Si Liam at Lara, boss and employee in the same company na hindi nila kilala ang isa't-isa. Sa gabi ng kaarawan ni Liam ay binigyan siya ng kanyang mga kaibigan ng makakasama buong gabi ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, si Lara ang nadala sa kanya dahil lang sa isang pagkakamali. Lara got pregnant broke up by her boyfriend, pinalayas din siya ng pamilyang umampon sa kanya at walang mapuntahan. Liam was shocked nang makitang empleyado niya pala ang babaeng naka-one night stand niya at buntis ito. Hindi niya gustong tumakbo pero natatakot siyang ipagtapat dito kung sino siya.
View MoreGigil na sumusuntok sa pader si Jake habang nakasuot ng tuxedo. Si Daniel naman ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano mapipigilan ang kasal nina Mara at Liam. But it seems like it is hopeless, everything is ready, seremonya na lang ang kulang.PINUNTAHAN naman ni Liam si Mara sa dressing room na nakasuot ng wedding gown. Hindi niya maitatanggi na umaangat din ang exotic beauty nito. Kahit paano, sa kabila ng mga alinlangan at balisa ay nakuha pa rin niyang humanga sa taglay nitong ganda.“Napakaganda mo Mara.” Bahagya siyang ngumiti at lumapit kay Mara.“Salamat mahal ko, hindi na ako makapaghintay,” matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Mara.“Sige na maiwan na kita, magkita na lang tayo mamaya.”Handa na ang lahat, hinihintay na lang ang pagpasok ni Mara. Wala na nga sigurong magagawa ang magkapatid na Jake at Daniel para pigilan ang kasal. Ngunit eksakto naman ang pag-send ng video ng isa sa mga imbestigador. Agad na tinawagan ito ni Jake. Habang pumapasok sa altar si Mara,
Hindi na niya masagot si Mara dahil nakapagpabagabag sa kanya ang ikinuwento ni Jake. Paano kung totoo nga. Kapag nagkataon, napakalaking tanga niya at napakagagong lalaki. Kung makapagbintang siya kay Lara pero ang totoo siya pala ang nagdala ng kamalasan sa buhay nito. At ang batang si Nate na sinasabing anak nila, kawawa naman kapag nagkataon. Kaya napu-frustrate siyang hindi agad bumabalik ang kanyang alaala. Umiinom siya ng alak habang nagpapahangin sa terrace ng kanilang kwarto nang biglang may yumakap sa likod niya.“Mahal ko, gabi na bakit nandito ka pa rin?” masuyong tanong ni Mara.“Wala, gusto ko lang magpahangin.” Sa isang banda, nakokonsiyensiya siya sa pagtrato kay Mara. Ito ang pinagkatiwalaan at minahal niya pero hindi niya magawang maibigay ang kanyang sarili rito.“Halika na, matulog na tayo,” yaya ni Mara.Napangiti siya at hinalikan ito sa noo. Hinawakan ang mukha at hinalikan sa labi. Hanggang sa mag-alab ang mga halik na iyon. Kakaibang init ang naramdaman ng kan
Maagang dumating si Liam sa office. Ipinahatid na rin niya si Mara na sumama naman sa kanya. Maganda ang umaga para sa kanya, maganda ang sikat ng araw, katamtamang lamig ng hangin, at banayad na sikat ng araw. Naisip niyang pumunta sa pantry para sana magtimpla ng kape. Ayaw na niyang magpatimpla sa mga personnel doon dahil hindi niya gusto ang timpla nila.Namataan niya si Lara na papasok ng building, ni hindi na niya ito binati dahil wala naman na siyang pakialam dito matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng nakaraang araw. He hate the fact that she is like pushing herself unto him. Bahagya siyang napatawa sa isiping napakababa siguro nitong babae. Siguro patay na patay ito noon sa kanya. Napapangiwi lang siya habang minamasdan ito sa paglakad. Pero nasamid siya ng iniinom na kape nang makitang may lalaking nakasunod dito at inabutan ito ng kape na inorder pa sa coffee shop.Biglang nagsikip ang kanyang paghinga habang tinitingnan ang mga ito sa dingding na salamin. Masaya si
“Who’s that woman?” interesadong tanong ni Clark. Napapikit naman si Jordan dahil kilala niya ang kaibigan. Matino naman itong lalaki at matindi din makagusto sa isang babae. Wala naman sanang problema kaya lang komplikado ang kalagayan ni Lara. Knowing that she is the ex-wife of Liam na kakilala din naman nila ni Clark. “Hay… huwag mong pakialaman ang babaeng iyon, dahil sasakit lang ito at ito.” Itinuro niya ang sentido nito at puso. “What do you mean?” “Kilala kita Clark Manson, isang tingin mo pa lang sa babae nababasa ko na agad ang laman ng isip mo.” Nagsalin muna si Jordan ng kaunting alak sa baso at saka ibinigay kay Clark. Ikinuwento niya ang buong pangyayari patungkol kina Lara at Liam. “Hmmm… interesting,” tugon ni Clark. Kinakabahan si Jordan sa maikling sagot ni Clark. Pakiramdam niya tinamaan ito ng matindi kay Lara. “Sayang, kukumustahin ko pa naman sana si Liam pero ganon na pala ang kalagayan niya ngayon. I feel bad for her ex-wife kung bakit kahit kon
Nakakatawa, halos matawa si Lara sa sobrang pagkadismaya. Sinisi niya tuloy ang sarili kung bakit hindi pa siya tuluyang naghain noon ng divorce. Siraulo kasing Jordan na iyon na binigyan pa siya ng lakas ng loob na ipaglaban si Liam kaya heto at siya ang naunahan sa divorce. Hawak na niya sa kanyang mga kamay ang divorce paper na patunay na hiwalay na sila ni Liam. Narinig din niya na biglang naging abala sa mansion dahil sa madaliang pag-aasikaso ng kasal nila Liam at Mara.Kasabay niyon ang mga kaabalahan sa kumpanya na lagi na lang may patawag ng meeting sa mga shareholders at board member para sa isang project proposal na kanilang itatayo. Kaya hindi maiwasang magkita pa rin sila ni Liam kahit anong iwas ang gawin niya. Halos sunud-sunod na meeting na halos hindi na niya maiwan si Nate. Wala siyang choice kundi isama ito sa office.“Nate I want you to behave okay, stay inside papa Jordan’s office and wait for me. Is that clear.” Napansin niya ang pagsimangot ni Nate. Malungkot it
Nagtataka si Lara kung bakit napakaaga e may kumakatok na agad sa pintuan niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Jordan naman iyon, imposible dahil pumunta ito kina Dalia para asikasuhin ang kasal nila.Si Nate na ang nagbukas ng pinto at nagtaka talaga siya nang makita sina Daniel at Jake kasama ang mga asawa’t mga anak. Hindi naman magkamayaw ang mga pinsan ni Nate na tumakbo para yakapin siya.“Hey, what brings you here,” nagtataka ngunit nakangiting bati niya.“We missed you Lara,” tanging nasambit ni Abby na asawa ni Jake. Ganon din ang sinabi ng asawa ni Daniel.Halos hindi magkamayaw ang mga anak nila sa paglalaro. Pati silang mga babae ay nagtulung-tulong na para magluto.“So, ready na ba kayo sa kasal ni Jake,” excited na panimula ni Jake.“Oo naman, I’m starting to pick a dress,” tugon ni Abby.“And you Lara?” baling ni Jake kay Lara.Natahimik si Lara dahil alam niyang hindi mawawala doon si Liam at Mara.“Don’t tell me na nagdadalawang-isip ka?” dugsong ni Dani
“Ano, susuko ka na ba agad? Sa dami ng pinagdaanan nyo susuko ka na?”Tama si Jordan sa kanyang sinasabi, pero ano ba ang magagawa ni Lara kung sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ni Liam.“Jordan, ang sakit na hindi ko na kaya.” Patuloy siyang humagulgol.“Alam ko, pero alam mo din na walang maalala si Liam. Paano kung bigla ka niyang maalala?”“What should I do?” nalilitong tanong ni Lara.“Lumaban ka,” maigting na utos ni Jordan.MULA SA pagkakapikit ng mga mata, agad na hinagilap ni Liam ang mga kamay na nakahawak sa kanyang braso habang nakahiga sa kanyang kama. Muli niyang naramdaman ang sakit ng ulo kasama ng takot na naiipon sa kanyang dibdib. Sa tuwing makakatulog na lamang siya ay iisang panaginip lang ang laman ng kanyang isip. Ang madilim na kweba kung saan nakapiring ang kanyang mga mata na sa tuwing magkakamalay siya ay may bigla na lang hahampas sa kanyang ulo. Matinding trauma ang inihatid ng panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung totoo
Kung kanina lang pinalugmok siya ng mga kapatid ni Dalia, ngayon naman nakaupo na siya sa sala. Mataman siyang tinititigan ng mga kapatid nito, habang ginagamot ni Lara ang labing pumutok dahil sa suntok.“Hindi na kayo nahiya, ang tanda n’yo na para sa kalokohang ito! Hanggang ngayon ganyan n’yo pa rin siyang itrato!” sermon ng nanay ni Dalia.Habang si Dalia naman ay nagpapatulog ng anak.“I’m sorry po, pumunta po ako dito para humingi ng tawad kay Dalia, nang sa gayon ay maging mapayapa na rin kami, kahit magkalayo kami ngayon,” paliwanag ni Jordan habang nakahawak sa sikmura. Sarkastikong tumawa ang mga kuya ni Dalia.“Gago ka pala talaga,” bulong ng isang kuya ni Dalia.“Tumigil ka na!” sawata naman ng tatay ni Dalia. “Ang mabuti pa ay maiwan namin kayong dalawa para mag-usap.”PAIMPIT na tumutulo ang luha ni Dalia. Ikinubli niya ang sarili at itinuon na lang sa anak ang atensiyon“Dalia, I’m sorry,” pasimula ni Jordan.“Sige, makakaalis ka na,” mapait na tugon niya kay Jordan.
She can’t hardly breathe matapos na iwan si Liam. Nahawakan niya ang dibdib at itinuon ang isang kamay sa pader. Kasunod ang pagtulo ng mga mumunting luha. Ang mga mata ng kanyang asawa, wala nang pagmamahal na maaaninag kundi galit.“Liam, asawa ko, ano na bang nangyari sayo?” She almost scream from the thought that she is an enemy to him. Nakita niya sa mga mata nito ang matinding galit.MALALIM na nag-iisip si Jake habang nakatingin kina Mara at Liam. Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan mula ng mapakinggan niya ang sinabi ng doktor. Hindi niya iniwan ang kapatid na mag-isa. Muli siyang ipinatawag ng doktor para kausapin.“Jake, I need to tell you something pero kung maaari ay tayo muna ang makakaalam,” seryosong paalala ng doktor ni Liam.“Yes Doc,” tugon ni Jake.“Jake, your brother’s amnesia isn’t caused by being drowned.” Tumigil saglit ang doktor sa pagsasalita bago muling magpatuloy. “He was possibly tortured.”Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Jake, umahon ang g
It’s 4 o’clock in the morning nagising si Liam at bahagyang napasimangot sa sakit ng ulo na naramdaman. Tila may halong drugs ang ipinainom sa kanya nila Donie at Albert. Naramdaman niyang mabigat ang kanyang braso na parang may nakaunan dito. Nilingon niya ang katabi sa kama at isa itong babaeng kapwa hubad din katulad niya. Bahagya siyang nagulat pero hindi na niya ikinabigla dahil alam niyang may nangyari sa kanila ng nakaraang gabi. He admitted that it was an amazing night, sa tanang buhay niya mula nang tragic break up nila ng kanyang ex-fiancee. Tinitigan niya ito at kinunan ng litrato para naman kahit paano may souvenir siya sa Stacy na ‘to. “Stacy, yes, Stacy is her name,” naibulong niya sa hangin. Ayon kay Donie isa itong anak ng isang mayamang negosyante na patay na patay sa kanya. Kaya naman ito ang iniregalo nila sa kanyang 35th birthday at 5 years of setting his self free from pain. For him, it’s not bad at all. Kakaiba ang babaeng ito, kahit isang one night stand lang...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments