ISA-isa namang dumating ang mga miyembro ng pamilya ni Liam. Sina Donya Leonora at mga parents niya maging ang isang babae na may kalong na batang babae at kasunod na batang lalaki hindi niya sure kung sino ang asawa nito. Bumaba ang bata sa bisig ng kanyang ina at kumarga kay Liam gayun din ang batang lalaki. Ang sweet nilang tingnan, hindi kaya anak ito ni Mr. Legaspi. Dahil wala siyang masyadong alam na information sa boss niya, baka nga may anak at asawa na ito. Hindi man dapat pero nakaramdam siya ng konting kirot, siguro panghihinayang. Sayang dahil mayroon na sanang isang lalaki na nagpapakita at nagpapadama ng concern sa kalagayan niya e too bad, may asawa na pala. Itinuon niya ang sarili sa pagkain. NAPATINGIN si Liam ng bahagya kay Miss Bernal at nakita niya ang kakaibang reaksiyon ng mukha nito na hindi kayang itago sa hitsura nito. “Honey nandiyan ka na pala,” bati ni Daniel sa kanyang asawa. “O Honey kanina ka pa?”“Oo nandoon lang kami ni Jake sa sala hindi mo ba ako
ONE week na ang nakakalipas simula nang tumira siya sa mansion ng mga Legaspi. Wala siyang planong mag-stay kaya patuloy siyang naghahanap ng malilipatan. Nahihiya pa rin naman siya kahit papaano. Ang isa pang dahilan kung bakit gusto niyang makahanap ng sariling apartment na matutuluyan ay ang mga stages ng kanyang paglilihi. Nahihirapan siyang itago ang nararamdaman niya at naiinis din siya sa sarili dahil sobrang inis ang nararamdaman niya kapag nakikita niya si Mr. Legaspi sa office at maging sa bahay, bakit naman sa lahat pa ng taong kaiinisan e si Mr. Legaspi pa ang tinamaan ng magaling. Naiirita siya sa sandaling makita niya ang imahe nito kahit sa malayo. Naiinis siya kapag ngumingiti ito sa kanya, parang kumukulo ang dugo niya. Kapag dumadaan ito sa office nila sumisimangot na agad siya, at para maiwasan ito pakunwaring pumupunta siya sa CR pero hindi maiwasang pagdabugan ito. Talagang naiirita siya. Napansin iyon ng ilang mga kasamahan niya kaya hindi nila naiwasang magta
Pagdating niya sa mansion wala rin siyang naabutang Miss Bernal ang sabi nila hindi pa daw ito umuuwi. Nakadama na naman siya ng inis at pagkapikon. “Kuya the last time I saw you like that e nung maghiwalay kayo ni Yvone. Nag-away ba kayo ni Miss Lara?” puna ni Jake. “Ano pa nga ba.”Natawa si Jake. “Bakit girlfriend mo na ba siya? ““Yun nga e she’s not even my girlfriend pero inaaway na ako,” galit na galit na pahayag niya. Pinagtatawanan lang siya ni Jake habang pinapanood ang pabalik-balik na paglalakad niya. “Bakit ano ba ang pinag-awayan ninyo?” tanong ni Jake. “Bro sinabihan niya ako na naiirita siyang makita ako, at nakakamtay daw ang amoy ng pabango ko pati boses ko kinaiinisan niya. What’s her problem!? Sumosobra naman na yata siya, hindi porke pinapaboran ko siya e pwede na niya akong tratuhin ng ganon.”Natatawang lumapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Kuya, kasalanan mo yan binuntis mo siya e. Pinaglilihihan ka niya,” at lalong tumawa ng malakas si Jake.
Nanghina na si Lara sa sinabing iyon ni Liam waring natauhan siya at nahimasmasan. Umiyak na lang siya ng umiyak. “Hindi ko alam kung bakit ayaw kitang makita at naiinis ako sayo,“ humahagulgol na sabi niya. “Kung nakilala ko lang ang lalaking iyon hindi ka sana nahihirapan sa akin ng ganito Mr. Legaspi. Hindi mo naman kailangang gawin ito e wala ka namang responsibilidad sa akin e. Gusto ko nang mamatay,” lalong lumakas ang atungal nito. Hay Miss Bernal nandito na ako kaya nga hindi ka na nahihirapan e. Paano ko ba sasabihin sayo? Baka kapag sinabi ko sa iyo ay lalo ka lang mawala sa akin. Hindi niya maibulalas ang nasasaloob. “Tahan na tumayo ka na diyan, umuwi na tayo.”“No, please, Mr. Legaspi napaka-unfair ko na sa’yo. Hindi ko dapat sinabi at ginawa ang mga bagay na iyon sa’yo.”Imbes na magalit ay natawa na lang siya. Naalala niya ang sinabi ni Jake. Napaglilihihan siya nito. “Mainis ka hanggat gusto mo, naiintindihan ko. Hindi na lang ako magpapakita sayo ng madalas, papal
Naging ganoon na nga ang routine nila, walang pansinan pero bakit parang hinahanap-hanap ni Lara ang presensiya ni Liam. Nami-miss niya ang pag-aalaga nito sa kanya although hindi naman natigil ang palihim na pagpapadala nito ng food, inililihim niya sapagkat ayaw niyang magka-isyu ito kay Suzy. Hanggat maaari ay maingatan ni Liam ang reputasyon ni Lara. But with Lara parang gusto na niya itong makita palagi. Kulang na yata ang araw kapag hindi niya ito nakikita. Kahit sa cafeteria ng company hindi na ito nagagawi. Halos humaba na ang leeg ni Lara sa pagtanaw sa pintuan, inaabangan ang pagdating ni Mr. Legaspi. “Girl humahaba na naman ang leeg mo,” panunukso ni Billy. “Hindi ha,” mariin naman niyang pagtanggi. “Naku Girl kahit di mo aminin halata naman sa mga mata mo,” hirit ni Angie. Nalungkot siya, kasi totoo naman. “Oo tama kayo nami-miss ko siya,” pag-amin niya. “Kasi naman sa dinami-dami kasi ng paglilihihan mo e si Boss pa,” paninisi ni Billy. “Hindi ko rin naman gusto
Halos araw-araw nang bumibisita si Stephanie sa opisina ni Mr. Legaspi at sa nakikita niyang maayos na pakikitungo nila sa isa’t-isa mukhang nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nararamdaman niya para dito ay unti-unti niyang pinapalis kahit siya ay nasasaktan. “Lara okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Billy habang nag-aabang sila ng sasakyan pauwi. Napansin ni Billy na madalas siyang tulala. “Ha? Okay lang ako bakit?” pinilit niyang ngumiti. Nalulungkot siya sapagkat hindi na siya nabibigyang pansin ni Mr. Legaspi. Wala nang naghahatid sa kanya. “Nagseselos ka ba kay Stephanie?” Hindi talaga siya makakapagtago ng lihim kay Billy. “Billy, inlove na yata ako kay Mr. Legaspi.” Namilog ang mga mata ni Billy. “Really?”Dahan-dahan siyang tumango. “Kailan pa?”“Simula nang alagaan niya ako, ipagtanggol at patirahin sa kanilang bahay. Sobrang nakaka inlove ang kabaitan niya. Grabe parang tinutunaw ako kapag nagpapakita siya ng concern.”“Ang lungkot naman niyan Girl, pano yan par
Napansin ni Daniel ang hindi komportableng pakiramdam ni Lara kaya sinikreto niyang kausapin si Liam. “Kuya, hindi kaya masyado ka nang nagiging close kay Stephanie?”“Hindi naman. I’m just being nice to her because she’s the sister of my colleagues and also a client, a big client.”Daniel give a reaction with his face. “Why?” pagtataka naman ni Liam. “Wala lang, baka hindi mo napapansin o nararamdaman ang damdamin ni Lara. Baka ito rin ang dahilan kung bakit naisip niyang umalis na dito sa mansion,” paliwanag ni Daniel. “Do you think so?”“I think so, Kuya hindi mo ba napapansin ang hitsura ni Lara kapag nandiyan si Stephanie. Hindi siya komportable saka nalulungkot siya.”“Really, do you think she’s jealous of her?”Daniel rolled his eyes, “Hay Kuya how stupid and insensitive you are. Para ka namang rookie niyan pagdating sa babae e.”“Hey, how would I know. Hindi ko siya matingnan sa mukha. Lagi ko siyang iniiwasan kasi kailangan kong gawin because of that paglilihi thing.”Nat
Tila natauhan si Lara sa pakiusap ni Mr. Legaspi. Parang na-realize niya na masyado na siyang nagiging selfish. Mas inuuna niyang intindihin ang sarili niyang kapakanan kaysa sa kanyang anak na nasa kanyang sinapupunan. “Lara ano bang problema?”Nagpakawala siya ng buntong hininga siguro kailangan na niyang warningan si Mr. Legaspi tungkol sa kanyang nararamdaman ngunit hindi niya masabi dahil nasa public place sila kaya nag-type na lang siya sa messenger. Sir, I’m afraid that I am fallen for you and it is not right. Please don’t be so nice. Nahuhulog ang damdamin ko e. Binuksan ni Liam ang messenger at binasa ang message. Napangiti ito at napatingin sa kanya at kung makakasigaw ito sa sobrang kilig na nararamdaman ay ginawa na niya. “Really?” Tumango lang siya ng bahagya. “Okay, let’s eat,” kampanteng tugon ni Liam. Kumain na sila at habang sumusubo ay hindi maiwasan ni Liam ang mapangiti sa sobrang kilig. “Sir, ano bang sagot mo, anong palagay mo? Nakakahiya yung sinabi ko s
“Lara, alam namin na nasasaktan ka sa mga nangyayari. Hindi mo deserve na masaktan, pero sana maintindihan mo din kami na kailangan namin si Kuya.”Maging sina Daniel ay bumitaw na rin sa kanya. Kaya kung talagang totoo ang pinagsakluban ng langit at lupa, ganon na nga ang nararamdaman niya. Humingi siya ng palugit na isang linggo para ayusin ang bahay na tutuluyan bago siya umalis. Bawat araw tinitiis niyang makita ang paglalambingan nina Liam at Mara. Maging ang malamig na pakikitungo ni Liam sa kanila ni Nate. Gayon na rin ang pamilya ni Liam. It is so unfair pero kailangan niyang magpakatatag.Suportado pa rin naman sila ng pamilya ni Liam pero nagpakahusay siya sa pag-aaral sa larangan ng business. Pinalad siya na maging isang interior designer. Nakaipon din siya ng malaking halaga at bumili siya ng stock sa Legaspi Construction Company, naging isa siya sa mga shareholders. Ipinakita niya ang unti-unti niyang pagbangon.“NAPAKAKISIG mo mahal ko.” Masuyong niyayakap at hinahalikan
Dalawang buwan na ang lumilipas, wala pa ring progress sa paghahanap kay Liam, kaya minabuti ng kanyang pamilya na tanggapin ang katotohanan na baka talagang namatay na ito. Kaya pinakiusapan na nila si Lara na lisanin ang Isla at magpatuloy na lang sa buhay.“Lara, let’s go home,” malumanay na pagyaya ng mommy ni Liam.“Mommy,” nangungusap ang kanyang mga mata habang lumuluha na huwag namang sumuko agad. “Wala pang nakikitang bangkay, kaya naniniwala ako, at nararamdaman kong buhay pa rin siya,” pagpupumilit niya.“Hija, umuwi na tayo, hindi naman kami titigil sa paghahanap e. Kaya lang anak, kailangan ka ni Nate.”Napakahirap na desisyon ang umalis sa Isla pero tama ang mommy ni Liam, kailangan siya ni Nate. Kaya napilitan na rin siyang umalis ng Isla.WALANG gabing hindi siya umiiyak sa loob ng limang buwan na paghihintay. Ang tanging nagpapalakas na lang ng kanyang kalooban ay si Nate at ang pamilya ni Liam na nakasuporta sa kanya. Ramdam din niya ang bigat na nararamdaman ng buon
Bakit parang kinakabahan si Lara habang kumakaway si Liam? May tiwala siya sa kanyang asawa na hindi ito mapapahamak, pero bakit ganon? Ang weird ng kanyang pakiramdam. Tinatanaw na lamang niya ang bangkang sinasakyan nito.Natanaw niya si Mara sa malayong dako mula sa kanyang kinatatayuan. Nakatanaw din ito kina Liam. Bahagya itong tumingin sa kanya. Hindi na lang niya pinansin at pinili niyang bumalik sa rest house.Nagulat siya nang biglang bumulwag si Mara sa kusina. “Oh my!” Napahawak siya sa dibdib.“Pasensiya na kung nagulat ka, heto nga pala, mga gulay na ipinabibigay ni Itay.”Nakakapagtaka na sa unang pagkakataon ay nagsalita ito ng mahaba.“Ganun ba, sige pakipatong na lang sa lamesa.”Ine-expect ni Lara na aalis na ito, pero hindi, tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa habang nakangiti sa kanya. Kinikilabutan siya sa kakaibang kilos nito.“Napakapalad mo sa iyong asawa, bukod sa mabait, maasikaso, at mapagmahal, isa siyang makisig at napakagandang lalaki. Napapaligay
At higit na kanilang pinakahihintay ay ang moment na silang dalawa lang sa isang isla na regalo naman ni Daniel para sa kanilang honeymoon. Sa wakas, wala munang Nate, masosolo na nila ang isat-isa. Maganda ang isla at may ilan ding mag taong nainirahan doon. Ngunit ang rest house na kanilang tutuluyan ay may kalayuan sa mga kabahayan.“Wow, this is beautiful,” manghang paghanga ni Liam.“Oo nga, pero hindi ba parang delikado kasi parang ang layo natin sa mga kabahayan?” pag-aalala ni Lara.“Ano ka ba, mas okay ng ‘yon e. Hindi nila maririnig ang ingay mo,” mapanuksong bulong ni Liam.Siniko naman ni Lara si Liam at napangiti ng makalokohan.Wala din silang kasama, tanging silang dalawa lang talaga at ang sabi ni Daniel sa umaga lang daw may pupunta sa kanila na bangkero na magdadala ng mga sariwang isda na pwede nilang lutuin, at mga gamit na kanilang kakailanganin.“Wow everything is perfect, kaya wala tayong ibang gagawin kundi…” Kumindat si Liam kay Lara.Wala na siyang inaksayang
Ang naunsiyaming kasal, sa wakas matutuloy na rin. Magkasama nilang inihanda ang lahat, mula sa pagpili ng wedding gown, flowers, ring, cake, even ang lugar ng honeymoon ay magkasama nilang inasikaso. Hindi na katulad ng dati na laging may humahadlang.Ano pa ba ang mahihiling ni Lara, everything went well and smooth. Mas lalo rin niyang naramdaman ang pagmamahal at pananabik sa kanya ni Liam.“Hey, my Dear Nightbird.” Sabay halik sa noo kay Lara na sobrang busy sa pag-aasikaso ng invitation card.“Hey, how are you,” tugon naman ni Lara.“Well, I’m tired, I need a massage.” Umarte siya na parang ang sakit-sakit ng katawan.“Hmmm para-paraan ka lang e,” panunukso naman ni Lara.“Hey I’m serious, pinatulog ko pa si Nate, alam mo ba na ang kulit niya, ayaw niya pang matulog at gustong maglaro magdamag.” Pagbibida naman ni Liam.“Hmmm….”“Oo nga, kaya please itigil mo na ‘yan and massage my back.”“Sus…” panunukso naman ni Lara.Wala nang mas liligaya pa sa pagkakataong ito. Muling hinaha
Natulala na lang si Lara na halos hindi maapuhap ang reaksiyon ng kanyang buong pakiramadam nang marinig ang malakas na pagsalpok ng kotse ni Yvone sa isang poste. Wala siyang ibang naririnig kundi isang ugong na masakit sa tenga, at kabog ng kanyang dibdib na parang luluwa ang puso niya.Naaksidente si Yvone at kasama ang inosenteng paslit na si Nate. Parang bumagal ang takbo ng oras at wala siyang maintindihan. Ang tanging nakikita niya ay ang humahangos na si Liam.“Lara!!! Si Nate!!!”Doon siya nagising sa malakas na sigaw ni Liam. Saka lang siya natauhan at dali-daling tinanggal ang seatbelt. Kasunod nila sina Jordan at Dalia na halos pareho lang din ng reaksiyon.Agad na tumawag ng emergency si Jordan.“Oh my God, Oh my God, Oh my God!!! Nate!!!” Halos maglupasay siya sa nakitang hitsura na duguang si Nate. Hindi nila basta mabuksan ang kotse dahil nag-lock ang mga pinto nito.But Liam’s adrenaline went high kaya nagawa nitong basagin ang salamin ng kotse.“Liam get him! Dalhin
Sa sobrang galit, sinugod ni Yvone si Jordan ng gabing umuwi ito galing kina Dalia.“Jordan!” halos masira ang pinto sa pagtulak niya.“What the hell! Are you out of your mind?!” galit na reaction ni Jordan.“May kasunduan tayo. Ilalayo mo si Lara! Pero bakit?! Bakit nagkita pa rin sila!?” Parang baliw si Yvone sa inaasta niya.“Stop it, Yvone, wake up! Liam is not yours.”“No!!! He’s mine! Mine only!” sigaw niya na parang nasisisraan na ng bait.“Get out,” malumanay na pakiusap niya.“Fuck you!”“Get out. Now!”Itinulak niya si Yvone sa labas. Ito ang unang pagkakataon na itinaboy niya ito at tinanggihan. Kung dati isa siyang alipin nito, ngayon ay hindi na.Lalong nagngitngit sa galit si Yvone ng makita niya si Liam na pumasok sa tinutuluyan ni Lara.“HEY, AHM, nakakaabala ba ako?” nag-aalangang tanong ni Liam kay Lara.“Ah, hindi naman, pasok ka,” yaya naman ni Lara.Sinalubong naman siya ni Nate na gising pa rin at naglalaro ng kanyang mga laruan.“Mr. Bunny,” namimilog ang mga ma
Halos araw-araw na kinukulit ni Yvone si Liam, hindi siya tumitigil sa pagsunod dito. Wala namang ginawa si Liam kundi ang itaboy siya. Kaya si Liam lagi na lang nasa labas at nakikipaglaro kay Nate.“Nate,” tawag ni Lara sa anak, isang hapon matapos ang kanyang trabaho.“Mommy, nandito po ako,” sagot ni Nate habang nakikipaglaro kay Liam sa garden ng resort.“Hey baby, halika na kailangan na nating pumasok sa loob,” magiliw na yaya niya sa anak.“Ayoko pa mommy, naglalaro pa po kami ni Mr. Bunny e.”Kumunot ang noo niya sa pagka-amuse sa endearment ng mga ito. Si Nate ang little bunny at si Liam naman ang Mr. Bunny. Bahagya siyang napatawa at sinakyan na lang ang trip ng anak.“Okay, Mr. Bunny is tired so he needs rest. Kaya halika na we need to go inside okay.”“Hey little bunny, do as your mom says. I’ll see you tomorrow.”Halata sa expression ng mukha ni Nate ang dismaya. Ayaw man nitong gawin ay sumunod na lang. Napasinghap si Lara ng makita si Yvone na kanina pa pala sa likura
“Fine, I didn’t know that Jordan is getting married. Anyway, baka pwedeng iwan mo muna kami dahil may importante pa kaming pinag-uusapan,” aroganteng utos ni Yvone.“Sorry pero ayoko,” pagmamatigas naman ni Dalia.“Huh! I like you, mukhang magkakasundo tayo,” mapaklang sagot ni Yvone.“Hindi siguro.”“Pwede ba tama na,” pigil naman ni Jordan. “Dalia, umuwi ka muna, pupuntahan na lang kita mamaya.”Hindi naging maganda sa pakiramdam ni Dalia ang utos na iyon ni Jordan. Pakiramdam niya may mahalagang bahagi ang babaeng iyon sa buhay nito. Kaya inis ang nararamdaman niya habang naglalakad pauwi.GAYA ng ipinangako ni Jordan, pinuntahan siya nito sa kanilang bahay. Sa bwisit niya kay rito, hindi niya ito hinarap. Nagkulong siya sa kwarto at nagmukmok.“Dalia ano ba, nandito si Jordan.” Pinasok siya ng kanyang ina sa kwarto.“Hay, hayaan n’yo siya Nay. Masama ang pakiramdam ko, pauwiin n’yo na lang siya,” walang kwentang pagdadahilan niya.“Anak, huwag mo namang bastusin si Jordan, nagpaka