"Mia,” ani pa ni Alonzo sa kanya sa kabilang linya pagkatapos nitong matigilan dahil sa kanyang sinabi. "Medyo pagod ako ngayon Alonzo. Kung wala kang sasabihing maganda ay ‘wag mo na lamang akong kausapin. Isa pa, ayaw na kitang kausap. Kung may pag-uusapan man tayo pag-usapan na lang natin pagpasok ko sa trabaho," wika niya pa dahil ayaw niya nang marinig pa ang boses ng nobyong manloloko. "Sige, magpahinga ka na. Tatawagan na lang kita sa ibang araw," wika pa ni Alonzo. Napansin niyang malungkot ang boses nito sa kabilang linya kung kaya't nagkibit balikat na lamang siya. Ang tulad ni Alonzo na magaling magbago ng kataksilan ay dapat lang na paghandaan niya. Ganun pa man ay hindi niya mapigilang ang malungkot. Pakiramdam niya kasi ay ito na ang huli na pag-uusap nila ng nobyo na labis niyang minahal. Malungkot na inalis ni Mia ang cellphone mula sa kanyang tainga. Bago pa man bumaba ang kanyang kamay ay biglang kinuha ni Nicholas ang cellphone niya na kanyang ikinagulat. Na
PINUKOL ni Mia ng masama ang salesman na nagbalot ng t-back na pinili nito. Hindi naman niya magawang tumanggi dahil baka isipin ni Nicholas ay ignorante siya sa t-back at kailanman ay hindi pa nakapagsuot. Ayaw niyang bigyan ito ng impresyon kung bakit siya iniwan ni Alonzo unlike rito na alam niya kung bakit ito iniwan ni Gemma.Tumutol man siya sa gusto ni Nicholas ay wala rin naman siyang magawa. Mapapahiya lamang siya kapag nakipagtalo pa. Pagkalabas nila mula sa seksyon ng underwear ay dinala siyang muli ni Nicholas sa seksyon ng sapatos at bag. Kung ano-anong bag at sapatos ang ibinili nito sa kanya. Nang matiyak nito na nabili na lahat ay saka pa lamang ito nagyaya na lumabas ng mall."Saan ka nakatira?" malamig na tanong ni Nicholas sa kanya matapos silang makapasok sa sasakyan."Ha?" tanong niyang sagot."Ihahatid kita pauwi.""Ahhmmm— sa Marikina,” sagot niya rito. Ang buong akala niya ay iuuwi na siya nito sa Villa nito. “Ituro mo nalang kay Martinez ang exact address ng
Ang sinabi ni Nicholas ay parang isang kulog na bigla na lang na bumagsak, lubos na ikinabigla ng lahat ang sinabi nito. Lahat ay sandaling natigilan na tila ba kailangan munang intindihin. Maging ang tunog ng kutsara ay tumigil sa nakakabiglang balita. "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga? Kasal ka na?" hindi makapaniwala si Mike sa narinig, imposibleng gawin ng kanyang panganay na anak ang magpakasal na hindi man lang sinabi sa kanila lalo na at alam nito kung gaano sila ka-excited sa nalalapit nitong pagpapakasal. Ang nakakapagtaka pa ay kalmado si Nicholas habang sinasabi sa kanila ang nakakagimbal na balita samantalang sila ay halos maghisterikal at halos tumigil ang paghinga."Kasal na ako kay Mia at ang kasal sa makalawa ay magaganap pa rin tulad ng nakaplano kaya wala kayong dapat na ikabahala dahil ikakasal pa rin ako at masasaksihan niyo 'yon—ang magbabago lamang ay ang babaeng pinakasalan ko," walang bahid ng emosyon ang mukha ni Nicholas, tila wala siyang pakialam sa naging r
DALA ng matinding galit ay mabilis na tumayo si Sandra at pinuntahan si Nicholas. "Tumayo ka diyan!" galit na sigaw niya. Nag-init ang ulo niya dahil sa mga sinabi nito. Hindi na siya makapaniwala sa ginawa ni Nicholas. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Nicholas at hinarangan ang daan nito, sabay turo sa kanya. "Nicholas!” sigaw niya pang galit na galit. Hindi niya kayang pigilan Ang kanyang emosyon ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay lalo lamang niyang pinagbibigyan si Nicholas. Kung dati ay napagtiyagaan niya pa ang pag-uugali nito ngayon ay hindi na. “Kung ganun ay tama nga ako sa mga hinala ko— tungkol sayo at kung bakit ganyan ka sa akin. Sa wakas ay nasabi mo na rin ang totoo! Pa, Mike!” tawag niya sa mag-ama…”Tingnan niyo! Ito ang anak niyong pinalaki! Ang tinatawag na bayani ng grupo? Ang pinakamakisig sa Madrigal. Ang ipinagmamalaki ninyo— pero anong klaseng kuya siya kay Alonzo. Hindi ka karapat-dapat!" sigaw niya pa.Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Nicholas, p
Mahigpit ang hawak ni Mike cellphone ng kanyang anak. Nanginginig na siya sa tensyon dahil sa mga nangyayari. Galit na galit siya sa kanyang nakikita ngayon. Nakatingin rin siya kay Nicholas na tila walang pakialam sa nangyayari. Ang panginginig ay ay lalo pang lumala dahil sa nakikita niyang galit nj Sandra sa anak. "Imposible! Imposible! Imposibleng kasal ka sa kanya. Anong klaseng laro ito Nicholas? Kapatid mo si Alonzo. Hindi mo dapat ito ginawa sa kapatid mo. Ano na lamang ang sasabihib ng pamilya ni Gemma. Wala kayong kahit anong relasyon ni Mia! Paano mo siya napapayag na pakasalan ka? May nangyari ba?” tanong niya sa anak sa malakas ba boses.“Hindi pa ba sapat ang nasa picture para hindi paniwalaan ang kawalang hiyaan ng iyong anak, Mike? Pinakasalan niya ang nobya ng kanyang kapatid!” sigaw ni Sandra. Naiintindihan niya naman ang galit ng kanyang asawa lalo na at ang inaasahan nilang ang magpapakasal ay si Alonzo at Mia pero ano ang nangyari ngayon? “Nicholas, sabihin mo
HINDI malaman ni Mia kung paano niya sasabihin sa kanyang ina ang lahat. Paano niya ba sasabihin? Sasabihin ba niya sa kanyang ina na dahil sa panloloko ni Alonzo kung kaya nagpakasal siya sa kuya nito? Baka himatayin ang kanyang ina. Isa pa sa ayaw niya—-ay ang kaawaan siya ng ina. Ayaw niyang masaktan ito dahil sa nangyari sa kanya.Hindi! Hindi kakayanin ng kanyang ina ang katotohanan!Sa loob ng maraming taon, ang kaligayahan ni Mia ang pinakamahalaga sa kanyang ina. Wala itong hinagad kundi ang maging masaya siya.Madalas sabihin ng kanyang ina na—-"Kapag kinasal ka na kay Alonzo ay makakapahinga na rin ang tatay mo sa langit." Iniisip ng kanyang ina na hindi siya maghihirap kapag si Alonzo ang kanyang naging asawa at higit sa lahat ay magiging masaya siya dahil ikakasal siya sa lalaking mahal niya.Pero ngayon……Hindi niya na alam kung paano. Nagsimba lamang siya at ngayon ay nakatayo lang si Mia sa harap ng kanilang bahay, at nag-alinlangan na pumasok. Pakiramdam niya ay nagkasa
Ngumiti si Mia ng mapait at tumango. "Oo! Ayokong kaawaan niya ako, Nicholas lalo na at alam niyang minahal ko si Alonzo."Hindi ka ba nasasaktan? Sasaluhin mo ang kasalanan ni Alonzo.”Kinagat ni Mia ang kanyang labi, ngumiti ng mapait bago tumingin sa malayo at nagsalita."Mas mabuti nang isang tao lang ang nasasaktan kaysa sa dalawa. Mas may sasakit pa ba sa ginawa ni Alonzo sa akin? Alam kong magagalit si Mama kapag nalaman niyang ako ang nagtaksil pero alam kong panandalian lamang ang galit na yun. Alam ko naman na mas gugustuhin niyang magpakasal ako sa taong mahal ko,” wika niyang pinunasan ang luhang tumulo. Nakatingin siya sa isang puting ulap sa labas ng bintana, parang nakatingin sa kanyang ama sa langit, at nilunok ang kanyang mga hinanakit. "Maganda ang relasyon nina Mama at Papa. Kahit mahirap lang kami, masaya sila. Nang mamatay si Papa, hindi nakalabas ng bahay si Mama ng matagal. Dinamdam niya ang pagkawala ni Papa. Nang mga panahong iyon, dinala ko si Alonzo sa baha
Seryoso ang mukha na tumingin si Nicholas kay Mia, matalim ang kanyang mga mata..."Natatakot ka ba? Natatakot ka bang mahulog ako sa'yo?" tanong niya sa babae.Mabilis na umiling si Mia sa naging tanong niya. "Hindi… Hindi yan ang ibig kong sabihin. Isa pa bakit naman ako matatakot, hindi naman mangyayari yun hindi ba?”Tumango siya sa sinabi ng babae at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon."Naiintindihan ko naman… Naiintindihan ko kung hilingin mo kaagad ang makalaya mula sa akin. Isa pa walang gustong magpakasal sa isang paralisadong katulad ko. Kahit pa siguro mahal na mahal ko ang isang tao kung ganito naman ang kalagayan ko na hindi makalakad at palaging may nakaalalay—maiintindihan ko….Sa mundong ito, walang tunay na pag-ibig sa kagaya ko. Isa akong inutil.”Napakibit balikat siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Na may babaeng seseryoso sa kanya? "Ano ka ba! Huwag mong sabihin iyan! Kahit na niloko ka ni Gemma ay makakakilala ka ri
KITANG-KITA ni Nicanor ang kanyang nagwawalang anak at manugang. Ang pagtatalo ng dalawa ay nakakadagdag pa tensyon ng paligid."Kayong dalawa pwede ba ay maupo muna kayo! Dumadagdag lamang kayo sa problema!” utos niya sa dalawa kung kaya sumunod naman ang mga ito. Batas ang bawat salita niya sa kanilang pamilya.Sumunod si Mike sa kanyan ngunit galit na tinitigan si Alonzo bago umupo. Ang kanyang mga mata ay nakatutok pa rin sa anak na nakaluhod sa sahig. Nang makita ni Sandra na umupo na ang kanyang asawa ay saka pa lamang ito nakahinga ng maluwag at sumunod na rin.Tiningnan niya ang kanyang mga anak at manugang, at pagkatapos ay tumingin sa kanyang apo na nakaluhod sa sahig. Muli siyang nag buntong-hininga."Anuman ang sabihin natin, ay nagkamali si Alonzo. Akala ko may pagkakataon pa tayong ituwid ang pagkakamali niya, pero dahil buntis na si Gemma, hindi natin dapat saktan ang bata sa pagwawasto ng pagkakamaling ito, dahil ang bata ay walang kasalanan. Ang magagawa na lang natin
"Ano ang sinabi mo?"tanong ng kanyang ama… Muli na namang sumabog sa galit ang kanyang ama sa galit dahil sa kanyang sinabi. Nagulat din si Sandra nang marinig ang sinabi ni Alonzo.. "Ibig mo bang sabihin ay buntis si Gemma at ikaw ang ama?" Mahinang tumango siya.. "Dalawang buwan na siyang nagdadalang-tao,” sagot niya sa ina. Napansin niya ang pagsilay sa mukha ng ina dahil sa kanyang sinabi. "Kung ganoon ay magkakaroon na ng apo si Papa. Hindi ba matagal na nating gusto magkaroon ng bata sa bahay na ito?” ani pa ng kanyang ina na pigil ang saya na nadarama dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang noon pa gusto magkaapo ng kanyang Lolo at hindi nila iyon maibigay kaagad. Nagulat pa siya nang sumigaw ang ama dahil sa sinabi ng kanyang ina. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Pwede ring magkaanak si Mia para kay Alonzo. Hindi niya nobya si Gemma, Sandra. Don't forget that… Ang bilis mong makalimot.” Nang marinig niya ang mga sinabi ng kanyang ama ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Ma
Natigilan siya sa sigaw ng kanyang ama. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.“Bumalik ka dito! Kinakausap kita!”sigaw ng kanyang ama. Lumingon siya upang tingnan ang ama. Tumayo naman ang kanyang ina at nakapamewang na tumingin sa kanyang ama. " Bakit kailangan mong sigawan si Alonzo? Wala siyang kasalanan dito. Siya ang biktima rito,” ani ng kanyang ama kung kaya kinabahan siya. Paano siya magiging biktima samantalang siya ang naging dahilan ng lahat. Alam niyang ang pagpapakasal ni Nicholas at Mia ay palabas lamang. “Kung gusto mong magalit kay Nicholas dapat! Si Nicholas ang may kasalanan, hindi si Alonzo. Kung kaya mo, hanapin mo si Nicholas!" sigaw ng kanyang ina na hindi nakapagpigil.Tumikhim siya at lumapit sa mga ito. Hindi niya malaman ang sasabihin."Ma, tama na po. Sasabihin ko na kung ano ang nangyari.. Ma, nagkamali po kayo,” wika niya sa ina kung kaya napatingin ito sa kanya.“Anong nagkamali? Mali na sisihin si Nicholas?”“Opo,” sagot niya napayuko. Hindi siya makat
“Kilala ko si Nicholas, Alonzo. Hindi siya basta-basta nagbabago ng pasya, at lalong hindi niya matatanggap ang pagiging isang talunan. Kahit na paralisado na siya, hindi siya basta-basta sumusuko; matigas ang ulo ni Nicholas."Kung talagang mahal ka ni Kuya, dapat maintindihan niya ang mga nangyayari. Hindi ka niya pwedeng itali sa sarili niya. Tama ka, paralisado na siya at wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin na may karapatan kang tumutol at hindi pumayag na ikasal sa kanya. Huwag kang mag-alala, Gemma, dahil buntis ka na, at buntis ka sa isang Madrigal—pero hindi sa kanya, kundi sa akin. Kahit na magpumilit pa siyang agawin ka sa akin, wala nang makakapigil pa dahil sigurado akong maiintindihan tayo ng aking mga magulang. Madrigal ang batang dinadala mo, at hangga’t nabubuhay ako, walang sinuman ang makaka-galaw sa’yo, baby."Alonzo!" Dahil sa narinig, niyakap siya ni Gemma. Alam niyang panatag na ang loob nito dahil sa sinabi niya. Muling humigpit ang yakap ni Gemma sa k