author-banner
DIVINE
DIVINE
Author

Nobela ni DIVINE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

CONTRACT MARRIAGE: A BILLIONAIRE'S GAME OF REVENGE

Kasal na lamang ang kulang para maging tunay na Madrigal si Mia Buenaflor. Nine years niyang naging nobyo si Alonzo Madrigal at inaakalang ito na ang kanyang the one. Ang lalaking maghaharap sa kanya sa simbahan lalo na at ito ang kanyang pinakamamahal. Hanggang sa natuklasan ni Mia ang panloloko ni Alonzo. Her world shattered the day she discovered Alonzo's betrayal—a hidden affair—with consequences that would change her life forever. Hanggang sa nalaman niya na ang babaeng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay ang fiancee ng kapatid nitong si Nicholas na si Gemma. Dahil sa pagmamahal kay Alonzo ay pumayag si Mia sa inalok na kasal sa kanya ni Nicholas. Gusto niyang magsisi si Alonzo sa panlolokong ginawa nito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa lalaki na hindi lang ito ang lalaki sa mundo pero hanggang saan siya dadalhin ng pagkukunwari nila ni Nicholas kung mukhang nagmamahalan naman si Alonzo at Gemma? Mapapanindigan niya kaya ang kasal niya kay Nicholas gayong napapalapit na rin siya sa lalaki? Sino ang pipiliin niya sa magkapatid? Ang lalaking nine years niyang minahal pero niloko siya o ang lalaking ibinigay sa kanya ang pangalan at itinayo ang kanyang dangal?
Basahin
Chapter: CHAPTER 18: THE UNEXPECTED RETURN
KITANG-KITA ni Nicanor ang kanyang nagwawalang anak at manugang. Ang pagtatalo ng dalawa ay nakakadagdag pa tensyon ng paligid."Kayong dalawa pwede ba ay maupo muna kayo! Dumadagdag lamang kayo sa problema!” utos niya sa dalawa kung kaya sumunod naman ang mga ito. Batas ang bawat salita niya sa kanilang pamilya.Sumunod si Mike sa kanyan ngunit galit na tinitigan si Alonzo bago umupo. Ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa anak na nakaluhod sa sahig. Nang makita ni Sandra na umupo na ang kanyang asawa ay saka pa lamang ito nakahinga ng maluwag at sumunod na rin.Tiningnan niya ang kanyang mga anak at manugang, at pagkatapos ay tumingin sa kanyang apo na nakaluhod sa sahig. Muli siyang nag buntong-hininga."Anuman ang sabihin natin, ay nagkamali si Alonzo. Akala ko may pagkakataon pa tayong ituwid ang pagkakamali niya, pero dahil buntis na si Gemma, hindi natin dapat saktan ang bata sa pagwawasto ng pagkakamaling ito, dahil ang bata ay walang kasalanan. Ang magagawa na lang natin
Huling Na-update: 2025-03-27
Chapter: CHAPTER 17: THE CONSEQUENCES
"Ano ang sinabi mo?"tanong ng kanyang ama… Muli na namang sumabog sa galit ang kanyang ama sa galit dahil sa kanyang sinabi. Nagulat din si Sandra nang marinig ang sinabi ni Alonzo.. "Ibig mo bang sabihin ay buntis si Gemma at ikaw ang ama?" Mahinang tumango siya.. "Dalawang buwan na siyang nagdadalang-tao,” sagot niya sa ina. Napansin niya ang pagsilay sa mukha ng ina dahil sa kanyang sinabi. "Kung ganoon ay magkakaroon na ng apo si Papa. Hindi ba matagal na nating gusto magkaroon ng bata sa bahay na ito?” ani pa ng kanyang ina na pigil ang saya na nadarama dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang noon pa gusto magkaapo ng kanyang Lolo at hindi nila iyon maibigay kaagad. Nagulat pa siya nang sumigaw ang ama dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ring magkaanak si Mia para kay Alonzo. Hindi niya nobya si Gemma, Sandra. Don't forget that… Ang bilis mong makalimot.” Nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ama ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Ma
Huling Na-update: 2025-03-27
Chapter: CHAPTER 16: BEAST
Natigilan siya sa sigaw ng kanyang ama. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.“Bumalik ka dito! Kinakausap kita!”sigaw ng kanyang ama. Lumingon siya upang tingnan ang ama. Tumayo naman ang kanyang ina at nakapamewang na tumingin sa kanyang ama. " Bakit kailangan mong sigawan si Alonzo? Wala siyang kasalanan dito. Siya ang biktima rito,” ani ng kanyang ama kung kaya kinabahan siya. Paano siya magiging biktima samantalang siya ang naging dahilan ng lahat. Alam niyang ang pagpapakasal ni Nicholas at Mia ay palabas lamang. “Kung gusto mong magalit kay Nicholas dapat! Si Nicholas ang may kasalanan, hindi si Alonzo. Kung kaya mo, hanapin mo si Nicholas!" sigaw ng kanyang ina na hindi nakapagpigil.Tumikhim siya at lumapit sa mga ito. Hindi niya malaman ang sasabihin."Ma, tama na po. Sasabihin ko na kung ano ang nangyari.. Ma, nagkamali po kayo,” wika niya sa ina kung kaya napatingin ito sa kanya.“Anong nagkamali? Mali na sisihin si Nicholas?”“Opo,” sagot niya napayuko. Hindi siya makat
Huling Na-update: 2025-03-26
Chapter: CHAPTER 15: A Shocking Revelation
“Kilala ko si Nicholas, Alonzo. Hindi siya basta-basta nagbabago ng pasya, at lalong hindi niya matatanggap ang pagiging isang talunan. Kahit na paralisado na siya, hindi siya basta-basta sumusuko; matigas ang ulo ni Nicholas."Kung talagang mahal ka ni Kuya, dapat maintindihan niya ang mga nangyayari. Hindi ka niya pwedeng itali sa sarili niya. Tama ka, paralisado na siya at wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na may karapatan kang tumutol at hindi pumayag na ikasal sa kanya. Huwag kang mag-alala, Gemma, dahil buntis ka na, at buntis ka sa isang Madrigal—pero hindi sa kanya, kundi sa akin. Kahit na magpumilit pa siyang agawin ka sa akin, wala nang makakapigil pa dahil sigurado akong maiintindihan tayo ng aking mga magulang. Madrigal ang batang dinadala mo, at hangga’t nabubuhay ako, walang sinuman ang makaka-galaw sa’yo, baby."Alonzo!" Dahil sa narinig, niyakap siya ni Gemma. Alam niyang panatag na ang loob nito dahil sa sinabi niya. Muling humigpit ang yakap ni Gemma sa k
Huling Na-update: 2025-03-26
Chapter: CHAPTER 14: BURDEN
Seryoso ang mukha na tumingin si Nicholas kay Mia, matalim ang kanyang mga mata..."Natatakot ka ba? Natatakot ka bang mahulog ako sa'yo?" tanong niya sa babae.Mabilis na umiling si Mia sa naging tanong niya. "Hindi… Hindi yan ang ibig kong sabihin. Isa pa bakit naman ako matatakot, hindi naman mangyayari yun hindi ba?”Tumango siya sa sinabi ng babae at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon."Naiintindihan ko naman… Naiintindihan ko kung hilingin mo kaagad ang makalaya mula sa akin. Isa pa walang gustong magpakasal sa isang paralisadong katulad ko. Kahit pa siguro mahal na mahal ko ang isang tao kung ganito naman ang kalagayan ko na hindi makalakad at palaging may nakaalalay—maiintindihan ko….Sa mundong ito, walang tunay na pag-ibig sa kagaya ko. Isa akong inutil.”Napakibit balikat siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Na may babaeng seseryoso sa kanya? "Ano ka ba! Huwag mong sabihin iyan! Kahit na niloko ka ni Gemma ay makakakilala ka ri
Huling Na-update: 2025-03-25
Chapter: CHAPTER 13: MIA'S SACRIFICE
Ngumiti si Mia ng mapait at tumango. "Oo! Ayokong kaawaan niya ako, Nicholas lalo na at alam niyang minahal ko si Alonzo."Hindi ka ba nasasaktan? Sasaluhin mo ang kasalanan ni Alonzo.”Kinagat ni Mia ang kanyang labi, ngumiti ng mapait bago tumingin sa malayo at nagsalita."Mas mabuti nang isang tao lang ang nasasaktan kaysa sa dalawa. Mas may sasakit pa ba sa ginawa ni Alonzo sa akin? Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang ako ang nagtaksil pero alam kong panandalian lamang ang galit na yun. Alam ko naman na mas gugustuhin niyang magpakasal ako sa taong mahal ko,” wika niyang pinunasan ang luhang tumulo. Nakatingin siya sa isang puting ulap sa labas ng bintana, parang nakatingin sa kanyang ama sa langit, at nilunok ang kanyang mga hinanakit. "Maganda ang relasyon nina Mama at Papa. Kahit mahirap lang kami, masaya sila. Nang mamatay si Papa, hindi nakalabas ng bahay si Mama ng matagal. Dinamdam niya ang pagkawala ni Papa. Nang mga panahong iyon, dinala ko si Alonzo sa baha
Huling Na-update: 2025-03-24
Maaari mong magustuhan
A Night with Gideon
A Night with Gideon
Romance · pariahrei
2.1M views
THE BEST MISTAKE
THE BEST MISTAKE
Romance · Yeiron Jee
1.6M views
His Secret Child (Tagalog)
His Secret Child (Tagalog)
Romance · Seera Mei
1.4M views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status