Napatitig siya kay Nicholas. Seryoso pa rin ang mukha nito. Mukhang hindi nga ito marunong ngumiti. Ang nakakapagtaka lamang ay wala itong sinabing masama kay Gemma samantalang niloko ito. "Ayos lang talaga ako," ani niya pa na kumawala mula sa malaking kamay na nakahawak sa kanya ngunit tila walang balak si Nicholas na pakawalan siya. "Miss, sumakay ka na sa sasakyan. Ang sugat mo ay nasa ulo at kung hindi ‘yan magamot ay baka kung mapano ka. Isa pa, dumudugo pa rin ‘yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao,” ani pa sa kanya ni Martinez na itinuro ang mga empleyadong paparating na upang pumasok. Hawak nito ang pintuan ng sasakyan. "Gusto mo ba ang agaw atensyon? Mukha kang katawa-tawa sa itsura mo. Umiiyak at may umaagos na dugo sa ulo. Nakakahiya----kaya pumasok ka na ng sasakyan,” ani pa ni Nicholas sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag. Iisipin niya pa ba ang dugo sa ulo niya samantalang mas sugatan naman yata ang puso niya? “Kung ayaw mo ay bahala ka, go! Umalis ka na para ma
Terakhir Diperbarui : 2025-03-19 Baca selengkapnya