Bumalik na sa America si Shaun upang ipagpatuloy ang pangarap kahit pa tila mayroong nagtutulak sa kan’ya na manatili na sa Pilipinas. Iniisip n’yang marahil ay dahil iyon sa hindi naging maayos na pag-uusap nila ni Cianne. Gayunpaman, ipinagpatuloy n’ya ang buhay sa America.Idinaan n’ya na lamang ang pagkabahalang nadarama sa pagluluto. Mas lalo siyang na-ingganyong gawin iyon dahil ibinabahagi niya sa mga homeless ang mga pagkaing niluluto, dati kasi ay si Cianne ang taga-ubos ng mga pagkain n’ya.Naisip n’yang muli ang babae, dalawang araw pa lang simula nang makabalik s’ya ng Pilipinas at hindi ito kinakausap ay inuusig na s’ya ng konsyensya.Kinuha n’ya ang telepono ay sinubukan na tawagan ito, subalit hindi n’ya na ito matawagan. Tiningnan n’ya ang social accounts nito ngunit hindi n’ya na iyon mahanap.“Did she blocked me?” tanong n’ya sa sarili.Malalim ba ang naging galit nito sa kan’ya dahil mas pinili n’yang maniwala sa kapatid kaysa dito?Iwinaksi n’ya ang nasa isipan. Im
Isang linggo na ang lumipas simula nang mailibing ang kakambal niya ngunit wala ‘ni anino man ni Cianne ang nasilayan. Sinubukan ni Shaun na puntahan ang address ng bahay at negosyo ng pamilya nito ngunit parehong wala ng tao doon.“Sir, napirmahan n’yo na po ba ‘yong project proposal?” tanong sa kan’ya ng sekretarya ng kan’yang lolo.Nangunot ang kan’yang noo sa sinabi nito at pilit na hinanap sa magulo niyang office desk ang tinutukoy nitong papeles. Inisa-isa n’ya pa’ng buksan ang mga folder. Mabuti na lang ay mabilis din nakita ng sekretarya at ito na ang kumuha at nag-abot sa kan’ya.Organisado siyang tao, subalit sa biglaang pagragasa ng sunod-sunod na trabaho sa kompanya, na hindi niya alam kung paano sisimulan, ay nawalan na siya nang panahon para mag-ayos pa. Bumabagabag pa sa kan’yang isipan kung sino ang pumatay sa kakambal niya.“Give me time. I’ll just have to read it,” aniya nang makitang wala pa iyong pirma.Hindi pa umalis ang sekretarya sa kan’yang harapan, animo’y na
Hinilot ni Shaun ang sintido at sinandal ang ulo sa headrest ng kan’yang swivel hair. Itinuon niya ang tingin sa puting kisame. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng kan’yang lolo at madrasta patungkol kay Cianne.Gulong-gulo na ang isipan niya. Ang hirap magkaroon ng mga katanungan na walang konkretong kasagutan.Pumasok sa kan’yang isipan ang huling pag-uusap nila ng dalaga kung saan nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera para maisalba ang negosyo ng pamilya.Hindi niya nakitaan ng pagkadamot o pagkagahaman sa pera si Cianne noong nasa America pa sila dahil maayos itong nasusuportahang pinansyal, subalit iba na ang sitwasyon ngayon.Wala din nabanggit sa kan’ya ang dalaga tungkol sa ginawang pagsuhol ni Don Felipe sa kan’ya. Isa pa, kung wala itong natanggap na pera sana’y nagpakita man lang ito kahit sa libing ni Matt at nagpaalam sa kan’ya na lalayo na. Wala naman siyang magagawa kun’di hayaan ito.Palaisipan tuloy sa kan’ya ngayon kung bakit bigla na lang ito’ng naglaho
Present TimeApat na taon ang nagdaan ngunit ang sakit ay hindi nabawasan.“Tulong! Tulungan n’yo ako!”Inisang lagok ni Shaun ang natitirang alak sa kopita nang marinig ang sigaw mula sa bakanteng bodega ng mansyon.Dalawang palapag ang mansyon na sinikap niyang ipatayo bilang pangako sa ina at kakambal nang nabubuhay pa ang mga ito. Ang mansyon na sana’y pupunuin nila ng magandang alaala, ngayo’y magiging lungga na nang babaeng kinamumuhian n’ya.Binuksan n’ya ang pintuan ng bodega na kagaya sa buong mansyon ay walang gaanong laman.Sumalubong sa kan’ya ang naniningkit na mata ng babae na tila nasilaw sa liwanag mula sa bukas na pintuan. Sinadya n’yang huwag buksan ang ilaw sa bodegang iyon upang ipadama dito ang impyernong kakaharapin nito.“Shaun?”Ano ba’ng nagbago sa istura n’ya upang magdalawang isip pa ito? Bukod sa paglaki ng kan’yang katawan ay tanging pagtingin n’ya lamang para dito ang nagbago. Kung dati’y tuwa ang nadarama niya sa tuwing nakikita at nakakasama ito, ngayon
Hindi ang panahon ang nagpapabago sa tao, bagkus ay ang sakit na dinanas ng puso nito.Sa kabila ng halo-halong emosyon na nararamdaman ni Cianne, mas nanaig pa din sa kan’ya ang awa para kay Shaun.Alam n’yang nagtatampo ito sa biglaan niyang pagkawala, at hindi man lang pakikiramay dito nang mawala si Matt. Subalit hindi niya inaasahan ang mabigat na akusasyon na ipinaparatang nito sa kan’ya.“Pinapili ako ng lolo mo. Lalayuan ko si Matt na nagpapanggap na ikaw o sampong milyon. Alam mo’ng matindi ang pangangailangan ko noon sa pera. I was so pressured to save our business. Sa isip ko, wala naman pag-asa na magustuhan din ako ni Matt pabalik, kaya mas mabuti pa na lumayo na lang ako. Ika nga nila, hitting two birds with one stone. Tinanggap ko ang alok ni Don Felipe, dahil mas matimbang sa akin ang kagustuhan na maiahon ang negosyong pinakaiingatan ni Dad. Pagkatapos ko’ng makuha ang pera, sobrang bigat ng loob ko Shaun, I felt like I am betraying you, pero wala ako’ng magawa dahil
Kung natutupad lang ang bawat kahilingan ay hihilingin ni Cianne na panaginip lang ang nangyayari sa kan’ya ngayon.Hindi niya alam kung ilang oras na simula nang iwanan siya ni Shaun sa madilim na apat na sulok ng kwarto. Pagod at pagkalam ng sikmura ang kan’yang nararamdaman kaya kahit nanghihina na ay sinubukan n’yang tumayo. Subalit dahil nakatali ang mga kamay sa likod at paa ay hirap siyang kumuha ng balanse. Hanggang sa naisipan n’yang isandal ang likod sa pader at tagumpay na nakatayo.Tumalon-talon siya upang makaalis sa posisyon. Hindi niya maaninag kung saan ang pintuan kaya idinikit niya ang dalawang nakataling kamay sa pader para magsilbing gabay.Huminto siya sa upang huminga nang malalim pagkatapos ng ilang talon, at nagpatuloy muli ngunit natalisod siya at buong katawan ang bumagsak sa sahig.Lumikha iyon ng ingay dahil sa lakas ng pagbagsak. Mabuti na lamang ay naiangat niya ang ulo kaya hindi tumama sa sahig pero napuruhan naman ang kan’yang tuhod at dibdib na s’yang
Pinagmasdan ni Cianne ang namumulang palapulsuhan dahil sa higpit ng pagkakatali sa kan’ya. Masuyo niya iyong hinaplos, na tila ba mabilis nitong mapapagaling ang hapding nadarama. Gayunpaman, wala pa din hihigit sa sakit na nadarama niya sa kan’yang puso. Hindi niya akalain na ang matalik na kaibigan ang magbibigay sa kan’ya ng latay sa kamay.Hindi mo talaga masasabing kilala mo na ang isang tao, kung hindi mo pa nakikita ang demon side nito.Tumingin siya sa nakabukas na pintuan. Matapos siyang kalasan ay naglakad na si Shaun palabas.Sa lahat ng kidnapper, ito na yata ang may tiwala sa taong kinidnap nito. Iwanan ba naman s’yang hindi nakatali ang mga kamay.Ipinagpatuloy niya ang masuyong pagmamasahe sa inalisan ng tali. Hindi niya mapigilan isipin ang mga kamay na nagmamasahe sa kan’ya tuwing uuwi siya ng bahay. Sa magdamag niyang pagkawala, siguradong hinahanap na siya ng mga ito.Tinanaw n’ya ang labas ng pinto. Limitado lamang ang kan’yang nakikita ngunit bukod sa kanila ni S
Mahirap kontrolin ang galit. Iyon ang naramdaman ni Shaun sa mga lalaking kumitil sa buhay ng kan’yang kakambal. Kaya nang mahuli n’ya ang mga ito ay wala s’yang naramdaman ‘ni katiting na awa at sa halip ay walang habas ito’ng pinahirapan hanggang sa mawalan ng hininga.Subalit, pagdating kay Cianne ay nahihirapan s’yang panatilihin ang matinding galit dito. Hindi ganoon ang inaasahan n’ya. Akala niya ay hindi siya mahihirapan dito, ngunit kahit wala ito’ng ginagawa ay tila unti-unti nitong napapahupa ang galit sa puso n’ya.Masama pa din naman ang kan’yang loob at kailanman ay hindi na iyon mawawala ngunit hindi iyon sapat para isagawa n’ya ang planong pagpapahirap dito.Pinatay niya ang shower at nakatapis na lumabas ng banyo. Sa unang palapag s’ya gumamit ng banyo upang mas mabantayan ang babae kaya dinig na dinig n’ya ang pagkalampag nito ng pinto.Tamad siyang naglakad patungo doon at binuksan.Tumambad sa kan’ya si Cianne na magkahawak pa ang dalawang kamay sa harapan, animo’y
“So hows your honeymoon in Pili?” Mapang-asar na mga kaibigan ang sumalubong kay Shaun matapos ang lunch meeting niya sa bagong supplier ng mga mahogany.Kakauwi lang nila ni Cianne kaninang madaling araw. Sa totoo lang ay napuyat s’ya. Hindi dahil sa hindi siya sanay matulog sa ganoong klaseng hotel, kun’di dahil katabi niya ang ina ng kan’yang mga anak.Hindi siya nakatulog dahil sa lakas ng tibok ng kan’yang puso. Hindi maaaring manumbalik ang nararamdaman n’ya para dito. Hindi sa mabigat na kasalanan nito sa kakambal niya.“We’re stranded. Ano’ng honeymoon pinagsasabi n’yo?”As usual ay dumaldal pa din si Cianne habang nasa byahe sila pauwi kanina. Pinipilit niyang ignorahin ito. Kailangan niyang maglagay ng pader sa pagitan nila.“Come’on bro. You look so fine now.”Naiiling niya na lang na nilagpasan ang mga ito at umakyat na sa opisina. Sa tuwing makikita s’ya ng mga ito ay pang-aasar ang inaabot n’ya.“You’re here, stepson.”Pagpasok ng opisina ay naabutan niyang prenteng naka
“Maliligo lang ako,” saad ni Cianne nang makitang hinahanda na ni Shaun ang first aid kit.Nasa loob na sila ng maliit na couple room. May pandalawahang kama at lamesa doon.Mabilis siyang dinaluhan ni Shaun upang alalayan sa paglalakad patungo sa banyo. Akala niya’y hanggang sa may pintuan lang ito, ngunit sumunod pa din ito hanggang sa loob.Tiningnan niya ito sa salamin, ganoon din ang ginawa sa kan’ya. Tinaasan niya ito ng dalawang kilay sa pag-iisip na baka maintindihan nito ang nais niyang ipahiwatig, ngunit tumaas din ang parehong kilay nito sa kan’ya.“Labas ka na,” sa huli ay naisatinig niya na.“Bakit kaya mo ba tumayo dito nang mag-isa?”“Bakit papanoorin mo ba ako’ng maligo?” bulalas niya.“Hell no! I’ll close my eyes while you do that,” sagot nito na para na’ng natural na bagay lang iyon sa kanila.“No din! Lumabas ka na. I can manage myself!”Masakit lang ang katawan niya pero hindi naman siya baldado para hindi magawa ang pagligo nang walang umaalalay. Napaka-OA lang ta
“Sir, bawal na po’ng dumaan dito.”Malakas pa din ang ulan nang harangin sila ng mga pulis sa isang check point. Natatanaw niyang baha na sa unahan kung saan sila patungo.“May iba pa po ba’ng daan dito palabas, sir? Pauwi na po kasi kami,” tanong ni Shaun na kagaya niya ay hindi rin gaanong kabisado ang pasikot-sikot sa lugar.“Mayroon po sir kaya lang ay prone to landslide ang lugar na ‘yon kaya hindi na rin po pinapayagan na pumasok doon ang mga sasakyan. Kung ako po sainyo ay palipasin n’yo na muna ang bagyo bago kayo umuwi.”Napatingin sa kan’ya si Shaun na animo’y kagaya niya ay wala din ideya kung saan magpapalipas ng oras sa lugar na iyon, lalo pa’t mayroong paparating na bagyo.Nagpasalamat sila sa mga pulis at nagmaneho pabalik.“Saan tayo pupunta?” tanong niya, habang dina-dial sa cellphone ang numero ni Manang upang kumustahin ang mga bata.“We’ll look for a hotel.”Kumunot ang kan’yang noo sa sagot nito. Gayunpaman ay hindi muna s’ya nakapagsalita dahil narinig niya na an
“Let’s find a restaurant here” pag-aya sa kan’ya ni Shaun matapos ang meeting nila kay Mr. Fuerte.Tiningnan niya ang relo, pasado alas-dose na nang tanghali. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya ngunit naglaho ito matapos nilang makausap si Mr. Fuerte.“Okay lang naman sa akin na makipag-date kay Mr. Fuerte. Bakit ka pa tumanggi? Eh, ‘di sana magiging proud pa sa’yo si Don Felipe for a close deal,” saad niya kay Shaun nang makasakay na sila sa loob ng kotse.Malakas pa ang ulan sa labas, kaya mabagal lang ang pagmamaneho ni Shaun. Mabagal na nga ito ay mas lalo pa’ng bumagal dahil sa sinabi niya.“You like him?” diretsahan nitong tanong sa kan’ya na kinagulat n’ya.May edad na si Mr. Fuerte at halatang libog lang sa katawan ang dahilan kung bakit gusto siyang maka-date. Malagkit ang tingin nito sa kan’ya kanina.Nagkibit-balikat siya. Gusto niya lang subukin ang lalaki kung babalik ba ito sa shop para bawiin ang pagtangging ginawa sa offer ng negosyante.“I didn’t know you like dirty
Huminto sila sa tapat ng isang convenience store.“’Wag mo na ako’ng hintayin. Uuwi na lang ako para hindi ka na maabala,” paalam ni Cianne sa kan’ya nang pababa na ito ng sasakyan.Tumaas ang pareho niyang kilay. Hindi kaya nagpapalusot lang ito para hindi niya na isama?“I’ll wait for you here.”May oras pa naman.Tuluyan nang bumaba si Cianne sa kotse. Una niyang napansin ang tuldok ng dugo sa pantalon nito. Hindi rin ito komportableng maglakad kaya hindi na siya nagdalawang isip pa’ng lumabas ng kotse at tawagin ito bago pa man makalayo.Nagtataka ito’ng bumaling sa kan’ya.“The usual brand? Ako na ang bibili.” Kusang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.Wala sa sariling tumango si Cianne. Kukuha sana ito ng pera sa wallet pero nakaalis na siya at dali-daling pumasok sa convenience store.Hindi na siya nahiyang gawin iyon dahil noon pa man ay siya na ang bumibili ng pad nito sa tuwing hindi ito nakakadala ng extra kapag nasa labas at dinadatnan. Nakakapanibago nga lang dah
“Be good boys, okay?” Paalam niya sa mga bata bago siya lumabas ng mansyon.Hindi niya sigurado kung maaga siyang makakauwi, o kinabukasan na. Depende kung mapapapayag niya ang may-ari ng shop na si Mr. Fuerte na ibenta ang negosyo nito sa kanilang kompanya.Sumakay na siya sa kotse. Siya lang mag-isa ang pupunta sa Pili City. Hindi niya na sinama ang sekretarya, dahil maraming trabaho ang naiwan niya sa opisina para lang sundin ang utos ng kan’yang lolo.Bumaling ang tingin niya sa passenger seat, pagkatapos ay sa pintuan ng mansyon. Himalang walang pabaon na pagkain si Cianne. Hindi rin ito sumabay sa kanila sa agahan at hindi niya pa ito nakitang lumabas ng kwarto simula nang magising siya. Marahil ay napikon nga ito sa nangyari kagabi.Bumuntong hininga siya. Mas mabuti nga iyon, kahit papaano’y tahimik ang umaga niya.In-start niya na ang kotse at handa na sana’ng umalis nang may biglang kumatok sa may passenger seat.Tamad niyang binaba ang bintana habang tutok ang mga mata sa u
“Wait, baon mo.”Isang linggo na s’yang pinapabaunan ni Cianne, ngunit ‘ni isang beses ay wala siyang sinubukang kainin. Kung saan iyon nilagay ng dalaga sa kotse ay doon din iyon nakalagay hanggang sa pag-uwi. Walang bawas kahit katiting man lang. ‘Ni hindi n’ya nga iyon binuksan man lang.Hinilot niya ang sintido habang binabasa ang mga papeles sa kan’yang desk. Hindi pa nangangalahati ang araw pero sumasakit na ang ulo niya. Paano’y nahihirapan siyang kumbinsihin ang may-ari ng furniture shop sa kabilang lungsod na ibenta ang shop nito sa kanila.Kung siya lang ay susuko na s’ya sa pagkumbinsi dito at maghahanap na lamang ng iba o magtatayo ng bago tutal ay kayang-kaya naman nila iyon, subalit sadyang kakaiba magpatakbo ng negosyo ang kan’yang lolo. Ayaw nitong may kakumpetensya kahit maliit ay tinitira.“Tandaan mo, mas nakakapuwing ang maliit na insekto.”Simula nang bata pa ay binuhay na siya ng ina na puno ng pangaral tungkol sa kabutihan. Pakiramdam niya ay sinusuway n’ya ito
“I made you lunch!”Nagpaskil ng malaking ngiti si Cianne nang maabutan niya sa hapag-kainan si Shaun kasama ang mga bata na kumakain ng almusal.Maaga siyang gumising para ipaghanda ang lalaki ng pananghalian nito.Kahit pa hindi nito ginalaw ang hinanda niyang pagkain kahapon ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Iyon lang naman ang tanging alam niya para mapaamo ang masamang tupa. Pakainin ito.Ang kislap ng mga mata nito ay nawala nang bumaling sa kan’ya ang mga tingin. Bukod sa lunchbox na nilagay niya sa lamesa ay nagdala din siya ng kape para dito.“Sa’yo na ‘yan. May kape na ako.”Saka niya lang napansin ang isang tasa ng kape na nangangalahati na nito.“Mas masarap ‘to kaysa sa timpla ni Manang,” pagbibida niya kahit hindi niya pa man natikman ang timpla ni Manang Alice.Hindi siya nito pinansin bagkus ay tinuon sa mga bata ang atensyon.Hindi na siya nagpumilit na ipaubos dito ang kape dahil baka nerbyusin naman ito. Mas mabuti nga sana iyon para kabahan naman ito sa ginagawa sa
“What’s this?”Umagang-umaga ay nakasimangot na mukha ang sinalubong ni Shaun kay Cianne nang abutan niya ito ng papaitan.“Maganda ‘yan para sa hang-over.”Maaga siyang gumising para lang ipagluto ang binata.Hindi siya concern dito, bagkus ay nagsisimula na siyang isakatuparan na makuha ang loob nito.Naiiling na tinabig ni Shaun ang mangkok. Halata sa mukha na hindi maganda ang gising nito.“Just tell Manang to bring me coffee.”Nakabihis pang-opisina na ito kahit maaga pa sa oras nang alis. Karaniwan kasing hinihintay muna nito ang mga bata bago ito mag-agahan.“Ako na lang ang magtitimpla,” pagboboluntaryo n’ya. Siya naman talaga ang nagtitimpla ng kape para dito hindi niya lang alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito.“Do as I say,” maotoridad nitong sabi na nagpatahimik sa kan’ya.Mas lalo niya pa’ng napagtantong seryoso nga ito at hindi lang nagsusungit nang dali-daling kumilos si Manang Alice para sundin ang sinabi nito.Iniwan niya na lamang ang lalaki doon. Say