Share

Chapter 9

DAMA pa rin ni Liam ang galit at bigat ng dibdib sa nakaraang pangyayari. Halos hindi makabangon ang kanyang katawan kahit gusto ng kanyang isipan. Gusto niyang pumasok ng maaga para makita kaagad si Miss Bernal pero talagang hindi kaya ng kanyang katawan. Tinawagan niya si Suzy para itanong kung pumasok na si Miss Bernal at ang sagot nito ay oo. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag.

“Liam you look horrible,” puna ng lola niya nang makaharap ang mga ito sa dining table.

“Huh?” tiningnan niya ang sarili sa salamin at tama nga ang lola niya.

“Liam magkaliwanagan nga tayo apo ano ba talaga ang nangyayari sayo? Mukhang hindi na normal ang mga ikinikilos mo ng mga nakaraang araw.”

Natatawa lang sina Jake at Daniel.

“Wala ito lola don’t worry,” paliwanag niya.

Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa.

“Kayong dalawa may alam ba kayo?” pangungulit ni Donya Leonora.

“Sasabihin ko ba kuya Liam?” panunukso ni Jake.

“No! Don’t you dare,” may mapanghamon na tingin ang ipinukol niya kay Jake.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status