Share

Chapter 6

DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya.

“Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya.

Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand.

“Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya.

“Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid.

"Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya.

"Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid.

Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mga gamit ng gabing iyon. Nakiusap na lang siya na kinabukasan na umalis dahil masyado nang malalim ang gabi. Wala pa siyang naiisip na puntahan.

Now she has nothing but herself and the child in her womb. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak. Wala din siyang karapatang manatili sa bahay na iyon dahil ampon siya. Kahit ayaw ng mama niya wala din itong magawa dahil sa karamdaman nito. Hindi na ito pwedeng makipangatwiran at ipaglaban siya.

“Anak paano ka na niyan saan ka pupunta?”

“Hindi ko po alam Ma”

“Paano ang baby mo, sabi mo pipirmahan na ng boss mo ang resignation letter mo?”

At hindi na napigilan ng mama niya ang pag-iyak at niyakap siya.

“Hoy ampon umalis ka na dito at baka kung mapaano pa si mama.”

Lumabas na siya na dala ang ilang mahalagang gamit. Nag-check in muna siya sa isang mumurahing hotel. Pagkatapos ay nagpasya siyang pumasok para sa last day niya sa office. Sigurado namang malaki ang matatanggap niya pero alam niyang hindi iyon sasapat. Pagkatapos ng trabaho wala pa ring dumadating na notice from the office na tanggal na siya sa trabaho. Kaya minabuti muna niyang umalis at maglakad-lakad. Dumaan siya sa tapat ng Empress hotel at inalala ang mga nangyari doon na nagsilbing pasakit sa buhay niya. Hinawakan niya ang tiyan at hinaplos-haplos at kinausap ang sanggol na nasa sinapupunan.

“I’m sorry baby, hindi mo ito deserve pero pangako hindi kita pababayaan. Kung nakita ko lang sana ang kanyang mukha baka sakaling maipaglaban pa kita sa kanya. Pero hindi ko nakita e.” Muling umagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

MABILIS na nakakuha ng impormasyon si Arthur tungkol kay Miss Bernal kaya hindi na niya pinatagal pa ang panahon na ipaalam kay Liam ang nalaman niya. Agad niyang pinuntahan ito sa kanyang opisina at hindi na ito nagulat sa kanyang pagdating.

“Hey bro,” bati ni Arthur.

“Hey, ano na ang balita?”

“Magugulat ka sa ibabalita ko sayo.”

Nakadama ng kakaibang kaba si Liam.

“Okay then tell me.”

“Miss Bernal is not a biological daughter kaya nang malaman ng kumukupkop sa kanya na buntis siya pinalayas nila siya.”

Napapikit si Liam at humugot ng malalim na hininga.

“And the baby she is carrying is not his boyfriend’s child.”

Again umahon ang matinding kaba sa kanyang dibdib at parang kinakapos siya ng paghinga kaya napatayo siya sa pagkakaupo upang kumuha ng tubig at inumin ito. Nahubad niya ang suot na coat at niluwagan ang butones ng kanyang polo. Kaya pala ganon na lang nito tratuhin si Miss Bernal.

“The baby was a product of one night stand that happened on the night of their third year anniversary,” pagpapatuloy ni Arthur.

“S’an mo nakuha ang information na iyan?”

“Sa mismong bibig ng boyfriend niya.”

Kinaibigan ni Arthur si Eric habang sinusundan niya ang kilos nito. Sinamantala niya ang gabing nag-iinom ito dahil sa sama ng loob kaya madali siyang nakakuha ng impormasyon.

Halos habol hininga si Liam sa kanyang nalaman. It is his child sigurado na siya walang duda mula sa impormasyon na ibinigay ni Arthur sa kanya.

“Okay ka lang ba Liam?”Napansin ni Arthur ang kakaibang kilos niya. “Gusto mo bang ipahanap kung sino ang nakabuntis sa kanya?”

“No! No, no, it’s okay, tapos na na ang trabaho mo.”

“Alright salamat, aalis na ako, siya nga pala ang huling information ko sayo ay wala na siyang matitirahan ngayon at nagrent muna siya ng isang room sa hotel malapit sa kanilang tinitirahan at sa mga oras na ito nandoon siya sa harapan ng Empress hotel nakatambay.”

“Sige salamat Arthur.”

Nagmamadaling kinuha niya ang car keys at walang gatol na lumabas ng office para puntahan si Miss Bernal.

Naipit pa siya ng traffic pero patuloy siyang binibigyan ni Arthur ng information dahil kasalukuyang nakamasid pa rin ito kay Miss Bernal para mabantayan niya ang location nito sa pamamagitan ng iba pa nitong mga tauhan. The last words that Arthur said is that she is crying so hard.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status