Limang taon ang nakakalipas sinet-up si Althea ng kanyang step-sister at ng kaibigan nito para mawala ang kanyang pagkababae. Pagkalipas ng limang taong pagtira sa Paris ni Althea ay sa wakas bumalik na siya ulit sa Pilipinas kasama ang kanyang lalakeng anak. Hindi niya lang aakalain na sa pagbabalik niya ay mayroong mag-aalok ng kasal sa kanya upang makabayad sa kanya. Ngunit tinanggihan niya ito, hindi niya kailangan magpakasal sa lalake. Kaya niyang palakihin mag-isa ang kanyang anak at hindi nito mababayaran ang buhay ng kanyang ina na nawala sa pagpapakasal lang. Ngunit mapaglaro ang tadhana, ang nag-alok ng kasal sa kanya ay kanya na ngayong amo sa kumpanyang kanyang pinapasukan. At tila ba gusto nitong makipagkunsaba sa kanyang anak upang mapapayag siya sa kasal na inaalok nito. "Gusto mo ba maghanap ng ama?"
View MoreKabanata 13Habang nakikinig sa walang tigil na reklamo ni Annie ay patuloy na tumitingin sa oras si Trixie. Dahil may appointment siya para sa beauty treatment sa hapon. Upang makuha ang puso ni Sebastian patuloy siyang magsisikap na maging maganda at mayroon pang balak na magpa-opera ng kanyang mukha at katawan.Dahil alam niyang siya ay napakaordinaryong babae lamang kaya nga lagi niyang ginagaya kung ano man ang itsura o suotin ni Althea noon kahit na mga bata pa lamang sila. Ngunit mas nakakangat talaga ng kagandahan sa kanya si Althea. At kung makita nia lalo ngayon si Althea ay baka mas lalo itong maiingit.Tatlong araw ang lumipas, alas singko ng umaga.Biglang nagkaroon ng bangungot si Trixie. Napanaginipan niya na si Altha ay pumunta upang hanapin siya at nakilala siya ni Sebastian. Walang awang itinaboy siya mula sa kanyang villa at pinanood niya kung paano napunta kay Althea ang buhay na kanyang tinatamasa ngayon.."Ah...hindi." Umupo si Trixie sa takot, pawis na pawis. Na
Kabanata 12"Lolo, alam mo ba ang galing-galing ng mommy ko, ang kanyang disenyo ng alahas ay lumahok sa pambansang paligsahan ngayon." masayang kwento ni Noah sa kanyang lolo."Talaga apo? Ang galing! Noah, dadalhin ka ni lolo mamaya pagkatapos ng hapunan sama ka kay lolo para bumili ng regalo, kung anuman mang laruan ang gusto mo. Sabihin mo lang kay lolo kung ano ang gusto mo, ok?" Nakangiting sabi ni Federico sa kanyang apong si Noah."Opo! Salamat, lolo." Magalang na sinabi ng bata.Hindi inasahan ni Althea na magugustuhan ng kanyang ama ang kanyang anak ng labis. Anuman ang mangyari, labis pa rin siyang nasisiyahan.Si Susan at Annie ay tumingin sa batang ito at lalong naiinis. Napakabata pa niya, pero napaka-makapal ng mukha. Iyan ang nasa isip nila.Pagkatapos ng hapunan ay umalis sila ng anak niya at sumasakay sa kotse ng kanyang ama at diretso silang pumunta sa kalapit na mall. Si Federico ay malugod na bumili ng mga regalo para sa kanyang apo. Binayaran niya ang mga robot a
Kabanata 11Alam ni Federico na may masamang relasyon sila noon at mapaghanggang ngayon ay hindi pa rin sila magkasundo. Pinuntahan niya si Susan saka siya kinausap."Ngayon lang bumalik sina Althea at ng kanyang anak. Hindi mo na kailangang magsalita ng masama. Sana naman ay magkasundo na kayo ngayon." Ngunit bago pa makasagot si Susan sa kanyang asawa ay may narinig silang nagsalita."Ma, kaninong anak ang karga ni papa?" biglang tanong ni Annie na ngayon ay nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay at nakatunghay sa kanila. Nang makita niyang may hawak na bata ang kanyang ama, hindi niya mapigilang maging mausisa."Ano'ng ibig mong sabihin na kanino? Anak ito ng kapatid mo na ipinanganak sa ibang bansa." sabi ni Susan sa masamang tono.Nanlaki ang mga mata ni Althea, "Ano?" Bumaba siya at tumingin kay Althea, "Hindi mo man lang ako tinawagan nang manganak ka. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?""Annie, paano mo naman nasabi 'yan? Si Noah ay pamilya rin natin. Hindi mo siya pwed
Kabanata 10"Ma, talaga bang pupunta si Althea dito sa ating bahay para sumalo sa hapunan?" nagmamadaling pumasok si Annie mula sa labas ng pinto at nagtanong nang galit.“Pinilit siya ng iyong papa na maghapunan dito at wala naman akong magawa doon,” sagot sa kanya ng kanyang ina na si Susan."Limang taon na ang lumipas, at hindi ko alam kung ano na nga ba ang kanyang kalagayan." Nagsimangot at naghuhumindig si Annie sa sobrang inis ng malaman niya na muling magbabalik sa kanilang bahay si Althea."Ano bang magagawa niya? Pinalayas siya noong 19 anyos pa lang at hindi pa natapos ang kolehiyo. Sa tingin ko, hindi maganda ang kalagayan niya, kaya gusto niyang umuwi at kunin ang ari-arian ng pamilya." Umusok sa galit si Susan ngayon ngunit agad din siyang napangisi dahil ang iniisip niya ay nagging mahirap ng todo ng buhay ni Althea nitong nakalipas na limang taon.Ganoon kadumi ang kanyang kaisipan."Ma, hindi mo siya puwedeng payagang kunin iyon. Lahat ng pag-aari ni papa ay akin lama
Kabanata 9Sa opisina ni Sebastian… Si Sebastian ay nakaupo nang elegante sa kanyang upuan, nakikinig sa ulat ng trabaho ng kanyang secretary sa tabi niya. "Pakisiyasat ang impormasyon tungkol sa ama ng anak ni Althea para sa akin." Hindi niya mapapaamo ng mga materyal na bagay si Althea, kaya't kailangan niyang magsimula sa ibang aspeto. "Okay boss." Agad na kinuha ni Kent ang folder upang suriin ito.Sa sandaling ito, tumunog ang cellphone ni Sebastian, kinuha niya ito at nakita na si Trixie ang tumatawag. "Hello!" sagot niya nang pinakamasinsin. "Seb, abala ka ba sa trabaho? Pwede ba akong makasama sa hapunan mo mamaya?" "Sige, mag-book ako ng restaurant." sumang-ayon si Sebastian sa sinabi ni Trixie."Salamat,maghihintay ako na sunduin mo ako." Masaya at excited si Trixie sa kabilang linya. "Okay." Ipinatay ni Sebastian ang telepono, at ang mukha ni Trixie ay lumitaw sa kanyang isipan. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya maramdaman ang kahit anong bakas ng hininga ng gab
Kabanata 8Agad na umubo si Mae at sinabi, "Sige, ang tema ng ating meeting ngayon ay ang paglalabanan ang ating paglahok sa kumpetisyong ito. Una sa lahat, binabati ko ang dalawang napiling designer, sina Anya at Althea."Tumingala si Althea at nasilayan ang mapang-akit na mga mata ni Anya. Kung mananalo siya sa award na ito, magkakaroon ng malaking bonus ang kumpanya. Ito ay isang kumpetisyon ng mga interes.Agad na sinuri ni Mae ang sitwasyon ng kumpetisyong ito. Bilang isang batikang direktor, napaka-kumpiyansa niya sa kanyang trabaho.Si Althea ay nakatitig sa mesa, at bigla niyang naramdaman na may isang tingin na nakatitig sa kanya. Batay sa direksyon, si Sebastian ito nang walang duda.Wala bang ibang ginagawa ang lalaking ito? Bakit siya tinititigan buong araw? Kaya naman hindi maiwasan ng mga katrabaho niya ang pag-iisip ng hindi maganda dahil na din sa kilos ni Sebastian.Sinakripisyo ng ina ni Althea ang kanyang sariling buhay para sa kanya. Sa totoo lang, ayaw na ayaw niy
Kabanata 7Pagsapit ng umaga ay hinanda na nga ni Althea ang kanyang anak upang pumasok sa paaralan. Pagkatapos ihatid ang kanyang anak, sumakay ng taxi si Althea papunta sa kumpanya. Ang Pavilion ay matatagpuan sa isang walong-palapag na gusali sa sentro ng lungsod, at medyo hindi kapansin-pansin kumpara sa mga matataas na gusali sa tabi nito.Gayunpaman, ang brand na ito ay nakakuha ng tiyak na antas ng kasikatan sa Pilipinas Ngayon na nakuha na ito ng QR, ang halaga nito sa merkado ay lalo pang tumaas. Bukod dito, sa susunod na buwan ay inanyayahan ang Pavilion na lumahok sa isang lokal na palabas ng alahas.Bumaba si Althea mula sa taxi na kanyang sinakyan. Dahil medyo nahuli siya sa pagbili ng almusal, kinakain niya ang tinapay sa kanyang kamay habang binabayaran ang pamasahe ng taxi at mabilis na naglakad patungo sa lobby.Ang kanyang anak ay pumasok sa paaralan ng 8:30 at nagmamadali siyang pumasok sa trabaho ng 9:00 ng umaga. Hindi kasi siya pwede mahuli sa trabaho.Sa pintuan
Kabanata 6Sa mga oras na ito, si Annie ay nasa isang partikular na SA club. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang cellphone ay agad niyang gustong tawagan si Trixie upang sabihin dito ang kanyang nalaman mula sa kanyang ina.Nagsabwatan noon sina Annie at Trixie upang mawala ang pagkabirhen ni Althea at upang mapalayas siya sa mansyon ng mga Fuentes. At ng magtagumpay ang kanilang mga pala ay mula nga noon ay naging magkaibigan na silang dalawa, pero sa nakaraang dalawang linggo, hindi na siya gaanong tinatawagan ni Trixie na siyang kanyang pinagtataka at lagi na lang din sarado ang kanyang shop. Hindi rin niya alam kung ano nga ba ang ginagawa ni Triexie. Ngunit sasabihan niya pa rin ito ngayon dahil naging malaki rin naman ang ambag nito noon sa kanyang masamang plano kay Althea.Ilang saglit nga lang ay may sumagot na sa kabilang linya.“Napatawag ka Annie.”"Trixie, anong ginagawa mo kamakailan? Bakit mo isinara ang shop mo?""Oh! Ako... Gusto ko lang mag travel! Bakit? Ano ba ang
Kabanata 5Si Althea ang unang tumakbo palabas ng silid-pulong. Bumalik siya sa kanyang opisina, na may pakiramdam ng hindi komportable. Sa sandaling ito, may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. Lumingon siya at pumasok si Sebastian sa pinto."Miss Fuentes," agad na tumitig sa kanya. Talagang pinahihirapan siya. "Mayroon bang nangyari, Mr. Dela Torre?" Umupo si Althea sa upuan. Hindi siya nakipag-usap sa kanilang boss kahit kailan, at mukhang medyo hindi ito mapakali. Sebastian ay humugot ng upuan sa tapat ng kanyang mesa at umupo nang elegante. Ang kanyang malamig at marangal na aura ay tahimik na nahayag, at ang kanyang kaakit-akit na boses ay malamig at manipis, "Miss Fuentes, mag-usap tayo." "Trabaho ba ang pag-uusapan natin?" Itinaas ni Althea ang kanyang kilay at nagtanong."Dapat mong malaman na noong ako'y limang taong gulang, ako'y kinidnap. Ang iyong ina ang nagbuwis ng kanyang buhay para iligtas ako. Dahil dito, ang pamilyang Dela Torre ay nagpapasalamat at nais ka
Kabanata 1"Althea, pumunta ka dito at sagipin ako, pakiusap. Minomolestya nila ako dito sa club."Hindi na nga nag-atubili si Althea na puntahan ang kanyang matalik na kaibigan sa club na sinabi nito pagkatapos niyang marinig na nanganganib ang buhay nito.Room 808.Tiningala muna ni Althea ang pintuang parisukat at iyon nga ang numerong pinadala sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Maria. Nang walang sabi-sabi ay tnulak niya ang pintuan para iligtas ang tao.Pagbukas niya ng pinto ay nagdilim ang mga mata niya.Biglaan...Isang malakas na kamay ang biglang humawak sa kanyang pulso at hinila siya papasok, at padabog na sinara ang pinto."Ah... Sino ka at anong ginagawa mo?" sigaw ni Althes dahil sa lumukob na takot."Makisama ka na lang, hindi kita tratuhin ng hindi patas." Paos na sambit ng boses lalaki.Sa sumunod na segundo, si Althea ay inihagis sa malambot na upuam, at pagkatapos ay isang malakas na katawan ang dumagan sa kanya pababa."Hindi.." Nagpumiglas lang si Alth...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments