Share

Chapter 5: It hurts

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2022-12-02 21:02:02

-AYEISHA’S POV

6 YEARS LATER….

Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon.

Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon.

Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon.

Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok.

Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga.

 Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwag lang dahil baka mahirapan akong tumakbo. Baka kasi pagbalik ko, maliwanag na. Though, sanay na sila sa pagmumukha ko kasi minsan, nakakalimutan kong takpan ang mukha ko kapag bumibili sa tindahan.

Napangiti ako nang makitang wala pang tao sa kalsada. 

Dalawang beses kong iniikot ang maliit na barangay namin, minsan tatlo pa kapag walang pasok ang alaga ko. Sementado naman kaya ayos lang maglibot.

Napatigil ako sa pagtakbo nang makarating sa dulong bahagi. Doon kasi nakatayo ang magarang bahay na pinagtatrabahuhan ni Aling Precing. Magdadalawang buwan na siya doon. At nitong nakaraan lang daw dumating ang talagang may-ari ng bahay. Isang businessman na mula sa Maynila na nakakuha sa bayan ng isang malawak na lupain. Sa pagkakatanda ko, parang dine-develope iyon para gawing mall. So talagang mayaman ang nandoon.

Bukas ang isang ilaw kaya na-curious ako at tumingin doon. Naupo ako sa gutter ng kalsada at uminom ng tubig. Saktong nauhaw na rin ako. 

Napatigil ako sa pag-inom nang makita ang batang lalaki na dumungaw sa bintana. Tumingin siya sa langit at ngumiti. Napatingin din tuloy ako. May mga bituin pa talaga kaya kaygandang tingnan. Pero mamaya lang ay mawawala ang mga ito kapag nagpang-agaw na ang dilim at ang liwanag.

Mayamaya lang ay lumabas ang batang lalaki at pumunta sa balcony ng silid niya. Sa tingin ko, kaedad lang siya ng apo ni Aling Precing. 

Napangiti ako nang makitang nag-warm up siya. Saka ko lang napansin na nakasuot siya ng jogging pants, white shirt at sapatos. Mukhang mag-jogging din pala. 

Ilang sandali lang ay may lumapit na lalaki sa kan’ya na nakasuot din ng kaparehas ng sa bata. Mukhang mag-jogging nga talaga ang mga ito nang gano’n kaaga. 

Napatakip ako ng mukha nang bigla akong ituro ng bata sa lalaki. Dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang tumakbo. Wala nga pala akong scarf. Baka biglang matakot ang bata sa mukha ko kapag nakita niya ako. Gano’n ako sa mga bata, ilag kasi masyadong honest. Yeah, minsan, masakit magsalita gaya ng apo ni Aling Precing pero nakasanayan ko na siya. Sa ibang bata na lang hindi. Pero minsan, malambing naman ang batang ‘yon sa akin, talagang honest lang. Sasabihin pa, ‘ang pangit talaga ng mukha mo, Ate Asha.’  Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinasabi niya sa akin.

Ay, oo nga pala, nakalimutan kong banggitin, Asha ang ginagamit kong pangalan dito, hindi Ayeisha. Malapit lang sa totoo kong pangalan, ano? Middle name naman ng Mommy ko ang ginagamit ko, Alcaraz. Kaya Asha Alcaraz ang aking pangalan dito sa barangay na ito. Walang nakakalam ng totoo kong pangalan pati ang status ko, na isa akong mayaman. Yes, I was pretending here bilang isang mahirap, nanny sa apo ni Aling Precing at isang server naman sa isang kainan na malapit lang din sa amin.

Umisang ikot pa ako. Pero binibilisan ko kapag nadaan sa malaking bahay bago bumalik sa bahay namin.

"Ate Asha!" 

"Damn, gising na!" Nagmamadaling tinungo ko ang silid namin nag marinig ang boses niya.

"I-ihi ako," nahihiyang sabi niya sabay tingin sa higaan niyan.

Here we go again! Inihian na naman niya ang bagong laba ko na higaan at mattress niya!

"It's okay. Come here," ani ko sabay lapit sa kan'ya. 

Kaagad na nagpakarga siya sa akin pagkuwa'y ibinaba ko sa sahig.

Amoy ko na ang ihi niya sa balat ko dahil kumapit na nga sa katawan ko. Pero sanay na ako sa ganito. 

"Sabi ko kasi sa 'yo, 'wag masyadong maharot sa gabi kasi maiihi ka na naman."

"Hmp. Bakit, umaga na kaya, Ate. Sabi ni Lola dapat naman daw umiihi t'wing umaga."

"Sabi ko nga." Lagi na lang siyang may rason. "Deretso ka na lang sa CR at ihahatid ko na ang thermos. Papaliguan na kita deretso."

"Sige." Sabay talikod niya sa akin. 

Sa unang tingin pa lang kay Halina, parang walang modo. Pero gano'n lang talaga siya. Malambing din naman siya sa akin, minsan kapag may hihingiin. Napailing na lang ako.

Natanong ko nga kay Aling Precing kung bakit gano'n na lang ang batang 'yon. Sabi niya lang, baka naghahanap ng tunay na aruga mula sa magulang. Kulang sa atensyon ng kumbaga. 

Sa loob ng anim na taon ko na dito, tatlong beses lang yata nagkita si Halina at ang mga magulang niya. Ang ina niya ay nasa abroad, at ang ama naman niya ay may ibang pamilya. Kaya nga pinupunan na lang namin ni Aling Precing ang lahat. Lahat binibigay namin sa bata para hindi niya maisip ang kakulangan ng magulang niya.

"Ako na papaligo sa sarili ko," ani ni Halina nang maabutan ko sa banyo.

Hawak na niya ang tabo.

"Okay. 'Wag masyadong matagal dahil sobrang aga pa." Tumango siya sa akin. 

Binuhos ko ang lahat sa balde ang laman ng mainit na tubig, magpapakulo na lang ulit ako para may pangkape kami ni Aling Precing.

Alas siyete ang pasok ni Halina sa eskwela pero si Aling Precing, alas sais y medya. Ako naman alas onse hanggang alas siyete ng gabi. Dapat alas alas diyes ang pasok ko pero nakiusap ako dahil walang magsusundo kay Halina ng alas diyes. Pagkasundo ay hinahatid ko naman si Halina sa pinagtatrabahuhan ni Aling Precing. Ilang buwan na naming gawain ito. Pero noong hindi pa pumapasok si Halina, lagi siyang kasama ng Lola niya sa pinagtatrabahuhan nito, at ako naman, nagtatrabaho din. Nito lang nagbago dahil nag-aral na ang bata. Hindi daw kasi makakauwi ang ina niya dahil extended ang contract sa pinagtatrabahuhan nito.

Habang naliligo ang bata ay nagsalang ako ng mainit na tubig at nagsaing na rin sa kabilang kalan. Nga pala, kahoy lang ang gamit namin. Hindi uso dito ang gasul. Mga may kaya lang at mayayaman. 

Noon, nangangapa pa ako sa gawaing kusina namin, pero ngayon, maning-mani ko na. 

Nilagyan ko ng bao ng niyog ang sa mainit para mabilis na kumulo. Pinaliguan ko na rin ang bata at binihisan muna ng pambahay. Pagkatapis ay nagprito ako ng itlog at tuyo para sa almusal namin.

Sabay-sabay kaming kumakain sa umaga. ‘Yon naman ang kagandahan sa amin. Ayaw ni Aling Precing nang may nauuna, nagagalit ito. Kaya ang ginagawa ko, kapag tulog pa ang bata, kinikiliti at nilalambing ko para magising na agad.

Napangiti ako nang makapasok na si Halina sa room niya. Mabilis na iginiya ko ang sarili pabalik ng bahay para maglinis at mag-ayos ng gamit ko na dadalhin sa trabaho ko.

Nakakapagod ang gawain ko, pero nakasanayan ko na, at laging hinahanap ng katawan ko. Sa gabi naman ay nagdedesinyo ako ng mga damit na sine-send ko sa opisina. Kahit nasa malayo ako, hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilidad ko sa kompanyang pag-aari ko. Nga lang, si Benrick at ang Mommy ko ang humahawak niyon. Sa akin lang nanggagaling ang mga designs ng mga damit na nila-launch nila. 

Hindi ko naman siya binitawan. Iba kasi ang pakiramdam ko nang minsang bisitahin ko ang opisina ko. Kakaiba rin ang pakiramdam ko habang nasa loob ng opisina. Kahit sa mismong pangalan ng aking negosyo. Basta ang sabi ni Mommy, hango iyon sa initials namin kaya naman finorward ko kay Benrick ang pamamalakad.

Bago mag-alas diyes ay bumalik ako sa eskuwelahan para sunduin si Halina at hinatid kay Aling Precing. May dala na rin akong pamalit ng bata kaya sa mansyon na pinapalitan ng matanda. Ayos lang naman daw sa amo na dalhin si Halina para may kalaro ang anak ng may-ari.

“Kapag nagutom ka, sabihin mo agad kay Lola, huh?” pasigaw na sabi ko sa bata nang papasukin na siya ng isang kasambahay.

Nasa kusina daw kasi si Aling Precing at may niluluto para sa amo niya.

Napailing ako nang sagutin lang niya ako ng thumbs up.

Akmang tatalikod na ako nang biglang sumulpot sa gilid ko ang isang bata. 

Pinagpantay ko ang sarili ko sa kan’ya. “H-hi,” bati ko nang tumingin siya sa akin.

Saglit siyang napatitig sa mukha ko kaya lalo kong tinakip sa kalahating pisngi ko ang scarf na nakasuot sa akin.

“Hello!” aniyto sabay talikod.

Tumakbo siya papalayo sa akin.

“Careful, Kalei!”

Napapitlag ako nang marinig ang baritonong na boses na iyon sa likuran ko. Gusto ko siyang lingunin pero nahiya ako bigla. 

Napahawak ako nang mahigpit sa scarf ko nang makarating siya sa harapan ko. Akala ko, babatiin niya ako gaya ng bata pero dinaanan lang niya ako. Hindi ko na nakita ang mukha niya dahil tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok sa malaking bahay. 

“Girl, bilisan mo na! Male-late ka na!” 

Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses. Boses iyon ni Vick o Vicky kung aming tawagin. Oo, isa siyang lalaki na nagkakagusto sa lalaki. Matanda siya sa akin ng tatlong taon.

“Pasok ka na ba?” ani ko.

“Yeah,” malanding sabi niya sa akin. “Tara?” yakag niya sa akin.

Lagi kaming nagsasabay pumasok kapag nagpapang-abot dito. Malapit kasi sa pinapasukan kong restaurant ang maliit na shopping center na pinapasukan niya. Naghihiwalay din naman agad kami ng landas dahil nauuna akong bumaba. Sa susunod na kanto pa kasi siya.

Mabilis na iginiya ko ang sarili sa loob ng restaurant pagkababa. Kaagad ako nagbihis ng uniporme at lumabas na para simulan ang trabaho. 

Pasado alas otso na ng gabi ako nakauwi nang araw na iyon. Bumili pa kasi ako ng uulamin namin kinabukasan. 

Kagaya ng nakagawian ko, naglakad lang ako papasok sa aming Barangay kahit na may habal-habal at trickle naman. 

Malapit na ako sa bahay namin nang makatanggap ng text mula kay Aling Precing. Napailing ako nang sabihin niyang nakatulog si Halina sa bahay ng boos niya. Hindi raw niya mabuhat kaya doon na ako dumeretso.

Sakto namang pagdating ko ay papalabas na si Aling Precing ng malaking bahay.

“Naku, nakakahiya. Sa silid pa ni senyorito Kalei nakatulog si Halina,” salubong sa akin ng matanda.

“Ano ho? Bakit naman doon nakatulog?”

“Ewan ko sa batang ‘yon. Iniwan ko lang siya na kausap si senyorito sa sala. Aba’y pagkatapos ko magluto, ayon, nasa kuwarto na, natutulog.”

Napakamot ako sa ulo. “P’wede po ba akong pumasok?”

“Oo naman. Naipagpaalam ko naman na kay sir. Saka nasa library siya, kaya ayos lang.”

“Buti naman po. Nakakahiya, e.”

Iginiya ako ni Aling Precing sa loob kapagkuwan. Sumunod lang ako sa kan’ya hanggang sa silid na sinasabi niya. 

Nahabag ako bigla nang makitang sakop ni Halina ang kama habang ang batang lalaki ay abala sa paglalaro ng telepono sa may gilid.

“Kanina pa po ba siya tulog?” tanong ko sa matanda.

“Kanina pa po,” sagot ng bata na ikinatingin ko.

“Gano’n ba. Pasensya na at naagawan ka yata ng pwesto ni Halina.”

“It’s okay po. Sabi niya po kasi maliit at hindi kasinglambot ng kama ko ang higaan niya. Kaya sabi ko p’wede siyang matulog dito,” 

“Aw,” biglang sabi ko. Ang bait naman niya.

Tumingin ako sa mukha ni Halina na payapa ang tulog. Mukhang nagustuhan niya nga ang kama.

“Okay lang ba kung umupo ako saglit? Bubuhatin ko kasi siya. So kailangan ko ng maupo muna,” paalam ko nang makalapit.

“Sige po.” Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.

Dahan-dahan kong pinatihaya si Halina para madali siyang kargahin. Kukunin ko na sana ang bata nang biglang may nagsalita mula sa pintuan.

“Manang, are you sure kaya niya si Halina?” 

Napaangat ako ng mukha at tumingin sa pintuan.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib nang makita ang mukha ng lalaking nasa pintuan. 

“Kaya na po ni Asha ang apo ko, sir,” si Aling Precing iyon. Pero hindi ko siya tiningnan dahil sa lalaking nakatayo sa pintuan napako ang tingin.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili nang maramdaman ang pagkirot ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay may kumakalikot doon kaya napatampal ako bigla nang ilang beses na ikinatingin niya sa akin.

Bahagyang natanggal ang scarf ko kaya sa may peklat ko nakatingin ang boss ni Aling Precing. 

“Anak, bilisan mo na at baka inaantok na si senyorito Kalei,” untag ni Aling Precing sa akin. 

Mabilis na inayos ko ang scarf at binuhat si Halina. Pinasandal ko ang ulo niya sa balikat ko nang makatayo ako. 

Hindi maalis ang sakit sa dibdib ko kaya mabilis ang mga hakbang ko papalayo sa kama. Pero tumigil din ako para magbigay galang sa boss ni Aling Precing nang mabilis pagkuwa’y lumabas na ng silid.

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makalabas ng malaking bahay na iyon. Matagal ko ng hindi naramdaman ang sakit na iyon kaya napalingon ako sa malaking bahay.

AVA NAH

Sorry guys, almost same name ni Ara ang Asha hahahaha. Pero si Ayeisha ang nauna nito. Bigla ko lang nai-type yon dati kay Arah nang mag-update ako. HAHAHAH Pizzyooowww!!! 'Wag po kalimutan ang Gems mga Thinkerbells. Heheh Salamas! Boszbroken / Ava Nah

| 3
Mga Comments (46)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
malamang c king yan,pero asha/ayiesha ,,,sna once na nakaalala ka na wag mo na pababain Ang Sarili mo ha,mahalin mo Muna Ang Sarili mo
goodnovel comment avatar
dolly Colance
malapit Ng maging matandang dalaga c Ayeisha author kc Diba Bago sya maaksedente 25yrs old na sya tapos 6yrs ago na syang nagtatago eh di 31yrs old na sya ngaun?
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
Hala baka si kuya king nya un
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 6: New Environment

    “HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama

    Huling Na-update : 2022-12-03
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 7: Aling Precing

    -KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La

    Huling Na-update : 2022-12-04
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 8: Resemblance?

    -AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag

    Huling Na-update : 2022-12-05
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 9: Shocked

    -AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala

    Huling Na-update : 2022-12-06
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 10: Worried

    AYEISHA-“S-Sir,” ani ko na nauutal sabay hagod ng kabuohan niya.May suot pa siyang pantalon pero sa itaas wala na. At oo, nakakaakit siya talaga. Alam ko namang kahit nakadamit siya lagi sa harap ko, maganda ang pangangatawan niya at talagang maglalaway ka. Pero hindi pa ako handa. Napangiwi ako dahil sa naisip ko.Napalunok ako nang sunod-sunod. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang damit ko nang mga sandaling iyon.Pero paano kung lumapit siya tapos hubaran niya rin ako? OMG!Anong ipapagawa niya sa akin? Kasama ba ‘yon sa serbisyo ko? Hindi pa ba sapat ang trabaho ko sa bahay na ito? Sa pag-aalaga sa anak niya?“It's not what you think.”“Oh,” ani ko na ang bibig ay nanatiling nakaporma ng o.Ang totoo niyan, bigla akong nanghinayang. Pero nang maalala ang mukha ko ay nalungkot ako bigla.Tumalikod siya sa akin mayamaya na ikinasunod ko. Napaawang ako nang labi nang makita ang likod niyang may sugat. May dugo rin kaya napalapit ako sa kan'ya sabay hawak doon. Napaigtad pa siya sa gi

    Huling Na-update : 2022-12-08
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 11: Kiss me back

    AYEISHA - “TAPOS KO NANG pigain, Ate,” ani ko sa isang kasambahay namin matapos kong pigain ang niyog. Magluluto kasi kami ngayon ng bilo-bilo. May bagong kuha kasi ang driver sa likurang bahagi ng bahay ni King, bigla kaming naglaway ng bilo-bilo kaya naisipan naming gawing miryenda. Pero may tinira kaming ipapahinog na saging dahil miss ko na rin kumain ng turon at banana cue. Lagi kasi naming miryenda ‘yan noon sa farm namin sa Bicol. Kahit nga kamote. Ah, basta mga root crops! Ah, kamoteng kahoy pa pala! Meron naman dito, pero mas masarap yong sa amin. Malungkot na napabuntonghininga ako nang maalala ko ang magulang ko. “O sige, palagay na lang diyan. Ako na bahala, hanap ka na yata doon ng dalawang bata,” sagot niya sa akin. Dumaan muna ako sa silid ko at kinuha ang ab-Pad ko kung saan ako nagdedesinyo ng mga bagong ire-release ng kompanya ko. Ilang araw na akong hindi nakakapag-design. Sabagay, alam naman nila Mommy ang nangyari kaya hindi ako nakakagawa. Kaagad na iginiy

    Huling Na-update : 2022-12-10
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 12: Where is She?

    AYEISHA - KASALUKUYAN AKONG NAGHUHUGAS noon nang may humawak sa beywang ko. Bahagya pa akong nagulat dahil sa init ng kamay niya. “K-King,” ani ko nang malingunan siya. “Yeah, it’s me. May iba pa ba?” Sabagay, uwian na ng dalawang kasamahan ko pa. Tapos nagpapahinga na ang driver namin. Hinugasan ko lang ang ginamit ni Halina at Kalei na naiwan sa silid ng huli. “Saka tulog na ang mga bata,” dugtong niya. “M-may kailangan po ba kayo?” ani ko imbes na magkomento sa sasabihin niya. “Po na naman?” “I’m sorry. Hindi ko lang maiwasang sabihin, nasanay kasi ako dahil sa trabaho ko noon.” “Okay.” “May kailangan ka ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa ko. “Hindi ako makatulog, e.” Bumaling ako sa kan’ya. Nakasandal na siya sa lababo. “Ipagtimpla kita ng gatas, gusto mo?” alok ko. “Sige. Pakidala na lang sa kwarto.” Sabay talikod niya. Hindi ko maiwasang magsalubong ng kilay. Nandito na, e ipapaakyat pa? Napailing tuloy ako. Binilisan ko ang paghugas at nagtimpla ng gata

    Huling Na-update : 2022-12-11
  • Ayeisha : Her Broken Piece    Chapter 13: Confession

    AYEISHA - “GOOD EVENING PO,” bati ko kay King nang bumaba siya sa sasakyan. Alas diyes na ng gabi nang mga sandaling iyon. Sabi niya, pipilitin niyang maaga umuwi kaya ‘yon din ang sinabi ko kay Kalei. Nakatulugan na nga niya ang paghihintay sa ama niya. “Si Kalei?” “Nakatulog kakahintay sa ‘yo.” “Gano’n ba.” Tumalikod na siya sa akin at pumasok na sa loob. Seryoso siya at namumula ang mukha. Parang nakainom yata siya ngayon. Buti na lang safe siyang nakauwi. Pero bakit kaya siya uminom? Dahil sa problema nito sa kompanya? ‘Yon lang ang natatandaan ko sa sinabi niya kanina. Nakakapagtaka din, parang nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Baka pagod lang siya. Naabutan ko si King na papasok sa silid ni Kalei kaya napangiti ako. Mahal na mahal niya talaga ang anak niya. Buti naman, kasi kailangan siya ng bata. Na-open niya sa akin ang tungkol sa ina niya. Bihira lang pala makita ni Kalei ang ina dahil nagtatrabaho nga sa ibang bansa. Ramdam ko na nangungulila siya dito. Naatim

    Huling Na-update : 2022-12-12

Pinakabagong kabanata

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow- Special Chapter & Teaser

    BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow: Wakas

    RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 51

    RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 50

    RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 49

    RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 48

    RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 47

    NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 46

    RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N

  • Ayeisha : Her Broken Piece    The Broken Vow-Chapter 45

    RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth

DMCA.com Protection Status