“Sir, I’m sorry po hindi ko alam na kayo pala iyan.”
Pakiramdam ni Liam parang tumitigil ang kanyang paghinga ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Para siyang napako sa pagkakatayo na nakatitig lang sa kanya at nakita ng lahat ang pagkabigla niya. Siya iyon si Nightbird. Samantalang si Miss Bernal ay nakatungo at hindi makuhang tumingin sa kanya. Maya-maya ay sumimangot ito at waring hindi nagustuhan ang naamoy at nagsimulang maduwal kaya hindi niya napigil tumakbo papuntang CR. “A-anong, a---anong nangyayari sa kanya?” halos mabulol siya sa pagsasalita. “Naku Sir pasensiya ka na po talaga ako na ang nakikiusap. Buntis po kasi siya kaya hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya,” paliwanag ni Billy. Hindi na siya nakakilos ni makapagsalita. Paano niya malilimutan ang mukha ng babaeng tinitigan niya ng umagang magising siya at ng mga gabing tinititigan ito sa cellphone bago matulog. Siya iyon, si Nightbird. LUMABAS si Lara sa CR at inaasahan na ang katapusan na niya. Mukhang matatanggal na siya sa trabaho. Narinig at nakita na niya ang galit na galit na boss niya. Ano ba yan kung kailan nakita na niya ng face to face si Mr. Legaspi e sa ganito pang pagkakataon. Wrong timing naman. Parang ayaw nang humakbang ng mga paa niya para bumalik sa desk niya. Pero kailangan niyang tapangan at least kahit sa huling pagkakataon ay makita niya si Mr. Legaspi. Hinarap niya ito pero dagliang umiwas ang tingin nito. “I’m sorry po talaga,” pakiusap niya kay Mr. Legaspi Palinga-linga kung saan ang tingin ni Liam, pilit niyang iniiwas sa mga mata ni Miss Bernal dahil siguradong makikilala siya nito. “Sir, magpapasa na lang po ako ng resignation letter,” malungkot niyang pahayag at ang lahat ay nabigla. Maging si Mr. Legaspi. Hindi makasagot si Liam tila umurong ang kanyang dila. “Tapusin mo ito ng maayos kailangan ko iyan sa desk ko bukas, ayusin mo ang trabaho mo Miss Bernal,” yun na lang ang tanging nasabi ni Liam. Agad nang nilisan ni Liam ang clergy team at bumalik sa kanyang office. Nagmamadaling niluwagan ang necktie sa sobrang tensiyon. All these years ay kasa-kasama na pala nila si Nightbird pero nagdala ito ng kalituhan sa kanyang isipan nang malaman niyang buntis ito na nag-iwan ng malaking katanungan. Could it be? Naubos niya ang isang litro ng tubig sa kanyang ref. Maaaring siya ang ama ng dinadala ni Nightbird, o maaaring hindi sapagkat hindi pa niya kilala ang pagkatao nito. Buong araw siyang nag-iisip at walang ibang nagawa, ni hindi siya lumabas ng office at hindi tumanggap ng anu mang appointment. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Pero hindi naman siya makakaiwas dahil walang humpay ang pagtunog ng intercom. Si Suzy tumatawag sa kanya at mukhang mahalaga kaya kahit ayaw niya ay sinagot niya ito. “Hello Sir, nandito po si Miss Bernal at gusto po kayong makausap. ” His heart beats faster than it could nanginig na naman ang kanyang mga kalamnan. Nataranta siya at hindi na naman malaman kung ano ang gagawin. “Sir papapasukin ko po ba?” “Ah- ah- a-ano daw ang kailangan niya?” “Sir magre-resign na daw po siya.” “Ha?” “Sir magreresign na daw po siya?” “I heard you hindi ako bingi, what I mean is why?” “Hindi ko po alam Sir.” “Send her in,” inayos niyang mabuti ang kanyang buhok, iniba niya ang style. Ibinaba niya ang bangs para maiba ng konti ang hitsura niya. Tumayo siya at palakad-lakad sa harap ng kanyang desk. Pilit niyang nirerelax ang sarili. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto at hindi sinasadyang matabig ang pen holder at bumagsak sa sahig lalo tuloy tumaas ang tension. “Good afternoon po Mr. Legaspi.” Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito at parang hindi nga maayos ang pakiramdam. Halata sa mga eye bags at ayos ng buhok.Iniabot nito ang isang letter of resignation na halatang labag sa kalooban. “Magreresign na po ako Mr. Legaspi at nais ko pong humingi ng tawad sa mga pagkukulang at pagkakamali ko. Patawad po.” Mataman niyang tinititigan at inoobserbahan si Miss Bernal at nawawari niyang hindi siya nito nakikilala sapagkat madilim ang gabing iyon at pareho silang nakadrugs. Dahil kung na-recognize siya nito dapat doon pa lang sa una nilang confrontation. “Miss Bernal anong dahilan bakit ka magreresign?” Sa wakas naging maayos na rin ang kanyang pagsasalita. “Sir I’m having a difficult period of morning sickness, at kahit anong pilit ang gawin ko hindi ko po makayanang maging malakas at marelax.” Tiningnan niya lang muna si Miss Bernal at napansin niyang panay ang takip nito sa ilong at nagsisismulang makaramdam ng pagiging iritable. Gusto niyang tanungin ito ng personal na tanong tungkol sa ama ng kanyang dinadala pero awkward naman, bala lumabas na pakialamero siya. “I’ll think about it, give me time. For now you will still do your work pero mas magaan na muna ang ibibigay ko sayo.” Hindi na napigilan ni Miss Bernal ang maduwal kaya agad niyang tinakpan ang bibig. “Miss Bernal?” Nataranta si Liam at hindi alam ang gagawin kaya napatayo siya sa pagkakaupo at inalalayan si Miss Bernal papuntang CR. Lalong tumaas ang kanyang curiosity na malaman ang tungkol kay Miss Bernal kaya naisip niyang tanungin si Suzy kaya ipinatawag niya ito sa office. “Sir may kailangan po ba kayo?” tanong ni Suzy. Atubili pa siyang sumagot. “Ahm, pwede ko bang malaman ang mga personal na information ng mga empleyado ko” “Pwede naman po Sir,” halata sa mukha ni Suzy ang pagtataka at medyo naramdaman iyon ni Liam. “Ahm I want to know some details about Miss Bernal.” “Ganoon po ba Sir, ang pagkakaalam ko sa record niya ay five years na po siyang nagtatrabaho sa ating kumpanya. She’s 28 years old.” Five years how can I not know that? natanong niya sa isip na parang ang tanga ng tingin niya sa sarili. “What about her status as a person?” hindi niya madiretso si Suzy kung single pa ba si Miss Bernal or in a relationship. “She’s in a relationship Sir.”“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay. “Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.”“Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.”“No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!”“Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya.
DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya. “Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya. Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand. “Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya. “Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid. "Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya. "Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mg
NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel. “Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?”Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat. “Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.”“Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya. Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong. Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good. Napansin naman iyon ni Lara. “I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.”Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya. “Anyway, I don’t mind if you cover your nose.”“Thank you Sir,” naiilang niyang sagot. “By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka
WALA pa ring notification letter na dumarating mula kay Mr. Legaspi tungkol sa kanyang pagre-resign. Palaisipan sa kanya ang dahilan. Baka naman naaawa lang sa kanya dahil sa kanyang kalagayan lalo at nasaksihan nito ang pag-aaway nila ng boyfriend niya. Pero hindi siya umaasa baka bumubwelo ito o kaya busy sa work. Kaya itinuloy na lang niya ang trabaho kahit hindi niya ito magawa ng maayos. Kahit paano gusto niyang magpasalamat kay Mr. Legaspi sa pagpapakita nito ng kagandahang loob. Nagpadala din ito ng mga prutas na pwede niyang kainin anytime na magcrave siya. Nang uwian na nakita niya si Eric sa labas ng building at nilapitan siya nito. Matino na ang kalagayan ngunit nakaramdam siya ng matinding takot dito. “Lara pwede ba tayong mag-usap?”“Hindi ako pwede nagmamadali ako,” malamig na tugon niya. Pinigilan siya ni Eric at nakiusap ito na mag-usap muli sila. Kahit paano nakaramdam pa rin siya ng awa kay Eric kaya pinagbjgyan niya ito. “Sige mag-usap tayo pero binigyan kita
DAMA pa rin ni Liam ang galit at bigat ng dibdib sa nakaraang pangyayari. Halos hindi makabangon ang kanyang katawan kahit gusto ng kanyang isipan. Gusto niyang pumasok ng maaga para makita kaagad si Miss Bernal pero talagang hindi kaya ng kanyang katawan. Tinawagan niya si Suzy para itanong kung pumasok na si Miss Bernal at ang sagot nito ay oo. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag. “Liam you look horrible,” puna ng lola niya nang makaharap ang mga ito sa dining table. “Huh?” tiningnan niya ang sarili sa salamin at tama nga ang lola niya. “Liam magkaliwanagan nga tayo apo ano ba talaga ang nangyayari sayo? Mukhang hindi na normal ang mga ikinikilos mo ng mga nakaraang araw.”Natatawa lang sina Jake at Daniel. “Wala ito lola don’t worry,” paliwanag niya. Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa. “Kayong dalawa may alam ba kayo?” pangungulit ni Donya Leonora. “Sasabihin ko ba kuya Liam?” panunukso ni Jake. “No! Don’t you dare,” may mapanghamon na tingin ang ipinukol niya kay Jake.
SIMULA noon madalas nang dinadaanan ni Liam si Lara at kinukumusta. Maayos na rin ang kalagayan nito at hindi na mukhang balisa. Nagtataka siya isang umaga kung bakit ang lahat ng empleyado ng Legaspi Construction Company ay umaakyat sa function hall. Bumabati na lang ang mga ito kapag nakikita siya. Sinalubong niya si Suzy para alamin ang dahilan, “Suzy what’s goin’ on?”“Sir nag-surprise visit po si Donya Leonora.”“What!? “ napasigaw siya sa pagkakagulat. Dali-dali siyang sumakay sa elevator para tumungo sa function hall. Kailangan niyang mapigilan ang anumang pwedeng gawin ng lola niya. Alam niyang gagawin nito ang lahat makita lang si Miss Bernal, and what he is scared of ay masabi ng lola niya ang totoo kay Miss Bernal. Eksakto naabutan niyang tumatawa ito na nakikipag-usap sa mga empleyado. Kumalma ang kanyang pakiramdam at ang sunod na hinagilap ng kanyang mga mata ay si Miss Bernal. Nakita niya ito sa kasamahan ng mga nakapalibot kay Donya Leonora. “Oh no,” pag-aalala niya
MAY kakaibang kilig ang hatid ng mga sandaling kausap niya si Mr. Legaspi. Ngunit ginalitan niya ang sarili kasi hindi dapat lalo na sa kalagayan niya, asan na ang delikadesa niya. Pero napaka-gentleman talaga niya. Kaya pinili niyang umalis bago pa siya ma-hook sa look nito na talagang nakaka-inlove. “Miss Bernal.” Pinigilan siya ni Mr. Legaspi na lumabas. Binalingan niya ito kasabay ng kanyang dibdib na dumadagundong sa kaba. “Yes po Sir?”“I need you to do me a favor.”“Ano po iyon Sir?”“Pwede bang paki-edit ang file na nasa laptop ko? I need it tomorrow for a project proposal.”“Yes Sir.”Sa wakas makakapag-stay pa siya sa office ni Mr. Legaspi gusto niya kasi talaga ang amoy ng pabango niya. Gusto mo ba yung amoy baby kaya ba hindi mo ako pinahihirapan napapangiti niyang sabi sa isip. Umupo siya sa sofa at binuksan ang laptop, may password ito kaya tinanong niya si Mr. Legaspi kung ano password ng kanyang lap top. “Sir ano po ang password ninyo?”“Nightbird.”“Wow kakaiba
HINDI napansin ni Liam ang pagtawag ni Jake sa kanya, naligo kasi siya. Ten missed calls to be exact at may message pa. Kuya nasaan ka ba bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nightbird is in trouble. It rises his adrenaline at agad na tinawagan si Jake. “Jake anong nangyari?”“Kuya puntahan mo si Nightbird, nasa labas na siya ng hotel pati mga gamit niya. Pinaalis na siya ng hotel owner na tinutuluyan niya. Yan ang ibinalita sa akin ng mga tauhan ko.”Hindi na sumagot si Liam at pinatayan na agad ng phone si Jake. Mabilis siyang nakapagbihis at agad na hinagilap ang car key. Sobra ang kaniyang pag-aalala knowing that the rain is hard. Siguradong nilalamig na si Miss Bernal. TUMIGIL ang taxi na sinasakyan nila Billy sa mismong harapan ng waiting shed. Bumaba sila na may dalang pangbalabal at pagkain para kay Lara. Niyakap nila ito at pinakalma. Maya-maya si Liam naman ang dumating at talagang nagulat silang lahat. “Sir?”HINDI alam ni Liam kung paano ipapaliwanag ang pagdatin
Buong araw na walang Nate na nagpakita kay Liam, kaya nagtataka siya. Kaya isang umaga nahiling niya na sana makita niya ulit si Nate. Gusto niyang mag-sorry, natakot siguro ito sa kanya kaya hindi na nagpakita. Pero nagkamali siya ng akala, pagbukas niya ng pinto, pinagbabaril na naman siya ng water gun at kumaripas ng takbo ng maubos na ang tubig na bala.“Nate!!!” gigil na tawag niya rito pero dinilaan lang siya. Hinagilap niya ang phone at tinawagan ang kapatid na si Daniel. Ngayong araw na ito ang pagdating ng family niya para samahan sa pamanhikan si Jordan kaya alam niyang papunta ang mga ito.“O kuya napatawag ka,” bati ni Daniel.“Get me a water gun now,” gigil na utos niya kay Daniel.“Ano?” pagtataka naman ni Daniel.“I said get me a water gun right now!” napasigaw na siya.“Hey, hey, calm down. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo nang water gun.”“Just do what I say,” gigil pa rin siya.“Okay, okay, I will.”Pinatay na niya ang phone at naiiritang pumasok sa loo
Matamang tinititigan ni Liam ang nabili niyang laruan. Nag-aalinlangan kung magugustuhan ba ito ng batang iyon. Bahala na ang naisaisip niya, pagkatapos ay isa-isa na niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kotse. At ayaw man niyang aminin, si Lara ang isang dahilan ng kanyang pag-aalinlangan. Madami nang nagbago maging ang hitsura nito na mas lalo yatang gumanda. Sa apat na oras na haba ng biyahe, mukha lang ni Lara ang laman ng kanyang isip, simula ng makilala niya ito hanggang ngayon, walang nagbago sa nararamdaman niya para dito. The thing is, he is such a fucking looser. Nagpakatanga siya at mas pinaniwalaan ang mga kalokohan ni Yvone. Hindi niya pinaniwalaan ang sinabi noon ni Lara kaya heto at pinagbabayaran na niya ang lahat.Lunch time na siya nakarating, tamang-tama nagpahanda daw ng lunch si Jordan ayon sa message nito sa messenger. Pagbaba niya ng kotse, namataan agad niya ang pilyong si Nate na nakaharang sa entrance ng hotel.Hindi niya masyadong pinansin at tuluy-tuloy
Magulong buhok, guri-guring lipstick na nasa mukha ni Dalia ang naabutan ni Lara na ayos nito.“Lara, tulungan mo naman ako dito oh,” pagsusumamo ni Dalia.Natawa naman si Lara sa kalagayan ni Dalia.“Ano ba kasing ginawa mo?” natatawang lumapit siya at umupo sa tabi nito sa gilid ng kama.“Si Nanay kasi ang kulit, pinagme-make up ako at kung anu-anong pinapasuot sa akin, alam naman niya na hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong damit,” reklamo ni Dalia. “O sige na, ako nang bahala. May maganda naman sigurong dress na pwede mo pang isuot sa mga ‘to.”Hinalukay niya ang gabundok na tambak na dress na hiniram ni Aling Mila. Inayos niya rin ang buhok nito at nilagyan ng manipis na shade ng make-up. Lumitaw ang natural na ganda ni Dalia, gandang simple at kagalang-galang na probinsiyana. NAWALA ang pagiging astig at cool na personality ni Jordan sa pagkakataong ito. Kanina pa siya pinapawisan sa sobrang kaba lalo na’t pinaggitnaan pa siya ng dalawang maskuladong mga kuya ni Dalia. “H
Kalmado lang ang pakiramdam ni Jordan habang nakaharap sa salamin at tinitingnan ang sarili. Inaayos niyang mabuti ang necktie at polo na suot maging ang itinerno niyang trouser. Semi formal attire makes him look like dashing and elegant. Maiba-iba naman sa lagi niyang porma na tight jeans, boots, and leather jacket.Kasabay niyon ay ang pagpapapraktis niya ng sasabihin at ipapaliwanag kay Mang Joe na nakasanayan na nilang tawaging Tatay Joe. Pati hand gesture, facial expressions, and voice tone ay sinisigurado niyang magiging convincing na talagang walang nangyari sa kanila ni Dalia.“Ayos, kaya ko ‘to,” kumbinsi niya sa sarili. Sumisipol pa siya at gwapung gwapo sa ayos niya when he suddenly realized that he looks like a fool.“Hey man, you look like a fool, bakit ba pinaghahandaan mong mabuti ang kalokohang ito?” kausap niya sa sarili.Muli ay inayos na lang niya ang sarili pero idinidikta ng kanyang isip na kailangan niyang paghandaan ang pagharap kina Tatay Joe, dahil kung hindi
“Pssst, Jordan,” impit na boses ni Dalia habang tinatawag ang pansin ni Jordan matapos umalis ng kanyang ama.Napalingon si Jordan sa isang mataas na kumpol ng halaman sa labas ng kanyang bahay.Nilapitan niya ang tinig na nagmumula roon at nakita niya si Dalia na nakatago sa mga halaman.“Anong ginagawa mo d’yan?” nagtatakang tanong niya.“Jordan halika dito.” Hinila ni Dalia si Jordan.“Ano ba? Bakit kung makatago ka d’yan parang ang laki ng kasalanan natin?” angil niya.“Jordan, umalis ka muna dito, magtago ka, sa Manila o sa America o saang lupalop ng daigdig na hindi ka matutunton ng tatay ko at mga pasaway na kuya,” halos nauutal na utos ni Dalia.“Ha? Bakit ako magtatago, hoy wala akong kasalanan para magtago ha,” bulalas naman ni Jordan.Sinenyasan naman ito ni Dalia na manahimik at ibaba ang tono ng pagsasalita.“Oo na, alam ko naman ‘yon e, pwera na lang kung nagsasabi ka ng totoo.”“Woah!” sabay buga ng hangin sa kawalan. “Hoy Dalia, anong palagay mo sa ‘kin manyakis, manan
“Kuya,” bungad ni Jake na para bang may nangyaring hindi maganda.Halos masamid naman si Liam habang kumakain sa dining table, “Goodness Jake, ano ba?” Reklamo niya.“Totoo ba na nakita mo na si Lara?”“Oo, bakit?”“Totoo bang may anak na siya?”“Oo din, hay bakit ba ang dami mong tanong?”“Ilang taon na yung bata ha?” Kung magtanong si Jake, para bang daig pa niya ang tatay.“Hindi ko alam, hindi ko naman tinanong si Lara e.”Umupo si Jake, “Hindi kaya anak mo ang batang ‘yun?”Lalo siyang nasamid, “Ano bang naiisip mo Jake. Paano ko naman magiging anak ang pilyo na ‘yon.”“Pilyo? Paano mo naman nasabing pilyo yung bata ha?”Napapikit siya ng ng maalala niya kung paano siya binato ni Nate. Bigla din siyang napamulat ng maalalang kailangan niyang palitan ang nasirang eroplano nito.“Shit.” Napamura si Liam. “Bakit ka naman napamura diyan?”“Alam mo Jake naririndi ako sayo ang mabuti pa samahan mo ako sa mall.”“Ha? Bakit?”“Kailangan kong palitan ang nasira kong laruan ni Nate.”“Who
“JORDAN, bakit hindi mo sinabi sa akin na dumating na pala si Liam. At bakit nandito pa siya sa hotel,” she frustratedly ask.“Hindi ko alam Lara, ni hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.”Hindi na siya mapakali na nagpapabalik-balik sa sala ng bahay na inookupa niya na nasa loob ng Hotel and Resort.“Calm down Lara,” pakiusap ni Jordan.“I can’t Jordan, I can’t.” Hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon, lalo na nang masaksihan niya ang tagpong karga ni Liam si Nate. “Hindi malayong malaman niya ang totoo.”“So anong plano mo?”Umupo siya sa sofa at tinakpan ng mga palad ang mukha. Pagkatapos ay huminga ng malalim.“Hindi na niya dapat malaman pa ang tungkol kay Nate.”“Sa tingin mo ba posible ‘yon Lara?”“Hindi ko alam Jordan pero hindi niya dapat malaman.”“Kaya nga, Lara dapat may plano ka, kung ayaw mong malaman ni Liam ang tungkol kay Nate you have two option.”Napukaw nito ang kanyang atensiyon.“What is it?”“Number one, lumayo ka sa lugar na ito dahil ang alam ko magkaka
Tumunog ang cellphone ni Liam, tinawatawagan na siya ni Mrs. Miller na kanyang kliyente.Simula nang makabalik siya, muli niyang hinawakan ang pagpapatakbo ng kumpanya. Ang kapatid niyang si Jake ay nagtayo ng sarili niyang kumpanya.Si Mrs. Miller ay magpapagawa ng Villa sa lugar malapit sa Hotel and Resort ni Jordan.Lumabas siya ng office ni Jordan at nakipag-usap kay Mrs. Miller. Nakuha niya ang deal kaya naman maghahanda na siya para sa construction.Naglakad-lakad muna siya habang nagre-relax. Maganda ang sikat ng araw, mahangin, at mabango ang simoy ng hangin. Sa kalagitnaan ng relaxation naramdaman niyang may bumato sa kanyang likuran. Nang lingunin niya, si Nate na nakadila sa kanya at nagtatakbo palayo.“Hey! Salbahe ka, hindi mo alam uncle mo ako,” nakasimangot na reklamo niya habang tinatanaw ang tumatakbong bata na si Nate.Kinabukasan ganon ulit ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya tinitigilan nito kaya naisip niyang hulihin at pagalitan ito. Mukhang pilyo nga.“Lagot ka
“Hey! You little bastard comeback here!”Napapikit si Lara sa reklamong naririnig, siguradong may nagawa na naman si Nate na kakulitan. Madalas na makadisgrasya o kaya naman makatama ng nilalarong laruan si Nate at ang mga kawawang biktima ay mga foreigner na guest. Wala kasi siyang mapag-iwanan na mag-aalaga dito kaya palagi niya itong kasama sa resort.“I’m sorry Sir and I promise it will never happen again.” Hiyang-hiya siya sa paghingi ng pasensiya. Madalas na nakakatanggap siya ng mga masasakit na salita pero nasanay na siya. Bilang ina handa siyang harapin ang lahat para kay Nate at sa kabila man ng kakulitan nito ay hindi nagbabago ang kanyang pagmamahal. Nagpapasalamat din siya dahil ganon din ang turing ng lahat kay Nate.“Nate, di ba sinabi ko sayo na huwag kang maglaro ng airplane mo dito sa labas. Doon ka na lang sa loob ng office ni Papa Jordan okay.”Sumimangot si Nate, “Nakakainip po doon Mommy e.”Niyakap niya si Nate, naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Minsan t