AYEISHA'S POV…
“NABABALIW KA NA ba, Ayeisha? Kapatid mo siya, ‘di ba?”
Napaingos ako pagkarinig sa sinabi ng aking kaibigang si Bem.
“Ilang beses ko bang uulitin sa ‘yo, Bem, na hindi ko nga kapatid si King! Nakakainis ka na!”
Si Bem naman ang umingos sa akin. “Wow. King na lang, girl? Nasaan ang Kuya? Porket wala ang Daddy mo kinalimutan mo na ang lahat?”
“Bem!” ani kong naiinis na parang bata sa aking kaibigan.
Marahas pa akong nagpakawala ng buntonghininga mayamaya.
Alam kong inaasar lang ako ni Bem pero hindi ko pa ring maiwasang mainis. Tutol din kasi siya na gustuhin ko ang Kuya King ko. We're brother and sister, but not blood related. Anak-anakan lang ng Daddy ko ang Kuya King ko, so may pag-asa pa kaming dalawa.
Ayaw nila na gustuhin ko siya. Pero anong magagawa ko, gusto ko nga talaga ang dumuho kong Kuya na 'yon? Kaya bang utusan ang puso na iba ang mahalin? Kaya mo bang turuan? 'Di ba, hindi? Ngayon lang ako umibig tapos mabibigo pa? No way!
"Ano? Nasaan na siya?" ani ko kay Bem.
Si Bem kasi ang malapit na kaibigang babae ng Kuya King niya, na siya ring malapit kong kaibigan. Si Bem din ang kausap ng Kuya King ko kanina. Pinapapunta niya ito ngayon sa restaurant para makasabay namin sa pagkain. Siyempre, sa utos ko. Malakas ako kay Bem, e. Kung ako ang mag-te-text no'n, paniguradong hindi darating si Kuya.
Nandito kami ngayon malapit sa opisina nila Kuya King at sinadya naming dito magkita para wala siyang takas.
Sabay kaming napatingin ni Bem sa labas nang may humintong isang magarang sasakyan.
Napangiti ako sa loob-loob. Siyempre, alam kong kay King ang sasakyang iyon. Ikaw ba naman maging stalker. Lahat na yata ng gamit niya ay alam at kilala ko. Kahit ang mga brand ng mga suot niya, alam ko. Kahit ang nunal sa katawan niya, alam na alam ko. Ako pa ba?
"Happy?" ani ni Bem nang tumingin sa akin. Nakita niya rin kasi si Kuya King.
"Super duper happy," ani kong malanding kinagat ang steak.
Napailing sa akin si Bem.
Napaayos ako ng sarili maya-maya nang makitang pababa na siya ng sasakyan.
"Damn! He's so hotter than the sun!" bulalas ko.
"Ang OA mo, Ayeisha!"
"Ssshhh… He's comming and watching us," saway ko sa kan'ya. Papasok na kasi sa restaurant ng mga sandaling
Ang lupit din ng vision ko kasi, malawak. Basta si Kuya King ang pinag-uusapan, kaya kong gawin ang posible.
Kinuha ko ang tablet binuksan ang isang app para kunwari ay abala ako.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang baritonong boses ni Kuya King. Tinawag niya si Bembem.
"Hi," ani lang niya sa akin. Kay Bem lang siya nakipagbeso kaya nakaramdam ako ng inis.
Tumayo ako at nilapitan siya. “Hello, Kuya,” ani ko sabay lapit ng mukha sa kan’ya para halikan siya pero pinigil lang niya ako.
Bagsak ang balikat na bumalik ako sa upuan ko.
Alam kong nakita ni Bem ang pagkadismaya ko kaya sumingit na siya agad sa amin. Bumalik ako sa kinauupuan ko at inabala na nga talaga ang aking sarili. Naiinis ako kay Kuya. Kapag wala ang Daddy ko, ganito talaga siya sa akin. Pero hindi naman sa lahat ng bagay. Ayaw lang nitong magdikit ang aming balat.
“My achievement deserves to be celebrated tonight, King. It would be great if you could attend,” ani ni Bem sa Kuya King niya na abala sa telepono.
“Sure. Pero baka ma-late ako. Ihahatid ko pa si Jena sa airport ngayon. Dumaan lang ako para hindi mo masabing ini-ignore kita.”
“Good. Kahit anong oras pa ‘yan, basta pumunta ka.”
“Okay. So, ‘yon lang ba?”
Tumingin sa akin si Bem kaya pinanlakihan ko lang siya ng mata. Baka mamaya mahalata ni King na ako lang ang nagpumilit sa kaibigan na papuntahin siya.
“Yes,”
"Okay." Tumayo siya, at tumingin sa akin. "Deretso ng uwi, baka tawagan na naman ako ni Tatay."
"Sasama ako mamaya kay Bem kaya hindi pa ako makakauwi. After ng party na lang."
Napabuntonghininga siya sa sinabi ko. "Okay. Malaki ka naman na," sabi lang niya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Talagang wala siyang pakialam sa akin. Kung sinabi niyang ihahatid niya ako, uuwi agad ako, e.
Nakaalis na lahat-lahat si King, nasa entrance ng restaurant pa rin ako nakatingin. Wala talaga siyang ka-amor amor sa akin. Kailan niya kaya ako makikita bilang babae?
Pagkagaling namin sa restaurant ay dumertso ako sa condo ko para magpahinga. Gabi pa naman ang party na sinasabi sa akin ni Bem. Dadaanan na lang daw niya ako. Saka may ide-deliver sa akin mamaya, dapat nasa condo lang ako.
Nagpahinga lang ako saglit bago natulog. Nagising lang ako nang makarinig ng sunod-sunod na doorbell.
Papungas-pungas na bumaba ako sa kama. Inabot ko ang tali ng buhok ko bago lumabas ng silid.
Napangiti ako nang makilala kung sino ang nag-doorbell. Kaagad na binuksan ko ang pintuan para papasukin siya.
"Ito na 'yon?" ani ko nang higitin ang dala niya.
"Yes," nakangiting wika ni Hugo.
"Thank you, Hugo. Deposit ko na lang ang full payment para dito."
"O sige. Tawag ka lang sa akin kapag kailangan mo pa." Tumango ako sa kan'ya.
Nagpaalam na rin siya agad dahil may lakad pa raw.
Nakangiting pinagmasdan ko ang bote na galing kay Hugo. Sana maikatuparan ko na ang plano ko. Walang alam si Bem sa plano ko. Bahala na kung magalit siya. Ako naman ang sasagot sa lahat ng nga tanong oras na magkabukingan.
Bandang alas otso na nang magpasya akong mag-ayos ng sarili. Tumawag muna ako sa bahay na sa condo ako matutulog. Pumayag naman kaagad ang Mommy at Daddy ko nang sabihin kong may tinatapos akong damit na dinedesinyo.
Hindi na ako nadaanan ni Bem dahil out of way na raw. Buti na lang may isang sasakyan pa ako na nasa parking lot. Coding, pero ayos lang, gabi naman na. Paniguradong nakauwi na ang mga enforcer niyan.
Sa bahay ng mga Salas ginanap ang party ni Bem. Magulang ni Bem ang may gustong mag-celebrate kasi. May tatlong award kasing natanggap ang aking kaibigan. Isa siyang pintor. Pero maliban sa pagpipinta, ito na ang humahawak ng negosyo nila.
Saktong alas diyes ng gabi ako nakarating sa villa nila. Mula sa mayamang pamilya ang kaibigan kaya ang bahay nila ay malaki at malawak, animo'y bahay ng mga bida sa mga disney movie na napapanood ko, magarbo.
Napapaligiran din ng mga halaman ang magarbong bahay nila Bem kaya masarap sa mata. Makulay din dahil sa mga ilaw.
Napangiti ako nang marinig ang musika na nanggagaling sa malawak na lawn nila, kung saan ginaganap ang party.
Marami ng naka-park na sasakyan nang mga sandaling iyon kaya naghanap pa ako ng puwdeng pagparkingan ko, at sa pinakadulong bahagi ako nakahanap.
Pagkababa ko ay hinanap kaagad ng mata ko ang sasakyan ni Kuya King. Kilala ko naman na ang mga pag-aari niyang sasakyan. Bahagya akong nalungkot nang hindi ko makita, wala pa pala.
Kita ko na mula sa pintuan ang mga bisitang nagkakasiyahan sa lawn, pero mas pinili kong tumuloy sa loob. Nagpasya na lang akong mamaya na makisaya sa mga ito. Babatiin ko lang ang magulang ni Bem.
Napangiti sa akin ang ginang nang makita ako, maging ang asawa niya. Wala daw si Bem, umalis saglit dahil may sinundo daw sa kabilang village.
Pagkatapos makipagkuwentuhan sa mga ito ay lumabas na ako. Nakita ko agad ang ibang kakilala namin ni Bem kaya nilapitan ko ang mga ito. Hindi ko masabing kaibigan ko sila, bihira lang kami kasi magkasama, unlike kay Bem.
Akmang lalagok ako ng alak na inabot ni Greymar nang mapansin ang pagpasok ng sasakyang kulay maroon. Napangiti ako nang makita ang plate number. Kaagad na isinagawa ko ang plano.
Nagsalin ako ng alak na iniinom niya sa isang baso, na hiningi ko kanina sa waiter. Kinapa ko ang boteng dala kanina ni Hugo sa bag ko at binuksan iyon sa ilalim ng mesa. Buti na lang madilim sa bahaging iyon, hindi kita ang aking ginagawa.
Dinala ko sa ilalim ng mesa ang kopita matapos kong buksan ang bote. Tumingin muna ako sa piligid kung may nakatingin sa akin, wala naman. Sakto kasing nagsialisan ang ibang nasa mesa na iyon para sumayaw, meron ding lumapit sa ibang kakilala para makipagkuwentuhan.
Mabilis na ibinalik ko ang maliit na bote sa bag ko. Tumayo ako na bitbit ang baso at kopita ko saka pumunta sa parking lot. Kakalabas lang ni Kuya King ng mga sandaling iyon sa sasakyan niya.
"Kuya King!" nakangiting tawag ko sa kan'ya. Tumingin naman siya sa gawi ko at hinintay ang paglapit ko. "O, para sa 'yo. Alam kong gusto mo 'to." Itinaas ko pa ang baso na may lamang brandy.
"Nakailan ka na?" Tumingin siya sa hawak kong kopita bago kinuha ang inaabot kong baso.
"Hmm, tatlo?"
"May dala kang sasakyan?"
"Meron."
"Damn! Alam ni Tatay?"
"Nope. Ang alam niya, nasa condo ako, nagtatrabaho."
"Tsk. Hanggang lima ka lang, kung ayaw mong ihatid kita agad pauwi." Nagbaba siya ng tingin sa suot kong hindi aabot sa tuhod na dress. "Too short, little sis. Baka pag-fiestahan ka naman niyan."
Napangiti ako sa sinabi niya. Ayan na naman siya pagiging concern sa akin. Kaya tuloy minsan, iba ang pagkakaintindi ko.
"Don't worry, behave lang ako. Alam ko namang may mata ang Daddy ko dito," ani kong kunwa'y naiinis.
"Good."
"Balik na ako. Ciao!" Mabilis na tinalikuran ko siya. Lumapad din ang ngiti ko dahil dinala nito sa labi ang baso bago ako tumalikod. Siguradong uubusin niya iyon, kaya kailangan kong i-monitor ang ginagawa niya.
Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang ginagawa niya. Hawak niya pa rin ang binigay kong alak. Nilapitan niya ang isang magandang babae. Hindi ko kilala, pero mukhang circle of friends din ito nila Bembem at Kuya King.
Mayamaya lang ay umingay ang crowd nang lumabas na si Tita at Tito kasama si Bem. Mukhang ang nobyo niya ang sinundo kanina na sinasabi ni Tita.
Inubos ko muna ang alak at lumapit sa mga ito. Kaagad na niyakap ko si Bem at binati, akala mo naman hindi kami nagkita kanina. Lumapit din si Kuya King maging ang ibang kaibigan niya sa amin.
Saglit na lumayo ako para hanapin si Kuya King. Nawala kasi bigla.
Napaangat ako ng kilay nang makita ito na humihingi ng alak, nakapulupot ang babaeng kausap niya kanina, gano’n din siya. Pakiramdam ko, may tumutusok sa dibdib ko dahil sa sobrang selos. Hindi man lang siya nahiya, nandoon ako, e.
Natigilan ako nang maalalang wala naman kami. Kapatid lang ang turing niya sa akin.
Bumalik na lang ko sa mesang kinauupuan ko kanina at pilit na nilibang ang aking sarili.
Nagtama ang aming paningin nang minsang mapalingon siya sa akin. Kunot ang noo niya nang laklakin ko ang dalawang kopitang naroon sa harapan ko. Talagang pinakita ko sa kan'ya sa sobrang inis ko.
Natigilan ako nang bigla niyang sapuin ang ulo niya. Hindi kaya umepekto na? Tumingin ako sa relong pambisig ko, mag-iisang oras na pala. Kanina pa siguro niya nararamdaman iyon!
Kaya ba tumingin siya sa akin? Hindi kaya pinaghinalaan na niya ako?
Napalunok ako dahil sa isiping iyon.
Nagmadali akong tumayo at lumapit kay Bem. Nagpaalam ako na magpapahinga muna sa resthouse ng mga ito na nasa likurang bahagi. Kompleto ang gamit doon at aircondioned pa. Lagi akong tumatambay doon kapag narito ako sa bahay nila.
Nilingon ko pa si Kuya King na nakatingin din sa akin. Alam kong sinundan niya ako ng tingin hanggang sa pathway kung saan iyon ang daan papuntang resthouse.
Sana lang gumana ang plano ko. Alam kong ako ang unang pupuntahan niya kapag lumala ang nararamdaman nitong init sa katawan. Kaya siguro hinayaan na niyang lumingkis ang babaeng iyon sa kan'ya.
Pabagsak na nahiga ako sa kama nang makapasok ako. Kinakabahan man pero iyon lang ang paraan ko para makuha si Kuya King. Gustong-gusto ko talaga siya.
Napahilot ako sintido kapagkuwan. Ramdam ko na ang pagkahilo. Marami na kasi akong nainom, hindi lang limang kopita ng vodka spritz, sobra pa.
Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa no'n ang inaasahan ko, si Kuya King. Nagdiwang ang akong kalooban.
Namumula na ito at hindi maipinta ang mukha na nakatingin sa kan'ya.
"Ano ang pinainom mo sa akin, Ayeisha?" Halata na ang galit sa mukha niya kaya napaupo ako. “Ano?!” biglang taas ng boses niya.
"K-Kuya…" Kinakabahan na ako ng mga sandaling iyon.
Tinanggal niya ang ilang pagkakabutones ng polo habang naglalakad palapit sa akin. Nakaupo na ako ng mga sandaling iyon.
Napapikit ako nang basta na lang niya sapuin ang pisngi ko.
"Tell me, Ayeisha. Sabihin mong mali ako ng iniisip. Na hindi ikaw ang naglagay ng party drugs sa baso ko."
"O-ouch," d***g ko nang dumiin ang daliri niya sa aking pisngi.
Ramdam ko ang panginginig ni Kuya King ng mga sandaling iyon. Talagang umepekto na nga. At sa mga susunod na oras, mas lalong hindi niya malabanan iyon.
Hindi ako sumagot kaya napamura siya ng malakas na parang ikabingi ng aking tainga. Binitawan niya ako kapagkuwan nang d*****g ako sa sakit ng daliri niya. Tiningnan niya ako ng masama.
Napapikit siya habang sinasapo ang batok niya. Tumalikod ito sa akin kapagkuwan. Sa tingin ko, tumitindi na ang pinainom ko sa kan'ya, kaya bumaba ako at niyakap siya mula sa likuran.
"F-f*ck! B-bitawan mo ako, Ayeisha!"
Napabitiw ako nang magpumiglas ito. Muntik na akong matumba sa sahig. Buti na lang nasalo ako ng kama.
"W-what the hell is happening to you? Huh? Kanina, you drugged me, tapos ngayon niyakap mo ako? I don't understand you, Ayeisha."
"Hindi pa ba malinaw sa 'yo, Kuya King? Gusto kita. Hindi bilang kuya kung hindi bilang lalaki. Mahal kita, King."
Umiling-iling siya sabay taas ng kamay. "No. That can't be… Magagalit si Tatay sa akin at sa ‘yo, kapag nalaman niya ito."
"I don't care, Kuya! Hindi kita kapatid alam mo 'yan!" Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. "Wala namang masama, Kuya kung gustuhin natin ang isa’t-isa, sa totoo lang."
Biglang pitik ng balikat niya na parang may kumiliti. "Damn!" dinig kong sabi niya sa mahina sabay hila sa neckline ng damit niya. Parang init na init na siya.
Akmang yayakapin ko siya nang itaas niya ang kamay.
"'W-wag kang lumapit, Ayeisha. O-or else…" aniyang hindi masabi.
Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Baka hindi niya mapigil ang sariling hindi ako angkinin. Iyon ang epekto ng drugs na pinainom ko sa kan’ya. Maghahanap at maghahanap siya ng babaeng maangkin dahil sa drogang iyon. Mahirap ding pigilan iyon. At iyon nga ang gusto kong mangyari ngayong gabi. Para matigil ang kasalang King at Jena.
"Or else what, King? Aangkinin mo ako?" Ngumiti ako sa kan’ya ng matamis.
Napatitig siya sa akin habang dahan-dahan kong hinuhubad ang aking damit sa harapan niya. Umalon-alon ang adams apple niya dahil sa ginawa kong pang-aakit. Kinakagat ko rin ang aking labi para lalo siyang maakit sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin nang tuluyan ko ng nahubad ang dress ko. Bra at underwear na lang ang aking saplot ng mga sandaling iyon. Sinamantala ko iyon para lapitan siya.
Hahawakan ko sana siya nang bigla niya akong tinulak. Pinulot niya ang damit ko at pilit na isinuot sa akin kahit na nanginginig na. Para din siyang napapaso kapag dumidikit ang balat sa akin, na sinusundan niya ng malulutong na mura. Talagang sobra talaga ang pagpipigil niyang angkinin ako.
“I-I will never like you. N-never. S-si Jena ang mahal ko kaya itigil mo na itong kalokohan mo, Ayeisha. Ikakasal na rin kami.” Hinawakan niya ang zipper sa tagiliran ko at zinip iyon. “K-kapatid lang ang turing ko sa ‘yo. Get it? Kaya kahit maghubad ka sa harap ko habang nagdedeliryo ako dito, hinding-hindi ako maakit. Dahil wala kang dating sa akin bilang babae.”
Parang may pukpok sa ulo ko ng mga sandaling iyon. Ang dibdib ko ay parang pinipiga din sa sobrang sakit ng sinabi niya. Ganito pala ang masampal sa katotohanan.
Tinulak ko siya sa sobrang sama ng loob ko. Gustong kumawala ng luha ko pero pinigil ko lang. Pinatigas ko ang mga kamay ko para labanan ang sakit na nararamdaman ko.
Inayos ko ang aking sarili kapagkuwan, at tumalikod na para lumabas. Nabigo ako sa aking plano. Kailangang tanggapin ko na hindi siya kailanman magiging akin.
Ikaw ba naman sampalin ng katotohan?
Pero bago ko isara ang pintuan, tiningnan ko siya sa huling pagkakataon na may pagmamahal, nakatingin din siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang matinding pagnanasa pero naroon pa rin ang pagpipigil niya. Muli kong naikuyom ang mga palad ko para pigilan ang luhang nagbabadya na.
Sa sobrang galit ko, isinara ko ang pintuan ng resthouse na iyon ng napakalakas.
AYEISHA'S POV…NAPASILIP AKO NANG marinig ko ang sipol ng guard namin. Pinapaalam ng guard na pumasok na ang sasakyan ni Kuya King. After three weeks, ngayong ko lang ulit siya makikita. Nami-miss ko siya. Alam kong hanggang ngayon, galit pa rin siya sa nagawa ko noong party ni Bembem. Pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa kong iyon.Napabuga ako ng marahas na buntonghininga nang makita si Jena na lumabas sa sasakyan ni King. Feel na feel ni Jena talagang pumunta sa bahay namin, as if naman welcome siya. Malungkot na iginiya ko ang aking sarili pabalik sa higaan. Sayang lang ang ginawa kong pag-ayos sa sarili ko para kay Kuya, akala siya lang ang pupunta.Pasubsob na inihiga ko ang aking sarili sa higaan. Hindi ko maiwasang mapaluha ng mga sandaling iyon. Naging emosyonal ako pagdating kay Kuya. Nasasaktan ako kapag kasama niya ang nobya niya.Napapitlag ako nang makarinig ng katok na sunod-sunod. Hindi ko man lang inabalang pagbuksan iyon. Wala na ako sa mood. Bahala na sila sa bab
AYEISHA'S POV…HINDI MAALIS ANG tingin ko sa wedding invitation card na nasa mesa ng Daddy ko sa library. Gusto ko lang naman kunin ang librong hinihiram ko kay Mommy, tapos 'yon ang naabutan ko? Nanghihinang napaupo ako sa swivel chair ni Daddy. Ilang araw ko ng nililibang ang sarili ko dito sa bahay namin pero heto, pinapamukha na naman sa akin ng tadhana na wala na kaming pag-asa ni King. Sa susunod na araw na ang kasal, at gaganapin iyon sa tahanan nila Jena. Ang sakit-sakit sa dibdib. Kahit anong pilit ko sa sariling libangin, lagi ko lang siyang naalala. Sa puso ko, tutol ako sa kasalang iyon.Dapat mangibang bansa ako pero hindi ako pinayagan nila Daddy. Hindi kasi sila sanay na umaalis ako ng ganoon katagal. Wala kasi akong balak na dumalo sa kasal. Kahit anong pilit pa nila Daddy, ay buo na ang pasya ko, hindi ako dadalo sa kasalang iyon. Baka mamaya, sumigaw pa ako ng itigil ang kasal. Oh, God! Alam kong kaya kong gawin, pero alam kong masasaktan ang magulang ko, ayoko ring
3RD POV NAPATINGIN SI THUNDER kay Grazie nang marinig na naman ang hikbi nito habang hawak ang kamay ni Ayeisha. Wala pa ring malay ang anak nilang si Ayeisha hanggang ngayon, na kung bibilangin ay mahigit isang taon na itong comatose dito sa dating bahay nila sa Bicol dinala. Ang huli niyang balik sa silid na ito, ay noong si Laura pa na walang malay rin at walang maalala ang nakahiga. Ang ikinakatakot niya ngayon, baka gano’n din ang anak nila base sa mga resulta ng mga test ng doktor nito. Napapikit siya nang maalala ang nangyari. Araw ng kasal noon ni King nang makatanggap sila ng tawag sa kakambal nitong si Benrick na naaksidente ito. Binalak pala nitong magpakalayo-layo. At alam niyang dahil iyon sa pagkabigo nito kay King na ang akala niya ay balewala na dito. Hindi na kasi nila napag-usapan ng anak iyon. May iniwan pa itong sulat sa kanila na magpapakalayo muna at babalik kapag naka-move-on na ito pero nauwi lang sa aksidente. At hindi lang ‘yon, naaksidente itong may sug
-AYEISHA’S POV 6 YEARS LATER…. Napamulat ako nang mata nang marinig ang tunog ng alarm clock sa aking uluhan. Mabilis na iginiya ko ang aking sarili para bumangon. Napangiwi ako nang marinig ang paglangitngit ng papag na kinahihigaan ko. Sinilip ko pa tuloy ang taas kung nagising ba ang nasa taas niyon. Double deck iyon na gawa sa kawayan. Ako at ang apo ni Aling Precing ang natutulog doon. Kaagad na iginiya ko ang aking sarili sa maliit na kusina at nag-toothbrush. Alas kuwatro pa lang ng umaga kaya may oras pa ako para mag-jogging. Pagkatapos no’n, magluluto na ako para sa almusal namin, at maghahanda para pumasok. Saglit na nag-warm up ako sa labas ng pintuan namin bago ako nagsimulang tumakbo palabas ng bakuran. Anim na taon ko na itong routine. Nakasanayan ko na. Malayo ang gym dito kaya ganito na ang gawa ko tuwing umaga. Tinatapat kong madilim pa talaga dahil wala akong takip sa mukha kapag ganitong oras. Pero may bitbit akong scarf na nakatali sa beywang ko, pero maluwa
“HOY! KANINA KA pa wala sa sarili,” ani ni Owen sa akin. Hawak nito ang isang plato na mula yata sa labas.Mapaklang ngumiti ako sa kan’ya. “Napapadalas kasi ang pagkirot ng dibdib ko nitong mga nakaraan. Hindi na mawala-wala sa isipan ko.”“Ganoo’n ba. Aba’y ipa-check up mo na ‘yan. Baka iba na ‘yan.” Hinugasan niya ang platong hawak saka inilagay sa tray.“Balak ko ngang magpaalam bukas. No’ng Sabado sana, kaso walang clinic yata kapag gano’ng araw, noh?”“Parang. Mas maganda na iyong weekdays. O siya, mauna na ako sa ‘yo. Walang bantay sa mga kapatid ko, e.”“Sige, Owen, alas otso pa ako, e. Wala kasing kasama si Banjo.” Dalawa na lang kami matitira ni Banjo sa kainan dahil nakipagpalit sa akin si Nilda, kailangan daw maagang umuwi. “O sige, ingat na lang.” Magkaiba kaming purok na inuuwian, pero iisang barangay lang kami ni Owen. Magkaiba rin kami minsan ng shift kaya hindi kami nagsasabay ng oras ng pagpasok at pag-uwi.Naglalakad na ako papasok ng barangay namin nang maramdama
-KINGNapangiti ako nang makita ang blueprint ng mall na itatayo dito sa bayan ng San Remigio. Almost half na ang natatapos. Talagang mabibilis ang construction company na nakuha ko. Isa pa, nakatutok ako. Kailangan, dahil isang taon lang kami dito.Matagal na itong nasimulan pero nabagalan kami sa unang nakuha naming contractor kaya nagpalit ako, at tinutukan ko para hindi na kumain ng maraming taon. Ang target namin dito ay mabuksan na sa susunod na taon. Ito ang pinakamalaking mall dito kung sakali. At nasisiguro kong malaki ang kikitain ng mall na ito.Napatingin ako sa telepono ko nang makita ang mensahe mula kay Asha. Pictures ni Kalei na naglalaro kasama ang pamangkin niyang si Halina.Ilang araw nang nagre-report sa akin si Asha. Kahit hindi ko sinabi na mag-send, ginagawa niya para malaman ko raw ang mga ginagawa ng anak ko. Natutuwa naman ako kasi hindi ko naisip ang mga bagay na ‘yan noon. Dati, sapat na sa akin na may nagbabantay sa kan’ya pag-alis ko. Nakakatuwa pala. La
-AYEISHA-NAPAPIKIT ako nang marinig ang sinabi ng operator sa kabilang linya. Paulit-ulit na niyang sinasabi iyon na ikinakainis ko. Nakaraming tawag na ako sa anak ni Aling Precing pero out of coverage pa rin. Napahawak ako sa noo sabay upo ng padaskol. Naiinis na ako anak ni Aling Precing sa totoo lang.Tumingin ako sa kabaong niya. Isang linggo lang ang itatagal niya dito, dahil kapag hindi ko pa makontak ang ina ni Halina, mapipilitan akong ipalibing na siya agad, kagaya ng sabi ng mga kapitbahay namin. Magastos dahil ipapa-embalsamo daw ulit kung mag-e-extend pa. Magbabayad pa. Kaya ko naman bayaran, pero si Asha ako ngayon, hindi si Ayeisha Santillan.“Nakikiramay ako sa pamilya niyo, Asha.” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses.“S-sir… Magandang gabi po,” bati ko sa kan’ya. “Si Kalei po kasama mo?”Naupo siya sa tabi ko kapagkuwan. “Kalaro ni Kalei si Halina sa kalsada.”Tumingin ako sa kalsada. Kita ko na nga sila doon nagtatakbuhan. Saktong maliwanag
-AYEISHA MABILIS kong pinindot ang alarm clock sa tagiliran ko. Mahirap na baka magising si Halina sa tabi ko. Alas kuwatro na ng umaga at kailangan ko ng mag-jogging. Kahit sa iba na ako nakatira kailangan ko pa ring ipagpatuloy ito. Hindi naman ‘to kagaya sa bahay namin sa Maynila na may sariling gym sa loob nh bahay. Kaya kahit anong oras ay p’wedeng mag-exercise. Buti na lang may sariling banyo ang silid na tinutulugan namin ni Halina. Hindi ko na maistorbo ang iba kapag bumaba ako. Mabilis na nagbihis ako ng outfit ko na pang-jogging. Dapat makabalik agad ako. Bitbit ko ang tumbler nang lumabas ako sa silid na inuukopa namin ni Halina. Tulog pa naman yata ang mag-ama. Saka nitong mga nakaraan daw, inaabot ng alas otso sa higaan ang dalawa ayon sa kasambahay. Dahan-dahan ang ginagawa kong hakbang makarating lang sa hagdan. Madadaanan ko kasi ang silid ng mag-ama. Napangiti ako nang makarating ako sa hagdan. Akmang hahakbang ako nang may nagsalita sa likuran ko. “So, ikaw pala
BENRICK'S POV NAPADAING ako nang kapain ko ang panga ko. Sobrang sakit talagang sumuntok ni Kyrie. Hindi talaga magandang ideya na nagkakadaupang palad ko ang kaibigan kong 'yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over dahil ako ang pinili ni Ruth. "So childish game, pal." Napalingon ako kay Ytan na nakapameywang. "We're not playing games." Sumandal ako sa couch. Bumuntong hininga si Ytan. "Hindi ba laro 'yon? Wala naman na si Ruth, kaya bakit niyo pinapahirapan ang mga sarili niyo? At kung nandito man siya, hindi niya magugustuhan na nag-aaway kayo dahil sa kanya." Saglit akong natigilan. Tama si Ytan. Ayaw ni Ruth. Pero nakaraan na ‘yon. May ibang lalaki na si Ruth. "Ilang beses ko lang siyang nakausap pero believe me, hindi niya magugustuhan ang ginagawa niyo." Napabuga ako ang hangin. "Okay. Nainis ako kay Kyrie dahil sinabi niyang pinabayaan ko si Ruth na magtrabaho sa club. Damn! Hindi siya nagtatrabaho doon! He's with another man! Damn it!" “Hindi lang siya an
RUTH’S POV MAKALIPAS ang dalawang taon… “Ano na naman ‘yan, Benrick?” inis na tanong ko kay Benrick nang makitang may ibinubulong na naman sa dalawa. “Maganda ka pa daw po sa umaga, sabi ni Daddy.” Napaangat ako ng kilay ng si Cara ang sumagot. “Bidek?” ani ko sa kapatid niya. “‘Yan po ang sabi ni Tatay, ‘Nay,” sagot naman ni Benedict. Tumingin ako kay Benrick na noo’y nakangiti. Lately, panay ang bulong ng asawa sa dalawa. At na-curious ako kung ano ang sinasabi niya sa mga anak namin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako dahil parang hindi totoo ang mga sinasabi ni Benrick sa akin kapag tinatanong ko kung ano ang ibinubulong niya sa mga bata. “Masama ang magsinungaling, mga anak,” sambit ko. “Alam po namin, Nanay.” “Good.” Palipat-lipat ako nang tingin sa dalawa at hinihintay ang mga sasabihin nila, gaya na lang na hindi iyon ang ibinulong ng asawa. “Mga anak?” Tumaas pa ang kilay ko. “Po?” Si Cara. “Anong sinabi nga ng Daddy niyo?” “B-baby, it’s true
RUTH’S POV MABILIS akong naglakad patawid mula sa pribadong clinic nang makita ang signal red light sa bahaging iyon. Papunta ako sa convenience store dahil nakaramdam ako ng gutom. May katabi naman siyang coffee shop kaso, hindi ako mahilig sa mga tinapay ngayon. Sa convenience store may ulam at pagkain doon na iniinit lang. Bigla din kasi akong natakam ng mga itinitinda doon nang makita iyon. Madalas kasi akong bumili ng mga ready to eat dati, hindi dito, ibang branch lang. Kakarating ko lang sa tapat ng clinic kanina nang makaramdam ng gutom. Actually, kumain naman ako sa bahay, kaso konti lang. Nagiging mapili kasi ako sa pagkain dahil sa aking ipinagbubuntis. At hindi ko nagustuhan ang iniluto ng kasambahay namin. Ayoko lang sumama ang loob niya kaya pinilit ko ang sarili ko kahit na konti. Muli kong kinapa ang tiyan ko bago umakyat sa gutter. Mabilis din ang mga hakbang ko palapit sa convenience store pero napatigil ako nang makita ang dalawang taong hindi ko inaasahan na nas
RUTH’S POV MAAGA akong nagising at umalis. Saktong wala ang mga bata, kaya walang makakapigil sa akin na umalis. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Sharmaine. Hindi kami nag-uusap pero alam kong ramdam niya rin na ayaw namin sa isa't-isa. Nasa restaurant na ako ng condominium building na iyon pero wala pa si Sharmaine. Sa baba lang iyon ng condo ng asawa. Wala naman akong ibang alam na lugar, 'yon lang. Napaayos ako ng upo nang makita ko si Sharmaine na papasok. As usual, ang ganda niya sa suot niyang floral midi dress. Ang elegante niya tingnan. 'Yon ang wala sa akin na meron siya. Pero ang meron ako na wala siya, marami. Kabado ako nang alisin na rin niya ang sunglasses niya. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko ramdam ang sinseridad. "Hindi ako makapaniwalang makikipagkita ka sa akin, Ruth." "Alam ko, Sharmaine. At kaya ako nagdesisyon no'n para matapos na 'to. Gusto kong putulin mo na ang koneksyon mo sa asawa ko at sa anak." "Oh. So, alam mo na asawa ka niya. Nice. Happy f
RUTH’S POV “A-anong sabi mo? A-asawa?” “Yeah. Asawa. Asawa kita, matagal na. Nasabi ko na kay Benedict ‘yan na nagpakasal tayo sa Baguio.” Ngumiti pa siya sa akin. “Excuse me, Benrick. Nagsimba lang tayo doon at saktong may ikinakasal. Kaya anong sinasabi mo na ikinasal tayo?” “Yeah, right.” Tumalikod siya sa akin at may kinuha sa may maleta niya. Pagkalabas niya ng airport kanina, sa Laguna na siya dumiretso imbes na sa bahay niya, kaya bitbit niya ang luggage. May iniabot siya sa akin. “Take a look.” “A-ano ‘to?” “Our marriage certificate.” Napaawang ako ng labi sa narinig. “Read it, baby.” Nanginginig ang mga kamay na sinunod ko siya. Napasinghap ako sa title na nasa taas. Kaagad kong tiningnan ang pirma ko. Meron nga. At mag-asawa nga kami! “B-Benrick… p-paano nangyari ito?” Umiling-iling ako dahil hindi ako makapaniwala. Lumapit siya sa akin at sinapo ang pisngi ko. “Naalala mo noong mag-donate tayo para sa project ng isa kong kaibigan na may birthday sa Baguio? I
RUTH'S POV "YEHEY!" Tumalon-talon pa si Cara nang marinig ang sinabi kong mamasyal kami ngayong araw sa amusement park. Malapit lang dito kaya hindi kami mahihirapan. Saka may sasakyan naman. "Salamat, Nanay Ruth, makakapasok na rin ako sa wakas sa amusement park!" ani din ni Benedict sa akin. Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Hindi raw kasi talaga sila namamasyal noon dahil parehas na abala si Janet ang asawa niya sa trabaho. "Kaya ano pang ginagawa niyo? Magbihis na kayo," masayang sabi ko. Mabilis na nagsi-takbuhan ang dalawa sa kani-kanilang silid. Si Cara, sa silid namin dahil hindi pa naayos ang silid ni Vance. Doon niya balak na ilipat si Cara. Hindi naman niya babaguhin ang lahat. Ang mga beddings at ilang disenyo lang. Saka kay Cara naman na ang bahay na ito kaya okay lang na siya ang nasa master’s bedroom. May mga damit naman na si Benedict dito sa bahay. Binilhan namin siya ni Cara nang magpunta kami sa malapit na mall. Alam ko na rin kasi ang sukat niya dahil matagal
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth