Lumipas ang isang linggo, akala ni Liam makakalimutan na niya ang nangyari noong birthday niya pero mas lalong tumindi ang pag-aasam na makita at mahanap niya si Nightbird. Nagpatulong na siya kay Daniel pero hindi rin daw nakuha nito ang impormasyon. Ang nasabi ng ilang crew ng Empress Hotel hindi nila nakuha ang information about her name dahil naghihintay pa ito sa kasama niya at hindi pa man lang nakapag-reserve ng table kaya ayon zero ang kinahinatnan ng kanilang paghahanap. He’s in his office, nakasandal sa swivel chair at nakatitig sa kisame na iniisip si Nightbird. After a moment bumalik na siya sa trabaho. Maya- maya pa ay kumatok na si Suzy ang kanyang dakilang secretary. “Yes Suzy?” tanong niya rito.“Sir heto na po ang mga hard copy ng files na pinakukuha ninyo. Naka-book bind na po yan.” Ipinatong ni Suzy sa table. Again, kagaya ng palagiang reaksiyon niya sa mga gumagawa ng files na iyon, napapahanga talaga siya. Malinis ang pagkakagawa at napaka-artistic. “Thank yo
“SIR congrats po,” bati ng doktor kay Billy. “Hay! Hindi ako ang tatay noh, kadiri,” tanggi ni Billy. Hindi makagalaw si Lara sa pagkakaupo, inakay na lang siya ni Billy palabas ng clinic. “Girl buntis ka, kaya pala. Naku congrats kay Eric kahit di ko pa siya nakikita.”Nilingon lang niya si Billy habang tuliro na naglalakad. “Huy girl ano okay ka lang?”Biglang tumulo ang kanyang luha at buong pait na umiyak. Buntis siya pero hindi si Eric ang ama at ang ama ay walang iba kundi ang lalaki iyon na hindi niya man lang kilala. Iniwan niya si Billy at tinungo ang Empress hotel, hinanap niya si Wendell ang waiter na nakilala niya. Nagtanong siya sa guard pero hindi siya agad pinapasok. Paano masyadong agresibo ang kanyang kilos kaya napagkamalan siyang wala sa sarili at malapit na nga siyang mawala sa sarili. Naniniwala siyang matutulungan siya ni Wendell. Pero hindi siya pinapasok sa loob kaya naghintay siya sa labas at umupo sa gutter. Nalilito habang umiiyak. Natanaw niya sa malayo
“Sir, I’m sorry po hindi ko alam na kayo pala iyan.”Pakiramdam ni Liam parang tumitigil ang kanyang paghinga ng makita niya kung sino ang nasa harapan niya. Para siyang napako sa pagkakatayo na nakatitig lang sa kanya at nakita ng lahat ang pagkabigla niya. Siya iyon si Nightbird. Samantalang si Miss Bernal ay nakatungo at hindi makuhang tumingin sa kanya.Maya-maya ay sumimangot ito at waring hindi nagustuhan ang naamoy at nagsimulang maduwal kaya hindi niya napigil tumakbo papuntang CR. “A-anong, a---anong nangyayari sa kanya?” halos mabulol siya sa pagsasalita. “Naku Sir pasensiya ka na po talaga ako na ang nakikiusap. Buntis po kasi siya kaya hindi niya magawa nang maayos ang trabaho niya,” paliwanag ni Billy. Hindi na siya nakakilos ni makapagsalita. Paano niya malilimutan ang mukha ng babaeng tinitigan niya ng umagang magising siya at ng mga gabing tinititigan ito sa cellphone bago matulog. Siya iyon, si Nightbird. LUMABAS si Lara sa CR at inaasahan na ang katapusan na ni
“Why are you breaking up with me!” Mariing tanong ni Eric kay Lara habang nakakuyumos ang mga kamay. “Hindi na ako karapat-dapat para sa iyo.”“Hindi ko maintindihan. Can you please explain?” halatang nagpipigil lang si Eric ng galit at pinipilit na unawain si Lara. Inipon ni Lara ang lakas ng loob para ipagtapat ang nangyari sa kaniya noong gabi ng kanilang anniversary. Hindi niya maitatago ang katotohanan. “Eric,” at ipinagpatuloy niya ang kwento mula sa umpisa ng mga pangyayari at habang kinukwento niya nagdidilim naman ang hitsura ni Etic. “I’m sorry Eric, kahit ako walang alam sa nangyari, hindi ko rin alam kung bakit ako napunta doon. Basta ang alam ko uminom ako ng alak.”“No!”Buong lakas na sigaw ni Eric at umalingawngaw ang kanyang boses sa kabuuan ng underground parking lot ng Legaspi Corp building. “Sino siya, papatayin ko siya!”“Hindi ko kilala, hindi ko nakita ang mukha niya,” paliwanag ni Lara habang humahagulgol. “No! You’re lying, siguro talagang katagpo mo siya.
DIS oras ng gabi narinig ni Lara ang lasing na boses ni Eric sa labas ng kanilang bahay. Nagsisigaw ito ng masasamang salita laban sa kanya. Nag-eeskandalo na ito kaya nagising ang mga kapatid at mama niya. “Anak ano ba iyon?” pag-aalala ng mama niya. Nag-aalala na rin siya sa susunod na mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. At hindi siya nagkamali isinisigaw nga ni Eric ang tungkol sa pagbubuntis niya na hindi kilala kung sino ang ama dahil naging bunga ng one night stand. “Lara totoo ba?” Lalong binalot siya ng pag-aalala sa nakitang reaksiyon ng kanyang mama. Lalo na ang matatalim na tingin ng mga kapatid niya. “Lumayas ka! nakakahiya ka lumayas ka dito! Ikaw na ampon ka lumayas ka!” pagtataboy ng kanyang kapatid. "Sandali, wala akong matutuluyan saka gabi na. Pwede bang bukas na lang," pakiusap niya. "Ang lakas ng loob mo'ng makiusap. Lumayas ka!" walang awang pagtataboy ng kanyang kapatid. Wala siyang nagawa kundi ang magbalot ng mg
NAPAGPASYAHAN na ni Lara bumalik na lang na lang sa hotel na tinutuluyan niya ngayon tutal gumagabi na at hindi pa rin siya nagdi-dinner. Mabigat ang kanyang loob na tumayo at muling tiningnan ang Empress hotel. “Hay Empress Hotel anong ginawa mo sa akin?”Eksaktong pagtalikod niya ay nabungaran niya si Mr. Legaspi na lubhang niyang ikinagulat. “Hay! Sir! Nakakagulat ka naman.”“Oh! Sorry if I scared you I didn’t know that it was you,” pagsisinungaling niya. Muli ay naamoy ni Lara ang matapang na pabango ni Mr. Legaspi kaya kahit gusto pa niyang makipag-usap e pinili niyang takpan ang ilong. Inamoy ni Liam ang sarili baka nababahuan na si Lara sa kanya pero hindi naman, he still smells good. Napansin naman iyon ni Lara. “I’m sorry po Mr. Legaspi sensitive lang po talaga ang pang-amoy ko.”Yun naman pala, akala tuloy niya e mabaho na siya. “Anyway, I don’t mind if you cover your nose.”“Thank you Sir,” naiilang niyang sagot. “By the way, kumain ka na ba kasi ako hindi pa baka
WALA pa ring notification letter na dumarating mula kay Mr. Legaspi tungkol sa kanyang pagre-resign. Palaisipan sa kanya ang dahilan. Baka naman naaawa lang sa kanya dahil sa kanyang kalagayan lalo at nasaksihan nito ang pag-aaway nila ng boyfriend niya. Pero hindi siya umaasa baka bumubwelo ito o kaya busy sa work. Kaya itinuloy na lang niya ang trabaho kahit hindi niya ito magawa ng maayos. Kahit paano gusto niyang magpasalamat kay Mr. Legaspi sa pagpapakita nito ng kagandahang loob. Nagpadala din ito ng mga prutas na pwede niyang kainin anytime na magcrave siya. Nang uwian na nakita niya si Eric sa labas ng building at nilapitan siya nito. Matino na ang kalagayan ngunit nakaramdam siya ng matinding takot dito. “Lara pwede ba tayong mag-usap?”“Hindi ako pwede nagmamadali ako,” malamig na tugon niya. Pinigilan siya ni Eric at nakiusap ito na mag-usap muli sila. Kahit paano nakaramdam pa rin siya ng awa kay Eric kaya pinagbjgyan niya ito. “Sige mag-usap tayo pero binigyan kita
DAMA pa rin ni Liam ang galit at bigat ng dibdib sa nakaraang pangyayari. Halos hindi makabangon ang kanyang katawan kahit gusto ng kanyang isipan. Gusto niyang pumasok ng maaga para makita kaagad si Miss Bernal pero talagang hindi kaya ng kanyang katawan. Tinawagan niya si Suzy para itanong kung pumasok na si Miss Bernal at ang sagot nito ay oo. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag. “Liam you look horrible,” puna ng lola niya nang makaharap ang mga ito sa dining table. “Huh?” tiningnan niya ang sarili sa salamin at tama nga ang lola niya. “Liam magkaliwanagan nga tayo apo ano ba talaga ang nangyayari sayo? Mukhang hindi na normal ang mga ikinikilos mo ng mga nakaraang araw.”Natatawa lang sina Jake at Daniel. “Wala ito lola don’t worry,” paliwanag niya. Patuloy pa rin sa pagtawa ang dalawa. “Kayong dalawa may alam ba kayo?” pangungulit ni Donya Leonora. “Sasabihin ko ba kuya Liam?” panunukso ni Jake. “No! Don’t you dare,” may mapanghamon na tingin ang ipinukol niya kay Jake.
HABANG tinititigan ni Jordan si Lara lalong lumalabas ang ganda nito maging ang ugali ay kasing ganda ng kanyang panlabas na katangian.“Pahinga muna tayo Jordan, kayo diyan magpahinga muna kayo. Nakakapagod,” kumuha siya ng bottled water sa cooler na dala nila at inabutan si Jordan, “Here you go inom ka muna.”Napangiti si Jordan sa inasal ni Lara, “Thanks.”“Alam mo medyo matagal na rin sigurong napabayaan itong museleyo ng mommy mo, medyo masukal na kasi e.”“Yah, you’re right, matagal na rin akong hindi nakadalaw dito e.”“Good thing na kami ang tinawagan ng care taker mo. So anong plano mo sa garden?”“Hmmm… I want it like lavender garden diyan sa labas sa palibot ng shrine.”“Mmm we need a sandy soil. Yun kasi ang gusto ng lavender mas mabubuhay siya sa ganong klase ng lupa.”“Okay, magpapahakot tayo.”“Okay, pero baka abutin tayo ng matagal bago matapos ang naiisip mong garden.”“I don’t care, let’s do it,” tila malaki ang nalikhang motivation ni Lara sa kanya.“Okay pero bago
SA tuwing may hindi magandang nangyayari sa buhay ni Jordan isa lang ang kanyang takbuhan, ang puntod ng kanyang ina. Matagal din siyang hindi nakadalaw dito simula noong tumira siya abroad with his dad. Nang mamatay ang Mommy niya nag-asawang muli ang Daddy niya sa abroad kaya doon na rin siya halos namuhay. Kapag umuuwi siya ng bansa hindi pwedeng hindi niya dadalawin ang ina pero ngayon heto siya at naglalabas ng sama ng loob sa harapan ng lapida nito. “Hey Mom, how are you? Mom I’m trapped, nagpauto na naman ako kay Yvone. I love her but she can’t love me back and I was about to destroy someone’s life because of her,” hindi na niya maiwasan ang mapahikbi at tuluyang mapaluhod sa pag-iyak. “Mom, bakit ang tanga ko? Why do I love someone who cannot love me back,” doon na siya halos nagtagal. Kahit alam niyang hindi ito sasagot pero pakiramdam niya nakikinig ito sa kanya. Him and Yvone were good friends back in college with Liam. Unfortunately kay Liam ito na-in love at hindi sa ka
Jordan's heart burned with anger and hurt after clashing with Liam. Their once-strong cousinly bond had been shattered by his all-consuming love for Yvone. Despite her choice of Liam, Jordan was willing to do anything to win her heart. Yvone was his one true love, his soul's obsession. He sought refuge in the shower, letting the water wash away his rage. Memories of his secret pacts with Yvone resurfaced, including the painful truth: he'd woo Lara to shield her from Liam. The cruel price? One fleeting night with Yvone, a woman who'd never truly be his. Still, he succumbed to the temptation, accepting the cruel bargain.Lumabas siya ng bathroom na tanging shower towel lang ang nakatakip sa hubad niyang katawan. Nagulat siya nang makitang may nakaupo sa couch tangan ang isang basong alak. Nakasuot ng sexy lingeri habang matamang sinsisipat ang kabuuan ng kanyang kahubdan mula ulo hanggang paa.Mapanukso itong tumayo at lumapit sa kanya. Hinaplos ng daliri ang kanyang matipunong dibdib
I CAN’T FOR NOW, umeeko sa kanyang tenga ang tahasang pagtatapat ni Liam ng katagang iyon. Wala na talaga at ganon naging kadali ang paglimot sa kanya.Habang nagtatanim at nagtatanggal ng damo sa mga halaman na nakatanim sa kanyang farm na nasa bandang likod ng property na kanyang binili.Nawala ang anak nila, nawala rin si Liam. Kaya kahit matindi na ang sikat ng araw patuloy pa rin siya sa pagtatanim habang walang patid ang pagtulo ng pawis sa kanyang pisngi.“Plantita.”Sa gulat, natinik siya ng tinik ng rose, “Awts, ano ba! Lagi ka na lang nanggugulat.”Sa halip na mag-alala bahagya lang ngumiti si Jordan. Pero naglabas ito ng panyo na ipangtatali sa kanyang sugat.“Nagtatanim ka ba talaga o sinasaktan ang sarili?” She felt a thrill as their skin touched and her heart skipped a beat. She quickly withdrew, unable to comprehend the sensation. “Ano ba?” pinalis niya ang paghawak nito sa kanyang kamay na nasugatan.“Stay still, wala naman akong gagawing masama sayo. Tingnan mo nga
DEEP inside her heart, may pag-aasam na makita sana niya si Liam. Nasasabik siya rito, gusto niya itong makausap, mahawakan at mayakap pero pakiramdam niya napakalayo na nito sa kanya dahil sa maraming dahilan. Isa na sa malaking hadlang ay si Yvone.Habang masayang bumabati ang lahat ng naroon sa mag-asawang Jake at Abby siya naman ay pinaplastik ang mga ngiti habang hinahagilap ang presensiya ni Liam, gayon din ang alaala ng masakit na pangyayari nang mawala sa kanya ang kanilang anak ni Liam. Hindi niya makita si Liam kaya naisip niyang palihim na magpaalam sa mag-asawa, pero busy ang mga ito kaya lumabas na lang siya at pumunta sa garden. Doon niya nakita si Liam na umiinom ng alak. Sinamantala niya ang pagkakataon na lapitan ito.“Liam,” malumanay niyang pagtawag.Agad siyang nilingon nito na may malamlam na mga mata. Halata ang lungkot sa kanyang hitsura.“Hey Lara, bakit nandito ka?”“Ah, paalis na rin kasi ako naisip ko lang na magpahangin ng kaunti dito,” tugon niya.“Are you
“THANKS Lara you’re really are my angel, dadalhin ko na ‘to sa kanya,” she giggled. Para itong teenager na kinikilig sa kanyang crush.Si Lara naman duguan ang puso na tinitiis na lang ang nararamdamang sakit. Mula sa kanyang coffee house tinatanaw na niya ang umaandar na kotse ni Yvone habang umaandar na rin ang kanyang imagination kung paanong ito at si Liam ay magtatagpo. Siyempre tuwang-tuwa si Yvone na yayakap kay Liam at si Liam naman ay kuntodo kiss sa noo pababa sa ilong hanggang sa labi ni Yvone. No shit! Sigaw ng kanyang puso. She shook her head just to get back to reality from that nightmare.“No way,” naibulong niya.“No way what?” biglang sumulpot si Jordan, “Plantita mukhang nagha-hallucinate ka ah,” tila may himig ito ng pang-aasar.“Hoy, ikaw alam mo nakakainis ka bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Ano ba ang kailangan mo? Saka hindi amusement park ang shop ko para lang pasyalan mo. Lugi na ‘ko sayo ha ni hindi ka bumibili ng halaman o magkape man lang tapos inaaksaya
YUNG plano niyang umalis ng palihim hindi na nangyari, inabot na siya ng gabi kaya tiniis na lang niya ang mga awkward moment na nasa paligid lang si Liam. Tinititigan lang niya ito sa malayo, gusto man niyang lapitan nauunahan na siya ng takot at kaba. Isa pa palaging nakadikit si Yvone. Kinuwento ni Daniel ang naging kaugnayan dito ni Liam at nalaman niyang ito ang first and one and only love ni Liam. Kaya lalo tuloy niyang napatunayan na hindi nga siya nito minahal kundi awa lang at responsibilad ang naramdaman nito para sa kanya. Pero siya, lugi, kasi na-in love talaga siya ng todo, kahit pa sabihing nagalit siya dito pero nang lumaon ang panahon na-realize niya na mahal pala niya ito kaya nagsisisi siyang hindi niya ito pinakinggan at pinatawad.Nagkataon na umalis si Yvone sa tabi ni Liam kaya nilakasan niya ang loob na lapitan ito habang kausap si Daniel. Nagmamadali siyang lumakad para makausap ito pero nang malapit na siya bigla namang dumating si Yvone.“Hey Liam.”Bigla siy
KUNG kailan naman nagmamadali saka pa bumigat ang traffic. Fifteen minutes na lang ang natitira at magsisimula na ang kasal ni Jake, mukhang hindi na siya aabot sa ceremony kaya minabuti niyang i-text si Daniel na male-late siya ng dating. Sayang pinaghandaan pa naman niya ang araw na ito, she look stunning in her white long dress na nagpatingkad ng kanyang ganda at hubog ng katawan.Nakarating siya sa mansion na nagsisimula na ang officiating minister ng wedding ceremony. Sa gilid siya dumaan para hindi siya mapansin, mabuti na lang at nakita niya si Billy pati na ang ilang empleyado ng Legaspi Construction Company.“Hey, why so late?” bulong ni Billy.“Traffic e,” reklamo niya.“Grabe ang ganda ni Doc. Abby,” paghanga ni Billy.Hindi masyadong makita ni Lara ang Bride and Groom pati na ang altar dahil natatakpan sila ng maraming bisita.“Hay too bad hindi ko man lang nakita ang paglakad ni Doc. Kainis kasi ang traffic.”Pero isa sa namataan niya na nakahanay sa area ng relatives
SA loob ng tatlong taon padalawang beses pa lang bumisita ni Lara sa mansion ng mga Legaspi. Nothing has change except the ambiance of missing someone, the absence of Liam makes it feel empty. Pero baka siya lang ang nakakaramdam niyon. Masaya pa rin naman si Donya Leonora at ganon din sina Daniel and Jake. Medyo halata na ang nadagdag na edad sa patents ni Liam."Lara, you came, we missed you," sinalubong siya ng Mommy ni Liam at niyakap."Siyempre naman po, hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na 'to,""Hey Lara," masayang pagsalubong ni Abby na bride to be ni Jake."Oh Abby congrats.""Thank you, I'm glad you are our flourist.""Bueno nandito na pala lahat tayo na at kumain na tayo," anyaya ni Donya Leonora.Masaya naman nilang pinag-usapan ang details ng kasal na gaganapin mismo sa garden ng mansion. Ito ang pinapangarap ni Lara na wedding, isang simpleng garden wedding.Napamulagat naman siya nang biglang dumating ang isang lalaking nakapagpapataas ng blood pressure niya.