Napansin ni Daniel ang hindi komportableng pakiramdam ni Lara kaya sinikreto niyang kausapin si Liam. “Kuya, hindi kaya masyado ka nang nagiging close kay Stephanie?”“Hindi naman. I’m just being nice to her because she’s the sister of my colleagues and also a client, a big client.”Daniel give a reaction with his face. “Why?” pagtataka naman ni Liam. “Wala lang, baka hindi mo napapansin o nararamdaman ang damdamin ni Lara. Baka ito rin ang dahilan kung bakit naisip niyang umalis na dito sa mansion,” paliwanag ni Daniel. “Do you think so?”“I think so, Kuya hindi mo ba napapansin ang hitsura ni Lara kapag nandiyan si Stephanie. Hindi siya komportable saka nalulungkot siya.”“Really, do you think she’s jealous of her?”Daniel rolled his eyes, “Hay Kuya how stupid and insensitive you are. Para ka namang rookie niyan pagdating sa babae e.”“Hey, how would I know. Hindi ko siya matingnan sa mukha. Lagi ko siyang iniiwasan kasi kailangan kong gawin because of that paglilihi thing.”Nat
Tila natauhan si Lara sa pakiusap ni Mr. Legaspi. Parang na-realize niya na masyado na siyang nagiging selfish. Mas inuuna niyang intindihin ang sarili niyang kapakanan kaysa sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. “Lara ano bang problema?”Nagpakawala siya ng buntong hininga siguro kailangan na niyang warningan si Mr. Legaspi tungkol sa kanyang nararamdaman ngunit hindi niya masabi dahil nasa public place sila kaya nag-type na lang siya sa messenger. Sir, I’m afraid that I am fallen for you and it is not right. Please don’t be so nice. Nahuhulog ang damdamin ko e. Binuksan ni Liam ang messenger at binasa ang message. Napangiti ito at napatingin sa kanya at kung makakasigaw ito sa sobrang kilig na nararamdaman ay ginawa na niya. “Really?” Tumango lang siya ng bahagya. “Okay, let’s eat,” kampanteng tugon ni Liam. Kumain na sila at habang sumusubo ay hindi maiwasan ni Liam ang mapangiti sa sobrang kilig. “Sir, ano bang sagot mo, anong palagay mo? Nakakahiya yung sinabi ko s
It seems like everyone is happy. May kung anong pagtataka sa isip ni Lara. Suppose to be dapat may question sila lalo na at isa siyang disgrasyada. Pero bakit ang saya pa nila. Hindi naman siguro masama ang ibig sabihin niyon. Siguro talagang masaya lang sila. Iyon na lang ang kanyang inilagay sa isip. Maaga siyang natulog dahil napagod din siya sa trabaho. Si Liam naman may tinatapos pa na i-review ang kanilang project with Stephanie kaya nakaharap pa rin siya sa laptop niya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyari kanina. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang room at pumasok si Daniel. “Hey,” bati niya kay Daniel. “Can I come in?” pakiusap naman nito. “Asshole, just come in, come on, you just barged in pipigilan pa ba kita?”Napatawa si Daniel habang hawak ang isang baso ng wine. “Hey, do you want a shot?” pag-aalok niya ng alak kay Liam. “Nah, I’m busy, I have to finish this.”“Wow, busy Dad huh.”Natigilan si Liam at tiningnan ang kapatid na nakasingkit
UMAHON ang matinding takot sa dibdib ni Liam habang tinitingnan niya si Lara. Mukhang malalaman na niya ang totoo at mukhang hindi rin magpapagil si Stacey sa pagkukwento."Really! You were dumped by Liam?" amuse naman na pahayag ni Stephanie, habang si Lara ay natigilan sa kanyang napakinggan.Yes, the familiar scent of his perfume, how he treated her, at naalala niya noong una silang magkita na halos hindi ito makatingin sa kanya. Tama, at ang hindi nito pagtanggap sa resignation letter niya, ang pag-rescue sa kanya sa gitna ng ulan, ang pagpapatira nito sa kanilang mansion. Ang lahat ng iyon may dahilan, kaya pala parang planado ang lahat.Nahawakan ni Lara ang kanyang dibdib at nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan. Nakaramdam siya ng panghihina pero sinimulang tumlikod at maglakad palayo kay Liam."Lara, Lara, wait," hinawakan niya ito sa braso para pigilan."Bitiwan mo ako," nagpatuloy siya sa paglalakad. Halos wala siyang maramdaman sa nangyayari sa paligid niya. Kahit
AFTER 3 days of staying in the hospital lumabas na rin si Lara at umuwi sa mansion. Hindi niya alam kung paano haharapin ang pamilya ni Liam. Pakiramdam niya niloko siya ng lahat at kahit pa nga pinakitaan siya ng mabuti ng mga ito, hindi na niya makuhang magtiwala kaya ang kanyang pakikitungo ay napalitan ng pagkailang. "Hija how are you?" nag-aalalang nilapitan siya ni Donya Leonora. Ginagap nito ang kanyang palad pero naiilang siya. "Okay na po ako Lo... Donya Leonora.""Hija we are sorry for what happened. Inilihim namin sayo dahil mas mabuting si Liam na ang magtapat sayo. Pero we cared for you so much."Napaluha at napayakap siya sa matanda, gayon din niyakap siya ng mommy ni Liam. Si Liam wala sa mansion, nasa office ito dahil sa may mahalagang transaction na kailangan nitong asikasuhin. "Magpapaalam na po ako sa inyo, kung maaari payagan n'yo na po ako. Sa ngayon hindi ko po kayang harapin si Liam. Gusto ko po munang makapag-isip at makahinga. Please po," mabigat na pakiusa
LIAM accepted the offer of Mr. Collier to fly to New for their partnership. Hindi niya gustong umalis at iwan si Lara but this is the only option he has para lang lumayo siya at magbakasakaling maibsan ang galit nito sa kanya kapag nagkalayo na sila. Pero bago siya umalis, inayos niya muna ang lahat ng kakailanganin nito kaya ipinatawag niya ito sa office para kausapin at ipakita ang kontratang ipinagawa niya sa kanilang abogado.Dumating ito at pinapasok ni Suzy. She look pale and sick kaya hindi niya maialis ang mag-alala."Lara, are you okay?" tanong niya na halata ang pag-aalala."I'm okay, ano ba ang pag-uusapan natin?" malamig na tugon niya."You look sick," pero imbes na sagutin ay mas lalo pa niyang ipinaramdam ang pag-aalala."I said I'm okay, pwede bang magmadali na tayo dahil kailangan ko pang magpa-check up sa doctor.""Okay," inilabas niya ang kontrata, "Here, this is a contract na kailangan mong pirmahan for legal matters. Nakasaad diyan ang mga pananagutan ko sayo at sa
THREE years passed, masasabi ni Lara na naka-move on na siya mula sa masakit na pangyayari sa kanila ni Liam. Ginamit niya ang ibinigay nitong suporta para magtayo ng isang business na may kinalaman sa plants and flowers. Nagpatayo siya ng isang flower farm na tanaw ang building ng Legaspi Construction Company pero ang nakakatawa hindi ito visible sa mismong building kundi nasa bandang likod ito at may kalayuan. Ilang street din ang dadaanan bago makarating sa kanyang flower farm. Pinili niya ang lugar para kahit paano makikita pa rin niya ang alaala nila ni Liam. Mahal pa rin niya si Liam pero hindi na siya umaasa na babalik pa ito sa kanya dahil sa kanilang dalawa siya ang may problema. Pero kung babalikan siya ni Liam sigurado na siya sa kanyang sarili na tatanggapin niya ito, kaya lang ilang taon na din ang lumipas na hindi na ito nagparamdam. Wala na siyang balita at ayaw na rin niyang makibalita kahit paminsan-minsan ay nagkikita pa rin sila ng pamilya Legaspi. Iniiwasan na la
SA loob ng tatlong taon padalawang beses pa lang bumisita ni Lara sa mansion ng mga Legaspi. Nothing has change except the ambiance of missing someone, the absence of Liam makes it feel empty. Pero baka siya lang ang nakakaramdam niyon. Masaya pa rin naman si Donya Leonora at ganon din sina Daniel and Jake. Medyo halata na ang nadagdag na edad sa patents ni Liam."Lara, you came, we missed you," sinalubong siya ng Mommy ni Liam at niyakap."Siyempre naman po, hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na 'to,""Hey Lara," masayang pagsalubong ni Abby na bride to be ni Jake."Oh Abby congrats.""Thank you, I'm glad you are our flourist.""Bueno nandito na pala lahat tayo na at kumain na tayo," anyaya ni Donya Leonora.Masaya naman nilang pinag-usapan ang details ng kasal na gaganapin mismo sa garden ng mansion. Ito ang pinapangarap ni Lara na wedding, isang simpleng garden wedding.Napamulagat naman siya nang biglang dumating ang isang lalaking nakapagpapataas ng blood pressure niya.
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H
Kalmado lang ang pakiramdam ni Jordan habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili. Inaayos niyang mabuti ang necktie at polo na suot maging ang itinerno niyang trouser. Semi formal attire makes him look like dashing and elegant. Maiba-iba naman sa lagi niyang porma na tight jeans, boots, and leather jacket.Kasabay niyon ay ang pagpapapraktis niya ng sasabihin at ipapaliwanag kay Mang Joe na nakasanayan na nilang tawaging Tatay Joe. Pati hand gesture, facial expressions, and voice tone ay sinisigurado niyang magiging convincing na talagang walang nangyari sa kanila ni Dalia.“Ayos, kaya ko ‘to,” kumbinsi niya sa sarili. Sumisipol pa siya at gwapung gwapo sa ayos niya when he suddenly realized that he looks like a fool.“Hey man, you look like a fool, bakit ba pinaghahandaan mong mabuti ang kalokohang ito?” kausap niya sa sarili.Muli ay inayos na lang niya ang sarili pero idinidikta ng kanyang isip na kailangan niyang paghandaan ang pagharap kina Tatay Joe, dahil kung hindi
“Pssst, Jordan,” impit na boses ni Dalia habang tinatawag ang pansin ni Jordan matapos umalis ng kanyang ama.Napalingon si Jordan sa isang mataas na kumpol ng halaman sa labas ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang tinig na nagmumula roon at nakita niya si Dalia na nakatago sa mga halaman.“Anong ginagawa mo d’yan?” nagtatakang tanong niya.“Jordan halika dito.” Hinila ni Dalia si Jordan.“Ano ba? Bakit kung makatago ka d’yan parang ang laki ng kasalanan natin?” angil niya.“Jordan, umalis ka muna dito, magtago ka, sa Manila o sa America o saang lupalop ng daigdig na hindi ka matutunton ng tatay ko at mga pasaway na kuya,” halos nauutal na utos ni Dalia.“Ha? Bakit ako magtatago, hoy wala akong kasalanan para magtago ha,” bulalas naman ni Jordan.Sinenyasan naman ito ni Dalia na manahimik at ibaba ang tono ng pagsasalita.“Oo na, alam ko naman ‘yon e, pwera na lang kung nagsasabi ka ng totoo.”“Woah!” sabay buga ng hangin sa kawalan. “Hoy Dalia, anong palagay mo sa ‘kin manyakis, manan
“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t