“SIR congrats po,” bati ng doktor kay Billy.
“Hay! Hindi ako ang tatay noh, kadiri,” tanggi ni Billy. Hindi makagalaw si Lara sa pagkakaupo, inakay na lang siya ni Billy palabas ng clinic. “Girl buntis ka, kaya pala. Naku congrats kay Eric kahit di ko pa siya nakikita.” Nilingon lang niya si Billy habang tuliro na naglalakad. “Huy girl ano okay ka lang?” Biglang tumulo ang kanyang luha at buong pait na umiyak. Buntis siya pero hindi si Eric ang ama at ang ama ay walang iba kundi ang lalaki iyon na hindi niya man lang kilala. Iniwan niya si Billy at tinungo ang Empress hotel, hinanap niya si Wendell ang waiter na nakilala niya. Nagtanong siya sa guard pero hindi siya agad pinapasok. Paano masyadong agresibo ang kanyang kilos kaya napagkamalan siyang wala sa sarili at malapit na nga siyang mawala sa sarili. Naniniwala siyang matutulungan siya ni Wendell. Pero hindi siya pinapasok sa loob kaya naghintay siya sa labas at umupo sa gutter. Nalilito habang umiiyak. Natanaw niya sa malayo si Wendell at hindi siya nag-aksaya ng oras para kausapin ito. “Wendell,” tawag niya dito. Hindi naman siya nabigo sapagkat nakangitl itong sumagot sa kanya. “Good evening po Mam,” waring hindi siya nito nakikilala. “Hindi mo ba ako natatandaan?” Napaisip ang waiter ng sandali. “Ah kayo po yung naka-yellow ng gabing maulan.” Nakakita siya ng pag-asa sa tinuran ni Wendell, nakikilala na siya nito. “Ahm may itatanong sana ako sayo,” medyo tensiyonado niyang pakiusap. “Sige po Mam ano po ba iyon?” “Nakita mo ba kung sino ang kasama ko ng gabing iyon, at saang kwarto ako pumasok? Medyo lasing kasi ako noon e kaya hindi ko maalala.” Medyo kumamot sa batok si Wendell, “Naku mam masyado pong personal yung tanong ninyo, at saka wala po akong alam kung sino ang nakasama ninyo ng gabing iyon, pasensiya na po.” Napanghinaan ng loob si Lara sa narinig, totoo ang sinabi nito hindi naman talaga dapat itanong ang ganong klase ng tanong. “Sige po Mam maiwan ko na po kayo male-late na po ako sa shift ko e.” Pinakawalan na niya si Wendell. Nilakad niya ang daan na iyon at ang kahabaan ng bridge na punung- puno ng pag-aalala. Mabigat na problema ang kinahaharap niya ngayon. Buntis siya at hindi niya nakilala ang ama ng kanyang magiging anak. Paano na ano na ang gagawin niya? Hinawakan niya ang phone at nag-type ng message para kay Eric. Tapusin na natin ang ating relasyon. Pagkatapos niyang i-send ay pinatay na niya ang phone ayaw na muna niyang makipag-usap. Sa ngayon nagpaalam sa kanya si Eric na pupunta siya sa isang business trip kaya malamang na nasa out of town pa ito ngayon. Kahit pa nga ganoon ang sitwasyon ay pinilit muna niya ang sarili na magtrabaho dahil wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili. Pinuntahan siya ni Billy para kausapin ng sarilinan. “Kumusta na?” Nilingon niya lang si Billy. “Nakausap mo na ba si Eric?” Hindi pa rin siya umiimik. “Heto nga pala kailangan na iyan ni Sir ngayon,” hard copy na kailangan niya ulit i-book-bind. “Okay,” matamlay niyang sagot. Kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pilit na lang niyang inaayos ang trabaho. Pero wala na yung ganda at artistic na hinahangaan ng lahat pati ng boss niya. Balita niya galit na ito sa mga outcome ng trabaho niya. “SUZY tapos na bang iprint yung presentation na pag-uusapan mamaya ng board?” atubiling tanong ni Liam. “Naku Sir hindi pa po nagagawa ni Miss Bernal.” Parang umakyat sa ulo ang init ng galit na naramdaman niya. Bakit ba parang iresponsable na ang empleyado na iyon. Mukhang hindi na nito siniseryoso at pinahahalagahan ang trabaho niya. “Balaan mo siya na last chance na niya ito ngayon kapag hindi pa siya nagbago I will fire her!” “Ay! Opo Sir,” nabitiwan ni Suzy ang hawak na ballpen sa sobrang gulat nang sumigaw si Liam. Ilang araw na niyang naririnig na sumisigaw si Mr. Legaspi na dati naman ay malumanay lang ito. Mukhang nagagalit na talaga ito kay Miss Bernal. Naabutan ni Suzy na nakasandal sa upuan si Lara at tulog, lalong nag-alala ito. Lumipas na ang thirty minutes kaya agad na siyang tinawagan ni Mr. Legaspi. “Tell that clerk that I’m gonna talk to her later. Kukumprontahin ko na siya sa katamaran niya. Umakyat ka na dito at nagsisismula na ang meeting!” “Yes Sir.” KITA ni Billy kung gaano nahihirapan si Lara sa paglilihi niya. Parang habang tumatakbo ang araw ay pahirap ng pahirap. Halos hindi na ito makakain at laging nagsusuka. Nag-aalala din siya na baka sisantehin na rin siya ni Mr. Legaspi. Ayan na nga dumating na ang Boss nila at si Lara tulog pa rin na naka-subsob sa desk. Galit na dumating si Mr. Legaspi. Ito pa naman ang unang pagkakataon sa loob ng mahabang taon na dalawin sila ni Mr. Legaspi at makita ang buong team ng clergy. “Where is Miss Bernal!” pasigaw na tanong ni Liam. Si Lara hindi pa rin nagigising habang ang mga kasamahan niya ay nanginginig na sa takot. “Anong klase kayong empleyado ni hindi n’yo man lang pinaalalahanan ang kasamahan ninyo!” “Nako sino ba yan ang ingay-ingay, wag kang maingay,” saway ni Lara na walang kaalam-alam sa nangyayari at kung sino ang nasa harapan niya. “Miss Bernal can you please stand and wake up!” “Hayyy sino ka ba ang ingay mo,” hindi pa rin siya tumatayo at gumigising. Hindi na nakatiis si Billy, nilapitan na niya ito at binulungan. “Lara nandito si Boss.” Parang biglang nawala ang antok niya at umahon ang kaba sa kanyang dibdib at walang anu-anoy tumayo. Nabigla siya kaya muntik siyang matumba. Nakaalalay naman si Billy sa kanyang likod. Lahat sila ay natahimik sa reaksiyon ni Mr. Legaspi. Sinisisi ni Lara ang sarili dahil alam niyang siya ang dahilan ng galit ng kanilang Boss at dahil doon madadamay pa yata ang buo nilang team. Sa gitna ng katahimikan, nilakasan niya ang loob na humingi ng sorry baka sakaling mapawi ang galit ni Mr. Legaspi.“Sir, I’m sorry po hindi ko alam na kayo pala iyan.”Pakiramdam ni Liam parang tumitigil ang kanyang paghinga ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Para siyang napako sa pagkakatayo na nakatitig lang sa kanya at nakita ng lahat ang pagkabigla niya. Siya iyon si Nightbird. Samantalang si Miss Bernal ay nakatungo at hindi makuhang tumingin sa kanya.Maya-maya ay sumimangot ito at waring hindi nagustuhan ang naamoy at nagsimulang maduwal kaya hindi niya napigil tumakbo papuntang CR. “A-anong, a---anong nangyayari sa kanya?” halos mabulol siya sa pagsasalita. “Naku Sir pasensiya ka na po talaga ako na ang nakikiusap. Buntis po kasi siya kaya hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya,” paliwanag ni Billy. Hindi na siya nakakilos ni makapagsalita. Paano niya malilimutan ang mukha ng babaeng tinitigan niya ng umagang magising siya at ng mga gabing tinititigan ito sa cellphone bago matulog. Siya iyon, si Nightbird. LUMABAS si Lara sa CR at inaasahan na ang katapusan na ni
“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay. “Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.”“Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.”“No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!”“Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya.
DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya. “Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya. Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand. “Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya. “Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid. "Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya. "Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mg
NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel. “Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?”Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat. “Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.”“Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya. Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong. Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good. Napansin naman iyon ni Lara. “I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.”Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya. “Anyway, I don’t mind if you cover your nose.”“Thank you Sir,” naiilang niyang sagot. “By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka
WALA pa ring notification letter na dumarating mula kay Mr. Legaspi tungkol sa kanyang pagre-resign. Palaisipan sa kanya ang dahilan. Baka naman naaawa lang sa kanya dahil sa kanyang kalagayan lalo at nasaksihan nito ang pag-aaway nila ng boyfriend niya. Pero hindi siya umaasa baka bumubwelo ito o kaya busy sa work. Kaya itinuloy na lang niya ang trabaho kahit hindi niya ito magawa ng maayos. Kahit paano gusto niyang magpasalamat kay Mr. Legaspi sa pagpapakita nito ng kagandahang loob. Nagpadala din ito ng mga prutas na pwede niyang kainin anytime na magcrave siya. Nang uwian na nakita niya si Eric sa labas ng building at nilapitan siya nito. Matino na ang kalagayan ngunit nakaramdam siya ng matinding takot dito. “Lara pwede ba tayong mag-usap?”“Hindi ako pwede nagmamadali ako,” malamig na tugon niya. Pinigilan siya ni Eric at nakiusap ito na mag-usap muli sila. Kahit paano nakaramdam pa rin siya ng awa kay Eric kaya pinagbjgyan niya ito. “Sige mag-usap tayo pero binigyan kita
DAMA pa rin ni Liam ang galit at bigat ng dibdib sa nakaraang pangyayari. Halos hindi makabangon ang kanyang katawan kahit gusto ng kanyang isipan. Gusto niyang pumasok ng maaga para makita kaagad si Miss Bernal pero talagang hindi kaya ng kanyang katawan. Tinawagan niya si Suzy para itanong kung pumasok na si Miss Bernal at ang sagot nito ay oo. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag. “Liam you look horrible,” puna ng lola niya nang makaharap ang mga ito sa dining table. “Huh?” tiningnan niya ang sarili sa salamin at tama nga ang lola niya. “Liam magkaliwanagan nga tayo apo ano ba talaga ang nangyayari sayo? Mukhang hindi na normal ang mga ikinikilos mo ng mga nakaraang araw.”Natatawa lang sina Jake at Daniel. “Wala ito lola don’t worry,” paliwanag niya. Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa. “Kayong dalawa may alam ba kayo?” pangungulit ni Donya Leonora. “Sasabihin ko ba kuya Liam?” panunukso ni Jake. “No! Don’t you dare,” may mapanghamon na tingin ang ipinukol niya kay Jake.
SIMULA noon madalas nang dinadaanan ni Liam si Lara at kinukumusta. Maayos na rin ang kalagayan nito at hindi na mukhang balisa. Nagtataka siya isang umaga kung bakit ang lahat ng empleyado ng Legaspi Construction Company ay umaakyat sa function hall. Bumabati na lang ang mga ito kapag nakikita siya. Sinalubong niya si Suzy para alamin ang dahilan, “Suzy what’s goin’ on?”“Sir nag-surprise visit po si Donya Leonora.”“What!? “ napasigaw siya sa pagkakagulat. Dali-dali siyang sumakay sa elevator para tumungo sa function hall. Kailangan niyang mapigilan ang anumang pwedeng gawin ng lola niya. Alam niyang gagawin nito ang lahat makita lang si Miss Bernal, and what he is scared of ay masabi ng lola niya ang totoo kay Miss Bernal. Eksakto naabutan niyang tumatawa ito na nakikipag-usap sa mga empleyado. Kumalma ang kanyang pakiramdam at ang sunod na hinagilap ng kanyang mga mata ay si Miss Bernal. Nakita niya ito sa kasamahan ng mga nakapalibot kay Donya Leonora. “Oh no,” pag-aalala niya
MAY kakaibang kilig ang hatid ng mga sandaling kausap niya si Mr. Legaspi. Ngunit ginalitan niya ang sarili kasi hindi dapat lalo na sa kalagayan niya, asan na ang delikadesa niya. Pero napaka-gentleman talaga niya. Kaya pinili niyang umalis bago pa siya ma-hook sa look nito na talagang nakaka-inlove. “Miss Bernal.” Pinigilan siya ni Mr. Legaspi na lumabas. Binalingan niya ito kasabay ng kanyang dibdib na dumadagundong sa kaba. “Yes po Sir?”“I need you to do me a favor.”“Ano po iyon Sir?”“Pwede bang paki-edit ang file na nasa laptop ko? I need it tomorrow for a project proposal.”“Yes Sir.”Sa wakas makakapag-stay pa siya sa office ni Mr. Legaspi gusto niya kasi talaga ang amoy ng pabango niya. Gusto mo ba yung amoy baby kaya ba hindi mo ako pinahihirapan napapangiti niyang sabi sa isip. Umupo siya sa sofa at binuksan ang laptop, may password ito kaya tinanong niya si Mr. Legaspi kung ano password ng kanyang lap top. “Sir ano po ang password ninyo?”“Nightbird.”“Wow kakaiba
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H
Kalmado lang ang pakiramdam ni Jordan habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili. Inaayos niyang mabuti ang necktie at polo na suot maging ang itinerno niyang trouser. Semi formal attire makes him look like dashing and elegant. Maiba-iba naman sa lagi niyang porma na tight jeans, boots, and leather jacket.Kasabay niyon ay ang pagpapapraktis niya ng sasabihin at ipapaliwanag kay Mang Joe na nakasanayan na nilang tawaging Tatay Joe. Pati hand gesture, facial expressions, and voice tone ay sinisigurado niyang magiging convincing na talagang walang nangyari sa kanila ni Dalia.“Ayos, kaya ko ‘to,” kumbinsi niya sa sarili. Sumisipol pa siya at gwapung gwapo sa ayos niya when he suddenly realized that he looks like a fool.“Hey man, you look like a fool, bakit ba pinaghahandaan mong mabuti ang kalokohang ito?” kausap niya sa sarili.Muli ay inayos na lang niya ang sarili pero idinidikta ng kanyang isip na kailangan niyang paghandaan ang pagharap kina Tatay Joe, dahil kung hindi
“Pssst, Jordan,” impit na boses ni Dalia habang tinatawag ang pansin ni Jordan matapos umalis ng kanyang ama.Napalingon si Jordan sa isang mataas na kumpol ng halaman sa labas ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang tinig na nagmumula roon at nakita niya si Dalia na nakatago sa mga halaman.“Anong ginagawa mo d’yan?” nagtatakang tanong niya.“Jordan halika dito.” Hinila ni Dalia si Jordan.“Ano ba? Bakit kung makatago ka d’yan parang ang laki ng kasalanan natin?” angil niya.“Jordan, umalis ka muna dito, magtago ka, sa Manila o sa America o saang lupalop ng daigdig na hindi ka matutunton ng tatay ko at mga pasaway na kuya,” halos nauutal na utos ni Dalia.“Ha? Bakit ako magtatago, hoy wala akong kasalanan para magtago ha,” bulalas naman ni Jordan.Sinenyasan naman ito ni Dalia na manahimik at ibaba ang tono ng pagsasalita.“Oo na, alam ko naman ‘yon e, pwera na lang kung nagsasabi ka ng totoo.”“Woah!” sabay buga ng hangin sa kawalan. “Hoy Dalia, anong palagay mo sa ‘kin manyakis, manan
“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t