Share

Chapter 4

Malakas ang tambol ng dibdib ni Cianne nang kunin niya mula sa bulsa ng kan’yang maong shorts ang cellphone. Kailangan n’yang ipaalam kay Shaun ang nadiskubreng limpak-limpak na pera sa kwarto ni Matt. Sa kapal at dami ng bugkos na isang libong pera alam n’yang aabot iyon ng ilang milyon. Wala s’yang ideya kung saan nanggaling iyon, pero sigurado s’yang imposibleng makaipon nang ganoon kalaking halaga ang lalaki sa maikling panahon.

“Bakit ka ba nakikialam sa kwarto ko?” sigaw sa kan’ya ni Matt. Nakapagbihis na ito.

Lumabas ito ng banyo kanina nang marinig ang pagbagsak ng bag na naglalaman ng pera mula sa cabinet. Doon pa lang ay tinaasan na s’ya ng boses kaya dali-dali siyang nagtungo sa salas.

“Bakit may ganoon ka kalaking pera? Saan ‘yon nanggaling?” Kailangan n’ya nang sagot. Magkasabwat sila sa pagsisinungaling, nararapat lamang na malaman n’ya ang bawat ginagawa nito.

“Hindi na para malaman mo ‘yon,” malamig nitong sagot.

Hinigit n’ya ito sa braso nang akmang tatalikod na ito.

“Asawa mo ako! Kahit nagpapanggap lang tayo, dapat alam ko bawat galaw mo!” Tumaas na ang kan’yang boses.

Iniisip n’ya si Shaun, baka ito ang mapahamak kung may mali man na ginagawa ang kakambal nito lalo pa’t nagpalit sila ng katauhan.

Hindi maganda ang kan’yang kutob.

Pagak na tumawa ang binata at nilingon s’ya.

“Sa tingin mo ba natutuwa ako’ng magpanggap? The hell no! Nandito lang ako para sa pera. Tinitiis ko lang na makasalamuha si Don Felipe at si Vice Mayor Julian para sa pera.”

Napigil ang hininga ni Cianne nang makita ang nagdaang galit sa mukha ng lalaki. Damang-dama niya ang poot nito para sa ama at lolo, na tinawag pa sa pangalan ang mga ito.

Hindi na nakapagsalita pa si Cianne at sa halip ay napaupo na lamang.

Bumalik sa kwarto si Matt at padabog na sinara ang pinto.

Ikinagulat n’ya ang biglaang pagsabog ng lalaki lalo pa’t tahimik ito sa tuwing magkasama nila. Tila pahiwatig iyon na may mabigat itong dinadala sa puso.

Iyon na yata ang pinakamahaba nilang pag-uusap. Iyon na rin ang pinakamabigat.

Dahil sa pangyayari, hindi na siya nagdalawang isip na tawagan si Shaun. Itinama n’yang umalis ang lalaki upang sana’y makapasok sa kwarto nito at mapakita kay Shaun ang pera ngunit nakakandado na ang pinto nito.

“I’ll talk to Matt. Huwag ka na mag-alala.” Kahit papaano’y gumaan ang loob n’ya pagkatapos makausap ang matalik na kaibigan.

Subalit ang gaan ng kan’yang kalooban ay hindi rin nagtagal ng makatanggap ng tawag mula sa kan’yang nakakatandang kapatid na si Cindy. Pinapauwi siya nito.

Minsan na siyang umuwi sa pamilya nang makabalik siya ng Pilipinas, ngunit hindi n’ya sinabi dito na nagpakasal na siya dahil alam n’yang papagalitan lamang siya kapag nalaman na pagpapanggap lang iyon, kaya bago umalis ay hinubad n’ya ang singsing.

“I called for a family meeting because I want you to prepare yourselves. Lubog na sa utang ang negosyo. We don’t have any means to save our business.” Ang balitang iyon ng ama ang dumagdag pa sa problemang iniisip ni Cianne. Buong akala n’ya ay maganda ang takbo ng negosyo nilang medical supplies iyon pala ay ilang taon nang mahina ang sales nito.

Wala siyang ibang nagawa kun’di yakapin ang balisang ama. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito na hindi n’ya man lang napansin dahil naging abala s’ya sa ibang bagay.

“Look what you’ve done,” matigas na sabi ni Cindy sa kan’ya nang umalis na ang ama sa library room.

Nangunot ang kan’yang noo, hindi maintindihan kung ano ang tinutukoy ng kapatid.

“Christine and I had projected that this would happen if our business did not upgrade its system. We made a proposal, but the business’s budget at that time was too tight that we needed to use our family savings, pero ano’ng ginawa mo? Nagpumilit ka kay Dad na sa ibang bansa mag-aral. Sinabihan ka na niya na papayagan ka lang n’ya if you’ll secure a scholarship, na hindi mo sinikap makuha. All you think that dad is rich, dad has money. All you think is yourself. Ginalaw ni Dad ang savings just to sent you to a prestige school in America. Hindi natuloy ang proposal namin dahil walang budget. And now, pumunta ka lang dito para makibalita na mawawala na ang negosyong mula pa sa mga magulang ni daddy.”

Kitang-kita n’ya ang nag-aapoy na galit sa mata ni Cindy.

“I didn’t know,” mahina niyang sabi habang pilit na tinitiis ang luha.

“Of course, because you’re only focus on yourself. Sarili mo lang ang nakikita mo,” sagot ni Cindy, na hindi niya magawang salubungin ang matalim na mga tingin.

“You’re useless, Cianne. Hindi ko nga alam bakit ko pa sinunod si Dad na papuntahin ka dito,” dagdag ng isa niya pa’ng nakakatandang kapatid na si Christine.

Bumaling s’ya sa ina, animo’y humihingi ng tulong.

“Cindy, Christine tama na ‘yan.” Sa kabila nang pagsaway ng kan’yang ina sa mga kapatid, hindi man lang siya nito binigyan nang nakakaunawang tingin.

“Mom.” Para s’yang bata na nakagawa ng kasalanan at tinatantya ang ina kung galit ba o hindi.

“Grow up Cianne. Save the company or lose your dad,” ani kan’yang ina na pagkatapos ay tuluyan na din lumabas ng library kasama ang mga kapatid niya. Naiwan s’yang mag-isa at doon na tuluyang bumuhos ang kan’yang mga luha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status