Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
view more"Then why don't you marry me? Bakit hindi mo ako hinintay?" matigas ang boses na tanong sa kanya ni Danny.Napatitig si Mia sa lalaki and fell on his handsome face. Sandali siyang natigilan at bahagyang ngumiti. "Kapatid ang turing ko sayo Danny, alam mo yan. How can I marry you?" "Why not? When I left here a few years ago, sinabi ko sayo na babalikan kita. Babalik ako na matagumpay. Kaya ko ng lampasan si Alonzo. I have worked really hard these years, and I have opened restaurants in many cities. Nakipaghiwalay ka kay Alonzo pero bakit sa iba ka nagpakasal? Why didn't you wait for me? Bakit?”When Mia heard his words, a layer of mist appeared in her eyes, blurring her vision. Nakaramdaman siya ng awa sa lalaki. Alam niyang may gusto ito sa kanya pero hindi niya kayang suklian ang ibinibigay nitong pagmamahal lalo na at mahal niya si Alonzo noon.She has liked Alonzo for nine years pero hindi niya inaasahan na lolokohin siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya.Alam niyang hinintay
“Maraming nangyari nitong mga nakasaang araw, Danny. Ang totoo niyan ay nito ko lang din naman nalaman. Hindi ko nga matanggap ng una. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko lalo na at pumayag ako na ang Alonzo na yun ang magiging asawa ng anak ko pero ano? Sinaktan niya lang ang anak ko pagkatapos niyang paasahin ng siyam na taon,” emosyonal niyang kwento rito..“Hindi ako makapaniwala Tita na ginawa yun ni Alonzo. Akala ko pa naman ay mahal na mahal niya si Mia.”“Hindi lang ‘yun ang nangyari, Danny dahil kasal na si Mia sa kapatid ni Alonzo at sa susunod na linggo na ang kasal nila sa simbahan.”“Ano po?”Tumango siya sa tanong ni Danny.“Nakakatawang isipin pero yun ang totoo. Kasal na si Mia sa kapatid ni Alonzo. Hindi ko alam kung paano at bakit basta nalaman ko nalang na nagpakasal na ang dalawa pagkatapos silang niloko. Ang babae ni Alonzo ay nobyo ng kanyang kapatid. Siguro ‘yun ang nagtulak sa dalawa para magpakasal.”“Naguguluhan ako Tita.”“Maguguluhan ka talaga dahil
HINDI mapigilang magalit ni Gemma ng makaalis si Mia, pakiramdam niya ay inuubos nito ang kanyang pasensya. Siya na nga itong nagpapakumbaba ay masyado pa itong nagmamalaki. Isa pa kung hindi niya kasama si Alonzo ay hindi siya hihingi ng tawad kay Mia, wala sa bokabularyo niya ang magpakumbaba sa taong katulad ni Mia—isang babaeng mababa ang pinanggalingan. Isa pa sa hindi niya matanggap ang pakasalan nito ni Nicholas. Matatanggap niya pa siguro kung sa ibang babae ito nagpakasal pero hindi.Naiwan silang dalawa ni Alonzo sa cafe. Sa inis niya kay Alonzo ay inagaw niya ang tseke na ginawa nito para kay Mia.“Hindi ka naman siguro nababaliw? Bakit kailangan bigyan mo siya ng malaking halaga? Sino ba siya sa pag-aakala niya? Hindi mo kailangan gawin ‘yan. Lalo mo lang pinapababa ang mga sarili natin sa kanya.“Wala na akong ibang maisip pa malaki ang kasalanan natin kay Mia at ang halaga ito ay kulang pa,” sagot sa kanya ni Alonzo sabay kuha ng tseke sa kanyang kamay. “Mabuti na lang a
"May problema ba Alonzo?” hindi na mapigilang tanong ni Gemma kay Alonzo kaya lumingon ito sa kanya at tinitigan siya. Napapansin niya kasi na malalim ang iniisip nito palagi. “May iniisip ka ba? Tungkol ba ito sa nangyari sa atin? Ayaw ba ng pamilya mo na magkasama tayo?”sunod-sunod niyang tanong. Nasa loob ng sasakyan sila ng mga oras na iyon.“Hanggang ngayon kasi ay iniinda ko pa rin ang masakit na katawan ko dahil sa nangyari.”“Bakit kailangan na saktan ka nila?”tanong niya ritong nag-aalala.“Hindi naman natin sila masisisi. Nagkasala tayo sa kanila kaya nararapat lang ito sa atin—-sa akin. I will accept whatever punishment they give me.”“Alonzo,” naaawa niyang wika sa lalaki. “Humingi naman tayo ng tawad sa kanila.Tumango sa kanya si Alonzo pagkatapos ays ngumiti ito.“May gusto pa akong sabihin sayo, Gemma.”“What is it? May ginawa pa ba silang mas malala sayo? Tell me.”“Nang malaman ni Mia ang tungkol sa atin ay dumating din si Kuya. Magkasama silang umalis ng office, rig
Dumating sila agad sa jewelry store. Pumili si Mia ng simpleng singsing na may diyamante; wala siyang interes sa mga detalye ng kasal dahil hindi naman niya mahal ang pakakasalan pero masaya siya dahil ibinigay ni Nicholas ang kanyang gusto.. Maliban sa sa kanyang engagement ring ay pumili din siya ng wedding ring nilang dalawa Nicholas. Pagkatapos nilang magbayad ay kaagad din namang nagyayasin ko last na umuwi. Nasa loob na sila ng sasakyan ng may tumawag kay Martinez.Tiningnan lamang ni Martinez ang tumatawag at ng makita nito kung sino iyon ay binigay nito kay Nicholas na kasama niyang nakaupo sa likuran."Major, si Doctor Santos,” narinig niyang wika ni Martinez. Hindi nito sinagot ang tawag ni Dr. Santos na tinutukoy ni Martinez bagkus ay nagsalita si Nicholas.Bahagyang kumislap ang mga mata nito pagkatapos siyang sulyapan. “Hindi mo na kailangan sumama pauwi ng bahay. Kasama ko naman si Martinez at baka may kailangan ka pang gawin,” ani ng lalaki sa kanya. Pakiramdam niya a
HINDI mapigilan na hindi mapangiti ni Mia dahil sa mga sinabi ni Martinez. Mapapa-sana all ka nalang talaga kung tulad ni Nicholas ang jowa mo. Akala niya kasi ay nonchalant ito."Wow, ang swerte naman ni Gemma kung ganun," wika niya kay Martinez na itinuon ang ginagawa sa pagprito ng manok. Ang plano niyang lutuin ay buffalo wings.Hindi niya mapigilan ang hindi nainggit. Sa tagal nilang dalawa ni Alonzo ay hindi man lang iyon ginawa ng kanyang nobyo, parang wala itong nagawang ganito para sa kanya. Aaminin niya. Naiinggit siya kay Gemma. Minahal lang naman ito ng dalawang lalaki.Nagkaroon ng insecurity sa sarili, pakiramdam na hindi siya karapat-dapat mahalin na ang panget-panget niya."Oo! Pero hindi alam ni Gemma ang mga sakripisyo ni Major…Ang pinaka-nakakainis ay niloko niya pa at nakipag-relasyon siya sa nakababatang kapatid pagkatapos ng mga nagawa ni Major sa kanya.”Napatango siya."Kalimutan mo na ang sinabi ko tungkol sa ginawa ni Major kay Gemma. Ang gusto ko lang sabih
SA haba ng pila ay nahirapan si Mia na pagsabayin si Nicholas at ang kanyang hawak na cart. Kaya naman nitong paandarin ang wheelchair nito pero pakiramdam niya ay pinapahirapan siya ng lalaki.“Hindi mo na ako kailangan itulak. I can manage,” ani ni Nicholas sa kanya."Kailangan ko pa rin kayong itulak at baka may matamaan ka… Pakiusap Nicholas, huwag mo naman akong pahirapan ng ganito. Wala akong tatlong ulo at anim na braso para makaya ang lahat ng ito," inis niya ng wika kay Nicholas.Wala na talagang masabi si Mia sa lalaki pero sa tuwing na nakikita niya ang mga paa nito ay naisip niyang huwag na lang magsalita at tumahimik na lamang."I will stay here… Ikaw naman ang pumila sa cashier,” ani pa nito sa kanya kung kaya tumango siya.Inilagay ni Mia ang mga pinamili sa cart, at tinulak si Nicholas papunta sa gilid ng cashier. Nasa priority lane naman sila kaya kahit paano ay madali lamang. Ibinigay sa kanya ni Nicholas ang credit card nito. Handa na siyang magbayad, nang may bigla
Napaangat ang kilay ni Nicholas nang dumating siya sa bahay nito. "Hindi ka ba marunong bumili ng pagkain?” tanong sa kanya ng lalaki na kanyang ikinagulat. Hindi niya mapigilan ang hindi panlakihan ng mga mata dahil unang-una ay hindi naman ito nagsabi. Isa pa hindi pa naman lunchtime.“Bakit hindi ka nag padeliver? Pwede ka naman tunawag, hindi ba? Siguro naman ay kaya mo ang tumawag?”"Asawa na kita ngayon, Mia.. Sana hindi mo yun nakakalimutan pagkatapos mo akong pakasalan."Siguro naman kahit na sa pagkain ay maasikaso mo ako, hindi ba?” sagot nitong nakakunot ang noo. Palagi na lamang hindi maipinta ang mukha ni Nicholas. Tinalo pa nito ang babaeng buntis na naglilihi."Asawa ba talaga kita?” tanong ni Mia kay Nicholas. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nito dahil masyadong mainit ang ulo nito. “ Wala namang nakakaalam maliban sa mga pamilya natin hindi ba?”Hindi niya na kayang tiisin ang pakikitungo ni Nicholas, na tila laging galit sa mundo at parang may mabigat na bagay na
Tinawagan ni Mia si Nicholas para magpaalam na ma-le-late siya."Pwede bang mag-late ako?" tanong niya."Bakit?""May mahalagang kaibigan akong kakausapin kaya kung pwede ay mamaya na lang ako darating."Hindi kaagad nagsalita si Nicholas sa kabilang linyaNamagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa kung kaya muli siyang nagsalita.“Okay lang ba kung after lunch na ako darating?” tanong niya pa.Ang totoo ay ayaw niyang makasama si Nicholas mag-isa, naiilang siya sa lalaki. Isa pa sinabi niyang after lunch na lang siya pupunta dahil alam niyang hindi naman sila kaagad maghihiwalay ni Isabela sa dami ng kanilang pag-uusapan."Hindi!" matigas na sagot ni Nicholas."Bakit?""Pumunta ka rito at ipagluto mo ako ng tanghalian,” utos pa nito sa kanya."Nasaan si Martinez? Kahit wala siya pwede ka naman sigurong mag-order ng pagkain, 'di ba?"Wala siya rito.”Napabuntong-hininga si Mia at pumayag."Sige. Mabilis ko lang kakausapin ang kaibigan ko at pupuntahan kita kaagad.”Kaagad naman siy
NAPATITIG si Mia sa mataas na building ng Madrigal Corporation kung saan ay CEO ang kanyang nobyo. Kilala bilang tanyag na negosyante ang mga Madrigal. Her boyfriend comes from a family of billionaires. Halos mukha ng pamilya Madrigal ang makikita mong billboard sa Makati. Napangiti siya… Balang- araw ay magiging Madrigal na rin siya. Mabagal na umaakyat ang elevator patungo sa opisina ni Alonzo Madrigal nang maisip ni Mia si Alonzo. Hindi niya nakita nang kalahating buwan ang nobyo dahil umuwi sila sa probinsya ng kanyang ina at napuno ng pananabik at tamis ang kanyang puso lalo na at namiss niya ito ng husto. Isa pa nang magkausap sila ni Alonzo ay sinabi nitong may magandang balita itong ibabalita sa kanya at wala siyang ibang maisip na magandang ibabalita nito kundi ang mag-propose sa kanya ng kasal lalo na at matagal na niyang hinihintay ang araw na iyon. Hawak ni Mia ang isang lalagyan ng caldereta na pinagpuyatan niya pang lutuin upang ipagluto nang espesyal si Alonzo. Balak n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments