HINDI napansin ni Liam ang pagtawag ni Jake sa kanya, naligo kasi siya. Ten missed calls to be exact at may message pa. Kuya nasaan ka ba bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nightbird is in trouble. It rises his adrenaline at agad na tinawagan si Jake. “Jake anong nangyari?”“Kuya puntahan mo si Nightbird, nasa labas na siya ng hotel pati mga gamit niya. Pinaalis na siya ng hotel owner na tinutuluyan niya. Yan ang ibinalita sa akin ng mga tauhan ko.”Hindi na sumagot si Liam at pinatayan na agad ng phone si Jake. Mabilis siyang nakapagbihis at agad na hinagilap ang car key. Sobra ang kaniyang pag-aalala knowing that the rain is hard. Siguradong nilalamig na si Miss Bernal. TUMIGIL ang taxi na sinasakyan nila Billy sa mismong harapan ng waiting shed. Bumaba sila na may dalang pangbalabal at pagkain para kay Lara. Niyakap nila ito at pinakalma. Maya-maya si Liam naman ang dumating at talagang nagulat silang lahat. “Sir?”HINDI alam ni Liam kung paano ipapaliwanag ang pagdatin
ISA-isa namang dumating ang mga miyembro ng pamilya ni Liam. Sina Donya Leonora at mga parents niya maging ang isang babae na may kalong na batang babae at kasunod na batang lalaki hindi niya sure kung sino ang asawa nito. Bumaba ang bata sa bisig ng kanyang ina at kumarga kay Liam gayun din ang batang lalaki. Ang sweet nilang tingnan, hindi kaya anak ito ni Mr. Legaspi. Dahil wala siyang masyadong alam na information sa boss niya, baka nga may anak at asawa na ito. Hindi man dapat pero nakaramdam siya ng konting kirot, siguro panghihinayang. Sayang dahil mayroon na sanang isang lalaki na nagpapakita at nagpapadama ng concern sa kalagayan niya e too bad, may asawa na pala. Itinuon niya ang sarili sa pagkain. NAPATINGIN si Liam ng bahagya kay Miss Bernal at nakita niya ang kakaibang reaksiyon ng mukha nito na hindi kayang itago sa hitsura nito. “Honey nandiyan ka na pala,” bati ni Daniel sa kanyang asawa. “O Honey kanina ka pa?”“Oo nandoon lang kami ni Jake sa sala hindi mo ba ako
ONE week na ang nakakalipas simula nang tumira siya sa mansion ng mga Legaspi. Wala siyang planong mag-stay kaya patuloy siyang naghahanap ng malilipatan. Nahihiya pa rin naman siya kahit papaano. Ang isa pang dahilan kung bakit gusto niyang makahanap ng sariling apartment na matutuluyan ay ang mga stages ng kanyang paglilihi. Nahihirapan siyang itago ang nararamdaman niya at naiinis din siya sa sarili dahil sobrang inis ang nararamdaman niya kapag nakikita niya si Mr. Legaspi sa office at maging sa bahay, bakit naman sa lahat pa ng taong kaiinisan e si Mr. Legaspi pa ang tinamaan ng magaling. Naiirita siya sa sandaling makita niya ang imahe nito kahit sa malayo. Naiinis siya kapag ngumingiti ito sa kanya, parang kumukulo ang dugo niya. Kapag dumadaan ito sa office nila sumisimangot na agad siya, at para maiwasan ito pakunwaring pumupunta siya sa CR pero hindi maiwasang pagdabugan ito. Talagang naiirita siya. Napansin iyon ng ilang mga kasamahan niya kaya hindi nila naiwasang magta
Pagdating niya sa mansion wala rin siyang naabutang Miss Bernal ang sabi nila hindi pa daw ito umuuwi. Nakadama na naman siya ng inis at pagkapikon. “Kuya the last time I saw you like that e nung maghiwalay kayo ni Yvone. Nag-away ba kayo ni Miss Lara?” puna ni Jake. “Ano pa nga ba.”Natawa si Jake. “Bakit girlfriend mo na ba siya? ““Yun nga e she’s not even my girlfriend pero inaaway na ako,” galit na galit na pahayag niya. Pinagtatawanan lang siya ni Jake habang pinapanood ang pabalik-balik na paglalakad niya. “Bakit ano ba ang pinag-awayan ninyo?” tanong ni Jake. “Bro sinabihan niya ako na naiirita siyang makita ako, at nakakamtay daw ang amoy ng pabango ko pati boses ko kinaiinisan niya. What’s her problem!? Sumosobra naman na yata siya, hindi porke pinapaboran ko siya e pwede na niya akong tratuhin ng ganon.”Natatawang lumapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “Kuya, kasalanan mo yan binuntis mo siya e. Pinaglilihihan ka niya,” at lalong tumawa ng malakas si Jake.
Nanghina na si Lara sa sinabing iyon ni Liam waring natauhan siya at nahimasmasan. Umiyak na lang siya ng umiyak. “Hindi ko alam kung bakit ayaw kitang makita at naiinis ako sayo,“ humahagulgol na sabi niya. “Kung nakilala ko lang ang lalaking iyon hindi ka sana nahihirapan sa akin ng ganito Mr. Legaspi. Hindi mo naman kailangang gawin ito e wala ka namang responsibilidad sa akin e. Gusto ko nang mamatay,” lalong lumakas ang atungal nito. Hay Miss Bernal nandito na ako kaya nga hindi ka na nahihirapan e. Paano ko ba sasabihin sayo? Baka kapag sinabi ko sa iyo ay lalo ka lang mawala sa akin. Hindi niya maibulalas ang nasasaloob. “Tahan na tumayo ka na diyan, umuwi na tayo.”“No, please, Mr. Legaspi napaka-unfair ko na sa’yo. Hindi ko dapat sinabi at ginawa ang mga bagay na iyon sa’yo.”Imbes na magalit ay natawa na lang siya. Naalala niya ang sinabi ni Jake. Napaglilihihan siya nito. “Mainis ka hanggat gusto mo, naiintindihan ko. Hindi na lang ako magpapakita sayo ng madalas, papal
Naging ganoon na nga ang routine nila, walang pansinan pero bakit parang hinahanap-hanap ni Lara ang presensiya ni Liam. Nami-miss niya ang pag-aalaga nito sa kanya although hindi naman natigil ang palihim na pagpapadala nito ng food, inililihim niya sapagkat ayaw niyang magka-isyu ito kay Suzy. Hanggat maaari ay maingatan ni Liam ang reputasyon ni Lara. But with Lara parang gusto na niya itong makita palagi. Kulang na yata ang araw kapag hindi niya ito nakikita. Kahit sa cafeteria ng company hindi na ito nagagawi. Halos humaba na ang leeg ni Lara sa pagtanaw sa pintuan, inaabangan ang pagdating ni Mr. Legaspi. “Girl humahaba na naman ang leeg mo,” panunukso ni Billy. “Hindi ha,” mariin naman niyang pagtanggi. “Naku Girl kahit di mo aminin halata naman sa mga mata mo,” hirit ni Angie. Nalungkot siya, kasi totoo naman. “Oo tama kayo nami-miss ko siya,” pag-amin niya. “Kasi naman sa dinami-dami kasi ng paglilihihan mo e si Boss pa,” paninisi ni Billy. “Hindi ko rin naman gusto
Halos araw-araw nang bumibisita si Stephanie sa opisina ni Mr. Legaspi at sa nakikita niyang maayos na pakikitungo nila sa isa’t-isa mukhang nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nararamdaman niya para dito ay unti-unti niyang pinapalis kahit siya ay nasasaktan. “Lara okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Billy habang nag-aabang sila ng sasakyan pauwi. Napansin ni Billy na madalas siyang tulala. “Ha? Okay lang ako bakit?” pinilit niyang ngumiti. Nalulungkot siya sapagkat hindi na siya nabibigyang pansin ni Mr. Legaspi. Wala nang naghahatid sa kanya. “Nagseselos ka ba kay Stephanie?” Hindi talaga siya makakapagtago ng lihim kay Billy. “Billy, inlove na yata ako kay Mr. Legaspi.” Namilog ang mga mata ni Billy. “Really?”Dahan-dahan siyang tumango. “Kailan pa?”“Simula nang alagaan niya ako, ipagtanggol at patirahin sa kanilang bahay. Sobrang nakaka inlove ang kabaitan niya. Grabe parang tinutunaw ako kapag nagpapakita siya ng concern.”“Ang lungkot naman niyan Girl, pano yan par
Napansin ni Daniel ang hindi komportableng pakiramdam ni Lara kaya sinikreto niyang kausapin si Liam. “Kuya, hindi kaya masyado ka nang nagiging close kay Stephanie?”“Hindi naman. I’m just being nice to her because she’s the sister of my colleagues and also a client, a big client.”Daniel give a reaction with his face. “Why?” pagtataka naman ni Liam. “Wala lang, baka hindi mo napapansin o nararamdaman ang damdamin ni Lara. Baka ito rin ang dahilan kung bakit naisip niyang umalis na dito sa mansion,” paliwanag ni Daniel. “Do you think so?”“I think so, Kuya hindi mo ba napapansin ang hitsura ni Lara kapag nandiyan si Stephanie. Hindi siya komportable saka nalulungkot siya.”“Really, do you think she’s jealous of her?”Daniel rolled his eyes, “Hay Kuya how stupid and insensitive you are. Para ka namang rookie niyan pagdating sa babae e.”“Hey, how would I know. Hindi ko siya matingnan sa mukha. Lagi ko siyang iniiwasan kasi kailangan kong gawin because of that paglilihi thing.”Nat
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H
Kalmado lang ang pakiramdam ni Jordan habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili. Inaayos niyang mabuti ang necktie at polo na suot maging ang itinerno niyang trouser. Semi formal attire makes him look like dashing and elegant. Maiba-iba naman sa lagi niyang porma na tight jeans, boots, and leather jacket.Kasabay niyon ay ang pagpapapraktis niya ng sasabihin at ipapaliwanag kay Mang Joe na nakasanayan na nilang tawaging Tatay Joe. Pati hand gesture, facial expressions, and voice tone ay sinisigurado niyang magiging convincing na talagang walang nangyari sa kanila ni Dalia.“Ayos, kaya ko ‘to,” kumbinsi niya sa sarili. Sumisipol pa siya at gwapung gwapo sa ayos niya when he suddenly realized that he looks like a fool.“Hey man, you look like a fool, bakit ba pinaghahandaan mong mabuti ang kalokohang ito?” kausap niya sa sarili.Muli ay inayos na lang niya ang sarili pero idinidikta ng kanyang isip na kailangan niyang paghandaan ang pagharap kina Tatay Joe, dahil kung hindi
“Pssst, Jordan,” impit na boses ni Dalia habang tinatawag ang pansin ni Jordan matapos umalis ng kanyang ama.Napalingon si Jordan sa isang mataas na kumpol ng halaman sa labas ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang tinig na nagmumula roon at nakita niya si Dalia na nakatago sa mga halaman.“Anong ginagawa mo d’yan?” nagtatakang tanong niya.“Jordan halika dito.” Hinila ni Dalia si Jordan.“Ano ba? Bakit kung makatago ka d’yan parang ang laki ng kasalanan natin?” angil niya.“Jordan, umalis ka muna dito, magtago ka, sa Manila o sa America o saang lupalop ng daigdig na hindi ka matutunton ng tatay ko at mga pasaway na kuya,” halos nauutal na utos ni Dalia.“Ha? Bakit ako magtatago, hoy wala akong kasalanan para magtago ha,” bulalas naman ni Jordan.Sinenyasan naman ito ni Dalia na manahimik at ibaba ang tono ng pagsasalita.“Oo na, alam ko naman ‘yon e, pwera na lang kung nagsasabi ka ng totoo.”“Woah!” sabay buga ng hangin sa kawalan. “Hoy Dalia, anong palagay mo sa ‘kin manyakis, manan
“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t