Share

Chapter 7

NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel.

“Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?”

Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat.

“Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.”

“Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya.

Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong.

Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good.

Napansin naman iyon ni Lara.

“I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.”

Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya.

“Anyway, I don’t mind if you cover your nose.”

“Thank you Sir,” naiilang niyang sagot.

“By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka gusto mo akong sabayan tutal nagkita na rin lang tayo.”

Gusto sana niyang tumanggi pero ang totoo kumakalam na ang kanyang sikmura at hindi na siya makapaghihintay pa ng ilang sandali.

“Ahm nakakahiya naman po Sir.”

“No, you don't have to, please I insist you to join me for dinner. What do you want to eat?”

“Pork barbecue grill po Sir,” hindi na siya nahiya dahil nagke-crave talaga siya ngayon ng barbecue at kailangan niyang makain yun, kung hindi ay mahihirapan talaga siya sa buong magdamag.

Dinala siya ni Mr. Legaspi sa isang special barbecue place kung saan talagang naglaway siya sa amoy pa lang. Nawala ang hiya niya kahit kaharap pa niya ang CEO ng Legaspi Construction Company.

Medyo naasiwa si Liam sa pagkain ni Miss Bernal ng barbecue grill with mayonaise. Pero ganoon siguro ang craving ng mga naglilihi. Pagkatapos ay inihatid niya ito sa hotel kung saan pansamantalang tumutuloy.

ISANG oras pa ang lumipas bago siya tuluyang umuwi, hindi niya agad makuhang umalis para iwanan si Miss Bernal kahit hindi pa siya masyadong sigurado na siya nga ang ama ng dinadala nito. Ang pinanghahawakan pa lang niya ay ang second person’s statement. But he assumed na kanya nga iyon.

Pagakauwi niya ng mansion agad siyang nag-message kina Donie, Albert, at Daniel at ganito ang sinabi niya.

We have a serious problem about Nightbird I need to talk to you tomorrow you must be there in my office.

Si Daniel agad ang unang nagtanong sa kanya dahil nagkita sila sa mansion doon din pala ito natulog kasama ang asawa at mga anak. Dumating din ng umagang iyon sina Donie at Albert na hindi makatiis.

“Oh my, hindi talaga makapaghintay, ang sabi ko sa office di ba.”

“E pwede naman dito e, makiki-breakfast na rin kami,” tugon ni Donie.

Eksakto pa ang pagdating ni Jake, isa rin sa kanyang kapatid na ubod ng kulit. “O bakit nandito kayo?” lumapit ito kina Donie at Albert para mag-fist bomb.

“E may urgent na patawag si Boss,” pagbibiro ni Donie.

Nagpakawala ng hininga si Liam, “You guys are amazing.”

“And what is the agenda?” curious na tanong ni Jake.

“Hay naku itong si Kuya nakabuntis ng Nightbird,” pahayag ni Daniel.

“Ano Nightbird as in ibon?” pag-uulit pa ni Jake.

“Hay ano ba kasi ang pag-uusapan natin tungkol kay Nightbird?” pangungulit naman ni Donie.

Tiningnan sila isa-isa ni Liam at tinatantiya ang mga magiging reaksiyon ng bawat kapag nalaman nilang si Nightbird ay isa sa mga empleyado niya.

Nag-usap sila sa library at siniguradong walang makakarinig na iba lalo na ang parents nila dahil hindi pa niya alam ang magiging epekto ng pangyayari sakaling malaman nila.

Natulala ang lahat sa kinuwento niya at hindi agad nakapagbigay ng reaksiyon. Hanggang sa matawa na lang si Jake.

“Are you serious, totoo ba yang kwento mo kuya o nangpa-prank ka lang?”

“I told you not to listen to kasi alam kong ganyan ang magiging reaksiyon mo,” napipikon niyang kastigo kay Jake.

Binato ni Daniel ng gusot na papel si Jake para matigil na ang pagtawa.

“He is serious about that story, Nightbird is real and she is pregnant right now at si kuya Liam ang ama. How can it be a prank?”

Tumigil si Jake at naging seryoso ang hitsura.

“Really?”

“Hay sabing oo nga di ba at kami nga ang may kasalanan ng lahat ng iyon,” paliwanag pa ni Donie.

“E pano yun, empleyado mo pa pala siya ano nang gagawin mo ngayon Liam?” tanong ni Albert.

“Hindi ko alam,” halos mabaliw siya sa kakaisip ng paraan.

“Kuya you should take care of her no matter what. Tandaan mo anak mo ang dinadala niya kahit medically you are not sure. Pero malaki ang posibilidad na anak mo iyon,” mariing paliwanag ni Daniel.

“At kasangkot tayo sa pagkakabuo ng batang iyon, well not really,” saad ni Donie.

“Kuya alisin mo siya sa hotel na iyon, delikado para sa kanya at saka sabi mo siraulo yung boyfriend niya baka hanapin at saktan niya ulit si Nightbird,” babala ni Jake.

May punto si Jake pero paano niya sisimulang pangalagaan sila e hindi nga niya alam kung saan magsisimula.

“Paano ba, I don’t know what to do,” damang-dama niya ang frustration.

Litung-lito siya ng mga oras na iyon kaya lumabas muna sila para kumain ng breakfast at humigop ng mainit na kape.

Sabay-sabay silang lumabas ng library at sinalubong sila ng Mommy at Daddy nila siyempre hindi mawawala si Donya Leonora.

“O Liam bakit mukhang balisa ka na naman at mukhang hindi nakatulog. Napapadalas na iyan ha,” pag-aalala ng Mommy niya.

“Good morning Mom, I’m okay.”

“Hmmm… I’m not convinced. Mukhang may mabigat kang dahilan.”

“Si Nightbird,” natatawang sagot ni Jake.

“Shut up,” pigil naman ni Liam

“Puro kayo kalokohan kumain na kayo,” saway ni Donya Leonora na kanilang lola.

Maya-maya’y may dalawang batang nag-uunahan na umupo sa kandungan ni Liam. It was Charlotte and Miggie, Daniel’s children.

“Hello my little bunnies,” malambing niyang hinalikan ang magkapatid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status