"P—pasensya na po...G—gutom na gutom po kasi ako kaya...kaya pinakialaman ko na ang kusina ninyo," pikit mata niyang paliwanag.
Napamulat siya ng mata nang marinig ang mahina subalit sarkastiko nitong pagtawa. "Are you expecting me to believe in those cliche reasons you're saying right now?" Tanong nito. Hindi parin nagbabago ang itsura ng lalaki. Malamig at parang galit.
"T-totoo po ang sinasabi ko—"
Hindi niya naituloy ang iba pa niyang sasabihin nang umalingawngaw ang putok ng baril na may kasama pagkabasag.
"You're a spy aren't you? Who send you?" Sa muli ay tanong nito.
Mula sa nabasag na braso, nanginginig siyang nag-angat ng tingin sa lalaki. Iniisip nitong espiya siya kaya ito galit? "H-hindi po ako espiya—"
"You're not? Then just die!"
"T—teka po!" Hindi niya maiwasang tumaas ang kanyang boses.
Natigilan naman ang lalaki at kunot noo siyang pinagmasadan. "Maniwala po kayo sakin. Hindi po ako espiya. B—binili niyo po ako sa auction. Nakalimutan niyo na po ba?" Napayuko siya.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Maya maya pa ay naramdaman na lang niya ang pagbaba ng baril nito kasunod ang paghila nito sa kanya palabas ng kusina at kinaladkad siya sa labas ng bahay. Pasalampak siyang napaupo sa makintab na sahig.
"Get out of my damn house at wag na wag ka ng babalik pa dito. I'm gonna blow that little head of yours kapag nakita pa kita ulit dito."
Takot siyang luminga sa paligid. Kita niyang madilim pa sa labas. Kung paalisin siya nito ay saan naman siya pupunta? Hindi siya pwedeng bumalik sa bahay nila. Fabian must be there. Baka gawan siya ulit nito ng masama o di kaya ay muli siyang ibenta sa hindi niya kilalang lalaki.
Isa pang kinakatakot niya ay ang lalaking bibili sana sa kanya sa auction. Paano na lang kung ito ang makakita sa kanya at pagsamantalahan siya. Tumingala siya ng tingin sa lalaking malamig ang mga matang nakatitig sa kanya. Hindi man niya alam kung ano ang itinatakbo ng utak nito pero isa lang ang nasisiguro niya. Hindi siya nito papatayin dahil kung gusto pa nitong gawin iyon, dapat ay kanina pa.
Mariin siyang pumikit at kinapalan na ang kanyang mukha. "P-pwede po bang huwag niyo muna akong paalisin. Wala na po talaga akong mapupuntahan. K—kahit gawin niyo na lang po akong alila o katulong sa bahay ninyo."
"No." Maikli nitong sagot at tinalikuran na siya.
Hinatid tanaw niya ang bulto ng lalaki papasok ng bahay hanggang sa naramdaman na lang niyang may humila sa kanya palayo sa harap ng bahay. Binitawan siya ng dalawang lalaki sa labas ng malaking gate.
"Umalis ka na Miss at wag ka ng babalik. Magpasalamat ka na lang at buhay ka." Anito at tinalikuran na siya.
Hindi man sinasadya, nahihiwagaan talaga siya sa ikinikilos ng lalaking bumili sa kanya. Nakakalito. Para bang dalawang tao ang nakaharap niya ngayong gabi. May kambal kaya ito?
Luminga siya sa paligid. Madilim ang daan at tanging mga lumang sodium light lang ang ilaw sa tahimik na kalsada. Ang iba doon ay pundido pa nga. Hindi niya alam kung saang lupalop siya ngayon. Sa loob ng walong taon, wala siyang ibang nakikita kundi ang apat na sulok lang ng basement—minsan si Fabian o di kaya ay si Vera.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Ito na ba ang sagot sa dasal niyang makalaya? Isang beses pa niyang sinulyapan ang nakapalaking mansyon sa gitna ng kawalan bago napagpasyahang tahakin ang daan palayo.
Rain was staring at the bottle of fresh milk and bread on the floor. Napailing na lang siya. Hindi lang pala prostitute ang dinala ng putanginang Hawk na yun sa bahay niya kundi patay gutom din.
He sighed before deciding to went upstairs. Bumungad sa kanya ang magulong kama pati na din ang cuffs na itinali ni Hawk sa babae kanina ay naroon din. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang ilang piraso ng perang itinapon niya sa mukha ng babae kanina sa ibabaw ng kama. Why didn't she get all of it? Did he give too much for her worth?
Well, who cares about it. Bakit pa ba niya pinoproblema iyon? Naiiling siyang lumapit sa malaking bintana ng silid. Natanaw niya ang maitim na kalangitan. In any minutes from now, he's sure that it's gonna rain hard who left him wondering if the woman already hailed a cab when it's already 2:30 in the morning at malayo sa main roadside ang mansyon niya.
Ginulo niya ang kanyang buhok. It's already dawn at wala pa siyang tulog. He remembered that he had an early meeting later on with the board about the car exportation ng Starline Galore—his own luxurious car company.
Hindi lang siya sa buong Asya nag ooperate kundi maging sa ibang karatig bansa. This is the only legal business he has and the rest are nothing but a dirty one, particularly operating underground. His fortes are bombs and guns since it's a basic needs in underground battles.
He is not just a simple business magnate like what the above society thinks. As the only heir of Maximo Velasquez, one of the strongest mafia lords who owns the BlackStone Sigma Organization, he inherited the legacy of his family. And now he is considered as one of the feared men underground. They tremble upon hearing his name, some may retaliate but no one succeeded. He is Rain Azrael Velasquez after all.
Naglakad si Nahara kahit na walang direksyon. Hindi siya sigurado kung ilang minuto na siyang naglalakad. Walang sasakyan ang dumaan na pwede niyang parahin.
Wala sa sarili niyang hinugot ang perang ibinigay ni Velasquez sa kanya. Bahagya siyang natawa. Hindi pa naman ganito ang itsura ng isang libo noong panahong buhay pa ang kanyang ina. Siguro ay iba na ang presidenteng nakaupo. Sabagay, mahabang panahon na ang walong taon kaya marami na talagang magbabago.
Luminga siya sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi kalsada at matatayog na puno sa gilid ng daan. Napangiwi siya nang maramdaman ang paghapdi ng kanyang mga paa. Marahil ay nagkasugat-sugat na iyon dahil wala naman siyang suot na tsinelas.
Napapitlag na lang siya nang bigla na kang kumulog kasabay ng paghampas ng mabining hangin sa paligid. Tumingala siya. Madilim ang kalangitan. Walang buwan. Walang bituin. Mukhang uulan ng malakas.
Ulan.
Bahagya siyang napangiti. Ilang taon na ba niyang hindi nasilayan ang patak ng ulan. Malinaw pa sa alaala niyang madalas siyang magtampisaw sa ulan noong kabataan niya.
Hindi nagtagal, unti unti ng pumapatak ang ulan. Muli siyang tumingala at dinama ang bawat patak. Kasabay ng kanyang pag-ngiti ang kanyang pagluha. Hindi niya alam kung bakit subalit naiiyak siya. Mag-isa siya sa malungkot na kalsada. Nasanay naman siyang ganun ang naging buhay niya pero bakit malungkot parin siya?
Nais na niyang makapiling ang kanyang ina. Nang sa ganun mapunan man lang ang kahungkagan na nararamdaman niya sa ngayon. Namimiss na niya kung gaano kainit ang yakap nito, taliwas sa malamig na daang tinatahak niya ngayon. Nais niyang ngumiti. Yung ngiting totoo. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan ba siya huli naging masaya.
Dinadama niya ang malakas na buhos ng ulan. Pakiramdam niya ay malaya siya. Malaya sa mga taong nanakit sa kanya. Pero malungkot pa rin siya. Sa kabila ng pagdarasal niyang matapos na ang buhay niya dahil sa hirap na pinagdadaanan niya, naroon parin ang panaghoy niyang sana magkaroon pa siya ng pag-asang mabuhay at maranasang maging tunay na masaya.
Mahina siya. Naghahanap siya ng masasandalan subalit muli niyang naalalang mag-isa lang pala siya. Wala na siyang pamilya.
Nagpatuloy parin siya sa paglalakad kahit na nanghihina na siya. Basang basa na siya ng ulan pero hindi siya tumigil. Maglalakad parin siya hanggang sa ang mismong lakas niya ang sumuko.
Ilang sandali pa ay nanuot na sa kanyang kalamnan ang lamig. Humahapdi na rin ang ilang sugat niya dala ng pangmamaltrato ni Vera at Fabian sa kanya. Nanlalabo ang kanyang paningin. Unti unti na siyang binawian ng lakas at napaluhod. Malungkot siyang napangiti. Ito na ba ang katapusan niya?
Kasabay ng kanyang pagluhod ang pagpikit ng kanyang mga mata. She's tired now. Too tired to continue. Hindi naman siguro masamang tumigil diba? Sinubukan naman niya pero mukhang hindi na niya kakayanin pa.
Isang ugong ng sasakyan ang kanyang narinig. Kahit na iminulat niya ang kanyang mga mata, malabo ang kanyang paningin at wala siyang maaninag. Naramdaman niya ang pag-angat ng kanyang katawan sa ere pero wala na siyang lakas para tingnan kung sino man iyon at kusa na siyang tinangay ng kadiliman…
Sana lang na ang taong pinagdadasal niyang magliligtas sa kanya ang nagmamay-ari ng mainit na bisig kung nasaan siya ngayon…
Rain woke up with a heavy head on Raven Gonzales' office at Gonzales Medical Hospital. Nasapo niya ang kanyang noo at naiinis na bumangon. He can't believe it that he slept on the hospital after saving a weird woman. Akmang tatayo na siya nang pumasok si Raven na may dalang chart. "You're leaving?" Tanong ng kaibigan niya. He nodded. "I have an important meeting today with the board, dude. I can't skip it," nababagot niyang wika bago isinuot ang kanyang coat. Tumango naman ito. "By the way, aren't you gonna ask the examination result of the woman you brought here?" He shook his head. "I'm not interested, dude. Just send her to her home once she's awake. Give her money if needed. I'll just wire the payment." Bumuntong hininga naman ang kaibigan niya. "Okay, dude. Take care." Tinapik niya ang balikat nito bago lumabas ng silid. He didn't understand himself but his feet brought him infront of the strange woman's room. From where he is, he could fully get a view of her. Her midnight
Rain immediately went to Raven's private lift that will bring them to the fire exit on the second floor. Hindi paman siya nakarating sa elevator, nagring na ang kanyang cellphone. Mabilis naman niya itong sinagot nang makitang si Calder iyon. "The fire exit is blocked, Sire. Do you want us to finish them already?" Napahilot siya ng sentido. "No. No you can't do that. We cannot start a chaos in the hospital. Hangga't maaari walang magpapaputok unless they will strike first," mahigpit niyang bilin. He knows how important this hospital is to Raven. He doesn't wanna cause trouble or else the hospital will be out into bad publicity which isn't a good thing. "Sí, Sire." Tipid na tugon ni Calder. (Yes, spanish word) "Just watch them carefully. Look into why they are after this woman and find Mattias whereabouts too. I want that bastard's head alive, Calder," he ordered with full authority. "Copy that. Be careful, Sire." Mabilis niyang pinatay ang tawag at binalikan si Raven na papaso
Bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan niya at muling pumasok ang lalaking kakalabas lang bitbit ang isang tray ng sa tingin niya ay pagkain. Nakasimangot nitong inilapag sa kanyang harapan ang food tray na naglalaman ng porridge at tubig. "Eat so you can regain your strength. You want to stay here, right?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong. Ilang beses pa siyang napakurap-kurap bago wala sa sariling tumango. "P—pumapayag na po kayong dito ako titira?" Tila hindi makapaniwala niyang tanong. "Yes but only for the meantime, Nahara," malamig nitong sagot. Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa lalaking nakaupo sa gilid ng kama at nakaharap sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pananayo ng kanyang balahibo. He mentioned her name with coldness yet it feels so good to hear in her ears. It's like she was a human and not someone to molest. Marahil ay nasanay lang siyang si Fabian lang ang bumibigkas ng pangalan niya at sa nakakadiring paraan pa. "S-salamat po..." Maluha luha niy
WARNING!!! VIOLENCE AND SEXÚAL CONTENTS AHEAD!!! SKIP IF YOU ARE NOT COMFORTABLE.Ayaw man niyang ihakbang ang kanyang mga paa, wala na siyang nagawa pa at sinunod ang utos ni Rain. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang putahe ng gulay sa mesa. Dyos Ko! Ano na naman kaya ang lasa ng mga iyon. Sana naman ay hindi kasing sama nung lugaw kanina.Itinulak nito palapit sa kanya ang mga gulay. May nakita siyang ginisang broccoli at sinabawang cauliflower. May mga carrots din na hindi na naslice subalit mukhang ginawang adobo. Mabuti na lang nga at binalatan iyon dahil kung hindi, magmumukha na iyong pagkain ng baboy. Kung hindi pa lang nito mamasamain, magtatanong talaga siya kung sino ang nagturo sa lalaki ng mga putaheng iyon. Sana lang ay nasa tamang pag-iisip ang nagbigay dito ng ideya."Kumain ka na. My men already taste the food at sabi nila sobrang sarap daw kaya gusto ko ring marinig ang review mo," sabi pa nito.Kumurap-kurap siya. Kung ganun naman pala, siguro ay nag
Medyo maagang nagising si Nahara kinabukasan. Dahil wala naman siyang damit na pamalit, nilabhan muna niya ang t-shirt na ipinahiram ni Rain sa kanya pagkatapos niyang maligo at ang itim na roba ang kanyang sinuot palabas ng silid.Kagaya noong nakaraan, tahimik ang buong paligid ng bahay. Napalingon siya sa silid ni Rain. Gising na kaya ito? Nais man niyang silipin ay pinigilan niya ang kanyang sarili at dumiresto na sa kusina. Naghanap siya ng pwedeng lulutuin subalit tanging dalawang itlog lang ang naroon at isang balot ng cream bread.Naisipan na lang niyang gawing sunny side up ang dalawang itlog at i-toasted bread ang tinapay. Nagtimpla na nadin siya ng kape. Hindi niya maiwasang mapangiti. Sobrang tagal na niyang pinangarap na maranasan ang ganitong bagay. Yung malaya siyang nakakagalaw. Hindi siya makapaniwalang magagawa pa niya ito.Inayos niya ang mesa para sa kanyang bagong amo para kapag bumaba ito ay ready na ang pagkain. Pagpihit niya paharap ay siya namang pagpasok ni R
Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng mga pinamili sa chiller habang si Rain naman ay nakaupo sa silya at matamang nakamasid sa kanyang bawat galaw. Malamig man ang tingin nito, hindi naman itinatago ng lalaki ang kaunting amusement sa magaganda nitong mga mata na hindi niya alam kung bakit."Why are you still wearing a robe, Nahara?" Maya maya pa'y tanong nito.Napakamot siya ng ulo at alanganing lumingon sa lalaki. "W—wala po kasi akong maisusuot na kahit ano, Sir."Wala kang maisusuot… so you mean you also don't have underwear beneath that robe?" Kunot noo nitong tanong at dumako ang mga mata sa gitnang bahagi ng kanyang katawan.Mabilis siyang umayos ng tayo at napalunok. "W—wala po," nakangiwi niyang sagot."Really?" Bahagya pa itong napailing at kagat labing napatayo."Finish whatever you're doing immediately. Lalabas tayo ngayon," anito bago siya iniwan sa kusina.Nagpakawala siya ng buntong hininga bago bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi nagtagal ay natapos din siya sa pag-aayos
Mabilis na humarang sa gawi nila ang kanyang kotse kaya naman agad siyang pumasok sa loob habang hila-hila si Nahara na parang hindi pa napoproseso ang utak sa nangyari. Humarurot ang sasakyan palayo sa kinauupuan nila kanina. He held Nahara to face him."Are you alright? Hindi ka ba natamaan?" Tanong niya habang sinisipat ng tingin ang babae. Nais na lang niyang matawa sa kanyang sarili. Why does he care if she gets shot or not?"H-hindi naman..." Mahina at nanginginig nitong sagot.He heaved a deep sigh before shaking his head. He was about to lean on his seat nang bigla na lang silang pinaulanan ng bala. Nahara screamed in fear. Itinulak niya ang babae padapa sa flooring ng kotse bago hinugot ang kanyang baril at inayos ang kanyang earpiece."Where are you Calder?" Tanong niya sa kanyang bodyguard."We are trying to chase the cars behind you, Sire. I'm sorry for the late response. I am wounded," tugon nito.Muli siyang napabuntong hininga at bahagyang dumausdos sa kanyang upuan. Ma
Napatitig si Nahara sa likuran ni Rain. Hindi niya maiwasang mapaiyak. This is the first time that someone wanted to save her life. All throughout her existence, she only feel nothing but a worthless piece of shít. Iyon ang nakatatak sa kanyang utak sa loob ng maraming taon."What are you still staring at? Magpapakamatay ka ba talaga?" Narinig niyang angil ni Rain.Napapitlag siya at ilang beses na kumurap-kurap. Sinalubong siya ng nayayamot at naiinip nitong expression. Sa nanginginig niyang katawan, mahigpit siyang humawak sa balikat ng lalaki bago sumampa sa likuran nito. Mabilis namang tumayo si Rain at patakbong sumuong sa mas madilim pang bahagi ng gubat habang pasan siya sa likuran nito."Tangina! Patay na si Baldo! Sundan niyo yung mga yapak nila sa pagitan ng mga damo!" Sigaw ng isang tinig sa kanilang likuran.Mariin siyang napapikit at taimtim na nagdarasal na sana ay hindi sila maabutan ng mga ito. Alam niyang pagod na si Rain, halos habol na rin nito ang sariling hininga
Napasinghap siya sa lugar na pinagdalhan ni Calder sa kanya. Isa iyong napakatayog at malaking building. Halos malula siya habang nagmamasid sa paligid."N—nandito ba si Rain?" Mahina niyang tanong."Yes. This Starline Galore. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Rain," kaswal niyong tugon.Napatango-tango siya. "Wow. Sobrang yaman pala talaga ni Sir Rain," puno ng pagkamangha niyang sambit.Bahagya namang natawa si Calder sa sinabi niya at napailing pa. "Sinabi mo pa. Let's go?"Huminga siya ng malalim bago tumango. "Sige."Nakasunod siya kay Calder. Kung malaki ang building sa labas, napakalawak naman sa loob. Marami ding mga tao sa paligid. Hindi niya tuloy maiwasang maasiwa lalo na't bihis na bihis ang mga ito samantalang napakasimple lang ng suot niya.Iginiya siya ni Calder sa isang elevator. Ngayong paakyat na sila ay unti-unti na siyang nakaramdam ng kaba. Ang tapang na pinanghahawakan niya kanina ay parang unti-unti na ring naglalaho. Gayunpaman, sinubukan niya paring kalmahin ang
Matapos siyang kausapin ni Avira ng araw na iyon ay hindi na siya nito muling kinibo pa. Ayos lang naman din sa kanya, basta ang importante ay hindi na siya nito lalaitin. Isa pa ay abala ang isipan niya sa mga bagay na nalaman niya mula kay Avira. Minsan hindi na niya maiwasang magtanong kung bakit malupit ang tadhana sa kanila? Tila ba isang kasalanan ang pagkabuhay nila kaya may kaakibat iyong parusa.Napalingon siya sa study room ni Rain habang papaakyat sana siya sa silid niya. Nahalina siyang pumasok sa naturang silid. Miss na miss na niya ang lalaki kaya naman hindi na siya nag-atubili pang pumasok. Gaya parin noong una ang pagkakaayos ng lugar.Dumako ang kanyang mga mata sa mesa nito kung saan nakataob ang isang frame. Dahan-dahan siyang naglakad palapit at marahan iyong dinampot. Ngayon ay sigurado na siyang kapatid nga ni Rain ang babae sa larawan. Bata palang ito ay sobrang ganda na. Siguro mas higit pa kung nabubuhay lang sana ito.Huminga siya ng malalim at muling pinasa
Pinanood niya si Rain habang busy ito sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang mapatitig sa maarteng pagpilantik ng mga daliri nito. Sana ay bumalik na si Rain para makapag-usap sila ng masinsinan. Maya maya pay umupo na ang lalaki at pinagkrus ang mga binti. Pati paraan ng pag-upo nito ay babaeng-babae talaga."I called someone to fix you since you look like trash. Don't get me wrong huh, but I don't want my brother to date such a woman who doesn't have a taste and style in fashion. My brother is too handsome for you to be honest," sabi pa nito.Napayuko nalang siya at hindi na ito sinagot. Lumipas pa ang ilang minuto, pumasok na ang ilang mga panauhin sa loob ng mansion. Marami itong dalang mga paperbag at umalis din naman agad. Isang babae lang ang nagpaiwan at mukhang ito ang boss ng mga dumating."You're here," maarteng saad ni Rain.Nakangiting naglakad patungo sa gawi nila ang isang matangkad at napakagandang babae. "Hello, Avira. Long time no see," mahinhin nitong sabi.Nakita
Hapon na ng matapos sina Nahara at Manang Petra sa pagtatanim ng mga bagong bulaklak sa garden. Kahit papaano ay nalibang naman siya sa kanyang ginagawa at hindi na nga niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras mula ng makaalis si Rain.Akmang pupunta siya sa likod bahay para maghugas ng kamay nang mamataan niya ang sasakyan ni Rain na papasok ng garahe. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Akala niya ay gabi pa ito uuwi subalit mukhang napaaga yata. Hindi nagtagal, natanaw na niya ang lalaki na nakalabas ng kotse kaya't kinawayan niya ito para makuha ang atensyon ng binata."Sir Rain!" Nakangiti niyang sigaw.Agad naman itong lumingon sa kanya. Hindi nagtagal ay nakarating na ito sa pwesto niya subalit agad niyang napansin ang paraan ng paglalalakad nito. Hindi niya lubusang maipaliwanag subalit para bang may mali."Sir Rain," mahina niyang anas.Mataman siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa at pabalik hanggang sa dumako ang mga mata nito sa mga kamay niyang puro putik. Kita
"Hmm... Ang sarap," tila batang sabi ni Rain habang kumakain sila.Napangiti siya. Parang tumataba ang puso niya sa naging komplimento nito. Nang makita nito ang naging reaksyon niya ay iniangat nito ang kutsarang may pagkain at sinubuan siya. Buong puso naman niya iyong tinanggap."I like how you constantly smile these days.""Lagi mo akong pinapangiti," walang pag-aalinlangan niyang tugon.Akmang sasagot sana ito sa sinabi niya nang tumunog ang cellphone ng lalaki. Sandali pa itong natigilan habang nakatingin sa screen."Sagutin mo na," hikayat niya dito.Nagpakawala ito ng isang buntong hininga. "Istorbong kutungero," bulong nito habang nakatitig sa cellphone. "I'll just answer this. Just continue eating, okay," masuyo nitong ani.Tumango siya. Tumayo na ang lalaki. Sinundan muna niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kusina bago siya nagpatuloy sa pagkain.Rain went to his study room to answer Isaac's call. Nayayamot talaga siya dahil napakaistorbo ng loko. Huminga siya ng m
Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok. Kahit na hindi siya nakatapos ng pag-aaral, alam niya ang ibig sabihin ng salitang binitawan ni Rain. Unti-unting namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa sunod-sunod na ang pagpatak niyon."The hell! Why are you crying? Ayaw mo bang mahalin kita?" Kunot noo nitong tanong.Magkahalong tawa at iyak ang kanyang ginawa. "Hindi. Hindi sa ganun...""Then why are you crying then?""Masaya kasi ako. Tears of joy to," humihikbi niyang sambit.Kinabig siya nito ng yakap mas lalong nagpaiyak sa kanya. Sino bang mag-aakala na ang isang tulad niya ay mamahalin ng lalaking kagaya ni Rain. Kung tutuusin, sobrang daming babaeng pwede nitong magustuhan. Siya pa talaga. May nagmamahal pa pala sa kanya. Akala niya ay mananatili na siya sa madilim na parteng iyon ng buhay niya pero hindi. Nandyan si Rain at iniahon siya nito mula sa putik na kinasasadlakan niya."If you are happy, then you should smile, My queen..."Sandali siyang nat
Rain was driving his car back to the hospital when he received a call from Adler that Nahara escaped."Are you all that fúcking stupid?!" Singhal niya sa kabilang linya. "Nahara is just a woman who doesn't have enough strength to fight against you! Paano siya nakalabas ng silid?!" Gigil niyang asik."Sorry, Sire. Someone made a commotion in the VVIP area kaya nawala ang atensyon namin sa kanya," paliwanag nito."Damn it! Kapag may nangyaring masama sa kanya. Manangot kayo. I will fúcking kill each one of you!" Singhal niya bago pinatay ang tawag at ibinato ang kanyang cellphone sa passenger's seat.Mariin siyang napapikit bago binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Nang makarating siya sa harap ng ospital, kita niya ang maraming taong naroon at nakatingala sa tuktok ng building.He looked up and saw a familiar person on the top of the building. It was Nahara. And she's planning to jump off."Shít!" He hissed bago patakbong nagtungo sa loob ng ospital.Agad niyang tinawagan si Adler para
Tumuloy na si Rain sa silid na kinalalagyan ni Fabian Ramirez. Ang walang hiyang step-father ni Nahara. Gaya ni Vera, nakatali din ito sa isang silya habang may busal ang bibig pero ang kaibahan lang, kalmado ito at tila ba hindi nito alintana ang impyernong kinalalagyan nito sa ngayon.Kaswal siyang naglakad palapit sa lalaki habang mataman lang itong nakamasid sa kanya. Marahas niyang tinanggal ang masking tape na nasa bibig ng lalaki bago siya kumuha ng silya at umupo sa harapan nito."Sino ka at anong kailangan mo sakin?" Malamig nitong tanong.Huminga siya ng malalim bago ito tiningnan ng mata sa mata. Maamo ang mukha ni Fabian. Hindi mo aakalaing gagawa ito ng kademonyohan. Ibang-iba kapag ngumisi na ito."Nandito ka sa puder ko kasi maniningil ako."Pagak itong natawa bago napailing. "Hindi kita kilala at sigurado akong wala akong utang sayo.""Sakin wala pero sa babaeng to meron," aniya bago ipinakita ang larawan ni Nahara sa lalaki.Mataman nitong pinagmasdan ang larawan ng b
"Adler, take in charge of Nahara security. Aalis ako," aniya sa kanyang bodyguard na kasalukuyang kasama niya sa ospital."Yeah, Sire...""Make sure nothing bad will happen to her kundi alam mo na kung ano amg mangyayari Adler," maawtoridad niyang dagdag.Muli namang tumango ang lalaki. Sinulyapan niya ng isang beses si Nahara bago niya tuluyang nilisan ang VVIP floor para puntahan ang mga taong pakay niya.Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan patungo sa kinalalagyan ng mga taong dahilan ng paghihirap ni Nahara. Kating-kati na siyang makaharap ang dalawa. He'll make sure to make their life a living hell once the three of them will face each other.His car parked outside his favorite warehouse. Nagkalat ang kanyang tauhan sa labas ng lugar but there also men which isn't his. Mabilis siyang pumasok sa loob kung saan naabutan niya si Calder kasama ang taong hindi niya inaasahang makita."What are you doing here, Alexie?" Kunot noo niyang tanong."Didn't I tell you I'll lend you a