsak ito sa sahig at nabasag.
Nanlaki ang naniningkit ng mata ni Cianne na napatingin sa bubog na nagkalat sa sahig. Sinamaan n’ya ng tingin ang lalaki.
“Wala ka na talagang ginawang tama Matt. Papagalitan ako ni Shaun kapag nakita n’yang kulang ng isa ang mga wine niya dito,” tila batang paninisi ni Cianne.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki. Nakapameywang itong tinitigan ang lasing n’yang itsura, gulo ang buhok at basa ang suot na navy blue sleeveless dress.
Umiling ang lalaki. “I’m not Matt.”
Pagak na tumawa si Cianne na ang tanging suporta upang makatayo s’ya ng tuwid ay ang nasasandalan na kitchen sink.
“Stop acting as Shaun na. Tayo lang naman dalawa ang nandito sa bahay, unless sinama mo na naman ang babae mo. Oopss sorry, nobya mo pala.” Pilit pa’ng tumawa si Cianne ngunit nauwi din iyon sa paglabi nang maalala ang nobya nito.
Umalis siya sa pagsandal sa kitchen sink, dahilan upang mawalan ng balanse at maapakan ang ilang wasak na bote sa sahig.
Mabilis siyang dinaluhan ng lalaki.
Dumaing siya sa hapdi, at bahagyang napaiyak nang makita ang pagdurugo ng paa.
“Ang gaslaw mo kasi,” paninisi nito sa kan’ya.
Hindi na siya nakapalag at hinayaan na lamang ito’ng kargahin siya patungo sa kwarto.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay naramdaman n’ya na ang paglapat ng kan’yang likod sa malambot na kama.
“Sandali kukuha ako ng gamot.”
Pumipikit-pikit na siya dahil sa epekto ng alak at wine, gayunpaman ay naramdaman n’ya pa din ang pagbalik ng lalaki bitbit ang first aid box.
Seryoso nitong nililinisan ang kan’yang sugat. Dumadaing s’ya paminsan-minsan ngunit sinasamaan lang s’ya nito ng tingin.
“Para ka na’ng si Shaun kung mainis sa’kin.” Natatawa n’yang saad.
Umiling na ang lalaki na mayroon na din maliit na ngiti sa labi.
Natulala si Cianne dito habang abala ito sa paggagamot sa kan’ya. Maya pa’y naramdaman n’ya na ang paglagay nito ng bandage sa kan’yang sugat.
“Thank you,” mahina n’yang saad at nilapitan ito upang gawaran ng halik sa labi.
Unang halik. Marami na siyang nahalikan noong kabataan n’ya ngunit maaari n’ya ba iyong ibaon sa limot at ideklara ang halik na ito bilang kan’yang una?Nagitla ang lalaki sa kan’yang ginawa, subalit imbes na itulak ay ipinangsuporta pa ang kamay nito sa kan’yang batok upang mas palaliman pa ang halik.Nahahati ang utak ni Cianne, alam n’yang kinabukasan ay pagsisisihan n’ya ang ginagawa ngunit anong laban n’ya sa nakakalasing na halik ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang labi nilang kapwa ninanamnam ang tamis ng bawat isa.Matapos ang ilang segundo ay naghiwalay sila at kapwa naghahabol ng hininga.Minulat n’ya ang mga mata at sinalubong ang intensidad sa tingin ng binata. Hindi pa siya natitigan nang ganoon ni Matt, ngunit hindi niya mawari kung paanong pamilyar na pamilyar ang tingin nito sa kan’ya.Bumitaw siya sa mga titig nito at nilipat ang mata sa buhok ng kaharap.“You change your hair style?”Namumungay man ang kan’yang mga mata ay nagawa n’ya pa’ng mapansin a
Nakailang dial na si Shaun ng numero ni Cianne ngunit hindi pa din ito sumasagot. Alas-kwatro ng hapon ang flight n’ya pabalik ng America ngunit alas-dos na ay nasa bahay pa din s’ya. Hinihintay n’yang umuwi doon ang babae para makausap ito.Alam n’yang masama ang loob nito base sa naabutan niyang pakikipagsagutan nito sa kakambal n’ya. Hindi niya alam ang buong istorya ng pag-aaway ng dalawa ngunit patungkol sa pera ang naabutan n’yang usapan nito. Ang isinumbong din na iyon ni Cianne ang dahilan ng biglaan n’yang pag-uwi.Nang tanungin niya si Matt tungkol doon ay sinabi nito’ng dalawang milyon lamang iyon at pera iyon ng kan’yang nobya na si Nadia. Hindi na siya nagtanong pa dahil may tiwala siya sa kakambal at ayaw niyang isipin nito na nagdududa s’ya.Lumipas ang ilan pa’ng sandali ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang babaeng kanina n’ya pa hinihintay. Tumayo siya at sinalubong ito.Tinitigan s’ya nito gamit ang blankong ekspresyon. Balisa ito at wala sa ayos ang itsura.“
Bumalik na sa America si Shaun upang ipagpatuloy ang pangarap kahit pa tila mayroong nagtutulak sa kan’ya na manatili na sa Pilipinas. Iniisip n’yang marahil ay dahil iyon sa hindi naging maayos na pag-uusap nila ni Cianne. Gayunpaman, ipinagpatuloy n’ya ang buhay sa America.Idinaan n’ya na lamang ang pagkabahalang nadarama sa pagluluto. Mas lalo siyang na-ingganyong gawin iyon dahil ibinabahagi niya sa mga homeless ang mga pagkaing niluluto, dati kasi ay si Cianne ang taga-ubos ng mga pagkain n’ya.Naisip n’yang muli ang babae, dalawang araw pa lang simula nang makabalik s’ya ng Pilipinas at hindi ito kinakausap ay inuusig na s’ya ng konsyensya.Kinuha n’ya ang telepono ay sinubukan na tawagan ito, subalit hindi n’ya na ito matawagan. Tiningnan n’ya ang social accounts nito ngunit hindi n’ya na iyon mahanap.“Did she blocked me?” tanong n’ya sa sarili.Malalim ba ang naging galit nito sa kan’ya dahil mas pinili n’yang maniwala sa kapatid kaysa dito?Iwinaksi n’ya ang nasa isipan. Im
Isang linggo na ang lumipas simula nang mailibing ang kakambal niya ngunit wala ‘ni anino man ni Cianne ang nasilayan. Sinubukan ni Shaun na puntahan ang address ng bahay at negosyo ng pamilya nito ngunit parehong wala ng tao doon.“Sir, napirmahan n’yo na po ba ‘yong project proposal?” tanong sa kan’ya ng sekretarya ng kan’yang lolo.Nangunot ang kan’yang noo sa sinabi nito at pilit na hinanap sa magulo niyang office desk ang tinutukoy nitong papeles. Inisa-isa n’ya pa’ng buksan ang mga folder. Mabuti na lang ay mabilis din nakita ng sekretarya at ito na ang kumuha at nag-abot sa kan’ya.Organisado siyang tao, subalit sa biglaang pagragasa ng sunod-sunod na trabaho sa kompanya, na hindi niya alam kung paano sisimulan, ay nawalan na siya nang panahon para mag-ayos pa. Bumabagabag pa sa kan’yang isipan kung sino ang pumatay sa kakambal niya.“Give me time. I’ll just have to read it,” aniya nang makitang wala pa iyong pirma.Hindi pa umalis ang sekretarya sa kan’yang harapan, animo’y na
Hinilot ni Shaun ang sintido at sinandal ang ulo sa headrest ng kan’yang swivel hair. Itinuon niya ang tingin sa puting kisame. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng kan’yang lolo at madrasta patungkol kay Cianne.Gulong-gulo na ang isipan niya. Ang hirap magkaroon ng mga katanungan na walang konkretong kasagutan.Pumasok sa kan’yang isipan ang huling pag-uusap nila ng dalaga kung saan nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera para maisalba ang negosyo ng pamilya.Hindi niya nakitaan ng pagkadamot o pagkagahaman sa pera si Cianne noong nasa America pa sila dahil maayos itong nasusuportahang pinansyal, subalit iba na ang sitwasyon ngayon.Wala din nabanggit sa kan’ya ang dalaga tungkol sa ginawang pagsuhol ni Don Felipe sa kan’ya. Isa pa, kung wala itong natanggap na pera sana’y nagpakita man lang ito kahit sa libing ni Matt at nagpaalam sa kan’ya na lalayo na. Wala naman siyang magagawa kun’di hayaan ito.Palaisipan tuloy sa kan’ya ngayon kung bakit bigla na lang ito’ng naglaho
Present TimeApat na taon ang nagdaan ngunit ang sakit ay hindi nabawasan.“Tulong! Tulungan n’yo ako!”Inisang lagok ni Shaun ang natitirang alak sa kopita nang marinig ang sigaw mula sa bakanteng bodega ng mansyon.Dalawang palapag ang mansyon na sinikap niyang ipatayo bilang pangako sa ina at kakambal nang nabubuhay pa ang mga ito. Ang mansyon na sana’y pupunuin nila ng magandang alaala, ngayo’y magiging lungga na nang babaeng kinamumuhian n’ya.Binuksan n’ya ang pintuan ng bodega na kagaya sa buong mansyon ay walang gaanong laman.Sumalubong sa kan’ya ang naniningkit na mata ng babae na tila nasilaw sa liwanag mula sa bukas na pintuan. Sinadya n’yang huwag buksan ang ilaw sa bodegang iyon upang ipadama dito ang impyernong kakaharapin nito.“Shaun?”Ano ba’ng nagbago sa istura n’ya upang magdalawang isip pa ito? Bukod sa paglaki ng kan’yang katawan ay tanging pagtingin n’ya lamang para dito ang nagbago. Kung dati’y tuwa ang nadarama niya sa tuwing nakikita at nakakasama ito, ngayon
Hindi ang panahon ang nagpapabago sa tao, bagkus ay ang sakit na dinanas ng puso nito.Sa kabila ng halo-halong emosyon na nararamdaman ni Cianne, mas nanaig pa din sa kan’ya ang awa para kay Shaun.Alam n’yang nagtatampo ito sa biglaan niyang pagkawala, at hindi man lang pakikiramay dito nang mawala si Matt. Subalit hindi niya inaasahan ang mabigat na akusasyon na ipinaparatang nito sa kan’ya.“Pinapili ako ng lolo mo. Lalayuan ko si Matt na nagpapanggap na ikaw o sampong milyon. Alam mo’ng matindi ang pangangailangan ko noon sa pera. I was so pressured to save our business. Sa isip ko, wala naman pag-asa na magustuhan din ako ni Matt pabalik, kaya mas mabuti pa na lumayo na lang ako. Ika nga nila, hitting two birds with one stone. Tinanggap ko ang alok ni Don Felipe, dahil mas matimbang sa akin ang kagustuhan na maiahon ang negosyong pinakaiingatan ni Dad. Pagkatapos ko’ng makuha ang pera, sobrang bigat ng loob ko Shaun, I felt like I am betraying you, pero wala ako’ng magawa dahil
Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Matapos makapag-empake para sa maagang byahe pauwi kinabukasan ay bumaba si Cianne sa reception area upang ayusin na ang mga babayaran sa ilang araw na pag-stay sa hotel.“Bayad na po ma’am,” anunsyo ng receptionist na kinakunot ng kan’yang noo.Inulit niya pa ang pagsabi ng room number, at pinakita pa sa kan’ya ang record nito na nagsasabing wala na s’yang kailangan bayaran pa.Hindi niya maalala na may inutusan siyang magbayad doon, hanggang sa lumitaw sa kan’yang harapan si Shaun.Binuksan niya ang wallet at kumuha ng pera doon na katumbas ng bill niya sa hotel.Tumaas ang parehong kilay ni Shaun nang iabot niya ang pera.“I can pay for our hotel bill.”Nilagay nito ang mga kamay sa bulsa pagkatapos ay tinanggihan ang bayad niya.“I’ll just ask my staff to transfer the payment to your account.”“You don’t have to. It’s my responsibility as your husband to provide for you needs and wants,” sagot nito na kinaawang ng bibig n’ya.Husband? Napangisi siya sa sinabi nito, pagkatapos ay u
Nang masigurong tulog na ang dalawang bata sa family room ng hotel na kinuha ni Cianne ay lumabas siya ng terasa. Malamig ang samyo ng hangin na sumalubong sa kan’ya, kaya mas binalot niya pa ang sarili ng roba. Lumapit siya sa railings at sinimsim ang alak sa kopitang kan’yang hawak.Tinanaw niya ang liwanag ng bawat tahanan sa bulubunduking parte ng lugar. Magandang tanawin iyon sa gabi. Nang magsawa ay binaba niya naman ang tingin sa infinity pool sa ibaba. Nasa isang resort sila sa Baguio. Mula sa Romblon ay doon sila dumiretso kasama ang mga anak. Hindi na muna siya sumama sa mga kapatid pauwi dahil kailangan niya pa ng kaunting panahon para sa sarili.Inaasahan niya nang babalik si Shaun dahil sa mga bata. Hindi niya nga lang akalain na makikita pa ito ng kambal na may kasamang ibang babae. Maging siya ay ganoon din. Ano pa nga bang aasahan niya, na siya pa din ang mahal nito? Mas pinili nga nitong magtiis sa piling ni Heria kaysa tumakas kasama siya.“Psst.”Ang kan’yang tahimi
Sa sinapit ng ama ni Shaun, nakaramdam siya ng pangamba. Hindi niya gustong maging kagaya ng kinahinatnan ng pagmamahalan ng kan’yang mga magulang ang sa kanilang dalawa ni Cianne. Ayaw niyang maulit ang nakaraan.Mas lalong lumakas ang loob niya na magpatuloy sa paghahanap sa kan’yang mag-iina, kahit hanggang sa pagputi man ng buhok niya.“Sir, good news. Nakakuha na ako ng record sa airport. Hindi lumabas ng bansa si Cianne. Nasa Baguio sila ng mga bata.”Agad niyang kinancel ang flight patungo sa ibang bansa nang marinig ang magandang balita mula sa private investigator.Nagpatulong siya sa kaibigan na si Josh upang magpahatid sa Baguio gamit ang private plane nito. Ayaw niyang magsayang pa ng panahon.Pagdating doon ay tinungo niya ang hotel na tinuluyan ng kan’yang mag-iina ayon na din sa impormasyon na binigay sa kan’ya.“I’m sorry sir, but we can’t disclose any information to you,” ani babaeng receptionist.Malungkot siyang napangiti.Tinitigan niya ang babae na animo’y ilang
Nilaan ni Shaun ang natitira sa buong araw sa puntod ng kan’yang kakambal at ina. Kwenento niya lahat ng nangyari, at kahit papaano ay gumaan ang kan’yang pakiramdam.Kinabukasan, bitbit ang pulonpon ng rosas, ay nagtungo siya sa bahay ng pamilya ni Cianne. Hindi na siya nag-abala pa’ng tumawag o magpadala man lang ng mensahe dahil natatakot syang baka hindi rin nito sagutin.Nakakailang door bell na siya at busina ngunit walang nagbubukas ng gate. Nakakapanibago iyon dahil nasanay siya na isang pagkatok lang sa gate ay may nagbubukas na.Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan niyang magtungo na lamang sa restaurant ng babae. Sa labas pa lang ay sinipat niya na ang mga kotseng nakaparada ngunit wala doon ang sasakyan na pagmamay-ari ni Cianne, gayunpaman ay pumasok pa din siya.Abala ang mga staff sa pag-asikaso ng mga customer kung kaya nahirapan siyang maghanap ng tyempo upang magtanong sa mga ito. Hanggang sa lumabas ang manager mula sa kitchen at walang pag-aalinlangan siyang
Nagbigay ng tatlong katok sa pintuan ng opisina ni Don Felipe si Shaun bago pinapasok ang sarili. Pormal siyang magpapaalam na hindi na sya magtatrabaho sa kompanya at puputulin na ang kan’yang ugnayan dito.Sigurado siyang may ideya na ito sa pagpunta niya dahil kalat na sa medya ang pagtanggal sa kan’yang ama bilang myembro ng political party na suportado ng pamilya ni Heria. Maging ang shares nito sa kompanya ay binawi na. Alam niyang ibubunton sa kan’ya ni Don Felipe ang sisi.Sinalubong siya nito nang matalim na tingin at nagdidilim na ekspresyon. Wala siyang naramdaman na takot o kahit kaunting pangamba.Nilapag niya sa lamesa nito ang sobre na naglalaman ng kan’yang resignation letter.“Anong ginawa mo?” mapanganib nito’ng tanong.“I’m cutting ties with you.” Wala siyang balak na magpasindak pa dito.Marahas nito’ng pinalo ang lamesa dahilan upang mahulog sa sahig ang babasaging baso na naglalaman ng alak, na siyang iniinom nito umagang-umaga.“You’re a Gonzalvo! You can’t cut
“Sir, baka po sumakit na ang ngipin n’yo.” Halos maubos na ni Shaun ang cookies nang hatiran siya ng tubig ni Manang Alice sa kwarto.Lumalalim na ang gabi ngunit hindi siya makatulog. Makailang-ulit niya na yatang binabasa ang marriage contract nila ni Cianne, na mas lalong nagdadagdag ng mga bagong katanungan sa isip niya.Paano siya naikasal kay Heria gayong kasal na siya kay Cianne?Masaya siya sa nadiskubre, hindi niya iyon ikakaila. Gayunpaman, hindi siya sigurado kung tunay ba ang marriage certificate na hawak niya.Tinawagan niya na kanina ang private investigator upang alamin kung lehitimo pa ang papeles. Panalangin niyang totoo ito.Gayunpaman, totoo man o hindi, alam niyang ang kan’yang kakambal na si Matt ang gumawa ng paraan upang makita nita ang papel na iyon. Sigurado siyang sinasabi nito’ng huwag niyang sukuan ang pagmamahal para kay Cianne.Kailangan niyang maging handa pagkatapos ay pangako niyang ipaglalaban na ang pagmamahalan nila.Kinabukasan din, isang magandang
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano