Pagdating niya sa mansion wala rin siyang naabutang Miss Bernal ang sabi nila hindi pa daw ito umuuwi. Nakadama na naman siya ng inis at pagkapikon. “Kuya the last time I saw you like that e nung maghiwalay kayo ni Yvone. Nag-away ba kayo ni Miss Lara?” puna ni Jake. “Ano pa nga ba.”Natawa si Jake. “Bakit girlfriend mo na ba siya? ““Yun nga e she’s not even my girlfriend pero inaaway na ako,” galit na galit na pahayag niya. Pinagtatawanan lang siya ni Jake habang pinapanood ang pabalik-balik na paglalakad niya. “Bakit ano ba ang pinag-awayan ninyo?” tanong ni Jake. “Bro sinabihan niya ako na naiirita siyang makita ako, at nakakamtay daw ang amoy ng pabango ko pati boses ko kinaiinisan niya. What’s her problem!? Sumosobra naman na yata siya, hindi porke pinapaboran ko siya e pwede na niya akong tratuhin ng ganon.”Natatawang lumapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Kuya, kasalanan mo yan binuntis mo siya e. Pinaglilihihan ka niya,” at lalong tumawa ng malakas si Jake.
Nanghina na si Lara sa sinabing iyon ni Liam waring natauhan siya at nahimasmasan. Umiyak na lang siya ng umiyak. “Hindi ko alam kung bakit ayaw kitang makita at naiinis ako sayo,“ humahagulgol na sabi niya. “Kung nakilala ko lang ang lalaking iyon hindi ka sana nahihirapan sa akin ng ganito Mr. Legaspi. Hindi mo naman kailangang gawin ito e wala ka namang responsibilidad sa akin e. Gusto ko nang mamatay,” lalong lumakas ang atungal nito. Hay Miss Bernal nandito na ako kaya nga hindi ka na nahihirapan e. Paano ko ba sasabihin sayo? Baka kapag sinabi ko sa iyo ay lalo ka lang mawala sa akin. Hindi niya maibulalas ang nasasaloob. “Tahan na tumayo ka na diyan, umuwi na tayo.”“No, please, Mr. Legaspi napaka-unfair ko na sa’yo. Hindi ko dapat sinabi at ginawa ang mga bagay na iyon sa’yo.”Imbes na magalit ay natawa na lang siya. Naalala niya ang sinabi ni Jake. Napaglilihihan siya nito. “Mainis ka hanggat gusto mo, naiintindihan ko. Hindi na lang ako magpapakita sayo ng madalas, papal
Naging ganoon na nga ang routine nila, walang pansinan pero bakit parang hinahanap-hanap ni Lara ang presensiya ni Liam. Nami-miss niya ang pag-aalaga nito sa kanya although hindi naman natigil ang palihim na pagpapadala nito ng food, inililihim niya sapagkat ayaw niyang magka-isyu ito kay Suzy. Hanggat maaari ay maingatan ni Liam ang reputasyon ni Lara. But with Lara parang gusto na niya itong makita palagi. Kulang na yata ang araw kapag hindi niya ito nakikita. Kahit sa cafeteria ng company hindi na ito nagagawi. Halos humaba na ang leeg ni Lara sa pagtanaw sa pintuan, inaabangan ang pagdating ni Mr. Legaspi. “Girl humahaba na naman ang leeg mo,” panunukso ni Billy. “Hindi ha,” mariin naman niyang pagtanggi. “Naku Girl kahit di mo aminin halata naman sa mga mata mo,” hirit ni Angie. Nalungkot siya, kasi totoo naman. “Oo tama kayo nami-miss ko siya,” pag-amin niya. “Kasi naman sa dinami-dami kasi ng paglilihihan mo e si Boss pa,” paninisi ni Billy. “Hindi ko rin naman gusto
Halos araw-araw nang bumibisita si Stephanie sa opisina ni Mr. Legaspi at sa nakikita niyang maayos na pakikitungo nila sa isa’t-isa mukhang nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nararamdaman niya para dito ay unti-unti niyang pinapalis kahit siya ay nasasaktan. “Lara okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Billy habang nag-aabang sila ng sasakyan pauwi. Napansin ni Billy na madalas siyang tulala. “Ha? Okay lang ako bakit?” pinilit niyang ngumiti. Nalulungkot siya sapagkat hindi na siya nabibigyang pansin ni Mr. Legaspi. Wala nang naghahatid sa kanya. “Nagseselos ka ba kay Stephanie?” Hindi talaga siya makakapagtago ng lihim kay Billy. “Billy, inlove na yata ako kay Mr. Legaspi.” Namilog ang mga mata ni Billy. “Really?”Dahan-dahan siyang tumango. “Kailan pa?”“Simula nang alagaan niya ako, ipagtanggol at patirahin sa kanilang bahay. Sobrang nakaka inlove ang kabaitan niya. Grabe parang tinutunaw ako kapag nagpapakita siya ng concern.”“Ang lungkot naman niyan Girl, pano yan par
Napansin ni Daniel ang hindi komportableng pakiramdam ni Lara kaya sinikreto niyang kausapin si Liam. “Kuya, hindi kaya masyado ka nang nagiging close kay Stephanie?”“Hindi naman. I’m just being nice to her because she’s the sister of my colleagues and also a client, a big client.”Daniel give a reaction with his face. “Why?” pagtataka naman ni Liam. “Wala lang, baka hindi mo napapansin o nararamdaman ang damdamin ni Lara. Baka ito rin ang dahilan kung bakit naisip niyang umalis na dito sa mansion,” paliwanag ni Daniel. “Do you think so?”“I think so, Kuya hindi mo ba napapansin ang hitsura ni Lara kapag nandiyan si Stephanie. Hindi siya komportable saka nalulungkot siya.”“Really, do you think she’s jealous of her?”Daniel rolled his eyes, “Hay Kuya how stupid and insensitive you are. Para ka namang rookie niyan pagdating sa babae e.”“Hey, how would I know. Hindi ko siya matingnan sa mukha. Lagi ko siyang iniiwasan kasi kailangan kong gawin because of that paglilihi thing.”Nat
Tila natauhan si Lara sa pakiusap ni Mr. Legaspi. Parang na-realize niya na masyado na siyang nagiging selfish. Mas inuuna niyang intindihin ang sarili niyang kapakanan kaysa sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. “Lara ano bang problema?”Nagpakawala siya ng buntong hininga siguro kailangan na niyang warningan si Mr. Legaspi tungkol sa kanyang nararamdaman ngunit hindi niya masabi dahil nasa public place sila kaya nag-type na lang siya sa messenger. Sir, I’m afraid that I am fallen for you and it is not right. Please don’t be so nice. Nahuhulog ang damdamin ko e. Binuksan ni Liam ang messenger at binasa ang message. Napangiti ito at napatingin sa kanya at kung makakasigaw ito sa sobrang kilig na nararamdaman ay ginawa na niya. “Really?” Tumango lang siya ng bahagya. “Okay, let’s eat,” kampanteng tugon ni Liam. Kumain na sila at habang sumusubo ay hindi maiwasan ni Liam ang mapangiti sa sobrang kilig. “Sir, ano bang sagot mo, anong palagay mo? Nakakahiya yung sinabi ko s
It seems like everyone is happy. May kung anong pagtataka sa isip ni Lara. Suppose to be dapat may question sila lalo na at isa siyang disgrasyada. Pero bakit ang saya pa nila. Hindi naman siguro masama ang ibig sabihin niyon. Siguro talagang masaya lang sila. Iyon na lang ang kanyang inilagay sa isip. Maaga siyang natulog dahil napagod din siya sa trabaho. Si Liam naman may tinatapos pa na i-review ang kanilang project with Stephanie kaya nakaharap pa rin siya sa laptop niya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyari kanina. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang room at pumasok si Daniel. “Hey,” bati niya kay Daniel. “Can I come in?” pakiusap naman nito. “Asshole, just come in, come on, you just barged in pipigilan pa ba kita?”Napatawa si Daniel habang hawak ang isang baso ng wine. “Hey, do you want a shot?” pag-aalok niya ng alak kay Liam. “Nah, I’m busy, I have to finish this.”“Wow, busy Dad huh.”Natigilan si Liam at tiningnan ang kapatid na nakasingkit
UMAHON ang matinding takot sa dibdib ni Liam habang tinitingnan niya si Lara. Mukhang malalaman na niya ang totoo at mukhang hindi rin magpapagil si Stacey sa pagkukwento."Really! You were dumped by Liam?" amuse naman na pahayag ni Stephanie, habang si Lara ay natigilan sa kanyang napakinggan.Yes, the familiar scent of his perfume, how he treated her, at naalala niya noong una silang magkita na halos hindi ito makatingin sa kanya. Tama, at ang hindi nito pagtanggap sa resignation letter niya, ang pag-rescue sa kanya sa gitna ng ulan, ang pagpapatira nito sa kanilang mansion. Ang lahat ng iyon may dahilan, kaya pala parang planado ang lahat.Nahawakan ni Lara ang kanyang dibdib at nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan. Nakaramdam siya ng panghihina pero sinimulang tumlikod at maglakad palayo kay Liam."Lara, Lara, wait," hinawakan niya ito sa braso para pigilan."Bitiwan mo ako," nagpatuloy siya sa paglalakad. Halos wala siyang maramdaman sa nangyayari sa paligid niya. Kahit
As Donya Leonora’s wished, naroon na sila ni Nate para mag-stay ng ilang panahon. Ang pakiusap sa kanya ng pamilya ni Liam ay tumira muna sa mansion, baka sakaling makatulong na bumalik ang alaala nito.Pumayag siya kahit mahirap dahil talagang napakalamig ni Liam sa kanya. Kung may perfect stranger, ganon na siya ituring ni Liam ngayon.“Lara, we are so happy to see you here,” paunang bati ni Donya Leonora. Siya namang pagbaba ni Liam na inaayos ang manggas ng long sleeve ng kanyang office suit.Napatitig si Lara at talagang namangha sa kagwapuhan ng kanyang asawa, este ex na nga pala.“Apo ko good morning,” magiliw namang bati ni Donya Leonora.Nagbigay galang si Liam, pero hindi man lang siya tinapunan ng pansin kahit pa nga nag-effort siya para magpaganda.“Apo ko batiin mo naman si Lara, dito na muna sila titira ni Nate okay lang ba sayo?”“This is your house Lola you can do as you please, and I don’t mind,” malamig na tugon nito.“Salamat naman apo, teka papasok ka na ba?” tanon
Gigil na sumusuntok sa pader si Jake habang nakasuot ng tuxedo. Si Daniel naman ay hindi mapakali sa kakaisip kung paano mapipigilan ang kasal nina Mara at Liam. But it seems like it is hopeless, everything is ready, seremonya na lang ang kulang.PINUNTAHAN naman ni Liam si Mara sa dressing room na nakasuot ng wedding gown. Hindi niya maitatanggi na umaangat din ang exotic beauty nito. Kahit paano, sa kabila ng mga alinlangan at balisa ay nakuha pa rin niyang humanga sa taglay nitong ganda.“Napakaganda mo Mara.” Bahagya siyang ngumiti at lumapit kay Mara.“Salamat mahal ko, hindi na ako makapaghintay,” matamis na ngiti ang sumilay sa mukha ni Mara.“Sige na maiwan na kita, magkita na lang tayo mamaya.”Handa na ang lahat, hinihintay na lang ang pagpasok ni Mara. Wala na nga sigurong magagawa ang magkapatid na Jake at Daniel para pigilan ang kasal. Ngunit eksakto naman ang pag-send ng video ng isa sa mga imbestigador. Agad na tinawagan ito ni Jake. Habang pumapasok sa altar si Mara,
Hindi na niya masagot si Mara dahil nakapagpabagabag sa kanya ang ikinuwento ni Jake. Paano kung totoo nga. Kapag nagkataon, napakalaking tanga niya at napakagagong lalaki. Kung makapagbintang siya kay Lara pero ang totoo siya pala ang nagdala ng kamalasan sa buhay nito. At ang batang si Nate na sinasabing anak nila, kawawa naman kapag nagkataon. Kaya napu-frustrate siyang hindi agad bumabalik ang kanyang alaala. Umiinom siya ng alak habang nagpapahangin sa terrace ng kanilang kwarto nang biglang may yumakap sa likod niya.“Mahal ko, gabi na bakit nandito ka pa rin?” masuyong tanong ni Mara.“Wala, gusto ko lang magpahangin.” Sa isang banda, nakokonsiyensiya siya sa pagtrato kay Mara. Ito ang pinagkatiwalaan at minahal niya pero hindi niya magawang maibigay ang kanyang sarili rito.“Halika na, matulog na tayo,” yaya ni Mara.Napangiti siya at hinalikan ito sa noo. Hinawakan ang mukha at hinalikan sa labi. Hanggang sa mag-alab ang mga halik na iyon. Kakaibang init ang naramdaman ng kan
Maagang dumating si Liam sa office. Ipinahatid na rin niya si Mara na sumama naman sa kanya. Maganda ang umaga para sa kanya, maganda ang sikat ng araw, katamtamang lamig ng hangin, at banayad na sikat ng araw. Naisip niyang pumunta sa pantry para sana magtimpla ng kape. Ayaw na niyang magpatimpla sa mga personnel doon dahil hindi niya gusto ang timpla nila.Namataan niya si Lara na papasok ng building, ni hindi na niya ito binati dahil wala naman na siyang pakialam dito matapos ang insidenteng nangyari sa kanila ng nakaraang araw. He hate the fact that she is like pushing herself unto him. Bahagya siyang napatawa sa isiping napakababa siguro nitong babae. Siguro patay na patay ito noon sa kanya. Napapangiwi lang siya habang minamasdan ito sa paglakad. Pero nasamid siya ng iniinom na kape nang makitang may lalaking nakasunod dito at inabutan ito ng kape na inorder pa sa coffee shop.Biglang nagsikip ang kanyang paghinga habang tinitingnan ang mga ito sa dingding na salamin. Masaya si
“Who’s that woman?” interesadong tanong ni Clark. Napapikit naman si Jordan dahil kilala niya ang kaibigan. Matino naman itong lalaki at matindi din makagusto sa isang babae. Wala naman sanang problema kaya lang komplikado ang kalagayan ni Lara. Knowing that she is the ex-wife of Liam na kakilala din naman nila ni Clark. “Hay… huwag mong pakialaman ang babaeng iyon, dahil sasakit lang ito at ito.” Itinuro niya ang sentido nito at puso. “What do you mean?” “Kilala kita Clark Manson, isang tingin mo pa lang sa babae nababasa ko na agad ang laman ng isip mo.” Nagsalin muna si Jordan ng kaunting alak sa baso at saka ibinigay kay Clark. Ikinuwento niya ang buong pangyayari patungkol kina Lara at Liam. “Hmmm… interesting,” tugon ni Clark. Kinakabahan si Jordan sa maikling sagot ni Clark. Pakiramdam niya tinamaan ito ng matindi kay Lara. “Sayang, kukumustahin ko pa naman sana si Liam pero ganon na pala ang kalagayan niya ngayon. I feel bad for her ex-wife kung bakit kahit kon
Nakakatawa, halos matawa si Lara sa sobrang pagkadismaya. Sinisi niya tuloy ang sarili kung bakit hindi pa siya tuluyang naghain noon ng divorce. Siraulo kasing Jordan na iyon na binigyan pa siya ng lakas ng loob na ipaglaban si Liam kaya heto at siya ang naunahan sa divorce. Hawak na niya sa kanyang mga kamay ang divorce paper na patunay na hiwalay na sila ni Liam. Narinig din niya na biglang naging abala sa mansion dahil sa madaliang pag-aasikaso ng kasal nila Liam at Mara.Kasabay niyon ang mga kaabalahan sa kumpanya na lagi na lang may patawag ng meeting sa mga shareholders at board member para sa isang project proposal na kanilang itatayo. Kaya hindi maiwasang magkita pa rin sila ni Liam kahit anong iwas ang gawin niya. Halos sunud-sunod na meeting na halos hindi na niya maiwan si Nate. Wala siyang choice kundi isama ito sa office.“Nate I want you to behave okay, stay inside papa Jordan’s office and wait for me. Is that clear.” Napansin niya ang pagsimangot ni Nate. Malungkot it
Nagtataka si Lara kung bakit napakaaga e may kumakatok na agad sa pintuan niya. Wala naman siyang inaasahang bisita. Kung si Jordan naman iyon, imposible dahil pumunta ito kina Dalia para asikasuhin ang kasal nila.Si Nate na ang nagbukas ng pinto at nagtaka talaga siya nang makita sina Daniel at Jake kasama ang mga asawa’t mga anak. Hindi naman magkamayaw ang mga pinsan ni Nate na tumakbo para yakapin siya.“Hey, what brings you here,” nagtataka ngunit nakangiting bati niya.“We missed you Lara,” tanging nasambit ni Abby na asawa ni Jake. Ganon din ang sinabi ng asawa ni Daniel.Halos hindi magkamayaw ang mga anak nila sa paglalaro. Pati silang mga babae ay nagtulung-tulong na para magluto.“So, ready na ba kayo sa kasal ni Jake,” excited na panimula ni Jake.“Oo naman, I’m starting to pick a dress,” tugon ni Abby.“And you Lara?” baling ni Jake kay Lara.Natahimik si Lara dahil alam niyang hindi mawawala doon si Liam at Mara.“Don’t tell me na nagdadalawang-isip ka?” dugsong ni Dani
“Ano, susuko ka na ba agad? Sa dami ng pinagdaanan nyo susuko ka na?”Tama si Jordan sa kanyang sinasabi, pero ano ba ang magagawa ni Lara kung sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya sa pagtrato sa kanya ni Liam.“Jordan, ang sakit na hindi ko na kaya.” Patuloy siyang humagulgol.“Alam ko, pero alam mo din na walang maalala si Liam. Paano kung bigla ka niyang maalala?”“What should I do?” nalilitong tanong ni Lara.“Lumaban ka,” maigting na utos ni Jordan.MULA SA pagkakapikit ng mga mata, agad na hinagilap ni Liam ang mga kamay na nakahawak sa kanyang braso habang nakahiga sa kanyang kama. Muli niyang naramdaman ang sakit ng ulo kasama ng takot na naiipon sa kanyang dibdib. Sa tuwing makakatulog na lamang siya ay iisang panaginip lang ang laman ng kanyang isip. Ang madilim na kweba kung saan nakapiring ang kanyang mga mata na sa tuwing magkakamalay siya ay may bigla na lang hahampas sa kanyang ulo. Matinding trauma ang inihatid ng panaginip na iyon. Hindi niya mawari kung totoo
Kung kanina lang pinalugmok siya ng mga kapatid ni Dalia, ngayon naman nakaupo na siya sa sala. Mataman siyang tinititigan ng mga kapatid nito, habang ginagamot ni Lara ang labing pumutok dahil sa suntok.“Hindi na kayo nahiya, ang tanda n’yo na para sa kalokohang ito! Hanggang ngayon ganyan n’yo pa rin siyang itrato!” sermon ng nanay ni Dalia.Habang si Dalia naman ay nagpapatulog ng anak.“I’m sorry po, pumunta po ako dito para humingi ng tawad kay Dalia, nang sa gayon ay maging mapayapa na rin kami, kahit magkalayo kami ngayon,” paliwanag ni Jordan habang nakahawak sa sikmura. Sarkastikong tumawa ang mga kuya ni Dalia.“Gago ka pala talaga,” bulong ng isang kuya ni Dalia.“Tumigil ka na!” sawata naman ng tatay ni Dalia. “Ang mabuti pa ay maiwan namin kayong dalawa para mag-usap.”PAIMPIT na tumutulo ang luha ni Dalia. Ikinubli niya ang sarili at itinuon na lang sa anak ang atensiyon“Dalia, I’m sorry,” pasimula ni Jordan.“Sige, makakaalis ka na,” mapait na tugon niya kay Jordan.